Chereads / The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED) / Chapter 7 - Chapter 6: That Kid Part 2

Chapter 7 - Chapter 6: That Kid Part 2

Adriana

Dahil kay Rae, mas lalong dumami at binabha ng customer ang Baylight ngayon. Ang daming dumadalo at pumupunta, hindi para maglasing kung hindi para makita lamang si Rae. Pero syempre, hindi naman pupweding tatambay lang sila sa loob ng hindi bumibilo ng kahit na anong inumin, hindi yun maiiwasan. Kaya inaamin ko na malaking tulong para sa pagbubukas namin ng bar ang kapatid na iyon ni Ryan.

Mayroong disadvantage nga lamang. Singit ng aking isipan.

Kinabukasan pagkatapos ng gabi na iyon, ng gabi na unang pinagkaguluhan si Rae sa Baylight ay agad na kumalat ang napakaraming balita sa social media at mga TV news tungkol sa akin at kay Rae. Kaliwa't kanan din ang pagkalat ng aking litrato noong gabi na iyon at kay Rae.

At inaamin ko na hindi talaga ako sanay sa ganitong atensyon, lalo na at buong bansa ang nakakaalam. Oo, negosyante ako. Kilala ako bilang isang businesswoman, pero hindi sa ganitong paraan na madadawit ang pangalan ko sa isang celebrity teenager. Ano nalang ang iisipin ng mga tao? Na pumapatol ako sa bata? Tss! That was the last thing I would do. Nagkalat na rin ang shippers sa paligid, especially iyong milyon-milyong fans ni Rae na nagkalat sa buong bansa.

Oh my God! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung papaano ko ito tatakasan.

Dahil sa pangyayari na 'yun, ilang araw na rin akong hindi na muna dumadaan o pumupunta sa Baylight. Pati kasi ako inaabangan na rin doon. Ayaw na ayaw ko pa naman ang kinukuhanan ng ibang tao ng litaro para lamang i-post sa kanilang social media accounts. Pabalik na rin naman si Ryan bukas from Baguio, siguro naman kaya na niyang mag-isa muna. At sana rin, pagsabihan niya ang kapatid niya.

Ayaw ko ng dagdagan ang nangyari, ayaw ko ng madawit pa sa kahit na anong controversial. Masyado na akong nadidismaya sa mga nangyayari, and I silently pray that in a few days the issue will disappear. To be free again, and I can get out of my condo without having to worry about it. And that kid, Rae. Hindi na nakakatuwa iyong kakulitan niya. Nakakainis na! Wala ba talaga siyang magawa sa buhay niya at ako ang napagtripan niya?! Really? Pasalamat siya at kapatid siya ni Ryan, at kaibigan ko.

-----

"Ms. Nandito na po tayo." Ang sabi ng pinaka malaking tao na kasama ko ngayon. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya, basta ang tanging tawag sa kanya ay Mad Dog. Isa siya sa magigiting at maaasahan na tauhan ni daddy. May apat pa kaming kasamahan, at lahat sila ay naka suot ng men and black as their uniform.

Maayos na ipinarada ng nagdadrive ang van sa may gilid ng kalsada. Nandito kami ngayon dahil mayroong pinatatrabaho sa akin si daddy. May nagkakautang kasi sa kanya ng isang malaking halaga ng pera, at hanggang ngayon nga ay hindi parin ito nagbabayad at nagpapakita. Well, siguro naman noon palang, alam na niya kung ano ang kahihitnan niya dahil sa ginawa niya.

Nasa likod kami ngayon ng isang gusali, bumaba na ang mga ito kasama si Mad Dog at nagkunwari na bibili sa nagtitinda ng balot. Habang ako naman ay prenting nakaupo lamang sa loob ng sasakyan at hinihintay na lumabas mula sa gusali ang taong iyon.

Halos twenty minutes din ang aming paghihintay, hindi nagtagal may lumabas na isang matipuno ang katawan ngunit may katandaan na lalaki, na sa tingin ko ay siya na si Mr. Cheng. May kasama itong tatlong bodyguard. Ayun sa folio na ibinigay ni daddy, isa siya siyang Chinese na mayroong negosyo, pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot. Ngunit nalugi ito at tuluyang nagsara dahil nasuplong silang lahat ng mga awtoridad. Actually, hindi lang si daddy ang pinagtataguan niya ngayon, pati na rin ang awtoridad. Hindi ito makalabas ng bansa sa dahilang wanted na ito.

