Chereads / The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED) / Chapter 6 - Chapter 5: That Kid Part 1

Chapter 6 - Chapter 5: That Kid Part 1

Adriana

Damn, that green eyes. Hindi iyon mabura-bura mula sa aking isipan. Lalo na ang mga ngiti na 'yun.

Kanina, para ba akong napatulala noong makita ko ang buo nitong mukha. Lalo na noong tinanggal na nito ang kanyang hood na suot. Para siyang isang anghel na bumaba sa lupa. But why does she look so familiar to me? Saan ko na nga ba siya unang nakita? May kutob kasi ako na nagka encounter na kami nito noon pa.

Hays, nevermind. Marahil isa lamang siya sa mga nakikita at nababasa ko sa mga magazine. At isa rin sa mga malalaking billboard na sa makikita sa EDSA.

But Ryan didn't tell me he had a sister. Sa tagal na naming magkakilala ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Well, ganoon talaga siguro kapag hindi ka naman interesado sa isang tao. Hindi ka rin magkaka interest lalo na sa personal na buhay niya.

Pero hindi naman ako stupid para hindi kaagad makuha ang ibig sabihin ng mga tingin ni Rae sa akin kanina. I could see in her eyes what effect I was giving her. Especially when I smile at her, it means she has something with me. Pero diba, iyon ang kauna-unahang beses na nagkita kami? Pwera nalang kung mayroon akong nakakaligtaang nangyari noon, na hindi ko na maalala ngayon.

Argh! My head was about to explode. Ayoko ng isipin pa ang batang 'yon. Marahil nadala lamang ako ng pagkagulat, dahil all this time hindi ko aakalain na mayroon palang baby sister si Ryan.

Pero teka, hindi ko naman siguro siya naging babae noon, hindi ba? Napatawa ako ng wala sa sarili dahilan upang mapalingon sa akin ang aking mga kaibigan.

"Kilig much?" Tukso ni Billy. Napa irap ako. "Hindi mo ba sasabihin sa amin kung bakit isang bata ang manliligaw mo ngayon?" Dagdag pa niya.

Dahil doon ay hindi napigilan pa ni Breeze ang mapatawa ng malakas. "Sorry." Agad na sabi niya ngunit halata mong nagpipigil parin ng pagtawa.

"She is Ryan's SISTER." May diin na sabi ko sa huli. "At bakit naman ako papatol sa isang bata?" Dagdag ko pa.

"Pfft. Correction, isang SANGGOL." Pagtatama ni Breeze bago sila nag aper pa ni Billy at nagtawanang muli.

Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisnge sa mga sandaling ito. "Mga siraulo! Pwede bang tantanan niyo ako? Tss!" Singhal ko sa mga ito na agad naman nilang sinunod ngunit mahahalata mo parin mula sa kanilang mga mata ang panunukso.

-------

Kinabukasan, medyo late na akong nagising dahil sa magdamag na halos hindi ako pinatulog ng mga iniisip ko. Sandaling nagka-usap muna rin kami ng daddy sa telepono bago ako tuluyang pumunta sa main Restaurant. Hindi rin ako nagtagal roon, agad din akong dumiretso sa bar pagkatapos ng halos dalawang oras. Madami pa kasing dapat ayusin roon, lalo na ngayon na magdadalawang linggo pa lamang simula ang opening nito. Habang iyong partner ko naman eh, sa akin iniwan ang lahat ng responsibilidad. Ang galing!

Sakto alas onse ng umaga nang makarating ako sa bar. Ngunit ganoon na lamang ang aking gulat at pagkamangha noong makababa mula sa sasakyan. Sa entrance pa lamang kasi, makikita mo na agad ang nagkalat na iba't ibang kulay ng daisy flower na nakalagay sa vase. Nagmamadali na pumasok ako sa loob, at doon, langhap na langhap ko ang charming fragrance ng bulaklak. Para iyong isang strawberry sa amoy nito with sparkling spicy pink grapefruit. Ang bango-bango nito. Paano hindi mapupuno ng bango ito dahil, punong puno rin ang loob ng bar ng bouquet mula sa iba't ibang kulay ng daisy flower.

My heart is racing right now. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako napalibutan ng mga bulaklak at paboritong bulaklak ko pa talaga. Awtomatikong gumuhit ang ngiti mula sa aking labi.

Lumapit sa akin si Tony. Ang aming magiting at masipag na bartender. Magalang na binati ako nito, pagkatapos ay may ini-abot siya sa aking isang note.

Agad na kinuha ko iyon mula sa kanyang kamay at binasa ang nakasulat.

"For the most beautiful woman I have ever met. The woman who opened my heart once again. Hope you like the flowers. And have a nice day! Lovelots! - R"

Oh my ghad, mabilis na kinuha ko mula sa aking bag ang cellphone at agad na tinawagan ang number ni Ryan. Nakaka dalawang ring pa lamang iyon ng sagutin niya.

"Parang ito ang kauna-unahang beses na ikaw ang unang tumawag sa akin ha." Biro niya. "Miss me?"

Napahinga ako ng malalim bago napatawa sa sinabi niya. "Ry, please! Stop doing this." Agad na wika ko. Sandali itong natigilan.

"Doing what?" Pagmamang-maangan pa niya.

"This!" Tukoy ko sa mga bulaklak. "You sent me so many flowers, didn't you? Please, tigilan mo na ito. Hindi porket paborito ko ang lahat ng pinadala mo ritong bulaklak eh, magiging okay na sa akin ito---"

"Ouch ha! Hindi mo naman na kailangang sabihin yan." Sambit nito. "But wait, what flowers? Kahapon pa 'yun ha. A-atsaka, ano bang paborito mong bulaklak?" Tanong nito na tila ba walang kaideya-ideya sa lahat. This time, ako na naman ang natigilan at napa isip.

