Chapter 17 - Chapter 16

"GOOD afternoon, Ma'am, Mister President. I am Alexa Monserrat and today I will be tackling--"

"Wait, stop there." Nabigla si Alexa sa biglang pagsalita ni Alvaro. "Is this the best way to start a presentation?"

Kahit ang mga kasama niya at si Marinell ay natigilan din. Nagkatinginan ang mga ito.

"Good afternoon, I'm this and that. Today, I'll be talking about this. Absolutely not!" sabi nito na ikinampay-kampay ang kamay na nakapatong sa lamesa. Bahagyang nakatagilid ang katawan nito sa pagkakaupo. "Don't you think it's too cliched? You are answering a wrong question with that introduction. You are answering the 'what' question. I am not after for the 'what' but for the 'why'. Why were you given the chance to stand there and take our precious time? Dapat sa umpisa pa lang ay malinaw na ang purpose kung bakit mo ginagawa ang presentation na iyan. Why is it important? Why do you deserve to be heard? Do you get my point. . . Miss Monserrat?"

Naninigas ang mga panga ni Alexa at pasimpleng pinuno ng hangin ang dibdib bago nagsabi, "Yes, Sir."

"Okay, again."

"Once again, good afternoon, everyone. I am Alexa Monserrat and today, I am going to show to you how to do an effective business plan and how high will be the probability rate of business success if this strategic tool is achieved."

Nagtuloy-tuloy ang presentasyon ni Alexa pagkatapos ng pambabara nito sa introduction niya. Habang tinatalakay ni Alexa ang mga nilalaman ng slides ay hindi niya maiwasang kabahan, lalo sa tuwing nililipat iyon. Mabuti na lang at hindi nito pinuna ang kodigo niyang hawak dahil hindi niya sigurado kung kaya niyang tandaan ang lahat ng sasabihin kapag walang listahan.

Pagkatapos ng halos isang oras ay natapos din niya ang ginagawa.

"Proper implementation of this comprehensive business plan would ensure a feasible penetration to prospect investors." A taste of relief filled Alexa's chest. Sa wakas ay natapos na ang presentation niya. "That ends my presentation."

"Done? Where's the graphs? The diagrams?"

Natigilan siya at nabura ang ngiting kanina ay nakapaskil sa mukha. "...there's none, Sir."

"Why?"

"I—just thought there's no need to present one."

"Why?" tanong ulit nito na itinaas ang isang kilay.

Wala nang maisagot si Alexa dahil sa pagkakaalam niya ay hindi naman talaga necessary na gumawa ng graphs and diagrams kapag business plan. May spreadsheets naman na siyang pinakita. Nag-init na naman ang pisngi niya sa lantarang pangbabara nito. She wonders kung namumula ba ang mukha niya ngayon.

"Graphs and diagrams may not be necessary for a business plan, but placing some of these makes the presentation easy to understand. In just one look, maiintindihan ko ang differences ng mga figures na nilagay ninyo sa spreadsheet. However, the number of graphs and charts used in business plans should only reflect important points or your presentation would look trashy. Business plan is only an assumption, but don't take it lightly. Dito nakasalalay kung makukuha ba ninyo ang approval ng investor. This is your weapon. No one will suceed with a mindset of excessive or insufficient anticipation. Am I making myself clear?"

"Yes, Sir," everyone chorused.

"Alright, who's the next presentor?"

Napabuga ng hangin si Alexa nang sa wakas ay tinantanan na siya ng damuhong presidente. Pagkatapos siyang bali-baliktarin nito, mukhang na-drained yata ang confidence niya.

"Miss Goran, start the set-up now," si Marinell.

"Yes, ma'am."

And the last presentor began. Binato rin ng mga follow-up questions ang huli pero ang lahat ay puro tungkol sa business plan at sa totoo lang, ang daling sagutan.

Mukhang siya lang yata talaga ang punterya ng damuhong presidente. Namimersonal, how unprofessional!

Sa iniisip ay biglang nauhaw si Alexa kaya tumayo siya at lumapit sa water dispenser na nasa gilid. Hindi sanay ang tiyan niya sa malamig na inumin kaya pagkatapos mangalahati ang baso ng malamig na tubig ay hinahaluan niya ng kaunting mainit.

The sound of the dripping water into the cup suddenly brings back memories in her. Tila naririnig na naman niya ang lagaslas ng tubig sa batis kung saan malimit silang nagtatagpo ni Diego. Ang tubig na kasinglinaw ng isang makintab na salamin kasama ang luntiang paligid ang saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan.

"Miss Monserrat!"

Napaigtad si Alexa sa malakas na pagtawag sa kanyang pangalan. Nabitiwan niya tuloy ang hawak na baso na halos puno na pala. Kumalat sa sahig ang tubig at nabasa pa ang sapatos niya.

"I-I'm sorry. . ." sabi niya na napayuko. "Tatawag lang ako ng cleaner, excuse me."

Mabuti na lang at hindi purong mainit na tubig ang nabuhos sa kamay niya kundi lapnos ang balat niya. Kapag nagkataon, mahihirapan siyang magtrabaho.

Napa-iling si Alexa habang binabagtas ang daan patungo sa lamesa kung saan may telepono.

Sino nga palang tumawag sa pangalan niya? Hindi niya masyadong napansin ang boses dahil sinakop na naman ng alaalang iyon ang buo niyang gunita.

Napahilot sa sintido si Alexa bago kinuha ang awditibo ng telepono at nagdial.

"Okay ka lang?" tanong ni Moo sa kanya. Nakalabas na sila ng conference room dahil natapos na ang last presentor. Papunta sila sa elevator para makabalik na sa third floor.

"Hmn, okay lang ako."

"Namumutla ka kasi kanina," saad ng lalaki na kakitaan ng pag-aalala.

"Really?" Ito siguro ang tumawag sa kanya kanina.

"Uh-huh, akina 'yang laptop mo." Hindi na nakaangal si Alexa nang agawin nito ang laptop sa kamay niya. "Ang galing ng presentation mo kanina."

"Nagbibiro ka ba?"

"'Di nga, maganda ang pagkalahad mo ng mga data. Ang daling intindihin."

"Well. . .thank you?" saad niya na hindi alam kung ngingiti o hindi, tuloy ngiwi ang nabitawan.

Tumawa si Moo at bahagyang tinapik ang likod niya.

"Cheer-up! At least ngayon makakatulog na tayo nang maaga."

"Yeah. . ."

Nalaman ni Alexa na nakasunod pala si Alvaro sa likod nila nang makita niya ito pagkapasok sa elevator. Huminto ito sa harap ng kabilang elevator at pinindot ang buton. Hindi maiwasan ni Alexa makaramdam ng pagkaasiwa dahil pansin niya ang pagtitig nito sa kanila ni Moo.

Baka ano na naman ang isipin ng lalaking ito. Napakarumi pa naman mag-isip, palibhasa pangit ang ugali. Mean wealthy people.