Chereads / The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED) / Chapter 9 - Chapter 11: Kidnapping My Girl

Chapter 9 - Chapter 11: Kidnapping My Girl

Now playing: Captivated

Rae

Dalawang linggo makalipas ang nangyaring kaganapan sa Baylight, hindi na ako muling nagpakita pa kay Adriana o maging kay Kuya. Hindi ko parin maiwasan ang hindi magtampo sa kapatid ko dahil sa ginawa niya. Isama mo na rin hanggang ngayon, hindi ko parin maiwasang isipin kung sino ba si Chesca sa buhay ni Adriana.

Pero alam ko naman na malaki ang posibilidad na isa ito sa mga taong naging malaking bahagi sa buhay ni Adriana, ang ex-girlfriend niya. Ang babaeng mas nauna sa buhay niya kaysa sa akin.

Inaamin ko na nagulat talaga ako noong marinig ko ang pag-uusap nila ni Sommer noong gabi na iyon. Nalungkot din dahil hanggang ngayon, mukhang hindi pa nga talaga siya move on. Pero hindi naman 'yun ang dahilan para sukuan ko si Adriana, ano?

Because she's already an ex and will never be part of Adriana's life again.

Hindi ko alam kung bakit ang daming tao ang nangangamba pagdating sa mga ex ng taong minamahal nila, dahil ba mas nauna silang minahal ng taong iyon? Dahil baka hindi pa siya move on at mahal parin niya ito? So what? Fuck that saying. Kaya nga tayo dumating sa buhay nila, to help them start over.

And yes, we should be thankful that someone cared for that person before we came into his/her life. We should be thankful that, they became ex so that we could have the opportunity to love that person, just like my Adriana. At tanggapin natin na bago pa man tayo dumating sa buhay niya, may isang taong minahal siya ng lubusan. Ang kailangan nating gawin ay higitan ang pagmamahal na iyon.

Nag focus ako sa career ko dahil nalalapit na ang paglabas ng aking bagong album. Mas lalong naging mahigpit sa akin si Jess ngayon. Bantay sarado niya ako sa lahat, minsan naman kung hindi ito matutulog sa Penthouse ko, isasama niya ako sa place niya. Sinasadya ko rin na hindi sagutin ang mga tawag ni Kuya, I'm not mad with him anymore, all I really want is to be able to focus on and avoid the things that can messed up my mind.

Isang gabi, pagdating ko sa Penthouse, pabagsak na nahiga ako sa aking sofa sa sala dahil sa sobrang pagod mula sa maghapon na ginawa. Hindi na rin ako nag-abala pa na buksan ang lahat ng ilaw dahil mas gusto ko na sana ang matulog. Ngunit agad din na muling napangon noong sandaling may napatikhim mula sa aking likuran atsaka awtomatikong lumiwanag ang paligid.

"Sommer?" Nagtataka na pagbanggit ko sa kanyang pangalan dahil sa gulat. Pagkatapos ay dahan-dahan na napadako ang aking mga mata sa isang matipuno ngunit mayroon ng katandaan na lalaki. Makikita mong isang madilim na awra lamang ang bumabalot sa kanya...atsaka iyong mga mata niya, parang kahawig kay Adriana. Mayroon pa silang apat na kasama, lahat sila ay naka men and black at mahahalata mong hindi sila magdadalawang isip na iligpit ka oras na kumilos ka ng masama.

Napalunok ako ng mariin. "What are you doing here?" Tanong kong muli kay Sommer. "And who are you?" Tanong ko rin sa medyo may katandaan na lalaki.

Humakbang palalapit sa akin si Adriana. "Rae, I'm sorry if we break in without telling you. We just want to talk---

"Talk?" Hindi makapaniwala na putol ko kay Sommer. "You just want to talk? For what?! And who are these people? Why are they here with you?!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw dahil ngayon pa talaga 'to mangyayari kung saan pagod na pagod ang katawan ko. Gusto ko ng maiyak.

