Nawiwiling pinagmamasdan ni Joul si Oshema na naglalakad sa unahan niya. Papunta sila ng staff house. Nanibago siya kanina nang di ito tumutol matapos niya sabihing sasama siya rito. Karga nito ang pusa na nginungudngod ang mukha sa dibdib nito habang bitbit naman niya ang bag nito. Napapahagikgik pa ito tuwing kinakagat ng pusa ang daliri nito.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Lumingon ito sa kanya.
"Ikaw, ano bang gusto mo?" Nabigla siya sa tanong na iyon, ah.
Huminto ito. Nag-isip. Humahaba pa ang nguso at namimilog ang ilong. She looks irresistibly cute. Ito ang uri ng babaeng kahit dinudurog na ng sobrang sakit ay kaya pa ring tumingin sa iyo at ngumiti ng totoo.
Ang tatag na pinapakita nito ay hindi nasusukat sa dami ng luhang iniyak nito at nilampasan kundi sa kislap ng ngiting ibinibigay nito na walang bahid ng pagkukunwari.
Reasons why he wants to be with her. Always. Sukdulang baliin niya lahat ng batas mayroon sa mundong ito.
"Alam ko na!" Bulalas nito. Kumikislap ang mga mata. "Papangalanan ko siyang Pepang."
Natawa siya. "Ikaw ang bahala."
Iniharap nito ang pusa at pinindot ang ilong. " Pepang, your name will be Pepang."
"Meaoww!" Sagot ng pusa.
Nagkatawanan sila. Pagdating ng staff house ay nagbukas ito ng de-lata at pinakain si Pepang. Tuwang-tuwang itong nanood sa pusa na nilantankan ang pagkain.
"Bumalik ka na ng school, Joul. Baka hinahanap ka na ng team mo." Bumaling ito sa kanya.
Tumango siya at sumandal sa gilid ng baldosa. "Sasama ka sa akin. You will be our coach for the time being." Pahayag niyang lubhang ikinagulat nito.
"Ano? Nagbibiro ka ba? May coach kayo." Ayaw nitong maniwala at akala ay nagbibiro lamang siya. Naglakad ito papuntang sala matapos ligpitin ang kunting kalat sa kusina.
Bumuntot siya rito. "Wala si Coach. Umuwi sa probinsya nila kasi namatay ang tatay niya. Ikaw muna ang pumalit. Nakausap ko na ang administrator at ang team. Pumayag sila. Wala ka namang kailangang gawin doon. Maupo ka lang sa bench at ako na ang bahala sa lahat." Paliwanag niya sa seryosong tono.
"Joul, you're crazy! " Asik nito. "Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo akong substitute coach? Anong mangyayari sa akin doon? Gagawin mo lang akong dekorasyon sa bench nyo?" Kulang na lang ay bugahan siya nito ng apoy.
Never had he seen anyone so beautiful like her when she gets angry. Damn! He would love to tease her more. Pero baka lalo itong tumanggi sa pakiusap niya pag tinukso pa niya ito.
"Chill, okay?" Hinawakan niya ang kamay nito. Marahang pinipisil. "If you can suggest anything na makakatulong sa game papakinggan ka naman namin. Please, we need you there. Lalakas ang loob ng kalabang team kapag nakita nilang walang coach na nakaupo sa bench namin." Halos lumuhod na siya para lang makumbinsi ito.
Saglit itong natahimik. Nag-isip. Tinimbang ang mga sinabi niya habang titig na titig sa kanya na para bang hinahanap sa mga mata niya ang sapat na rason para pagbigyan siya. Makaraan ang ilang saglit ay huminga ito ng malalim, tanda ng pagsuko.
"You're so annoying, do you know that?" Inirapan siya nito pero may naglalarong ngiti sa labi.
" I know." Napapangiting hinapit niya ito para yakapin pero mabilis itong pumiksi at tumakbo papuntang hagdanan. Natatawang hinabol na lamang niya ito ng tingin.
