"I feel wonderful, because I see the love light in your eyes!" bungad ni Alvaro sa pintuan ng malawak na kuwarto. Nilapitan niya sa babaeng nakaupo sa kama na may malumanay na ngiti at inabot dito ang isang tangkay ng long stemmed rose. Puno ng pagmamahal niyang hinagkan ang noo nito bago nagtanong, "How are you, Mom?"
"I'm good, Alvaro. Mambobola ka talaga. Saan mo ba namana iyan? Hindi naman sweet talker ang daddy mo."
"There's a realm called internet, nowadays, Mom," saad niyang nakangiti at tumabi sa ina. "Nanghihina ka pa rin ba?"
"Hindi naman. Pagkatapos lang ng dialysis session, pero normal reaction daw 'yon sabi ng doctor. Bakit ka nga pala bumisita ngayon?"
Alvaro raised his brows, acted hurt by the woman's question. "Pinagbabawalan mo ba akong bisitahin ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko?"
Napatawa naman ang ginang. "Nagtatanong lang naman. Para lang may mapag-usapan."
"Hmn, I just want to tell you how I missed you."
"Mabuti ako, Alvaro, kaya huwag kang mag-alala. Nagsasabi naman ako kapag may dinaramdam ako, hindi ba?"
"Sabagay. . .Where's Dad?"
"Oh, nandito 'yon kanina, e, pero umalis. May aasikasuhin daw."
"Is that so? Kung ganoon, I'll be staying here until he returns."
"Alright, hilutin mo nalang ang mga paa ko."
"Certainly, Madam," saad niya na bahagyang yumuko.
Makalipas ang limang oras ay dumating si Philip. Si Alvaro na narinig ang boses ng ama na kinakausap ang kasambahay ay napatayo mula sa silya at lumabas ng kusina.
"Hi, Dad." Naabutan niya ang bagong dating sa sala.
"Alvaro," sambit nito na tila nagulat nang makita siya. "You're here."
"Yes, I am here. Mukhang matagal-tagal kang nawala sa bahay."
"Oh, yes, may nilakad lang ako."
"Yeah, I heard. . .With whom?"
"Huh?"
"With the Monserrat woman?" tanong niya habang bahagyang nakataas ang isang kilay. Matamang binabantayan ang magiging reaction ng ama.
"What are you saying, Alvaro? Pinaghihinalaan mo pa rin ba ako hanggang ngayon? We already talked about it."
"I was just asking a simple question, Dad. No reason to fret."
"Kung ano man iyang iniisip mo, sasabihin ko sa iyong walang katotohanan iyan."
"Kahit pamanmanan mo pa ang mga galaw ko."
"I am going crack the egg by myself, Dad and I'll make sure to punish whoever's involved," Alvaro said with squinted eyes.
Humakbang si Philip palapit sa kanya at nagsalita, "Don't you dare do something stupid with that woman, Alvaro," saad nito sa mahinang boses pero may banta ang tono. Mas lalong nag-init ang ulo ni Alvaro sa narimig at napatiim-bagang.
"Ngayon pa lang ay nahuhuli na kita sa sarili mong bibig, Dad. Isa lang ang sisiguraduhin ko sa iyo. Kung sasaktan mo si Mommy, hindi mo makikilala ang nag-iisa mong anak."
Nakakuyom ang kamao na tinalikuran niya si Philip at lumabas na ng bahay. Ang huli naman ay napabuntong-hininga bago tinungo ang kuwarto kung saan naghihintay ang asawa.
***
"Weng, naisalang ko na ang kawali. Ready na ba ang karne?" Si Alexa ang nakatokang magluto nang araw na iyon dahil restday niya.
"Teka, malapit na 'to."
Magluluto siya ng beef afritada kasi natakam siya sa nakitang ulam sa facebook.
"Dalian mo, igigisa ko na tong bawang at sibuyas," aniyang dinampot ang bowl na nasa gilid ni Weng. Napadapo ang tingin niya sa karneng kasalukuyang hinihiwa ng roommate. Hindi maintindihan ni Alexa kung bakit hindi niya matanggal ang pagkakatitig doon. Ang suwabeng pagdiin at ang pagkahiwa ng laman ng karne sa tuwing gumagalaw ang kamay ni Weng. Parang naririnig ni Alexa ang bawat pagpunit ng hibla niyon at nararamdaman ang nakakaputol-hiningang sakit sanhi ng matalas na metal.
