Chereads / The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED) / Chapter 8 - Chapter 7: That Surprises Me

Chapter 8 - Chapter 7: That Surprises Me

Rae

Ilang araw na akong iniiwasan at pinagtataguan ni Adriana simula noong unang araw ng controversial, dahil sa ginawa kong eksina sa Baylight noong gabi na iyon. Hindi ko rin tuloy maiwasan ang hindi makonsensya, dahil sa akin panay reporters na ngayon ang labas ng kanyang condo. Inaabangan ang bawat paglabas nito at pag-uwi. Dahil sa akin nangyayari ang lahat ng ito sa buhay niya, nagugulo ko ang tahimik na buhay niya.

Hayyy. Pero anong magagawa ko? Gustong-gusto ko talaga siya.

Ilang araw at gabi na akong pabalik-balik sa Baylight, pero kahit anino nito hindi ko na matanaw.

Teka, ganoon na ba siya ka allergic sa akin? Tanong ko sa sarili.

Gusto ko lang naman na makilala siya ng lubusan ah. At wala akong pakialam kung gawan pa ako o kami ng kahit anong kwento at pag tsismisan ng buang bansa.

Napailing ako sa aking sarili, wala eh. Iba pala talaga kapag natamaan ka ng love at first sight. Damn! Hindi ako makatulog ng hindi siya ang nasa isipan ko, hindi rin maganda ang araw ko kung hindi siya ang unang dadalaw sa isipan ko. At nangyari lamang ang lahat ng ito simula noong unang beses ko siyang makita mula sa rooftop ng penthouse.

Dahil sa kanya, lahat ng nasa paligid ko ngayon sa trabaho apektado. But in a good way naman, tulad nalang noong unang araw na pumutok ang balita tungkol sa akin at kay Adriana, sobrang nagalit sa akin ang manager ko, si Jess. Ngunit noong nagtagal, bigla na lamang itong naging okay sa kanya. Mukhang mas okay daw kasi sa akin ang magkaroon ng lovelife, mas ganado at nagiging seryoso ako sa aking trabaho. Kaya ngayon, hindi lang manager ko ang naninibago at natutuwa sa pagiging good mood ko sa araw-araw. Kung hindi ang lahat ng malalapit namin na kaibigan sa Station at pati narin ang iba pang mga staff.

Pero...napa buga ako ng hangin sa ere. Ibang-iba ang Adriana ang nasaksihan ko kagabi. Dahil naman doon, kahit pa yata maglaklak pa ako ng ilang bote ng alak na aking binili, eh hindi ako dalawin ng antok. Para bang, meron itong split personality at nagkataon na iyon ang nasaksihan kong pagkatao niya kagabi.

Hindi ko alam kung masyado lang ba talaga akong nagulat, lalo na noong makita ko na mayroon itong hawak na baril na nakatutok sa ulo ng lalaki. Alam kong hindi ordinaryong tao si Adriana, hindi rin siya ordinaryong businesswoman katulad ng iba, dahil base sa mga nababasa kong article nito sa internet, isa siyang anak ng business tycoon na si Mr. Harold Mendoza. Hindi lang mayaman, isa rin siyang makapangyarihan at kinatatakutang tao sa buong bansa. Pero hindi ko aakalain na, ang mismong anak nito ay ilalagay niya sa panganib katulad nalang sa nasaksihan ko kagabi.

Dahil sa pangyayari na iyon, doon ko na realize na ang mga katulad ni Adriana ay ang mga tipo ng tao na hindi dapat sinusukuan. Dapat ay mas lalo pa itong binibigyan at binubuhusan ng buong pusong pagmamahal. Kahit na anong mangyari, hindi ako makikinig sa mga sasabihin niya. Dahil ang gusto ko, maging sakin siya. By hook or by crook.

-------

Nakabalik na si Kuya galing ng Baguio. Medyo awkward dahil alam kong nababalitaan nito ang mga nangyari. Of course, he wasn't stupid enough to not know that the woman he had longed for, his sister wanted, too.

Ngayong araw lamang ito nakabalik dito sa Manila, usually kasi kapag ganoon tatawagan niya ako o hindi naman kaya ay yayayain niyang kumain sa labas. Pero malapit ng mananghalian eh hindi parin ito tumatawag sa akin. Kanina pa ako tingin ng tingin mula sa screen ng aking cellphone. Kanina pa rin ako hindi makapag concentrate sa trabaho. Nagrerecording kasi kami ngayon para sa aking bagong album na lalabas next month.

"Alright guys, that's enough." Biglang putol ni Jess sa akin. Agad na tinanggal ko ang headphone na nasa aking ulo parin hanggang ngayon. Lumapit si Jess sa akin habang may pilit na ngiti na tinatago sa gilid ng kanyang labi.

"What's with the smile, Jess?" Nawewerduhan na tanong ko sa kanya.

"Since you have a very busy schedule for the day, so tomorrow we will continue." Walang preno na sabi nito sa akin, which is odd. Naguguluhan na tinignan ko siya sa kanyang mga mata.

