Chapter 9 - Chapter 8

LABING limang minuto mula sa silangang bahagi ng masyon ay matatagpuan ang isang batis kung saan madalas na nagtatagpo si Alessandra at Juan Diego. Ang susunod nilang pagkikita ay sa Huwebes ng hapon.

Iyon ang nabasa ni Joselito sa papel na inabot sa kanya ng taong nagmamasid sa kilos ng dalawa. Mukhang totoong mas madalas pa sa inaakala ng lahat ang pagtatagpo ng mag-irog, dalawang araw pa lang ang nakalipas simula noong unang niyang natuklasan ang lihim na relasyon at magkikita na naman ang dalawa.

Tiningnan niya ang kalendaryong nakapatong sa lamesa. "Dalawang araw simula ngayon."

Nilamukos ng lalaki ang hawak na liham saka initsa sa basurahan na nasa tabi ng paa. "Oras na para sa isang palabas na hindi malilimutan ng Isla Alabat."

Walang pag-aaksaya ng panahon niyang sinadya ang amain sa paboritong nitong silid at siniwalat ang lahat.

"Ama, tungkol sa sinasabi ko sainyo--"

"Hindi ka ba hihinto sa paratang na binabato mo kay Alessandra, Joselito? Malayong mangyari ang sinasabi mo!"

"Pero hindi imposible." Nanlaki ang mga mata ng Don na nakatingin sa binata. "Kung nais ninyong masaksihan  ng sarili ninyong mga mata ang patunay na inihanda ko sa inyo tungkol kay Alessandra at ng Velez ay mangyaring sumama kayo sa akin, ama."

"Ano ang hinahain mo, Joselito?"

"Kailangan ninyo ng ebidensiya kaya binibigyan ko kayo. Hapon ng Huwebes, wala kayong kailangang gawin kung hindi ang samabay sa akin."

Sandali siyang tinitigan nang maigi ng Don bago nagsalita. "Kung ang makapagpipigil sa kabaliwang iniisip mo ay ang pagsama sa iyo sa kung saan mang pook na iyan, sige subalit kapares ng sinabi ko, siguraduhin mong may patutunguhan iyan."

***

Huwebes, araw ng pagkikita nila ni Diego. Excited siyang namimili ng susuotin dahil ang sabi ng binata ay magiging special daw ang araw na iyon.

Napangiti siya nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Sofia. "Dala ko na ang mga pampakulay sa labi na sinasabi ko, Seniorita. Nabili ko ang mga ito sa mercado noong nagtungo kami ni itay."

"Akin na." Alexa plucked the lipstick with the lighter color, mas maganda yata sa classic fashion ang ganoon. "Bagay ba?" she asked and smiled at her reflection.

"Maganda ang lahat ng kulay sa maganda ninyong mukha, Seniorita ngunit iniisip ko rin na mas nababagay ang kulay na iyan sa damit na napili ninyo." Sinulyapan nito ang orange wrap around dress na nakalatag sa kama.

"Thank you, Sofia! Love na love na talaga kita!" Matamis niyang nginitian ang repleksiyon ng babae sa salamin at inabot ang dalawang kamay nito para ipulupot sa kanyang balikat. Nasorpresa man ngunit napatawa na lamang ang huli at yumakap nang mahigpit.

"Halika, tutulungan kitang isuot ang iyong damit."

"You think mas bagay sa akin 'tong orange kaysa doon sa blue?"

"Mas matingkad ang kulay na ito at mas naaayon sa maputi ninyong balat. Maganda sa mata ang maliliit na bulaklak na disenyo ng tela," sagot ng babae habang tinatali ang damit sa likod.

"Okay, siyempre maniniwala ako sa iyo."

"Ayan, tapos na."

Magiliw na umikot si Alessandra sa harap ng salamin. "Ang ganda ko!"

"Sigurado akong magiging espesyal ang araw na ito. "

"Then, aalis na 'ko. Sorry pero ikaw na ang bahala sa kalat ko, ha? Babawi na lang ako sa susunod."

"Ten cuidado."

Nagbilin si Alexa ng masayang ngiti bago tumalikod at lumabas ng silid.