"I'm Harold." Biglang singit ng may katandaan na lalaki.

"Adriana's father." Dagdag naman ni Sommer, bago napa kamot sa kanyang batok. This time, mas lalo akong kinabahan at hindi na muling makapag salita pa. I know what he's capable of. So now, I would rather just keep quiet and give him some respect.

"W-what do you want from me?" Utal na tanong ko dahilan upang mapangisi siya. Napa mosyon siya na umupo ako kaya iyon ang ginawa ko. Grabe! Ngayon ko lang na realize, kaya naman pala hawig na hawig ni Adriana ang mga mata niya.

"I'm not going to play around anymore, Rae." Buo ang boses na sabi nito na tiyak na kikilabutan ka. "I'm here to give you an offer, and I have nothing else to ask for in exchange but your loyalty to my daughter." Awtomatiko na nanlaki ang aking mga mata at tila ba biglang may bumara sa aking lalamunan.

"A-anong sinabi mo?" Tanong ko rito.

"Gusto kita para sa anak ko." Paglilinaw niya. "My daughter is getting older, and I'm worried that she might never get married." Gusto kong matawa sa sinabi ng ama nito pero pigilan ko.

"You are the kind of person I want for your child, I see how determined you are to be with her so I will support you." Kusa naman na umakyat ang mga mata ko sa nakikinig lamang na si Sommer. Alam kong kahit na hindi niya sabihin, kahit na suportado rin niya ang kanyang Uncle, nasasaktan parin siya. Pero pilit na itinatago ng kanyang mga ngiti ang totoo nitong nararamdaman, bakit kasi napaka smiling face niya?

Agad na nagkasalubong ang mga mata namin, napatango siya sa akin at tinignan ako ng 'go grab the opportunity look'. I promise, palagi kong ipagdarasal na matagpuan niya ang tamang tao para sa kanya. Pagkaraan ng ilang segundo, muling ibinalik ko ang mga mata ko sa ama ni Adriana.

"Thank you....Mr. Mendoza." Pormal na pagpapasalamat ko rito bago napatayo na, ganoon rin ito. "And because you want to support me for your daughter, I have something to ask you." Dagdag ko pa.

"What is it?" Agad na tanong naman nito habang inaayos ang kanyang suot na coat.

"Can I borrow some of your men?" Tanong ko sa kanya. Hindi nito mapigilan ang hindi mapangisi at mapa iling na rin.

"Sure, anytime you want. And no matter how long you may need them, just for my daughter, I will send my men to you." Mabilis na pagpayag nito sa aking kahilingan dahil agad na nakuha nito ang nais kong gawin.

May naisip kasi ako na magandang ideya at sisiguraduhin kong wala ng kawala pa si Adriana sa akin.

Hindi na nagtagal pa si Mr. Mendoza, agad na umalis na ito kasama ang kanyang mga body guard pabalik sa kanyang mansyon. Samantalang, naiwan naman kasama ko si Sommer.

"Thanks, Som." Pagpapasalamat ko sa kanya pagkakuwan. Awtomatiko naman na namula ang mga pisnge nito noong marinig ang itinawag ko sa kanya.

"Masaya ako, para sayo at para sa pinsan ko, Rae." Pag-amin niya ngunit hindi naman maka tingin sa akin. "You two deserve each other." Dagdag pa niya.

"Huwag na huwag ka lang niyang paglalaruan." May pagbabanta sa boses niya bago sinalubong ang mga mata ko. I could see the sadness in her eyes, and she couldn't hide it anymore when the tears just flowed from there. Lalapitan ko sana ito nang mabilis niya akong pigilan.

"Just, don't. Please!" Pakiusap niya at agad na pinunasan ang luha. "You know how much I cared about you, Rae. But please, don't even think about hurting Adriana. Okay?" Napatango ako.

"Of course, alam ko kung gaano mo siya kamahal at kung gaano siya ka importante sayo." Tugon ko.