"B-But why?" Tanong ko pa.

"Because I said so?" Rinig kong sabi ng kilala kong boses.

"Ipinagpaalam kana niya sa akin. Yayayain ka yatang lumabas." Bulong ni Jess sa akin na halata mong kinikilig para sa amin. Napailing ako habang ngingiti-ngiti.

At hindi nga ako nagkamali noong mapalingon ako sa kanya, isang malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin habang naka sandal sa frame ng pintuan. Kaya naman pala, kahit na napaka loaded ng schedule ko eh pinayagan ako ng ganito ni Jess. Paano ba naman hindi eh, botong boto siya na maging kami ng dyosang nasa harapan namin ngayon.

Hindi parin siya nagbabago, ang ganda parin nito at ang sexy parin. No wonder kung bakit ang daming kalalakihan ang nagkakandarapa sa kanya mula dito sa station namin. Lalo na ang mga kasamahan nitong modelo.

But what is she doing here? At ilang buwan na nga simula noong huling beses kaming magkita? I thought mag stay pa siya ng ilang months sa Palawan? Tanong ko sa aking isipan. Hindi ko parin inaalis ang aking mga mata sa mahahaba nitong mga binti.

"Oh come on, tititigan mo nalang ba ako mula riyan?" Komento nito habang napapairap pa. "Won't you give me a hug? I miss you!" Napatawa ako sa pagiging demanding niya atsaka at patakbong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Oh, Sommer." Sabi ko bago kumalas mula sa pagyakap. "Of course, I miss you." Dagdag ko pa sa dulo. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang mga pisnge noong sabihin ko ang katagang iyon. But I pretended I didn't notice it.

"So where are you taking me?" Muling pagtanong ko pa. "Is this a lunch date?" Dagdag na pagbiro ko rin. Napatawa siya ng mahina bago kami tuluyang nagpaalam kay Jess. At ang gaga, tuwang tuwa talaga sa kanyang nakikita. Haha.

"I'm glad you know it's a date." Biglang sabi nito habang nagmamaneho na ngayon ng kanyang sasakyan. Mabilis na nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"Of course! I know that you still have crush on me." Pero sa isipan ko lamang iyon at hindi 'yun ang aking sinabi.

"Of course! That's what you always do when you miss me too much. You always find time for me." Sabi ko sa kanya bago tinignan ang magiging reaksyon niya. Alam niyo bang, gustong-gusto kong nakikipag usap ng ganito kay Sommer? Ang cute kasi niya, lalo na kapag nagbblush.

"Please stop doing that, Rae." May halong pagbabanta na sabi niya.

"Or else what?" Tanong ko.

"Or else mababangga tayo!" Tumatawa na sabi nito. "Hindi ako makapag concentrate sa pagmamaneho dahil sa mga ngiti mo, you idiot!" Dahil sa sinabi nito ay hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa ng malutong. Naging idiot pa tuloy ako tsk!

Sommer is very special for me. Lahat ng pinapangarap mo sa isang babae ay nasa kanya na. Besides from being a goddess, she is a kind, caring, loving, respectful person and so on. Wala ka ng mahihiling pa kapag siya ang minahal mo o ikaw minahal ka niya. Walang tapon pagdating sa kanya. Inside or out, she is so beautiful.

I like Sommer before. And you're right, she likes me too. Nagkakilala kami noon sa isang Advertising company. Isa kasi siya sa naging kasamahan ko na kinuhang endorser ng kanilang product. Nagkamabutihan ng loob, nag date ng ilang beses, and yes, gustong-gusto ko talaga siya! And yes again, because something happened to us, but it was only once and we were both drunk. And that never happened again.

Dahil doon, ay may narealize ako. Hindi pala talaga dapat tayo malito sa dapat jinojowa at totropahin lang. Hindi lahat ng magaganda, sexy, mababait at gusto tayo eh dapat jinojowa natin. 'Yung iba kasi, pangkaibigan lang talaga. O sa madaling salita, pang tropa lang. Bakit? Katulad nalang nitong sa amin ni Sommer, akala ko talaga gusto ko siyang maging girlfriend, pero noong huli narealize ko, hindi naman pala.

Kaya kahit na may nangyari na sa aming dalawa, inamin ko parin sa kanya. Sinabi ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, of course nasaktan siya. But we still value the friendship we have. 'Yung mga pinagsamahan naming dalawa na walang makakatumbas. 'Yung happiness at comfort na naibibigay namin sa isa't isa, kaya nagpatuloy itong pagkakaibigan namin. Pero alam ko, sa sarili ko na hanggang ngayon ay may nararamdaman parin siya para sa akin. Pero hindi 'yun dahilan para layuan ko siya, ang importante alam ko na sa sarili ko ngayon ang limitations na meron ako. At hanggang kaibigan nalang talaga ang turing ko sa kanya.

