Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Tumutunog na ang bell nang lumabas sa faculty office si Oshema para pumunta sa kanyang klase. Habang naglalakad sa maluwang na pasilyo ay palakas ng palakas ang pamilyar na kabog ng kanyang dibdib.

Isang linggo na niyang iniiwasan si Joul at ang ganitong pakiramdam na para siyang panawan ng ulirat dahil sa kaba at pangamba ay buong linggo na rin niyang tinitiis pero hindi pa rin niya nagawang masanay.

Nagpapasalamat siya at naging abala ito sa pagbabasketball at sa trabaho nito kaya hindi yata nito gaanong napapansin ang pag-iwas niya.

May parating na invitational game ang team nito laban sa St. Andrews kaya puspusan ang pag-eensayo ng team nito. Ilang gabi siyang napuyat dahil sa kakaisip sa huling text nito noong araw ng exam. Kahit pa pwede namang may ibang kahulugan iyon at di katulad ng iniisip niya pero di pa rin niya magawang balewalain iyon. Rumors between him and Jinkee continue circulating around the campus though.

"Hindi ka pa ba papasok? Kanina ka pa nakatayo diyan sa tapat ng pinto. You're 15 minutes late already." Nanigas siya nang marinig ang boses na iyon. Di na niya kailangan lumingon para alamin kung sino ang nagsasalita.

It was him.

Medyo nakasilip ito sa kanya. His eyes are checking her out intently that it makes her heart thumps harder. Halos malalagot na ang kanyang paghinga. Mariin niyang kinagat ang labi at inangat ang kamay. Dinakma niya ang door knob. Pero humawak din ito doon. Nagtagpo ang mga kamay nila. Nangmanhid ang katawan niya sa biglang pagkalat ng kuryente. Mabilis niyang hinablot ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Get a grip." He sounded upset. Nagtagis pa ito ng bagang bago binuksan ang pinto at pumasok.

Pinalipas muna niya ang iilang segundo bago sumunod rito. She held her ground and gained her composure back.

"Goodmorning, Miss Salcedo!" Bati ng kanyang mga estudyante.

"Goodmorning, everyone!" Ngumiti siya at taas-noong naglakad papunta sa kanyang desk. Agad niyang sinimulan ang klase at gaya ng mga nakaraang araw ay iniiwasan niyang tumingin sa gawi ni Joul. Naitawid niya ang mahigit isang oras nang hindi bumibigay.

But realization hit her really hard that she can't deny it anymore. She is falling for him. Her heart is badly aching for the things she hates to do. Ang sakit na nadarama niya kapag kasama niya si Joul ay hindi dahil ayaw niya sa binata kundi dahil masaya siya sa presensya nito.

Nagpatakan ang mga luha ni Oshema habang nakatingin sa bakanteng upuan ni Joul. Wala ng klase sa hapon dahil abala sa club meetings ang mga estudyante. Naiwan siyang mag-isa sa classroom at di siya makaalis dahil sa nararamdamang panghihina. Anong gagawin niya? How would she handle this feeling? Someone should tell her how before she went mad.

Wala sa sariling tumayo ang dalaga at naglakad patungo sa desk ni Joul. Pinalis niya ang mga luha at naupo sa silya ng lalaki habang banayad na hinahaplos ang ibabaw ng desk nito.

Binasag ng pagtunog ng kanyang cellphone ang tahimik niyang pagluha. It was Nancy calling her.

"Hello? Nancy?" Umahon siya mula sa upuan ni Yzack at naglakad pabalik sa kanyang desk.

"Oshi, umuwi ka muna. Wag mong takasan ang problema. Nandito sa bahay sina Rune at ang parents niya, gusto kang makausap. " Balita nito na lalo niyang ikinaiyak.

She's not fit here in the outside world. Naroon sa loob ng monasteryo ang lugar niya. Pero paano pa siya makababalik kung ngayon ang puso niya ay mayroon ng lamat at hindi na niya maibibigay ng buo sa Diyos?

"Sige, Nancy, uuwi ako." Hinamig niya ang sarili at lumapit sa bintana. Sinilip ang magugulong mga estudyante sa ibaba.

Kinagabihan ay dumating ang bayaw niyang si Edward para sunduin silang dalawa ni Vanessa. Mistulang may party sa bahay nila nang dumating sila. May buffet table sa open-garden kungsaan nakahain ang masaganang hapunan.

"Mabuti at nandito na kayo." Sinalubong sila ni Nancy. "Oshi, kumusta ka na? Na-miss kita." Niyakap siya ng kapatid.

"Nancy," yumakap na rin siya rito habang pinipigilang wag mapapaluha.

"Hi, mommy." Lumapit si Vanessa at humalik sa pisngi ng ina.