Agad na nilapitan sila nina Mad Dog. Mabilis na nanlaban ang kaniyang mga kasamahan at nagpaputok ng baril ngunit lahat ito ay nakahandusay na sa huli. May dalawa rin sa mga kasamahan ko ang natamaan, hindi na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. Lalo na ang ganitong barilan at patayan sa aking harapan, maliit pa lamang ako, nasasaksihan ko na ang mga ganito.

Mabilis na hinawakan siya ni Mad Dog sa kwelyo at hinila papalaput sa sasakyan. Agad na pinagbuksan ako ng isa ng pintuan. Awtomatikong napaluhod ang matanda habang nanginginig ang buong katawan.

"Mr. Cheng. Tsk." Wika ko habang dahan-dahan na lumapit sa kanya, bago hinablot mula kay Mad Dog ang hawak bitong baril at inihampas sa mukha ni Mr. Cheng.

"Sa tingin mo ba habang buhay mo kaming mapagtataguan?" Tanong ko sa kanya. "And you really think we can't find you?" Dagdag ko pa.

Napayuko ito na parang monk, habang umiiyak. Oo, umiiyak siya. "I'm so sorry...just please, don't kill me."

Pero ewan ko ba, kahit konting awa. Hindi ako naaawa sa kanya. Isa kaya siya sa mga dahilan kung bakit ang daming buhay ng mga kabataan ang nasisira sa panahon ngayon, dahil sa mga katulad niya. Kaya naman, walang sabi na inapakan ko ang kanyang mga daliri mula sa magkabilaan nitong kamay at hindi ko iyon binitiwan hanggat hindi ko nakukuha bagay na ipinunta ko.

"Nasaan na ang pera ni Mr. Mendoza?" Tanong kong muli. May halo ring pagbabanta.

"H-Hindi ko alam. Please, give me at least a week and I promise, I will give back all his money.." Muling pakiusap pa nito.

"Hmmmm." Napailing ako. "Hindi mo alam?" Napatawa ako ng may halong sarcastic bago itinutok sa kanyang noo ang hawak na baril. This time, parang willing akong dumihan ang mga kamay ko dahil sa mga katulad niya.

"And one week? You know what? Mabilis lang naman akong kausap----"

"A-Adriana?" Narinig kong sabi ng isang boses mula sa aming likuran. Hindi iyon malakas, hindi rin mahina. Ngunit sakto lamang para marinig ko ang pagbanggit nito sa aking pangalan.

Shit!

Kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang kumabog ng malakas ang pag pintig ng aking puso. Lalo na noong maalala ko na mayroon pala akong hawak na baril, pati na rin ang aking mga kasamahan. Isama mo na rin si Mr. Cheng na nakaluhod sa aking harapan ngayon, habang nasa ilalim parin ng aking mga paa ang kanyang mga daliri. Unti-unti kong ini-angat ang aking paa at lumayo ng isang hakbang mula sa matanda.

Natigilan ako at inaamin ko rin na hindi ko rin alam ang gagawin ko. Pati na rin sina Mad Dog ay natigilan. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. At tama nga ako, it's Rae. Hindi ko inalis ang aking paningin sa kanya at nanatiling nakapako lamang sa kanyang mukha.

"Ms?" Pagtawag ni Mad Dog sa aking pansin. "Ililigpit na ba natin itong matandang ito?" Tanong nito sa akin. Halatang naghihintay lang ng order mula sa akin. Awtomatikong napatango ako.

"Yes." Sagot ko. "But not this time. Not in front of this woman." Dagdag ko pa habang na kay Rae parin ang mga mata. Makikita sa mukha at mga mata nito ang pagtataka sa mga nakikita at nangyayari. Ngunit pilit na inalis ko ang aking paningin mula sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. Napa mosyon ako sa dalawa na isakay na sa sasakyan ang matanda. Si daddy na siguro ang bahala sa kanya.

Hinintay ko muna na tuluyang maisakay ang matanda bago ko ibinalik ang aking atensyon sa babae na naka tayo sa aking harapan.

"Oh my ghad! A-anong nangyari? B-bakit----"

"Umalis kana Rae. You shouldn't be here." Malamig ang boses na putol ko rito, bago tuluyang napatitig sa kanyang mga mata.