Habang nagbibihis si Oshema sa kanyang kwarto , natanggap niya ang text ni Joul. Mauuna na raw ito sa eskwelahan. Mas mabuti na rin iyon para makaiwas sila sa mga pagdududa ng mapanghusgang mga mata.
Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Jeans na earth yellow, black hanging blouse at sneakers ang napili niyang suutin.
She tied her hair in a messy bun and let some strands fell freely. Naglagay siya ng concealer para di mahahalatang kulang siya sa tulog ng mga nagdaang gabi. Nag-apply din siya ng kunting make-up. Nang makontento sa kanyang hitsura ay nagpasya na siyang bumaba ng sala.
Hindi pa rin niya ma-imagine na magiging coach siya ng Phantoms. Kahit pa sabihing uupo lang siya sa bench. Sigurado kasing maglilikha ito ng impression sa mga estudyante. Wala naman siyang kaalam-alam sa pagko-coach. Baka magmukha lang siyang tanga doon.
Pero tulad ng madalas mangyari, di niya magawang tanggihan si Joul. Mas tamang sabihing pumapayag siya hindi para sa kapakanan ng koponan nito kundi para sa kasiyahan ng binata. Oh, this boy. What did he do to her?
Nagtaas siya ng kilay nang makitang hinagod siya ni Joul ng malagkit na tingin. Saka ito nagtagis ng bagang. Naghintay ito sa kanya sa may gate ng university.
"What?" Namaywang siya. Di ba nito nagustuhan ang outfit niya? Like she cares. " Let's go." Nagmartsa na siya patungong auditorium.
"Sana pala ikaw na lang ang kinuha naming muse. " Nahimigan niya ng panunukso ang tono nito habang nakabuntot sa kanya.
Pumihit siya at pinuntirya ang tainga nito para pingutin pero nabasa nito ang gagawin niya. Natatawang sinalo nito ang kamay niya at pinisil bago siya binitawan.
"Vanessa won." Balita nito na nagpatigil saglit sa kanya.
Ngumiti siya. Nakadama ng pagmamalaki para sa pamangkin. Pero ang kasiyahan niya para rito sa tuwina ay may kabuntot na guilt dahil sa nararamdaman niya para kay Joul.
"Dapat lang naman siyang manalo. Ang ganda kaya niya tapos ang galing pa sumagot sa tanong." Dinig nila ang usapan ng mga estudyanteng galing ng ibang school na lumalabas ng auditorium.
"Doon tayo sa likod dumaan." Iginiya siya ng lalaki patungo sa likurang parte ng gusali at humantong sila sa isang pribadong pinto na tingin niya ay daanan ng mga players at iba pang authorized personnel.
Narinig nila ang boses ng master of ceremony na umaalingawngaw sa buong auditorium. Pinaghahanda nito ang teams para sa parade of players. Halos takbuhin na nilang dalawa ni Joul ang tagong hallway papunta sa locker ng Phantoms.
Kompleto na ang buong koponan nang dumating sila. Nandoon din si Vanessa na magandang-maganda sa suot na white maong shorts at sleeveless jersey. Natuwa ang mga players nang makita silang pumasok sa pinto pero pagtataka ang nabasa niya sa anyo at mga mata ni Vanessa.
Gayunpaman ay nilapitan niya pa rin ang pamangkin at niyakap. " Congratulations, Van." Bati niya rito at hinagkan ito sa pisngi.
Tumango ito at pilit na ngumiti. "Bakit ka nandito, Ate?" Tanong nito at nalipat ang tingin kay Joul.
" She is our new coach." Ang binata ang sumagot na sinang-ayunan naman ng tango ng mga ka-team nito.
" Ano?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Vanessa. Samantalang nagkibit na lamang siya ng balikat.
Inabutan siya ni Neil ng programme. Agad niyang sinilip iyon. Ayon sa order of entry, mauuna ang host school, sila iyon.
"Mauna na kayo. Susunod na lang ako. Magbibihis pa ako.Team, double time! Labas na, labas!" " Sigaw ni Joul. Kinuha nito ang banner ng school at ibinigay kay Vanessa. Namula agad ang pisngi ng dalaga habang nakatunganga sa binata.