Napabuntong-hininga si Sofia at inisa-isang niligpit ang mga kalat. Mula sa pinagpiliang damit na iba-iba ang kulay, sa mga sapatos at pampaganda na ginamit ng amo. Bitbit ang ropero ay nagtungo siya sa master's bedroom. Wala doon ang mag-asawang Monserrat, siguradong nasa silid aklatan na naman ang Don at nasa kusina o salon ang Donya. Matapos likumin ang maruruming damit ay muli siyang lumabas, kasunod na kinatok ang tulugan ng lalaking amo. Marahan siyang kumatok dahil maaaring natutulog ito.

Ilang sandaling katahimikan bago nagbukas ang pinto at sumilip si Joselito. "Sofia?"

"Senior, nakaalis na po siya."

Diretso ang tinging ipinukol ng lalaki sa kaharap."Muy bien."

Sofia left the doorstep as the door shut leaving Joselito with a wolfish grin.

***

Ang kakaibang kislap ng mga mata ni Diego ang unang bumugad nakangiting si Alexa.

"Exquisita. . ." anas nito at sinalubong siya ng isang malaking yakap. Napatili si Alexa nang bigla ay inangat siya ng lalaki sa  ere at pina-ikut-ikot.

"Diego, ibaba mo 'ko!" aniyang nagpumiglas.

" Lagi kong pinapanalangin na maging mas mabilis ang paglipas ng panahon nang sa ganoon ay makasama na kitang muli, mahal ko." Hindi pa rin siya hinayaan ng lalaki na makawala sa mga bisig.

"Ako rin naman," aniyang ngumiti.

"Sandali--" Kagyat siyang binitiwan ng lalaki para dukutin ang nakatago sa bulsa ng pantalon nito, "Bigay ito ni Mama, engagement ring niya noon." Ipinakita nito sa kanyang harap ang isang white gold ring na may diyamante sa gitna, hugis pahaba na kasing laki ng butil ng bigas.

She went speechless, nagniningning ang mga mata niyang nakatitig sa bato na lumilikha ng nakakabighaning kislap. Tila iyon isang magandang binibini na kumakaway sa harap niya.

Muling hinawakan ni Diego ang kamay niyang ngayon ay nagsisimula nang manlamig.

"Ang sabi ng Mama ay ibigay ko daw ito sa babeng iibigin ko hanggang sa kamatayan. . .at wala akong ibang naisip, Alessandra kundi ang maamo mong mukha."

Napasinghap nang malalim si Alexa sa paghigpit ng dibdib, "Diego. . ." Hindi niya maiwasan ang titigan muli ang singsing habang marahan itong pinapasok ng nobyo sa kanyang daliri. Napatawa pa silang dalawa kahit maluha-luha na siya dahil pareho nilang napansin ang panginginig ng kanilang kamay. Nang sa wakas ay naisuot na, kinulong ni Diego ang mukha niya sa mga palad at ginawaran ng halik sa mga labi na puno ng pagmamahal. The kiss lasted a few seconds, sa una ay banayad lamang ito ngunit nang lumaon ay palalim nang palalim. Napilitan lamang silang maghiwalay dahil sa dalawang paruparong naglalaro sa pisngi nila, hindi rin naman iyon nagtagal at lumipad palayo.

"Diego, mahal na mahal kita. . .M-may gusto ako sabihin sa iyo p-pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung maniniwala ka. Baka akalain mo na kabaliwan lang ang lahat."

"Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi, Alessandra. Kung ano man ang gusto mong iparating sa akin ay handa akong makinig at umintindi sa abot ng aking makakaya. Hindi kita pag-iisipan nang hindi maganda, huwag kang mangamba." Her heart wanted to weep with the love and earnestness etched all over his face.

Hinila niya ang lalaki malapit sa bato at naunang umupo, sumunod naman ito. "Ako...ang pangalan ko ay Alexa Monserrat, hindi Alessandra. Galing ako sa kasalukuyan, year two thousand twenty. Hindi ko alam kung kababalaghan o nananaginip lang talaga ako pero pagkagising ko galing sa isang aksidente ay napunta ako dito. Sa panahong ito, bilang si Alessandra Monserrat...at nakilala kita."

Nanatiling tikom ang bibig ng lalaki pero lumiit ang espasyo ng dalawang kilay nito.

"Hindi ka naniniwala. . ." saad niya sa nanlumong boses.