Napalunok siya ng maraming beses, hindi nakaligtas sa aking paningin ang nandoon parin na takot sa kanyang mga mata at pagkalito. Pero mabilis niya iyong naitago at kasabay noon ang mabilis niyang mga hakbang na lumapit sa akin. Pagkatapos ay marahan na hinawakan ako sa aking pisnge. Hindi ako kaagad nakapag react sa kanyang ginawa at sandaling napatulala pa sa maganda at inosente niyang mukha dahil sa gulat.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong nito sa akin habang sinisipat ang buo kong mukha at pati narin ang aking mga braso. Tila ba na hynotise din ako sa kulay berde niyang mga mata na sobrang nag-aalala para sa akin. Pagkatapos ay basta na lamang niya akong niyakap ng mahigpit.

Ewan ko, pero this time. Mas lalo na akong nanigas dahil sa ginawa nitong pagyakap. Ano bang ginagawa niya?

"W-who is he? Sinaktan ka ba niya----"

Natigilan siya noong buong lakas na itinulak ko siya papalayo mula sa aking katawan atsaka tinignan siya ng may talim sa mga mata.

"ANG SABI KO UMALIS KANA!" Sigaw ko sa kanyang mukha. Halatang nagulat ko siya lalo na noong napasinghap ito, pero kailangan ko rin iyong gawin. Isa pa, iyan na naman siya sa kakulitan niya na pwede niyang ikapahamak. At pagkatapos ng ilang segundo ay tinalikuran ko na siya pabalik sa sasakyan at hindi na muling nilingon pa, o maging mag-iwan ng kahit na anong salita.

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasan ang hindi siya isipin. Kung bakit naman kasi sa ganitong pagkakataon pa kami kailangang magkitang muli. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kanina noong yakapin niya ako at hawakan niya ako sa aking pisnge. Mahirap man at nakakainis na aminin pero sa ilang segundo na iyon....naramdaman kong safe ako? At napaka gaan sa damdamin knowing na mayroong isang tao na nag-aalala para sayo. Which is weird, dahil sa isang tao ko lang dapat iyon nararamdaman...kay Chesca.

Kaya mabilis ko siyang itinulak 'non, pero inaamin ko rin na noong sandaling ginawa ko iyon, hindi ko maiwasan na hindi hanapin muli ang lambot ng kanyang katawan. Hays!

That kid. Ano bang meron sa kanya? At anong ginagawa niya sa lugar na iyon ng ganitong disoras ng gabi?

Awtomatikong napa kagat ako ng aking labi, noon lamang bumalik sa aking isipan ang lahat. Naalala ko na....noong gabing naglasing ako pagkatapos ay dumaan ako sa isang malapit na kaibigan doon din mismo sa building na iyon, isang buwan na ang nakalilipas.

"Then maybe you won't mind if I call you, love. Right, love?" Kusa iyong bumalik sa aking isipan at paulit-ulit kong naririnig ang kanyang boses noong gabi na iyon.

Napa hinga ako ng malalim, nandoon siya sa building na iyon dahil marahil doon siya nakatira, ang penthouse niya. At sa rooftop ng building na iyon, doon kami unang nagkita. Shit! Bakit hindi ko kaagad iyon naalala? Edi sana noong unang pagpunta pa lamang nito sa Baylight noong araw na inutusan siya ni Ryan, pinagtabuyan ko na kaagad siya. Hindi na sana kami umabot sa ganito, lalo na ako sa ganito kagulong sitwasyon.

Pagdating sa mansyon ni daddy, tuluyan na ipinaubaya ko na sa kanya si Mr. Cheng. Kung ano man ang gagawin niya sa matanda, labas na ako roon. Hindi na rin ako doon nagtagal pa kahit na sinasabi nito na doon na ako magpalipas ng gabi. Agad na bumiyahe ako pauwi sa aking condo.

Pero ang hindi ko alam, pagdating na pagdating ko ay kusa ko na lang na itinype ang pangalan ni Rae mula sa aking laptop at hinanap ito sa google. Hanggang sa nahuli ko na lamang ang aking sarili na matagal ng nakatitig sa kanyang litrato na lumabas roon. Mabilis na isinara ko ang aking laptop bago dismayadong pinagmumura ang aking sarili sa isipan.

Tama ba itong ginagawa ko?! Tanong ko sa sarili ko. Hays, stupid Adriana. She was a kid. And you're six years older than her.

-Unedited