"So hindi ikaw?" Tanong ko sa kanya. Agad na napatawa siya ng mahina. "Please, tell me ikaw ang nagpadala ng lahat ng ito." Pakiusap ko sa kanya.

"I'm sorry, Adriana. Pero sa tingin ko, alam mo na kung kanino nang galing ang lahat ng iyan." Tatawa-tawa pang sabi niya sa kabilang linya. Napatampal ako sa aking noo. Oh God! This isn't right.

Mabilis na pinatayan ko na si Ryan dahil sa kahihiyan at hindi na nag-abala pang tapusin ang aming pag-uusap.

Ano bang gagawin ko sa mga bulaklak na ito? Tanong ko sa sarili. At mas lalo na....anong gagawin ko sa bata na iyon? Nagbibiro ba siya?

------

Gabi na, dumarami na rin ang mga tao dito sa loob ng bar. Nagkalat na rin ang mga usok ng sigarilyo at malakas na amoy ng alak sa paligid. Kasabay ng malakas na tugtog mula sa sounds system.

Patingin-tingin lamang ako sa mga taong lumalabas at pasok mula sa entrance, at exit ng bar. May panaka-naka rin na pag-inom mula sa baso ng beer na aking iniinom at syempre, may roon din akong hawak na yosi.

Awtomatikong napa tingin ako sa aking cellphone dahil sa pagtext ni Billy. Hindi na raw kasi ito makakarating dahil abala na naman siya sa kanilang Hacienda simula bukas.

Habang nagtatype ng reply para sa kanya, naramdaman ko na mayroong tumabi sa akin, mula dito sa counter ng bar. At shit! Ang bango-bango pa niya!

Mabilis na nagbaling ako ng tingin rito pagkatapos kong maisend ang huling reply para kay Billy. At swear! Kusang nalaglag ang aking panga sa sahig nang salubungin ko ang pamilyar na kulay berde na mga matang iyon.

"Hi." She greeted me while smiling.

I couldn't help but swallowed hard while staring at her, in shock. My body was also stiff and unable to move from my seat. Kusang pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid, especially her. Hindi man lamang siya nag-abalang pagtakpan ang mukha niya. Lahat namamangha sa kanya, may iba pa na kinukuhaan siya ng litrato. Teka, ganoon ba talaga siya ka famous? Atsaka...What is she doing here? Ang lakas-lakas din ng pintig ng puso ko dahil hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin.

Okay, that's enough Adriana. Hindi kana teenager para hindi alam kung papaano kontrolin iyan. Jusko! Inis na wika ko sa aking sarili.

Pinilit ko ang aking sarili na mapatingin sa ibang direksyon. "Anong ginagawa mo dito, bata?" Tanong ko sa kanya. Oo, sinasadya kong insultuhin siya para tantanan na niya ako dahil wala siyang mapapala sa akin katulad ng kanyang kuya.

Napatawa siya ng mahina. Iyong tawa na parang tuwang-tuwa pa sa aking itinanong at walang halo ng pagka-inis.

"Am I still a kid for you?" She seriously asked me. "For your information, nineteen na PO ako. Sa mukha kong ito? Sa pananamit at pananalita---"

"Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang mga kabataan dito?" Putol ko sa kanya. "Ke matured ka na mang tignan o hindi, para sa akin, teenager ka parin." Sabi ko sa kanya. "Nasaan ba ang manager mo at bakit pinababayaan ka lang na pagala-gala?" Tanong ko pa. "Oh wait, for sure, hindi niya alam na ang inaalagaan niya eh natakasan na siya. Tama?"

Napa ngisi lamang ito atsaka napapa iling bilang sagot sa akin. Aba't talaga naman. Hays!

"Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?" Biglang pagtanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at nag kunwari na hindi ko siya narinig.

"For sure, yes." Sagot niya sa sariling katanungan. "Kasi kung hindi---

"Hindi ka pa ba talaga aalis?" May pagbabanta na tanong ko sa kanya at malapit ng maubusan ng pasensya. Matigas na napailing lamang ito na parang three years old.

"Alright." Sabi ko bago napatingin sa bartender na kitang-kita ko kung paano natutuwa sa aming dalawa. "What are you smiling at? Tumawag ka na ng security, you idiot!" Inis na singhal ko sa kanya.

"Ah eh ma'am, k-kasi---

"What?! Mahirap ba iyong pinagagawa ko sayo? O bukas na bukas din wala ka ng trabaho?" Tanong ko sa kanya bago ito napanguso sa aking tabi, mabilis naman na napatingin ako rito na ngayon ay wala ng taong nakaupo.

Napa ngisi ako. Well...may takot din pala. Sabi kong muli sa sarili.

Ngunit ilang segundo lamang ang nakakalipas ng may magsalita mula sa stage na agad naman na pinagkaguluhan ng mga tao.

"Ehem!" Pagtikhim nito. "Hi everyone." Iyon pa lamang ang kanyang sinabi ng kusang maghiyawan at magtititili ang mga tao sa paligid, especially girls. Hindi ko maiwasan ang hindi mapa iling in disbelief. Sisirain ba niya ang pangalan niya para lang sa isang kabaliwan?

"I'm right here in front of you, not a celebrity or anyone. I'm here as a suitor of a gorgeous woman sitting at the bar counter." Sabay turo nito sa gawi ko na agad naman na pinagtinginan ako ng mga tao. Shit!

"Her name is Adriana. And I'm going to sing for her. Isn't that lovely?" Awtomatiko na naman na napanganga ako dahil sa lakas ng fighting spirit niya.

Oh, Ryan. May mas kukulit pa pala sayo. Sabi ko sa aking sarili.