Pagdating namin sa restaurant kung saan ako dinala ni Sommer, bago pa man ako tuluyang makababa ng sasakyan ay inabutan muna ako nito ng cap. Palagi niyang hindi nakakalimutan 'yun. Upang walang masyadong makakilala sa akin.

Nasa isang Italian Restaurant kami ngayon, hindi ako pamilyar sa lugar pero parang nakita ko na ito sa kung saan, hindi ko lang matandaan. Pagpasok pa lamang namin sa loob, panay ang pagbati sa amin ng mga waiter at waitress. Este kay Sommer lang pala na para bang kilalang kilala na siya ng mga rito. Habang ako naman ay nakayuko ang ulo dahil baka merong maka recognise sa akin.

"Have you always been here?" Bulong na tanong ko sa kanya. "Parang kilalang kilala kana ng mga tao rito eh." Dagdag ko pa. Ngunit sa halip na sagutin ay malagkit na tinignan lamang ako nito sa aking mga mata bago napa ngiti ng alanganin.

"Please don't ask any more questions. And please, let's just enjoy this DATE." Bigay diin niya sa dulo bago ako ipinaghila ng upuan pag dating namin sa pinaka dulong lamesa.

Pag-upo pa lamang namin, agad na dumating na ang dalawang waitress dala ang aming mga pagkain. Taas ang kilay na napatingin akong muli kay Sommer, habang namamangha naman itong nakatingin sa akin. Dahil halos lahat ng pagkain ay paborito ko.

"My cousin owns this restaurant, so I'm known here." At sa wakas ay nasagot na rin niya ang tanong na kanina ko pa gustong masagot. Napatango ako habang napapatingin sa buong paligid, pilit na inaalala kung saan ko na nga ba nakita itong restaurant na ito.

"Gusto mo rin bang malaman kung sino ang pinsan na tinutukoy ko?" May makahulugan na tanong pa nito. Mabilis na napailing ako.

"Thanks, but no thanks." Sabi ko sa kanya. "I'm not interested." Diretsahang sagot ko, kung sino man iyong pinsan niya. Hanga ako dahil napapanatili nito ang maganda at maayos na service na meron ang negosyo nila.

"Sabi mo eh. Ikaw rin, walang sisihan." Bulong ni Sommer pero hindi masyadong marinig. Hinayaan ko na lamang siya at nagsimula ng lantakan ang pagkain na nakahain sa aming harapan.

Pagkatapos naming kumain at noong parehas na kaming busog ay sandaling tumayo si Sommer. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mapa mosyon ito sa akin na agad ko namang sinunod. Naglakad kami sa may unahan konti na sa tingin ko ay back office na ng restaurant.

"Sommer, what are we doing here?!" Medyo kumakabog ang dibdib na saway ko sa kanya. "Let's go back." Pagyaya ko pa.

"Can you calm down?" Ganting saway rin nito sa akin na parang ewan na tumitingin sa kaliwa't kanan. "Para sayo itong ginagawa ko, so please...just cooperate and be quiet." Kalmado parin na dagdag niya bago tuluyang pumasok sa loob ng isang opisina na hindi ko alam kung kanino. Awtomatikong sumunod ako sa kanya kaya hindi ko na napansin ang nakapaskil na pangalan sa itaas ng pintuan mula sa labas ng opisina.

I was about to speak again when someone spoke from behind us.

"Sommer, what the hell are you doing here?" Singhal at may awtoridad na wika ng boses mula sa aming likuran. "Hindi ba mahigpit na ipinagbabawal ko ang pagpasok mo rito ng walang paalam o pasabi? At bakit hindi mo kaagad ipinaalam sa akin na nandito ka na palang muli? Kailan ka pa dumating?!" Walang preno at dire-diretsong sabi ng boses mula sa aming likuran. Gusto ko sanang matawa sa naging itsura ni Sommer ngunit agad ko ring na realize kong sinong nagmamay-ari 'non.

Halos hindi ako makagalaw mula sa aking kinatatayuan na para bang isang estatwa na napako roon. Awtomatiko rin na nanlamig ang aking mga kamay at habang pinagpapawisan ng malamig. I didn't expect to see her today. And wait...siya ba ang tinutukoy ni Sommer na pinsan niya?

Naguguluhan na napatingin akong muli kay Sommer bago ito tinignan ng 'Why didn't you tell me?' look. Agad naman na nakuha nito ang ibig kong sabihin bago niya ako mabilis na hinawakan sa magkabilaang balikan at basta na lamang iniharap kay Adriana.

"Mahiya ka naman sa bisita mo. Huwag mo naman akong pagalitan sa harap niya na parang bata." Sabay nguso na sabi nito.

Halatang nagulat si Adriana noong sandaling iniharap ako ni Sommer sa kanya. Kapwa nanlalaki ang aming mga mata habang nakatitig sa isa't isa. Nakakahiya!

Great! At ginawa pa akong dahilan ni Sommer sa pinsan niya. At teka nga...so mag pinsan nga sila?What the hell?! Bakit hindi ko kaagad nalaman 'yon?