Now playing: Baby, I love you by Tiffany Alvord
Adriana
Everyone is happy and excited for this day. Of course, it's my girlfriend concert. All her fans are now rejoicing and united to see and witness her long-awaited explosion in the Arena.
Even me, hindi na rin ako makapag hintay pa na makita at i-cheer siya habang pinanonood ng lahat at isinisigaw ang kanyang pangalan. I can't stop myself from being proud of her.
What I mean is, dati, wala akong pakialam sa kahit na sinong sikat na mga artista. I have my own life, I have my own business to do. Kapag may mga ganitong concert galit na galit ako dahil sila ang isa sa mga dahilan ng traffic, sila ang dahilan kung bakit minsan late akong nakakarating sa mga appointment ko. But now, I no longer care how long the traffic will last. As long as I get to my girlfriend's concert, magiging panatag na ang loob ko.
Magdamag akong nasa tabi niya kagabi, kasama ang iba pang mga staff nito. Ngunit maaga rin akong nagpaalam sa kanya para mas makapag handa ito ng maayos para sa araw na kanyang pinakahihintay.
Isa pa, may dapat din akong gawin kasama si Billy at ang iba pang tao ni daddy. I know that today is one of the things Zion is preparing for. So it is better to be prepared for whatever may happen.
Hindi lamang ang buhay ni Rae ang nakasalalay sa araw na ito, kung hindi pati na rin ang mga pupwede pang madalay sa mga ano mang pweding mangyayari.
Pasado alas tres ng hapon, nakahanda na ang lahat. Armado na rin ang aming mga kasamahan, ang iba sa kanila ay kailangan pang magpanggap na kasama sa mga security, habang ang iba naman ay mga civilian as manonood ni Rae.
Billy and I, on the other hand, checked the whole area early to see if there were any possible bombs around, so far we have not noticed anything and everything is still under control.
Unti-unti na ring dumarami ang mga tao kaysa sa kanina, medyo siksikan na at napakaingay na ng paligid. Everyone mentions Rae's name, while others are excited by singing some of the lyrics of her song.
Mabilis na napahawak ako sa aking cellphone mula sa loob ng bulsa ng aking jacket dahil sa biglang pag vibrate nito. A sly smile form in my lips when I saw her name on it's screen.
'Almost done preparing, can't wait to see and seduce my number 0 fan.' Sabi nito sa text with heart emoji.
Hindi ko mapigilan ang mapa iling at kiligin habang nagrereply rito. I sent her a good luck message. Sinabi ko rin kung gaano ko siya ka mahal at huwag na huwag siyang mang-aakit ng iba at dapat ako lamang.
Noon naman dumating si Billy na mayroong nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
"Can't wait to see your girl?" Komento nito sa akin bago ako inakbayan.
"Hell, yeah!" Excited na wika ko rito ngunit mayroong kaba sa dibdib na hindi maipaliwanag.
Lumipas pa ang ilang minuto, hindi nagtagal nag simula na ang MC sa pag aanunsyo ng kung anu-anong sponsor. Of course, kasama ako roon. Girlfriend ko kaya ang pinag-uusapan dito. Tama?
Dahil doon, awtomatiko na nagtungo na kami ni Billy sa aming pwesto sa VIP area, kung saan nandoon na rin pala si Sommer na naiinip na naghihintay sa amin. Nagbigay na rin si Billy ng first signal sa aming mga kasamahan na nagkalat sa buong paligid.
Pansin ko na may iilang pamilyar na celebrity rin ang nandidito ngayon upang masaksihan ang concert ni Rae. Mga kilala at mai-impluwensyang tao sa bansa.
"ARE YOU EXCITEEEEEED?" Ang muling sigaw ng MC dahilan upang mas lalong maghiyawan ang mga tao.
"Who is excited to see Rae Lewis tonight?!" Energetic na muling tanong nito sa libo-libong fans ng aking girlfriend.
"Meeee!" Sabay na sigaw ko sa mga ito. Hindi naman mapigilan ni Billy at ni Sommer ang matawa pagkatapos sabay na hinampas ako ng pabiro sa aking braso.
"Nakakabakla ka dude. Hahaha." Tawa nito bago ako muling inakbayan. "But you should be proud." Komento pa niya. "Congrats on the first concert you went to."
Nag pasalamat ako rito bago muling ibinalik ang aking atensyon at mga mata sa harapan. Waiting for the most beautiful face I can see tonight to come out.
"That's the smile I haven't seen on your face for years. I'm glad only Rae can bring it back." Komento naman ni Sommer habang naka tingin ng diretso sa aking mukha. Halatang masaya ito para sa akin, bago ako binigyan ng kanyang pinaka matamis na ngiti.
"T-thank you!" Pagpapasalamat ko naman sa kanya.
"Hey guys, sorry I'm little bit late." Biglang singit naman ni Ryan na hindi ko alam eh makakahabol pa pala. Hindi ko naman mapigilan ang matawa rito.