Napangiti siya ng malungkot. "Yeah, right. Ayoko na siyang makitang durog at wasak muli. Kaya kahit mahal parin kita, hahayaan kita na mahalin siya dahil ang mga kagaya mo ang higit na kailangan niya." Dire-diretso na sabi nito bago napatayo.

"I understand, Som. But please, talk to me and don't just walk---"

"Since Chesca passed away five years ago, she never fell in love again. So give her the love she deserves until she has forgotten the bitterness of her past. That's all what she need, YOU." Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako bago tuloy-tuloy na lumabas na ng pintuan.

Habang ako naman ay hindi na muling nakapag salita pa at napatulala na lamang sa kawalan.

Chesca passed away?

Now I don't know what else I should feel. I feel sorry for Adriana's situation, I know I am not in her position but I feel the pain of her past, lalo na ang pagkawala ng babaeng minamahal niya. Ngayon naiintindihan ko na, kung bakit ganoon na lamang niya ako kung ipagtulakan, kung bakit hanggang ngayon, hindi parin siya move on. Marahil, hanggang ngayon sobra parin itong nasasaktan sa pagkawala ni Chesca. Pero ano naman kaya ang dahilan ng pagkawala niya?

Kahit pa yata exhausted ako sa buong araw, dahil sa mga nangyari at nalaman ko, halos buong magdamag hindi ako makatulog. Palagi kong naiisip si Adriana, I wish, I was the reason to relieve all the pain she felt in her heart. I want to kiss away, the pain she still feels to this day. I want to be with her until she can start over again. And I will make that happen. Someday, I know.

-------

Katatapos lamang ng aking interview mula sa isang afternoon show, kasama si Tita V. Alam kong marami ang nagtataka tungkol sa amin ni Adriana dahil sa nangyari noon sa Baylight. At kung ano ba talaga ang relasyon naming dalawa. Pero, ayoko munang ipaalam sa lahat ang tungkol sa amin, lalo na ngayon na hindi pa ako sigurado sa pupwede niyang maramdaman sa isasakatuparan kong plano ngayong gabi.

And about Sommer, hindi parin nito sinasagot ang mga tawag at messages ko sa kanya, even emails. Inaamin ko, sobra-sobra na akong nag-aalala para sa kanya. Pero alam ko rin na, marahil kailangan niya munang mapag-isa. Kahit na ganon, araw-araw parin akong nagtetext sa kanya at kinukumusta siya. I already told you, she's special to me. And I don't want to lose her, either.

Nagpaalam rin ako kay Jess ng dalawang linggo, ang sabi ko, magbabakasyon lang ako at ang kailangan ko ay mapag-isa. Mabuti nalang dahil pumayag naman ito, dahil alam niya kung gaano ako napagod nitong dalawang linggo na puro lamang trabaho. She didn't even ask me where I was going, in that, I thought it was better.

"Ms. Nakuha na namin siya." Ang sabi sa kabilang linya ng isa sa mga ganster na ipinahiram sa akin ni Mr. Mendoza.

"Good. I'm on the ship now, bring her here with me." Utos ko sa mga ito habang napapangiti sa sarili. "At huwag na huwag ninyong hahayaan na mabagsak yan ha. Mamaya mabagok pa ang ulo niyan, kayo talaga ang malalagot sa tatay niyan." Dagdag na pananakot ko pa.

Noong masigurado ko na okay na siya, sandaling binisita ko ito sa kanyang suites. Mukhang matapang nga iyong gamot na ginamit sa kanya, ang sabi, bukas pa siya magigising.

Hayyyy. Nakakainip naman. Gusto ko ng marinig ang boses niya. Sandali ko pa siyang tinitigan at sinamantala ang pagkakataon na mahalikan ito sa kanyang noo, bago tuluyang bumalik sa aking suites upang matulog.

"Good night, Adriana." Paalam ko rito.

