Chapter 14 - Chapter 13

NAPAHIGPIT ang pagkuyom ng kamao ni Alexa at nagngangalit ang ngipin niya sa asar. Kung wala lang siya sa loob ng masikip na FX ay kanina pa siya nagtititili sa inis sa nangyari sa opisina.

Bawal ba ang mag-overtime? Kailangan pala ng permission galing sa superior kung gustong umuwi ng late? Hindi naman niya alam, e. Sukat ba namang ipahiya siya. Kinuwentahan ng kuryente at wifi. Kahit na sabihing wala namang ibang nakarinig, napahiya pa rin siya nang todo.

Bakit kasi nasira pa ang charger ng laptop niya? Tuloy kailangan niyang makigamit sa pag-aari ng kompanya. Kailangan naman niyang magtipid kaya ayaw niyang magbayad sa internet café.

Why is he so rude and mean? Akala niya ba 'ang bait' ng presidente? Dahil ba pinaghihinalaan pa rin siya nito na may relasyon kay Don Pablo?

Napahagod si Alexa sa lalamunan pagkatapos biglang humilab ang tiyan sa isiping iyon. The chairman was once her father, for pete's sake!

Ibinaba ng babae ang kamay at ipinatong sa itaas ng bag na nakalapag sa hita. Nanumbalik na naman sa isip niya ang nakaraan nila ni Diego. Si President Alvaro Martin ba at si Diego ay iisa? Hinding-hindi magagawa ni Diego ang ginawa ni Alvaro sa kanya. They're just two opposite poles. Parang Kinder Joy lang na magkamukha ang packaging pero kapag binuksan, magka-iba ang lamang laruan.

Napatitig na naman si Alexa sa singsing na nasa daliri. Iyon lang ang naiwang alaala ni Diego sa kanya, pero pinagkait pa rin ng tadhana ang storya sa likod ng singsing na iyon.

Naramdaman na naman ni Alexa ang pagsikip ng kanyang dibdib sa naisip. Oh, how she missed Diego, pero mas lalong nagpabiyak sa puso niya ay ang kaalamang malabo nang magkatotoo ang pagmamahalan nila.

Malakas ang bagsak ng ulan sa labas ng sasakyan. Kahit na parang sardinas ang mga pasahero sa loob, ramdam ni Alexa ang lamig na dulot ng AC na nakatapat sa kanya. Napagitnaan kasi siya ng apat pang pasahero.  Ang lamig na lumibot sa loob ng kotse ay nagtulak kay Alexa para ipikit ang mga mata at magpadala sa hila ng pagod.

Ang malumanay na tunog ng umaagos na tubig sa batis ay nagpapakalma sa dibdib ni Alessandra na ginugulo ng samu't-saring emosyon. Ang huni ng ibon na nakatago sa malalagong sanga ng punong-kahoy na nagkalat sa paligid ay tila awit na sumasabay sa bawat salitang binibigkas ni Diego na kay sarap sa pandinig. Ang ihip ng hangin na nilalaro ang mahaba niyang alon-alon na buhok at ang malamlam na sinag ng araw na sumisilip sa siwang ng mga dahon para tamaan ang gwapong mukha ng kasintahan na binabalutan ng purong pagmamahal.

"Bigay ito ni Mama, engagement ring niya noon. Ang sabi ng Mama ay ibigay ko daw  sa babeng iibigin ko hanggang sa kamatayan. . .at wala akong ibang naisip, Alessandra kundi ang maamo mong mukha."

Pagkatapos niyang pinagsawaang titigan ang kumikinang na bato ay tiningala ni Alessandra ang lalaki.

"Diego. . . Mahal na mahal kita. . ."

Napadilat ang mabigat na talukap  ni Alexa nang maramdaman ang malakas pag-uga. Madilim, masikip at malamig. Nasa loob siya ng kotse, katabi ng mga taong hindi  niya kilala. Sa maikling sandali at natatakpan na ng makapal na likido ang mga mata ni Alexa.

Panaginip na naman.

'Diego. . .'

Nagpadala na si Alexa nang malaglag ang luha sa kanyang mata. Napayuko siya at hinayaang dumaloy iyon sa pisngi. Itinakip ang kamay sa bibig dahil nagbabadyang umalpas ang hikbi. Ramdam niya ang nagtatakang tingin ng mga tao sa paligid pero hindi na niya iyon inisip.

***

Kinabukasan ay siniguro ni Alexa na humingi ng permiso kay Marinell para payagan siyang mag-overtime.