"I can't believe you're late, kuya ka pa naman niya." Tatawa-tawa parin na komento ko rito.
"Shut up!" Pagsusungit niya.
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi at ang kakaibang kaba sa aking dibdib nang siyang muling magtilian ang mga tao habang isinisigaw ang pangalan ni Rae.
"Ladies and gentlemen, please welcome to the stage our one and only....RAE LEWIS!"
The surroundings became even darker and the only light on the stage gave light to everyone. Pati na rin ang spotlight na nakatutok kung saan lalabas si Rae.
Halos mabingi ako dahil sa sobrang ingay ng buong paligid. Everyone shouted Rae's name out loud. Mayroon din silang inilabas na stick lights na mayroong naka ukit na pangalan ni Rae.
Kunot noo naman na iginala ko pa ang aking paningin, bakit mayroon silang ganoon at ako wala? Even Sommer also holds a stick light.
"Where did you get that?" Curious na tanong ko sa kanya bago hinablot iyon mula sa kanyang kamay ngunit mabilis niya rin iyong nabawi sa akin.
"The fuck! Buy yours." Inis na wika nito. Walang nagawa naman at frustrated na napakamot ako sa aking batok.
"Hey, you!" Pananakot ko sa kalapit teenager namin. "Where did you get that?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng tag-iisang libo sa aking wallet. Hindi ko alam kung magkano iyon basta iniabot ko na lamang iyon sa kanyang kamay bago kinuha ang hawak nitong stick.
"W-what the hell?!" Inis na wika nito.
"This is mine now! Just buy a new one." Pagkatapos ay agad na tinalikuran ko na siya.
Sakto pagbalik ko sa aking pwesto, noon na lumabas si Rae.
Hindi ko mapigilan ang mapanganga in disbelief dahil sa angkin nitong kagandahan. Kasunod nitong lumabas ang kanyang mga back-up dancers na sinasabayan ang bawat steps niya.
It was as if my world had stopped for a few seconds while my eyes were just focused on her.
The moment she smiled, it was as if I couldn't stop being annoyed because I was the only one who could see that.
Kung kanina ay maingay na ang paligid, ngayon mukhang mas nadagdagan pa iyon.
I am not mistaken, I am very lucky because she is my girlfriend. Tila ba isa siyang bituin na kumikislap habang tinitingala at pinanonood ng lahat. Lahat ng mga mata ay nasa kanya lamang at wala ng iba.
"THAT'S MY GIRL!" Out of nowhere na sigaw ko kahit na hindi pa man ako nito napapansin mula rito sa aking kinatatayuan.
Hindi ko mapigilan ang kiligin para sa kanya. Oh my God! She's making me crazy. Ugh! I'm so proud of her.
Pagkatapos ng dalawang kanta nito, nagpasalamat muna siya sa kanyang mga dapat pagpasalamatan. Mayroon rin siyang mensahe sa mga kabataang nandito, sa fans na patuloy na tumatangkilik sa kanyang musika, sa mga taong patuloy na nagmamahal at humahanga sa kanya at higit sa lahat, sa mga taong nandidito ngayon sa loob ng Arena na ito.
She also mentioned the date today, August 22. Bigla akong napalunok atsaka napayuko nang marinig iyon. Biglang nawala ang aking atensyon sa kanya. Agad na naramdaman ko rin ang biglang pag hawak ni Sommer sa aking kamay bago iyon marahan na piniga, at ang pagtingin ni Billy sa akin, ganoon din ang kuya ni Rae na si Ryan, na alam din ang nangyari kay Chesca.
How can I be so unfair? How did I forget this day? Ang araw na limang taon akong paulit-ulit na nagluluksa dahil sa pagkawala niya. Bakit biglang nawala iyon sa isipan ko? Ang araw kung kailan nawala si Chesca?
Kaya ba nagparamdam siya kagabi sa panaginip ko? Dahil ba alam niyang mangyayari ang bagay na ito?
Dahil sa pakiramdam ko eh hindi na ako makahinga at mayroong sumasakal sa akin, kaya agad na tumalikod na ako para sana makalanghap ng hangin nang siya namang nahanap ako ng spotlight at agad na itinutok iyon sa aking mukha.
'There are three words, that I've been dying to say to you
Burns in my heart, like a fire that ain't goin' out
There are three words, & I want you to know they are true
I need to let you know'
The audience got even crazier and screamed when they saw my face as Rae sang those lyrics. I can't see her face because of the light hitting me but I can feel her eyes just staring straight at me.
'I wanna say I love you, I wanna hold you tight
I want your arms around me & I, want your lips on mine
I wanna say I love you, but, babe I'm terrified
My hands are shaking, my heart is racing
Cause it's something I can't hide, it's something I can't deny
So here I go
Baby I lo-o-o-ve you'
And there, I realized why it suddenly happened. Why I moved on to the day that became a nightmare for me, why I forgot Chesca's death anniversary today.