Kinabukasan, maaga akong nag-asikaso, inayos ang damit na susuotin ni Adriana, at pati na rin ang magbibihis at mag-aayos sa kanya. Medyo mahirap nga lang kasi hanggang ngayon, tulog parin siya. Pagkatapos ay inihanda ko na rin ang place kung saan kami pupweding makapag solo, lunch date kung baga. Aba! Kailangan maging sulit itong first date namin, ano? Ang mahal kaya nitong nirentahan kong place! Ang ginto ng presyo! Sana naman huwag na siyang maging tigre pa.

Habang naghihintay sa pagdating niya, pumunta muna ako sandali sa pinakamalapit na cr. Hindi na rin naman ako nagtagal pa, ngunit pagbalik ko, hindi ko inaasahan na nandoon na siya. Magsasalita na sana ako noong mapansin na mayroon itong hawak na baril habang nakatutok sa lalaking nasa harap niya, which is, isa sa inutusan kong sunduin siya sa suites niya.

May itinatanong ito pero hindi ko masyadong marinig kaya naman, pa simple akong naupo sa isang silya na malapit sa akin at palihim na pinanood ang mga kilos nito. She was about to ask the guy again when I interrupt them.

"Hi, future girlfriend." Pagbati ko sa kanya. Sandali siyang natigilan at tuluyang binitiwan ang kawawang lalaki na kanyang hawak-hawak.

Mabilis na napalingon ito habang nanlalaki pa ang mga matang nakatingin sa akin.

"What the hell, Rae?! You kidnapped me?!" Hindi makapaniwala na komento nito. Napangisi ako.

"Hindi kita madaan sa santong dasalan, kaya idadaanan nalang kita sa santong paspasan." Wika ko bago napa kindat sa kanya. Awtomatiko naman na namula ang mga pisnge nito sa galit. Napatayo na rin akong muli at mabagal na humakbang palalapit sa kanya.

"Is it necessary?" Hindi parin makapaniwala na tanong nito sa akin.

"Yes." Sagot ko.

"Pagkatapos mong ipagsigawan sa buong bansa na we're just friends?" Nahihimigan ko ang pagiging disgusto nito sa kanyang napanood.

Napakagat labi ako upang pigilan ang sarili na mapangiti.

"Oh, so you're watching me that time." Panunukso ko pa. "Bakit? Umaasa ka ba na sasabihin kong girlfriend na kita? Pagkatapos ng paulit-ulit na pagtutulakan mo sa akin?" Dagdag ko pa. Mabilis na napaiwas siya ng tingin bago napalunok.

"H-Hindi no! Asa ka!" Pagtatanggi niya. Gusto ko pa sana siyang asarin nang muli naman itong magsalita.

"What are you doing?!" Galit parin siya. "W-why are we here in the middle of---fuck!" Pagmura nito sa huli bago ibinato ang hawak na baril kay kuya na nanonood sa amin.

Kawawa naman, panay pasa. Hays! Nakakatakot naman 'tong maging girlfriend. Sabi ko sa aking sarili at muling ibinalik ang mga mata kay Adriana. Halatang hindi nito nagustuhan ang ginawa ko.

Exactly, sino ba naman ang gustong makidnap? Tss!

"I want to show you how serious I am, Adriana." Pag-amin ko sa kanya dahilan upang muli itong magbaling ng tingin sa akin. "And I want to prove...that I am willing to give you the love you deserve." Dagdag ko pa ngunit napapailing lamang ito habang tinitignan ako na para bang nababaliw na.

"I could love you more than Chesca loves you." Habang tinititigan ko siya, unti-unti kong nakikita ang lungkot sa mga mata niya. At tama nga si Sommer, hindi parin siya nakakaalis sa nakaraan. Dahil noong sandaling marinig nito ang pangalan ng babaeng iyon, kumislap ang mga mata niya, kahit na nababalot ang mga ito ng kalungkutan. Masakit, oo. Pero, ito ang dapat kong gawin.

"And I'm willing to help you to move on." Dagdag ko pa. "All you need to do is agree with me and just say yes."