Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 4 - CHAPTER 4

Chapter 4 - CHAPTER 4

Donnie Marie was at Casa Bella, isang sikat na club sa Makati. Isabelle Demetillo, the owner of that club came from a family of superstars, kaya hindi na nakapagtatakang mga celebrities ang mga parokyano roon. Naroon siya dahil sa kasalukuyang assignment niya. She stared at the guy she's been spying for two hours now, si Mr. Anito Galvez, a doctor.

His wife was right, afterall. Nakuhanan na niya ito ng larawan kanina sa labas kasama ang kalaguyo nito. She would follow the doctor and his mistress later. Kukuhanan niya rin ng larawan ang dalawa bago pumasok sa makasalanang love den ng mga ito. She vehemently shook her head. Mas madali ang assignment niya ngayon kumpara sa kaso ni Mayor Daguio.

The doctor didn't have any bodyguards with him. Hindi naman ito kasing sikat at kasing yaman ng huli niyang tinrabaho. Biglang sumagi sa isip niya iyong lalaking nagligtas sa kanya isang linggo na ang nakararaan. Panaka-naka ay naiisip pa rin niya ito.

"Oh my God, is that the Claus Twins?" impit ulit na tili ng babaeng nasa likod niya.

Kilala niya ang tinutukoy nitong Claus Twins. Sabagay, sino ba'ng hindi nakakakilala sa mga Claus? The clan dominated the whole business world. Si Sebastian Claus ang sinasabing isa sa mga pinakamayang tao sa buong Asya. May siyam itong anak na puro mga lalaki.

Ang siyam na anak nito ay ipinangalan nito sa siyam na Reindeer ni Sta. Claus. It was hilariously cute how Sebastian named his sons. Christmas Day kasi ang kaarawan ng siyam na Claus. Lahat ng Claus brothers ay sa iisang araw ipinanganak. Lahat din ay pare-pareho ng edad—trenta'y anyos—at sabay sabay ding dumating sa buhay ni Sebastian.

All were fifteen when they all came to Sebastian. Ang siyam na anak nito ay kalahating English at kalahating Pinoy, since Sebastian was an English man. Twenty five years ago, Sebastian donated his sperm in a sperm bank found in the heart of Manila—a sperm bank that Sebastian has protected not to be exploited. Itinago ang pangalan ng sperm bank para makatiyak sila na walang pekeng mga Claus ang magpupunta kay Sebastian.

The news of Sebastian Claus' searching for his heir went viral fifteen years ago. Noong pumutok ang balitang may tagapagmana ang matandang Claus ay nagkagulo ang lahat. Almost a month after that breaking news, nine boys came into The Claus Mansion and claimed to be Sebastian's sons. Lahat ng mga batang iyon ay napatuyang anak nga nito dahil sa DNA test na isinagawa. And everybody looked like Sebastian. Hindi iyon maipagkakaila ng sinuman.

Those nine boys had Sebastian's eyes—aqua blue, piercing and cold.

Even at seventy five, hindi pa rin maitatago ang taglay na kakisigan ng matanda. Kaya marami ang nagtataka na hindi man lang ito nakapag-asawa. Oh well, sa pagdo-donate nito ng sperm ay hindi lang isa kundi siyam na anak pa ang nakuha nito. Lalo pa't mag-isa na lang ito sa buhay, ayon na rin sa mga reports. Wala na itong pamilya bago pa man ito nagdesisyong manirahan na ng tuluyan sa Pilipinas.

His sons' good looks and mysterious pasts created a big buzz in the business world too. The Claus Brothers' pasts were still unknown. Walang nakakaalam kung ano'ng klaseng buhay meron ang mga ito bago ito kinuha ni Sebastian. Nobody succeeded in uncovering those gorgeous men's pasts. Sebastian was clever enough to bury what must be hidden.

Bakit ba niya pinag-aaksayahan ng oras isipin ang mga Claus? Napailing siya. Marahan niyang sinalinan ng beer ang kanyang baso. Nang mapansin niya ang isang babaeng naka-upo sa katabing mesa niya. Just like her, the girl was alone too. Pinagmasdan niya ito.

Maganda ang mukha nito, kayumanggi ang kulay nito. Unlike other girls, she wasn't skinny. Mahaba ang buhok nito na kasing itim ng gabi. Napakaamo ng mukha nito. She gasped when she recognized her. She was Krisstine Sandoval! The actress! Nawala saglit ang pokus niya sa pagmamasid dito nang biglang tumahimik ang buong club.

Hindi niya tuloy naiwasang ma-curious lalo na noong mapansing biglang nagliwanag ang kanina lamang ay napakalungkot na mga mata ng babaeng pinagmamasdan niya. She sensed Krisstine's excitement as her eyes went straight to the door.

Kunot-noong lumipad ang tingin niya sa pinto. May kadiliman ang lugar kaya hindi niya agad naaninag ang mukha ng mga pumasok. Isa lamang ang natitiyak niya, a group of men entered that club and robbed off everybody's ability to talk. From the moment those guys entered that club, all eyes were automatically drawn to them.

Nang maitapat sa liwanag ng discolight ang mukha ng mga ito ay hindi niya rin naiwasang mapasinghap. May brown ang buhok, may sobrang puti, may kayumanggi. She felt like she was browsing a fashion magazine while she gazed at those picture-perfect men. Those guys deserved everybody's attention, she thought.