It's Rae.
Because of her, I forgot that painful and that bitter memory. Because of her unconditional love, she resurrected my dead heart.
She gave me new hope. A new beginning. And a new wonderful memories with her.
'I've never said, these words to anyone, anyone at all
Never got this close, cause I was always afraid I would falll
But now I know, that I'll fall right in-to your arms
Don't ever let me go'
Awtomatikong nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit pero ang tanging alam ko lang masaya ako. Paano ako naging ganito ka swerte? Paano ako binigyan ng isang katulad ni Rae?
'I wanna say I love you, I wanna hold you tight
I want your arms around me & I, want your lips on mine
I wanna say I love you, but, babe I'm terrified
My hands are shaking, my heart is racing
Cause it's something I can't hide, it's something I can't deny
So here I go
Baby I lo-o-o-ve you'
Bigla na lamang nawala sa aking mukha ang nakatutok kanina na light at inilipat kay Rae na ngayon ay nakatingin parin sa akin habang naka ngiti. Iyong ngiti na tumutunaw palagi sa puso ko.
Mas lalong hindi mapigilan ng lahat ang kiligin noong humakbang na ito papalapit sa akin.
"Wew! Dude, the hottest is coming." Pilyang sabi ni Billy habang napapakagat ng kanyang labi.
Hindi ko ito pinakinggan sa halip ay napalunok na lamang habang naka tingin kay Rae na may medyo kalayuan pa mula sa akin.
Agad naman na napansin ng aking mga mata ang isang pamilyar na mukha sa may di kalayuan. He's smirking at me like a demon. And because of that, I immediately recognized him. It's Zion.
Susundan ko na sana siya nang mabilis akong pigilan ni Billy sa aking braso. Napansin niya rin pala kaagad.
"Stay here with your girl." Mabilis na napatango ako bago binigyan si Rae ng isang pilit na ngiti at ilang hakbang nalang ang layo mula sa akin.
She mouthed me 'I love you' ganoon din ako sa kanya bago siya nagpatuloy sa kanyang pagkakanta.
'Take it in, breathe the air
What is there to really fear
I can't contain, what my heart's sayin'
I gotta say it out loud...
I wanna say I love you, I wanna hold you tight
I want your arms around me & I, want your lips on mine'-----
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na literal na wala akong marinig noong sandaling tumilapon ako kasama ang ibang tao na nasa VIP area, dahil sa bigla na lamang mayroong malakas na pagsabog mula sa stage.
Kahit nahihilo at naramdaman ang masakit sa aking braso ay tinulungan ko parin si Sommer dahil naipit ito ng isang mabigat na bagay.
May sinasabi siya pero hindi ko ito marinig noong una, hanggang sa muli itong mapasigaw.
"FIND RAE!"
Doon lamang ako natauhan atsaka mabilis na napatakbo patungo sa wasak na, na stage ngayon kung nasaan masayang naka ngiti lamang sa akin si Rae kanina. Halos kulang nalang eh gumapang ako dahil sa namamanhid na rin ang aking mga tuhod at hindi ko ito magawang maigalaw ng maayos.
"Rae!" Pag sigaw ko sa pangalan niya para hanapin.
"Rae!!" Tawag kong muli. Lahat ng nakikita ko ngayon, sugatan at mga walang malay na tao.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay at katawan noong makita ang pamilyar na mukha na iyon habang natatakpan ng isang basag na semento at bakal.
"Rae!" Gumapang ako papalapit sa kanya. "Help!" Paghingi ko ng tulong dahil hindi ko na kaya pang buhatin ang ano mang bagay na nasa ibabaw ni Rae. Agad naman na lumapit ang isang pamilyar na mukha sa akin na sa tingin ko ay isa sa mga tauhan ng daddy.
Mabilis na nakuha nito si Rae. Ngunit wala itong malay at napakaraming dugo ang nagkalat sa kanyang katawan at mukha.
Mabilis na itinulak ka papalayo ang lalaki atsaka binigyan ng CPR si Rae. Pero hindi parin ito nagigising.
"Rae, please! Please, come back to me please!" Umiiyak na pakiusap ko rito.
Muli ko naman itong binigyan ng hangin sa kanyang bibig, sa kanyang dibdib hanggang sa mapagod na ako ng tuluyan at mawalan ng lakas pero hindi parin siya nagkakamalay.
"Rae, parang awa mo na gumising ka oh!" Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. "Please! I-I can't lose you!" Hindi parin ako sumuko, sinubukan ko parin na bigyan itong ng CPR.
"Come on, come on, come on, Rae! Open your eyes!" Lahat ng takot na naramdaman ko noon sa pagkawala ni Chesca, mas naging doble ngayon. Hindi ko na kakayanin pa kapag nawala rin siya sa akin.
Patuloy lamang ako sa pag-iyak hanggang sa ako na mismo ang mawalan ng malay....