MABIBIGAT ang malalaking hakbang ni Alvaro patungo sa third floor. Ang mga empleyadong nadadaanan niya ay nangingilag sa hitsurang suot niya nang panahong iyon. Nang nalaman niya na nakabalik na si Alexa mula sa two days nitong leave ay hindi siya nagdalawang-isip. Pupuntahan niya ito para sa isang malaking komprontasyon.
Pagkabukas ng elevator ng third floor ay nahagip niya ang sadya malapit sa photocopy machine.
"Miss Monserrat," tawag niya dito sa nagngangalit na ngipin.
"Sir?"
"Sumunod ka sa akin," saad niya na tumalikod kaagad.
Naguguluhan man sa bigla niyang pagtawag ay sumunod pa rin ito. Dahil iniiwasan niyang marinig sila ng ibang empleyado kaya binuksan niya ang exit door at lumabas doon. Ilang segundo lang ay kita na niya ang bulto ng babae.
Agad niyang hinablot ang braso nito at idinikit sa pader.
"Saan ka nagpunta nang dalawang araw? Magkasama ba kayo ng chairman?"
Halos magkayakap ang mga kilay ng babae habang nakaawang ang bibig. Bahagya itong napangiwi sa sakit sanhi ng pagdiin ng kanyang mga daliri sa balat nito.
"S-sir, ano'ng pinagsasasabi n'yo?" tanong nito habang binabawi ang braso pero nunca'ng bibitawan niya.
"I know you were with him for two days! Akala mo hindi ko mapapansin dahil magkaiba ang bilang ng araw ng pagkawala ninyo? Are you taking me for a fool?"
"Hindi kami magkasama, Sir--aray!"
"Hindi ba talaga kayo titigil, ha? Garapalan ang panlolokong ginagawa ninyo sa pamilya ko! I warned you, Miss Monserrat. I warned you!" Halos mabasag na ang panga niya sa pagkakadiin ng mga ngipin.
"Wala akong alam sa--"
"Ano bang habol mo sa ama ko para huwag tumigil sa kahayupang iyan? Pera? Pera lang ba?" Ngayon ay ang magkabilang braso na nito ang mariin niyang hinawakan. "I possess whatever he has, Miss Monserrat, so why don't you hook with me instead?"
Nanlaki ang mga mata ni Alexa. Tiningnan siya nito na tila nasasaktan ito sa kasuklam-suklam na sinabi niya.
Napahalakhak si Alvaro nang itulak siya ng babae sa dibdib.
"Playing clean, huh?" he said and grabbed Alexa's cheeks. "Don't tell me you never dreamed of fucking a good catch like me."
"Bitiwan mo 'ko!"
"You bitch!" Ramdam niyang sandaling natigilan ang babae nang siilin niya ang labi nito ng halik. It was a kiss with zero passion. It meant to inflict pain and punishment.
Pagkatapos magbalik sa huwisyo ay gumalaw ang malayang kamay ng babae para itulak ang balikat niya. A struggling moan echoed around the dim exit area.
Alvaro caught Alexa's battling hand and locked it both with his own. He pushed her against the wall and yanked her hair down. Napatingala ito kaya mas madali sa kanya para ipagpatuloy ang nasimulan.
Sa kabila ng galit na nadarama, hindi niya mapigilan na mapansin ang malambot nitong mga labi. Sa isang hagip lang ng ngipin niya ay siguradong mapupunit na ang mga iyon. Why does every edges of those lips felt so familiar to him? Kailan lang naman niya nakilala ito at lalong ngayon niya lang natikman ang halik nito. It molded so perfectly against his, as if a missing piece of a jigsaw puzzle.
Sa isiping iyon ay nag-iba ang galaw ni Alvaro. Ang kanina na puno ng pagkasuklam ay unti-unting bumagal, nawala ang kagaspangan. Marahil dahil doon ay nadala na rin ang babae kaya huminto sa panlalaban. Gumaganti na rin ito ng kasing-alab na halik. He could even hear her faint moans.
Bahagyang lamang naglayo ang mga labi nila para sumagap ng hangin saka pinagpatuloy muli ang sayaw ng mga labi.
Binitiwan na rin ng lalaki ang mga kamay ni Alexa saka kinulong ang mukha nito sa mga palad.
His heart clenched for an overwhelming desire. . . no, longing. Longing for what? Ah, who cares what he really feels? Ang gusto niya lang gawin ay maangkin ang babaeng ito.
"Miss Monserrat. . ." he whispered as he shifted his hungry mouth to her ear. He gave her soft cold lobe a gentle bite.
Ang mahinang ungol na kumawala sa lalamunan ng babae ay mas naghatid ng kakaibang pakiramdam sa tiyan ni Alvaro, pababa hanggang sa gitna ng kanyang hita.
"I want you. . ."
"Diego. . ."