"Sure! No issue, you are free to use our resources inside the office, as long as it's work related," saad nitong nakangiti.

"Thanks, ma'am!"

"No biggie, Alexa."

Iyon ang sabi ng department manager nila, kaya walang mintis, nag-overtime na naman siya. Pero maagang nag-give up ang mga mata niya at bumigat kaya alas sais bente-singko palang ay naglikom na ang babae.

Nakahinga siya nang pagbukas ng elevator ay walang laman iyon. Anxious siya na baka makita na naman niya ang presidenteng maasim ang ugali.

Pagkalabas ng elevator ay kagyat na napahinto sa paghakbang si Alexa para dukutin ang coin purse sa bag para maghanda ng pamasahe sa jeep. Napalingon siya nang marinig ang pagtunog ng kabilang elevator, ang katabi ng sinakyan niya. Mula roon ay iniluwa ang taong pinakadadasal  niyang huwag makita nang araw na iyon.

"You're still here?" anito na napahinto rin pagkalabas ng elevator, nakataas ang isang makapal na kilay. Mas magaling yata magpataas ng kilay ang lalaking 'to kaysa sa kanya.

"Good evening, Sir," sabi niya sa mahinang boses sabay pasimpleng irap.

"It seems that my words yesterday weren't clear enough for an employee. . .rather, you might be suffering from memory loss?"

Tumaginting ang sinabi nito sa pandinig ni Alexa kaya napalingon siya dito gamit ang matalim na tingin. Mukhang hindi rin nito inasahan ang ginawa niya kaya napataas ang mga kilay.

"Ako? Memory loss? Baka ikaw! With all due respect, Sir, humingi po ako ng permission sa department manager para mag-overtime ngayon."

Namulsa ito. "Who's that department head you are talking about?" pagkatapos ay sabi na nakataas ang noo at tumikwas na naman ang isang kilay. Dahil matangkad ito--na matangkad talaga kaysa sa kanya—halos sumayad na tuloy sa lupa ang iris nito para titigan siya.

Siya naman ay nakatingala na parang duwende. "Miss Marinell Filar, Sir."

"And who are you speaking to right now?"

Nanlaki ang mga mata ni Alexa, hindi makapaniwala sa inasal ng amo.

"It's quite evident that you precisely know who I am. A 'no' is a 'no', and the president of the company--which is obviously me—is telling you," sabi nito na bahagya pang dumukwang sa harap niya.

Uminit na ang mga tainga ng babae sa inis ng pagpapahiya ng lalaki sa kanya. Kung hindi lang niya iniingatan ang trabaho ay matagal na niyang hinampas ulit ng folder ang mukha nito.

Nag-reflect na siya sa ginawa niya noong nakaraan, e, at pinangako niyang huwag nang uulitin kaya ngayon ay matindi ang pagpipigil niya.

"I. . .am. . .sorry, Sir," tiim-bagang na sabi niya. Hirap umalpas ang mga salitang iyon sa lalamunan ni Alexa.

"I hope this time, it's clearer."

Umikot si Alvaro para talikuran na ang babae pero natigil nang tawagin ulit siya.

"T-teka lang, po, Sir. Puwede po ba kayong makausap? Kahit. . .sandali lang?"

Bahagyang kumunot ang espasyo ng mga kilay niya sa narinig.

Ano ang sadya nito sa kanya? Work related? magrereklamo ba ito sa treatment na binibigay niya dito? Posible, kung ang pagbabasehan ay ang bold nitong karakter. Just what is she scheming?

Dahil napukaw ang interes niya kaya pinagala niya ang paningin sa labas ng building. Nahagip ng kanyang mga mata ang isang 'di kalakihang puwesto na may tatlong malalaking payong sa labas, sa ilalim ng mga payong ay bilog na mesa at upuan.

"Let's go," aniya at nagpatiunang naglakad.

It was a coffe shop, a decent one at kaunti lang ang customers kaya magandang lugar iyon para sa isang seryosong confrontation.

He definitely needs to have a comprehensive talk with the woman at liwanagin ang lahat kasi naging magulo ang huli nilang paghaharap.

"Good evening, Ma'am, Sir! Ito po ang menu natin, Sir," saad ng waitress sa high pitch na boses. Ang may pagka-singkit nitong mata ay naging isang linya nang ngumiti. Naka-tilt ang katawan na halatang si Alvaro lang ang gustong batiin.

