Chapter 16 - Chapter 15

"KINAKABAHAN ka ba?" siko ni Moo kay Alexa, ang natatanging lalaki sa batch nila.

"Medyo." Ilang beses na rin niyang nadouble check ang presentation kahit pagdating sa opisina kaya okay na siguro iyon. Wala naman na siyang nakitang maaring plotholes. Ready na rin ang kodigo niya sa mga possible question and answers.

"Guys, you may now head to the conference room. I-set-up n'yo na ang kailangang i-set-up doon. Arrange your seats according to the order I gave you," si Marinell.

"Sino kaya ang magpa-panel sa atin?" tanong ni Ginger, isa sa kasamahan nila.

"Si Madam Marinell din yata," sabi ni Moo.

"Kung si Ma'am Mari, at least bawas kaba," si Ginger ulit.

Magkasabay ang lima na pumunta ng conference room na nasa fifth floor.

"Ikaw ang mauuna, Ginger, 'di ba? Dito ka," sabi ni Moo na tinuro ang isang upuan.

"Tulungan mo 'ko mag-set-up, Moo."

'Pang-apat ako, malayo pa.' Tiningnan niya ang metal na relo na nasa kamay. '10 o'clock na, kung magtatagal ng isang oras ang isang presentation around 3 PM pa ang turn ko. Makaka-review pa ako nang kaunti.'

The first two presentations went well, direct ang mga tanong na binabato ni Marinell pero hindi naman nahirapan ang mga presentor na sagutin. Hindi naman toxic ang department manager nila, sana siya din masagot lahat ng tanong.

Everyone was given an hour for lunch break, then exactly 1 o'clock ay nag-resume na sa pangatlong presentor. Gaya ng naunang dalawa, it ended smoothly.

"Alexa, be ready,"saad ni Marinell.

"Yes, Ma'am," puno ng confidence niyang sagot.

Siniguro niyang ihanda ang listahan ng mga sagot sa posibleng tanong sa gilid ng laptop bago binuksan ang document.

Napalingon ang anim na tao sa loob ng conference room nang bumukas ang makapal pintuan. Nasorpresa ang lahat nang makitang humakbang papasok ang presidente ng kumpanya, mas lalo na si Alexa. Ang kanina na puno ng kumpiyansa niyang dibdib ay biglang nangamba.

Magpa-panel din ba ito? Bakit hindi sinabi sa kanila?

Nagsimula nang kabahan ang mahinahon niyang damdamin pero naisip niya ulit, 'Handa naman ako sa lahat ng pwedeng itanong. Siniguro ko nang maayos na walang maiiwang siwang sa business plan ko. Wala lang 'yan, Alexa. Baka nga mas may alam ka pa kaysa sa lalaking 'yan!'

"Good afternoon, Mister President, akala ko hindi ka na matutuloy," tanong ni Marinell na tumayo. Ang mga kasamahan naman niyang baguhan ay napatayo din at bumati sa bagong dating.

"I got occupied for a moment there, mabuti at nakahabol pa ako. Is this the last presentor?"

"No, Sir, she's the forth one." Hinila ni Marinell ang isang cusioned chair sa gilid at nilagay sa tabi nito.

"To the last two presentors, Mister President will be joining the panel."

Dinampot ni Alexa ang connector ng projector pero napansin niya na prominente ang munting paggalaw ng kamay niya lalo ng mga daliri.

Bakit siya nanginginig? Naibaba niya ang kamay saka binukas-sara para mawala ang panginginig. Nakahinga siya nang sa wakas ay maikabit na ang connector sa laptop.

Sunod niyang pinakialaman ay ang pagbukas ng document. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, halos huminto ang lumalakas na pintig ng kanyang puso nang lumabas ang maliit na kuwadradong larawan sa gitna ng screen. Napatitig siya nang maigi sa computer sa pag-aakalang namamalik-mata lang siya.

The file is corrupted and cannot be read!

'A-anong nangyari? No. No!'

"Huh?" Hindi nakaalpas sa pandinig ni Alexa ang reaction na iyon mula sa baritonong boses na nasa unahan, kahit hindi niya magawang iangat ang tingin na nakapagkit sa computer ay alam niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. That single word was full of disappointment.

Ramdam na ng babae na umakyat ang bigat ng dibdib niya sa bandang lalamunan at dahan-dahang nanlamig ang kanyang katawan.

'No, hindi puwedeng mangyari 'to! T-teka, teka lang. . .'

Sinara niya ang nag-popped-up na notification saka ni-restart ang computer, nang panahong iyon pa siya nagkaroon ng lakas na tumuwid ng tayo at tumingin sa grupo na nasa harapan. Dumapo agad ang mata niya sa lalaking naka-itim na amerikana, prenteng nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa at nakadekuwatro na animo'y hari. As usual, nakataas ang isang kilay nito at matamang nakatuon ang tingin sa kanya.

"My apologies for that, Ma'am, Sir."

Nang bumuhay ulit ang computer ay agad niyang binuksan ang file pero walang pagbabagong naganap. Corrupted talaga ang file niya.

Sunod niyang narinig ay ang pagbuga ng hangin ni Alvaro, dahil tahimik ang buong silid kaya ang lakas niyon sa pandinig ng lahat. Pati ang anyo ng mga kasamahan niya ay larawan ng kaba, pagkabahala at awa. . .para sa kanya.

"So, what now? Anong plano mong gawin d'yan?" tanong nito sa nakakabagot na tono. "Should we proceed to the last presentor, Miss Marinell?"

"Teka lang!" she blurted out. Kahit ang iba ay nabigla sa ginawa niya kaya napapahiya siyang yumuko. "Please. . .give me a chance."

"Paano kita bibigyan ng chance kung wala ka namang maipapakita?"

Doon naalala ni Alexa na may naka-save pala na copy sa desktop niya sa third floor noong nagri-review siya.

"May copy po ako sa opisina. Please, let me get the copy."

"Uhm. . .Mister President?" si Marinell na napatingin sa katabi.

"I am giving you five minutes to retrieve the file," saad nito sa malamig na boses.

"Five?" angal niya na mas ikinataas ng kilay nito.

Pinandilatan siya ni Marinell at sumenyas na magmadali na siya.

"S-sige po. Please, five minutes," saad niya na nagmamadaling lumabas ng silid.

Halos mangiyak-ngiyak si Alexa sa ginhawa nang makitang maayos ang file na naka-save sa desktop. Agad siyang kumuha ng copy niyon gamit ang usb at umakyat sa fifth floor. Hinihingal pa siya nang makarating sa conference room.

"You 're one minute late, Miss Monserrat."

"I'm sorry, Sir, ang elevator po kasi--"

"Excuses. You better give me an applausable presentation."

Nabuhayan siya ng pag-asa sa sinabi nito. Binibigyan siya nito ng chance na mag-present kahit pumalya na siya at na-late pa. Dapat hindi na siya magkamali ulit, babawi siya at ipapakita niya dito na deserving siyang manatili sa kompanya!