Tila lulong sa panaginip, biglang nagbalik ang diwa ni Avaro nang marinig ang pangalan na iyon. He pushed Alexa and stared at her eyes.
"Who's Diego? Binabanggit mo pa rin ang pangalang 'yan kahit ako ang kasama mo!"
Tila naguguluhan pa rin ang babae nang magtanong siya.
"Is he one of your moneymen?"
"No. . ."
"Fuck! You're hopeless. You better get out of my company or I'll drag you to the depth of hell," he said while giving her forehead a hard poke. Pagkatapos ay iniwan ang babae na hindi pa rin nakahuma.
Maga ang mga mata ni Alexa na bumalik sa desk. Hindi pa siya nainsulto nang ganoon katindi sa buong buhay. Ang masama pa niyon ay walang katotohanan ang mga paratang na binato nito sa kanya. Kung sana nag-imbestiga muna ang presidente kung ano ang totoong ginawa niya sa dalawang araw niyang pagliban, sana hindi umabot sa insulto at harassment ang lahat. Kung binigyan lang siya nito ng tsansang magpaliwanag, sana nalaman nito na nagpunta siya sa isang psychologist para gamutin ang matagal na niyang iniindang depression.
Pinunasan ni Alexa ang mga luhang muli ay bumitaw sa kanyang mga mata.
Paano kung totoong paalisin na siya sa trabaho? Ano na lang ang gagawin niya? Paano na ang pamilya niya?
'Diego, bakit ganito? Bakit ka naging ganito?'
"Alexa." Napalingon si Alexa sa tawag ni Marinell. "The HR head wants you in her office, now," saad nito. Base sa anyo ng babae ay nakikinita na niya kung ano ang mangyayari.
***
It was a two weeks after he managed to finally ditch Alexa Monserrat from the company. Kahit na matigas siyang pinigilan ng ama ay hindi siya nagpatinag. Binantaan pa niya ang matanda na kung makikialam sa desisyon niya ay hindi niya ito kakantiin. Now, he's inside his parent's house visiting her mom.
"Hi, Mom!" nakangiti niyang sabi nang makapasok sa kuwarto. Nakatayo ito sa veranda at nakatanaw sa labas. "Hmn? You look radiant and more beautiful. Something nice happened?"
"Alvaro, not nice, but wonderful!" sagot ng ginang.
"Ang what is that?"
"Ang daddy mo, sinorpresa lang naman ako." Napaangat ang mga kilay niya. "He bought a farm in Quezon, at sabi niya doon na daw kami maninirahan kapag nakapagretiro na siya. Kaya pala lagi siyang umaalis. Para asikasuhin ang lupa. Napakasaya ko, Alvaro. Ito ang pangarap niya, namin, noon pa."
"What? A farm?"
"Yes."
"Doon siya pumunta last two weeks??"
"Yes."
Alvaro was quite taken aback. Hindi niya inasahang iyon ang magiging tunay na rason sa madalas na pagkawala ng ama. Kung ganoon, bakit hindi nito sinasabi sa kanya? At humantong pa sa kanilang pag-aalitan. Dahil lang ba sa kagustuhang ma-surprise ang mommy niya?
No. Hindi pa rin iyon sapat na patunay na walang kalaguyo ang ama niya. Paano na lang iyong nadatnan niyang eksena sa office nito kasama si Alexa?
"I'm happy that you're happy, Mom. Limang buwan na lang at magre-resign na si Dad. Makakalipat na kayo sa farm," aniyang hinagkan sa noo ang ina.
"Panahon na rin Alvaro para mag-settle down ka."
Alvaro twisted his lips in a lazy smile.
At para sa police report. Isang lalaki na nagngangalang Marsiso Dimno--edad trenta y siyete--ang nadatnang patay sa sarili nitong bahay kahapon ng hapon.
Naagaw ang atensiyon ni Alvaro sa TV. Ngayon lang niya napansin na nakabukas pala iyon.
Napag-alamang nakipag-away ito sa bayaw bago nangyari ang insidente. Ayon sa pagsusuri ng pulisya, ang kinamatay ng biktima ay ang malaking laslas na natagpuan sa leeg nito.
Napakunot ang noo niya sa narinig.
Laslas sa leeg nito.
Sa leeg nito.
Natigilan siya nang nagpaulit-ulit iyon sa kanyang pandinig. Tila may malaking boses na bumubulong sa kanya ng mga salitang iyon. Ayaw nitong tumigil hanggang sa naghatid na iyon ng panginginig sa kanyang katawan. Mariing itinabon ni Alvaro ang mga kamay sa tainga.
Laslas sa leeg nito.
"Stop! Stop it!"
"Alvaro? A-anong nangyayari sa 'yo?" tanong ng ina.
"Tumigil ka!" Napaluhod siya sa sahig nang biglang umikot ang paligid. He gasped when a sudden surge of energy suctioned him to a world he had never seen before.