"Alessandra--"

"Alessandra!" Marahas ang paglingon ng babae sa likod nang basagin ng nagpupuyos na sigaw ni Don Pablo ang salita ni Diego. Sabay silang napatayo ng binata. "Layuan mo ang lalaking iyan, ahora mismo!"

"Don Pablo?!" Magkahalong gulat at pagtataka ang nakaguhit sa anyo ng lalaki.

"Don Pablo. . ." tinakasan na ng normal na boses ang lalamunan niya sa hilakbot na bumangon sa kanyang dibdib, napahigpit din ang hawak ni Diego sa braso niya. Maging ito ay hindi makapaniwala sa tagpong nangyayari. Kuyom ang mga kamaong nakatayo ang matanda ilang metro mula sa kanila, sa tabi nito ay si Joselito at isang lalaking tauhan na may kalakihan ang pangangatawan. Base sa puwestong kinaroroonan ng mga ito ay mukhang sa hardin din ang tatlo lumusot.

"Totoo nga na may tinatago kayong ugnayan!"

"Sinong nagbigay sainyo ng karapatang pumasok sa lupain ko?!" Nahihimigan na rin ni Alexa ang bumabangon na galit sa paraan ng pagsasalita ni Diego ngunit mukhang pinigilan lang nito dahil sa presensiya niya.

"At  sinong nagbigay ng karapatan sa iyong lumapit sa anak ko, Velez?!" Tila dalawang mababangis na hayop na handang manakmal ang nasa paligid ni Alexa, ang matinding tensiyon ay hindi maitatanggi. Malakas pa sa kulog ng bagyo ang pagtambol ng dibdib niya. "Pinahanga mo ako, lalaki, nagawa mong lumapit at akitin ang aking anak sa mga matatamis na salita."

"Papa, mahal ko si Diego! Nagmamahalan kaming dalawa!"

"Mahal? Estupida! Kahangalan ang sinasabi mo, Alessandra. Pinapaikot ka lang ng tarantadong iyan! Ginagamit niya ang kahinaan mo bilang babae para makapanlamang sa ating pamilya."

"Hindi totoo 'yan! Napakabait niya sa akin, Papa."

"Hindi mo ba naiintindihan ang lahat, Alessandra? Pinapaikot ka ng lalaking iyan sa kanyang mga palad! Nais niyang paglaruan ang iyong puso at kapag nakontento, Dios sabra kung ano ang kanyang gagawin."

"Nagkakamali kayo, Don Pablo. Walang kinalaman ang damdamin ko para sa inyong anak sa sigalot ng ating pamilya. Mahal ko si Alessandra nang walang kalakip na pagkukunwari."

"Hinding-hindi mo makukuha sa akin ang aking anak, Diego. Hindi ako papayag!"

"Papa, hindi lahat ng bagay sa mundo umiikot sa iyo at sa kayamanan mo! May sarili kaming buhay at nasa tamang edad na kami para malaman ang tama sa mali. Mahal na mahal ko siya at hindi ninyo kayang pigilan iyon!"

Naglabasan na ang mga litid sa noo ng ginoo sa matinding emosyon na nadama."Kunin mo si Alessandra!" Tumalima ang tauhan sa utos ng Don at maingat na lumapit sa gawi nila, marahil ay natakot din ang mga ito kay Diego.

Mas lalo namang napakapit si Alessandra sa braso ng lalaki. "Diego, ayoko. . ."

"Alessandra, makinig ka kay ama. Huwag mo nang hayaang humantong sa mas hindi kaaya-ayang sitwasyon ang bagay na ito. Aareglohin natin nang maayos ang lahat, sa ngayon, bumalik na muna tayo sa bahay," kalma at puno ng pag-aalalang saad ni Joselito. "Huwag kang mag-alala, nandito ako."

Nawalan ng sasabihin si Alexa, ayaw niyang may magkasakitan sa dalawang panig, hindi imposibleng mangyari iyon kung sisilaban pa niya ang nag-aapoy nitong mga loob. This family rivalry seems to be irrevocable at hindi kailanman mareresolba kahit ilang taon pa ang dumaan kung idadaan sa dahas, higit sa lahat ayaw niya masaktan ang nag-iisang taong nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na higit pa sa anumang kayamanan sa mundo.