Lumapit din sa kanila si Edward. "Kanina ka pa hinihintay nina Papa at Mama. Puntahan mo na sila." Sabi nito sa kanya.

Tumango siya. Sinamahan siya ni Nancy sa kinaroroonan ng kanilang mga magulang. Naroon din ang parents ni Rune at ang lalaki.

"Pa," humalik siya sa pisngi ng ama.

"Akala ko magmamatigas ka pa rin." Sabi ni Vergel.

Hindi siya sumagot. Nilapitan niya ang ina at hinagkan din sa pisngi. "Ma," niyakap niya ito. Sinulyapan niya ang mga magulang ni Rune. Nakangiti sa kanya ang mommy ni Rune. Humakbang siya, nilapitan ang mga ito at nagmano.

"Hija," banayad na pinisil ng ginang ang kanyang kamay. "Pinagsabihan na namin si Rune. Kung anuman ang mga naging pagkukulang niya sa pagsasama ninyo, naniniwala ako na makakaya ninyong ayusin yan."

Tinapunan niya ng sulyap si Rune na hindi makatingin sa kanya ng deretso. Kung sana ay ganoon lamang ka-simple ang problema nila baka pwede pang maayos. Pero hindi. Masyadong mabigat ang kasalanang nagawa nito sa kanya. Kahit busog siya sa pangaral at mga turo ng bibliya sa loob ng kombento ngunit kailangan niya ng sapat na panahon para mapatawad ito.

"Oshema, can we talk?" Matapos ang hapunan ay lumapit sa kanya si Rune.

Tumango siya at nagpatiuna patungo sa loob ng bahay. Sumunod sa kanya ang lalaki. Sa study room sila nag-usap.

"Alam kong pinilit ka lang ng mga magulang mong makipag-ayos sa akin." Siya na ang nagbukas ng usapan.

"Ayaw nilang maghiwalay tayo."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo?"

"Hindi ko kaya."

"Gusto mo akong magsabi?"

"Oshema, please." Nagmamakaawa ang boses ni Rune. Ngunit hindi naantig ang puso niya.

"Rune, hindi mo ako pwedeng itali sa isang pagsasama na walang pupuntahan para lamang protektahan ang lihim mo. Maawa ka naman sa akin. I've had enough already! Tama na!" Hindi na niya pinigil ang mga luhang kanina pa nagbabantang bumukal mula sa mga mata. "Hindi ko masabi ang totoo sa pamilya ko dahil ayaw kong masaktan sila. Alam mo kung gaano kalaki ang tiwala nila sa iyo para sirain mo lang ng ganoon."

"Oshi, magbabago ako. Bumalik ka lang sa akin. Magpapakasal tayong muli. 'Yong totoong kasal."

Mahigpit na nagkuyom siya ng mga kamao. "Pagkatapos ng lahat? Do you expect me to believe you? Tumigil ka na, pwede ba? Kahit na anong pakiusap pa ang gawin mo, hindi na ako babalik sa iyo." Nag-uumapaw na sa puso niya ang sobrang sama ng loob ngunit hindi man lamang iyon makita ng lalaking ito. "Sabihin mo sa mga magulang mo ang totoo kung hindi ako mismo ang magsasabi sa kanila."

Ibinaba nito ang paningin at nagtagis ng mga ngipin. Yumukyok ito sa pagkakaupo sa sofa at isinubsob ang mukha sa dalawang palad. Umiiyak din.

"Sana maintindihan mo ako. Ikaw, ang parents mo at parents ko, ang dami kong isinakripisyo para sa inyo. Pangarap ko at dangal ko. Lahat iyon ay nawala sa akin. Walang natira kundi awa para sa sarili ko. Pati iyon ba ay gusto mong kunin? Sagad na sagad na ako. Wala na akong maibibigay sa inyo." Aniya sa pagitan ng mga tangis.

Sa pagkakataong iyon, alam niyang siya muli ang lalabas na mali at masama sa paningin ng lahat. Panibagong galit ang haharapin niya. Ngunit hindi siya natatakot basta't ang kapalit ay kalayaan mula sa bangungot na kanyang kinasasadlakan.

Malakas na sampal mula sa ama ang nagpatulig sa kanya matapos niyang i-deklara ang tuluyang pakikipagkalas kay Rune. "Lumayas ka! Huwag ka ng magpapakita pa sa akin kahit na kailan!" Asik ni Vergel na nanginginig sa galit.

Lumuluhang umalis siya sa kanilang bahay. Kinapa niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon habang binabaybay ang sidewalk paglabas ng gate para tumawag ng taxi.

"Oshema?"