"Alex, ang kawali nangangamoy na," sabi ni Weng, hindi tinatapunan ng tingin ang kaibigan at walang tigil parin sa paghiwa.
Si Alexa ay nanatiling nakatitig sa karneng nakapatong sa chopping board. May unti-unting imahe na bumubuo sa isip niya. Sa simula ay walang partikular na hugis, hanggang sa nagkakulay nga pero malabo parin. May naririnig siyang mga taong nag-uusap, at isang matinis na boses. May sinisigaw ito.
"...go!"
Habang dahan-dahang naging malinaw ang imahe sa isip ni Alexa ay unti-unti ring nanlaki ang kanyang mga mata. Kasabay noon ay ang pagbuo ng mga salita na binibigkas ng mga tauhan.
"Patawad, senior."
"Diego! Tulungan n'yo siya! Please!"
Ang karneng hawak ngayon ni Weng ay nag-anyong lalaki na may mahabang itim na buhok. Nagkulay pula ang buong katawan dahil sa dugong tumatalsik mula sa leeg nito.
"No. . ." marin niyang iling.
"Huh?" Sa sandaling iyon ay napatingala si Weng mula sa ginagawa at napasigaw, "Alex! Ang kawali!" sabay turo sa umaapoy nang kawali.
Ngunit wari ay walang narinig ni Alexa. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa karne habang sinasabunot ang sariling buhok.
"Hindi! Huwag! Diego! . .Please, tulungan n'yo siya!" nanginginig ang katawan na tila nakakita ng taong pinatay. Pati si Weng ay nanayo ang balahibo sa naririnig na tili ng kasama.
Agad na tumayo ni Weng para patayin ang stove dahil nilukob na ng apoy ang buong kawali saka inilabas ang iyon sa bahay, pagkatapos ay binalingan si Alexa.
"Alexa! Alexa! Anong nangyari sayo?"
Ramdam ni Weng ang panginginig ng kalamnan ng babae. Ang mata nitong puno ng takot at pagkagimbal ay walang matinong direksyon. Niyakap nito ang babae saka pinaupo malapit sa mesa.
"Alexa. . . tumigil ka na!" Nang hindi pa rin nahimasmasan ang kasama ay kumuha si Weng ng malamig na tubig mula sa ref at ibinuhos sa ulo ni Alexa. Noon biglang natigilan ito saka tumingala sa kasama.
"Alex, okay ka na?"
"...Weng?"
"Anong nagyari sa 'yo?"
Nagsimula nang umiyak si Alexa at ang iyak na iyon ay nauwi sa hagulhol.
"Nanaginip ka ng ganyan ka-morbid?" tanong ni Weng pagkatapos niyang ikuwento ang lahat. Hindi na natuloy ang afritada at bumili na lamang sila ng ulam sa karenderya. "At ang singsing na iyan, bigay mo kamo ni Diego?" Tumango siya. "Kaya pala nagtanong ka noon kung suot mo na ba 'yan noon pa."
Pinahid ulit ni Alexa ang luhang hindi niya mapigilang dumaloy sa pisngi.
"Alam mo, Alex. . .nanayo ang balahibo ko sa reaksiyon mo kanina. Nakakatakot ang takot na nakita ko sa mukha mo. What if. . .magpa-checkup ka sa doctor?"
"Hindi ako baliw, Weng."
"Alam ko. Ikaw naman. Para lang mawala na iyang mga gumugulo sa isip mo. Sabi mo ilang beses nang nagpabalik-balik ang panaginip sa iyon lalo na sa morbid na part. Then ngayon, nagkaganyan ka. Mahirap kaya 'yan sa part mo. Para peace of mind nalang din."
"May panahon naman na okay ang tulog ko, at ngayon lang 'to nangyari. Lilipas din 'to."
Napahugot ng malalim na hininga si Weng saka napabuga. "Ikaw bahala."