"Order anything you want," bigkas ni Alvaro habang tinitingnan ang menu.

"Mmm, green tea, Miss."

"How about pastries, Ma'am? Masasarap po ang cakes natin dito."

"No, okay na ang tea."

"And yours, Sir?" humarap ulit ang waitress sa kanya.

"Double espresso, please. Just leave the menu."

Inulit ng waitress ang lista ng in-order nila saka nagpaalam na para ihanda iyon.

An unknown amount of awkward moment have past bago nagsalita si Alexa. "President Martin. . ." Looking at the woman's fidgeting hands and uneasy glances , Alvaro could tell that the latter is quite tensed. "May kilala ka bang, Juan Diego Velez?"

'Velez? Hmn, that name sounds familiar. Saan ko ba narinig ang apelyidong 'yon?'

Ang mukha ng babae habang naghihintay ng sagot ni Alvaro ay larawan ng pag-aasam. Kamukha ito ng taong naghihintay ng result ng contest. Eyes quite wide at nakatutok sa kanya pero ang mga kilay ay nakababa showing an anxious look.

"No."

Parang nabagsakan ng hollow block ang damdamin ng kaharap sa binitiwan niyang sagot. Na-stir-up tuloy ang curiousness niya. Sino ba talaga ang Diego na iyan at kaanu-ano nito? Pero siyempre hindi siya nagpahalata. Stoic pa rin ang expression ng mukha niya habang nakatingin kay Alexa.

"Ano, how about Ricardo Velez at Socorro Velez? Wala ka bang naaalala?"

What are those questions all about? Nababaliw na naman ba ito? She is obviously blabbering nonsense! Ito ba ang strategy nito para i-divert ang isip niya at burahin ang paghihinala?

"No, I don't know anyone bearing those names. What's your cause for approaching me like this, Miss Monserrat? Akala ko ay naisipan mo nang umamin. Kung may pag-aalinlangan man sa isip mo ay burahin mo na. Hindi ko ipagkakalat ang bagay na ito, you have my word for that. Inaalagaan ko rin ang pangalan ng pamilya ko."

Tila naubusan ng pasensiyang napabuntong-hininga ito bago nagsalita. "Sinabi ko naman sa 'yong walang kaming relas--" Naputol ang salita ni Alexa sa pagdating ng waitress.

"Hi, Sir! Heto na po ang double espresso ninyo. . .and for you Ma'am, green tea."

"Thanks," si Alvaro.

"You're very much welcome, Sir! Enjoy your drinks!"

"Listen," sabi ni Alvaro nang makalayo ang waitress, hindi pinansin ang umuusok na kape. "I want you to stay away from my father. He maybe the chairman but you don't work for him directly. I will let you stay in the company, and enjoy being a normal employee pero huwag na huwag kong maririnig o makikitaan ka ng kakaibang kilos. I hope I'm making myself very clear with this one, Miss Monserrat." Ang conviction sa sinabi niya ay mahahalata sa nakakuyom niyang kamao sa itaas ng mesa.

Nang hindi kumibo ang babae at nanatili lang nakatungo ay nagpatuloy siya.

"Kung may kahina-hinalang bagay na makarating sa kaalaman ko, I guarantee you'll be sorry, big time. I tend to be forgetful, sometimes, baka mawala sa isip ko na babae ka."

This time ay nakipagtagisan ng matalim na titig ang babae sa kanya.

"Hindi ko magagawa iyan. Kilala ko si Do--, si Chairman at kilala niya ako. Hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa maling hinala na gawa ng maputik mong isip!"

Alvaro's eyes squinted in fury, nagngangalit ang mga bagang niyang tinitigan ang kaharap. "You're one hell of woman. Don't get ahead of yourself, lady. You have no idea how evil I can be." His face cracked for a smile but his eyes were blazing like balls engulfed with fire.

"Hindi mo ako matatakot sa mga ganyan, Sir, dahil malinis ang konsensiya ko. Gaya ng sinabi ko, kung gusto mong patunayan na may relasyon nga kami ni Chairman, hindi kita pipigilan dahil tiwala akong wala kang mahihita. Pinagsisisihan kong makipag-usap sa iyo ngayon dahil walang ibang laman ang utak mo kundi basura!" anitong tumayo at sinukbit ang bag sa balikat. "Thank you for your precious time, Mister President."

Hindi na nagalaw ni Alexa ang in-order na green tea dahil nangangati na ang mga paa niyang umalis sa harap nito.