"Vanessa, tayo na." Hinatak niya ang pamangkin at bumuntot sila sa mga players na isa-isang lumabas ng pinto.
"Ate, dito muna ako. Hihintayin ko si Joul." Nagpaiwan si Vanessa sa labas ng pintuan.
Hindi na rin niya ito pinilit. Alam niyang bihira na lamang ito magkaroon ng pagkakataong makasama si Joul mula ng maghiwalay ang dalawa.
"Bilisan ninyo." Bahagya niyang pinisil ang kamay nito bago ito iniwan at humabol sa koponan nila na naghintay sa kanya sa may bukana patungong hardcourt.
Handa na ang ibang teams sa may alley at naghihintay na lamang sa announcement ng master of ceremony. Palinga-linga siya sa ibang teams. Sa hula niya aabot sa labing-limang koponan ang naroon.
Naramdaman niyang pinapagitnaan siya nina Neil at Gwendel na tila ba pinoprotektahan siya. Karamihan kasi sa mga players ng ibang koponan ay sa kanya nakatingin at ang ibang may malalakas na loob ay kumakaway pa.
"Stop staring at her, assholes! She's our coach!" Sigaw ni Neil na di nakatiis. Lumapit ito sa players ng isang team na may kulay asul na uniform at marahas na itinulak ang isang manlalaro doon. Nahuli kasi nitong kinakawayan siya .
Mabilis na nagkakagirian agad ang team niya at ang mga manlalaro sa kabilang koponan na tinarget nito. Umawat siya at ang coach ng blue team.
"Neil, calm down!" Hinawakan niya sa braso ang binata para pakalmahin. Pinukol din niya ng naninitang tingin sina Gwendel at ang ibang players nila na nag-uumangan at ang players ng blue team na parang naghintayan lang kung sinong unang gagalaw.
"Sorry for the behavior of my players. They did not know that you're the coach. I did not know either so di ko sila na-warningan. " Bumaling sa kanya ang coach ng blue team na medyo nahihiya at humingi ito ng dispensa sabay abot ng palad sa kanya. "I'm Joseph by the way. I'm their coach. " Pakilala nito.
"Oshema ," sagot niya. Tatanggapin na sana niya ang kamay nito nang may humawak sa pulso niya.
"Coach, anong nangyari?" Tanong ni Joul na madilim na nakatingin kay Joseph. Si Vanessa na nakasilip mula sa likuran nito ay nakakunot ang noo.
"Wala," binawi niya ang kamay mula sa binata. At binalingan si Joseph na naiwan sa ere ang kamay. "It's nice to meet you, Joseph." Nginitian niya ito pero di na siya nakikipagkamay dahil sa masamang aura na ibinabadya ni Joul.
Tumango ito at ipinamulsa ang kamay sabay sulyap sa binata. " Yzack Joul Gascon, the undefeated champion. Titingnan ko ang laro mo mamaya." Ang tono nito ay may bahid ng babala.
"Sure thing," Joul face him squarely without showing any sign of intimidation.
She eyed Joul and gave him a silent signal. Nakuha naman nito iyon. " Teams, to your post!" Sigaw nito. He is addressing not just the Phantoms but the other teams as well. Kumilos ang ibang teams at pumwesto ayon sa nakalagay sa order of entry. Namamangha siya dahil sinusunod ito ng lahat maging ng mga kalabang koponan. His leadership and commanding authority is really something to be revered.
Hinatak nito si Vanessa papunta sa unahan. Ang dalaga naman na parang lutang ay nagmistulang manyika na nakakaladkad tangan ang banner ng kanilang school.
Pumwesto siya sa likod ng mga players gaya ng ibang coach. Di pa nga nagsisimula ang laro pero ramdam na niya ang unti-unting pag-angat ng tensiyon sa pagitan ng mga magkakalabang koponan. Dinig niya ang mga pasaring at asaran na normal lang naman marahil sa mga ganitong kaganapan. Panaka-naka'y sumasaway ang ibang mga coaches.