Lahat ng mga ito ay may taglay na kakaibang gandang lalaki, oozing sex appeal at self-confidence. Napatingin siya sa dalawang lalaking nagpatiunang naupo. She recognized them as Blitzen and Donder. Parehong sikat ang dalawa kaya kilala niya. Blitzen was a commercial model while Donder was an actor. Both managed the Claus Advertising Company.

Whoa! Nakaliliyo sigurong makisalamuha sa mga magkakapatid na iyon. Hindi na siya magtataka kung bakit ganon na lamang ang reaksiyon ng lahat ng mga naroon nang masilayan ang mga Claus. Kahit siya ay natameme sa kagwapuhan ng mga ito. Natatawang napailing siya.

Oh well, that should be enough for her. Hindi niya dapat inaalis ang kanyang tingin sa kanyang target. Iiwas na sana siya ng paningin nang bigla siyang matigilan. Her jaw literally dropped when she recognized that particular man. Ito ang pinakahuling pumasok pero mahahalatang ito ang may pinakamalakas na personalidad sa mga kasama nito. His seat was even saved at the farthest side of the reserved table. Kumabog ang dibdib niya.

Hindi siya pwedeng magkamali. Ito iyong lalaking nagligtas sa kanya. Iyong tinakasan niya. Iyong lalaking hindi man lang itinago ang pag-aalab ng mga mata habang tinititigan siya nang dumaan siya sa harap rito! She gulped. He was one of the infamous Claus Brothers?

Kamuntik na niyang nalunok ang kayang puso nang bigla itong napalingon sa kanya. She instantly shivered. Nakaliliyo talaga ang epekto ng asul nitong mga mata. Contrary to the cold color of his eyes, tila apoy na nagbabaga ang tingin nito sa tuwing tumititig sa kanya. For the love of her, she blushed again. When would she stop blushing in front of him?

For the first time in her life, nahiling niya na sana ay pangit ang suot niyang damit. She wanted to cover her body from him—hindi lang dahil sa naiilang siya sa klase ng tingin nito kundi dahil sa kakaibang reaksiyon ng katawan niya sa ginagawa nito. She suddenly felt hot.

She looked away. Her heart pounded like crazy. Inisang lagok niya ang lamang alak ng hawak niyang baso. Damn! Nakita ba siya nito? Nakilala kaya?

"Did you see him?" squealed the girl in red behind her.

"Who?" the girl on blue asked.

"Dasher Claus. Grabe. He is so hot. Kaso nakakatakot siya."

Dasher Claus? Nalukot ang ilong niya.

Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Why was she eavesdropping? Naiiling na ibinaba niya ang hawak na baso at nagpasyang tumayo na. Bago siya tuluyang umalis ay muli niyang napansin ang tahimik na babae sa kabilang mesa. The lady's eyes were fixed on the Claus Brothers' table. Halos hindi na ito kumukurap habang matamang nakatitig doon.

There was something in the girl's eyes that made her feel sympathetic towards her. Para kasing punung-puno ng kalungkutan ang mga mata nito. Sino ang tinitignan nito roon? Napangiwi siya. Kanina, nag-eavesdrop siya, ngayon naman ay nagiging sobrang nosy niya. Napailing siya bago nagpasyang dumeretso na sa ladies room para mag-ayos bago umalis.

She wouldn't take the risk of getting face to face with that man. Kukuha rin siya ng tamang pagkakataon para makaalis nang hindi siya nito napapansin. Kahit pa sabihing hindi naman siya nito nakilala dahil nagdisguise siya noong umalis siya, at kasalukyan rin siyang nakadisguise bilang isang "brunette" ay kailangan pa rin niyang mag-ingat.

"Can you believe it? Nandito ang Claus Brothers!" tili ng isang maputing babaeng naabutan niyang nagme-make up sa loob ng ladies room.

"We are so lucky today! Did you see Rudolf? God, he's so hot!" sabi naman ng kulot.

"Comet is still my man, forever!" segunda ng pinakamaliit sa tatlo.

Naiiling na lumapit siya sa lavatory upang maghugas ng kamay. Kapag nagsama-sama talaga ang mga babae, puro gwapong lalaki ang topic. Akala niya ay sa loob lang mananakit ang tenga niya sa topic na Claus Brothers, pati pala doon sa loob ng restroom.

"But guess what? Kasama nila si Dasher. Hindi ko alam kung kikiligin ako sa kanya o matatakot na lang. He is gorgeous but he looks so dangerous," iling nung nakapula.

"Alin doon si Dasher?" curious na tanong ng kulot na babae.

"Duh! Iyong nakaupo sa pinakadulo. I Iyong naka-itim na t-shirt. Tapos yung may blue na mata," sagot ng maliit. "Siya kaya yung pinakaunang inampon na Claus."

Confirmed! Kung ganon ay mayaman nga ang lalaking tumulong sa kanya. Not to mention that he has strong connections too. She really has to escape. Fast! Agad siyang nagpasyang lumabas ng restroom. Kailangan niyang magmadaling makaalis bago pa siya makilala ni Dasher. Ngunit sa hallway palang ay nakita na niya ang kanyang iniiwasan—naglalakad palapit sa kanya!

Now that she had come face to face with him, her body involuntarily trembled. Lalo na noong napadako sa kanya ang asul na mga mata nito. When they first met, his eyes didn't blaze like that. Pero nang mga sandaling iyon, parang nagbubuga na ng apoy ang mga mata nito.

"So, we finally meet again," anito sa mapanganib na boses.

Napalunok siya. Did he really say "again?" Ibig sabihin ay nakilala siya nito!