Tiningala ni Alexa sa malungkot na tingin si Diego, kahit walang nagpakawala ng salita sa kanilang dalawa ay naintindihan ng lalaki ang nangungusap niyang mata. Ilang sandali ay marahan itong tumango at bumitaw sa pagkakahawak sa kanyang braso pero kita niya na labis itong nasasaktan.

"I love you, Diego. Promise, magkikita ulit tayo," saad niya habang unti-unting lumayo sa tabi nito at agad na sinaklot ng tauhan palayo sa lalaki. Naglandas ang preskong luha sa mga  pisngi ni Alexa.

"Bitawan mo 'ko! Maglalakad akong mag-isa!"

Nahagip ng mata ni Alessandra ang pasimpleng pagtango ni Joselito sa gawi ni Diego na para bang nagbigay ito ng senyales. Skeptical, nilingon niya ulit ang batuhan at nanlaki ang mga mata sa sumunod na nangyari. Walang ingay na sumulpot ang dalawang lalaki sa likod ni Diego at hinawakan ang magkabila nitong kamay, inikot patalikod para mahirapang kumawala ang huli.

"Ano ang ibig sabihin nito?!" Nasorpresa din si Diego sa paglitaw ng dalawang lalaki kaya hindi agad nakapalag.

Everything's like a climax in a suspense movie, lumitaw ang isa pang lalaki sa likod ni Diego, ang mukhang hinding-hindi niya makakalimutan. Naghatid iyon ng bangungot sa kanya lalo na ang mga tingin nitong hatid ay karahasan.

'Aurelio?'

The snickering face of her nightmare creep behind Diego and murmured. "Patawad, Señor." In a swift move, the shiny blade went under Diego's chin and slit his throat open. Walang tigil na tumalsik sa katawan ng mga lalaki ang pulang likido. The horrified feeling mixed with shock and turmoil sent Alexa at a loss for words. She could just witness through her widened eyes when Diego sunk on his knees as the two men bathe in fresh blood loosen their grip.

"Diego!"

Halos mabasag ang lalamunan ni Alexa sa pagtawag sa pangalan nito. Padapang nakahandusay na sa lupa ang lalaki pero nagawa pa nitong igalaw ang kamay. He opened his mouth as if to say something, sa halip ay bulwak ng dugo ang lumabas. Pilit siyang kumawala sa hawak ng tauhan pero sadyang malakas ito.

"Diego! Please! Tulungan n'yo siya!" Hindi na niya alam kung may boses pa bang lumalabas sa kanya, wala na siyang pakialam. Dinala ni Alexa ang braso ng tauhan sa sariling bibig at buong lakas na kinagat iyon kaya pahiyaw na napabitaw.

"Arrgh! Puta--"

Agad siyang tumakbo at pasalampak na dinaluhan ang kasintahan, babad ang walang lakas na katawan nito sa sariling dugo. The site of his weakened eyes covered with tears was driving her insane. Nanginginig ang mga kamay niyang hindi malaman kung saan hahawakan o kung dapat ba na galawin ang katawan nito, natatakot siya! Kahit ang mga mata niya ay namamaga na sa matinding pag-iyak, natatabunan ang paningin niya ng mga luhang walang humpay sa pagdaloy kaya panaka-naka niya iyong pinupunasan gamit ang kamay. The hell she cares kung nabahiran na ng dugo ang buo niyang mukha! Ang mahalaga ay mamasdan niya ng mabuti ang mukha ng kanyang iniibig.

May malaking bikig sa lalamunan na nagsalita si Alexa, "Diego. . .Diego, please lumaban ka! Dadalhin kita sa doctor." Everyone knows neck is a vital part, at sa lubha ng sugat na tinamo nito ay imposible nang makaligtas pa ang lalaki.

"Diego. . .Diego, alam kong naririnig mo ako. Please, makinig ka. . ." she pleaded and grabbed his hand, pressed it hard against her lips. "Mahal na mahal kita, naririnig mo ba? Hinding-hindi kita makakalimutan. Magkikita tayo ulit, sa hinaharap. Hanapin mo ako, Diego. Hanapin mo ako. . ."

Sa nanghihinang kamay ay pilit nitong ipinadama ang mahinang pisil sa kamay niya at sa puso ni Alexa, naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin niyon.