"Martirez, are you ready!" Umalingawngaw ang malakas na boses ng host mula sa hardcourt. Tinugon iyon ng nakakayanig na hiyawan at tilian mula sa mga manonood. "Let us all welcome the 15 competing teams in this 4th invitational cup! Starting up with the defending champion, lead by their captain, Yzack Joul Gascon and their muse, the reigning queen, Vanessa Olivia Torres, with their assistant coach, Miss Oshema Yzabella Salcedo. Friends, ladies and gents, give it up for Martirez University Phantoms!!! "
Puno ng kumpyansang naglakad ang team papasok ng hardcourt na sinasabayan ng hiyawan at tilian mula sa mga estudyante ng school nila at ng cheering squad. Pinilipit ni Oshema ang mga daliri. Parang sasabog na ang buong auditorium sa lakas ng bagsakan ng mga drums at cheering jingle. Gusto na niyang takpan ang mga tainga. Sumasakit ang ulo niya. Hindi siya sanay sa ganito kaingay. Doon sa monasteryo napakatahimik na kapag nag-uusap sila ay kailangan pa nilang magbulungan.
Natawag ang lahat ng team at nakapag-martsa lahat ng mga manlalaro. Nalaman niya na ang blue team pala ang runner up ng nagdaang season kaya matindi ang tension sa pagitan nito at ng team nila. Nagtuloy ang pormal na programa at tinawag si Joul para sa Oath of Sportsmanship.
Samantala'y di mapigil ni Joul ang mabwesit. Kitang-kita niya sa sulok ng mga mata kung paano pinagpipiyestahan ng tingin ng mga manlalaro pati ng mga coach ng ibang koponan si Oshema.Kahit di iyon pinapansin ng babae pero bumubulusok pa rin ang dugo niya. Sinasagad ng mga ito ang kanyang pasensya.
Pagkatapos ng programa ay pormal na inumpisahan ang opisyal na mga laro para sa araw na iyon. Sila ang unang mapapasabak laban sa St. Andrews. Runner up nila dati ang koponan na ito at di maitatangging magagaling lahat ng players bukod sa matatangkad pa. Lahat ay kayang pumuntos. Mapapalaban sila.
Matapos i-dismiss ang ibang mga koponan, sila na lamang at ang blue wolves ang naiwan sa court. Ten minutes pa bago mag-uumpisa ang laro kasi hinahanda pa ang buong korte at ang mga opisyal na aantabay sa laban.
Kasalukuyan siyang nag-aayos ng supporter niya sa kaliwang tuhod nang matanaw niyang papalapit sa kanya ang captain ng St. Andrews. Si Raymund Abinez.
"What's the deal with your new coach, Gascon? Nasaan si Ramirez?" Tanong nito sa seryosong tono.
"May emergency sa family niya kaya wala siya ngayon. Why? You're underestimating our new coach? Piece of advice, don't. Baka yan pa ang ikatalo mo." Sagot niyang inayos naman ang supporter na suot sa dalawang pulso.
"Yabang. Tatalunin na kita ngayon. Gagawin ko kahit sumuka pa ako ng dugo."
He smirked. "Not now that I have my lucky charm sitting on my bench." Nag-umpisa siyang mag-stretching habang pasulyap-sulyap kay Oshema na nakaupo sa kanilang bench at kinakausap sina Neil at Gwendel.
Tumingin din doon si Raymund at ngumisi. " You're putting a distraction on your bench, not a lucky charm."
"Don't look at her then, if she is a distraction to you." His jaw tightened. Parang di niya pansin na isa rin ito sa mga nagpipiyesta sa kakatingin kay Oshema.
"Jealous, boy?" Kutya nito at tumalikod habang humahalakhak.
Pinukol niya muli ng tingin ang bench nila. Naroon na ang ibang team mates niya. Tapos na siguro kausapin ni Oshema sina Neil at Gwendel dahil sa nangyari kanina bago pa nagsimula ang parade of players. Muntik na kasi magsimula ng gulo ang dalawa.
Tumingin sa kanya si Oshema at ngumiti. Damn! He would sell his soul to the devil just for that smile. Ngumiti siya pabalik.