Nahinto siya. Lumingon. Si Joul? Anong ginagawa nito dito? Lumapit sa kanya ang binata. Napaurong siya nang tinangka nitong haplusin ang pisngi niya na namumula at kumikirot. Pakiramdam niya bumakat ang palad ng kanyang Papa roon.

"Are you okay?" Tanong nitong nasa mga mata ang pag-aalala at pinipigil na galit. Maaring natanto nitong ang marka sa kanyang pisngi ay dulot ng malakas na sampal.

Lalo siyang napaiyak. "Hindi ko alam kung kailan ito matatapos."

Hinapit siya nito at niyakap.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa pagitan ng mga hikbi. Kahit nagpupuyos sa kalungkutan ay may bahagi ng puso niyang nagagalak sa presensya ng binata.

"I followed you. Nakita ko ang pag-alis ninyo ni Vanessa."

"Gusto ko ng bumalik ng probinsya."

"Um, nasa kanto ang motorbike ko." Inakay siya ng lalaki patungo sa kinaroroonan ng motorbike nito.

Walang angal na isinuot niya ang helmet at umangkas sa motorbike. Yumakap siya kay Joul. Habang umuusad ang motorbike palayo ay pinalaya niyang muli ang masaganang luha sa mga mata.

Nasa daan pa sila nang abutan ng malakas na pagbuhos ng ulan. Napilitan silang huminto at sumilong sa isang convenience store.

"Late na at mukhang hindi agad titila ang ulan na ito." Puna niya makalipas ang halos kalahating oras at hindi pa rin tumigil ang ulan.

Sinulyapan siya ni Joul. "Pagod ka na ba? Would you like us to stay for the night somewhere? May alam akong hotel rito pero kung ayaw mo naman hindi kita pipilitin."

"Pagod na pagod na ako at inaantok. Gusto ko ng magpahinga. Dalhin mo ako doon sa sinasabi mong hotel."

It was a four star hotel na iilang bloke lamang ang layo mula sa convenience store na sinilungan nila. Maswerteng may natira pa na isang bakanteng silid. Madami ang motoristang nagpasyang doon na magpapalipas ng gabi tulad nila dahil sa ulan at baha sa highway.

Mistulang lantang gulay na inihimlay niya ang sarili sa malambot na kama. Nilapitan siya ni Joul at hinubad ang suot niyang doll shoes na hindi na niya nakuhang tanggalin sa mga paa. Hinapit ng binata ang bed linen at maingat na ikinumot sa kanya.

"Saan ka matutulog?" Tanong niya sa inaantok na boses na sinundan ng paghikab.

"Doon sa sofa." Sagot nito. Binuksan nito ang lampshade at pinatay ang ilaw sa ceiling. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang tangayin ng antok ang isip at kamalayan.

Buhat sa malamlam na liwanag na isinasabog ng lampshade sa buong silid ay matiim na pinagmamasdan ni Joul si Oshema. Siguro kung may isa pang pagkakataon, pipiliin pa rin niyang magkasala pero titiyakin niyang sa gagawing kasalanan ay hindi luha ang iduduloy nito kay Oshema kundi kaligayahan.

"Sorry for everything." Umuklo siya at banayad sa hinagkan sa noo ang babae.

Ginising si Oshema ng kumakalam niyang sikmura kinabukasan. Inut-inot na bumangon ang dalaga at kinapa sa tabi niya ang kanyang cellphone. Six-thirty pa lang ng umaga. May sampung missed calls siya mula kay Nancy.

Nilapag niya sa side table ang cellphone at pinukol ng tingin si Joul na mahimbing na natutulog sa mahabang sofa. Nakataob ito at nakabiling sa gawi niya ang mukha. He looks so peaceful. Lock of hair is falling loosely on his face, teasing some parts of his eyes and jawline.

Hindi niya alam kung kailan siya nasanay na kasama ang binata. Hindi dapat ganito ang nararamdaman niya. Dapat galit rin siya rito gaya ng pagkamuhi niya kay Rune. Pero wala siyang mahagilap na ganoong pakiramdam sa puso niya. Sa halip ay kabaliktaran. Dahil siguro sa kabila ng lahat ng namagitan sa kanila ay nadama pa rin niya ang mataas na respetong iniuukol nito para sa kanya. Kahit minsan hindi nito pinaramdam na bumaba ang pagkatao niya.

Bumaba siya ng kama at sumaglit sa banyo. Paglabas niya ay nilapitan niya ang lalaki. She hates to wake him up. Pero nagrarambol na ang mga alaga niya sa tiyan. Gutom na talaga siya. Kunti lang kasi ang kinain niya kagabi sa hapunan.

"Joul," banayad niya itong tinapik sa balikat. His bare shoulders flexed for a second. At naiwan sa kamay niya ang init na nagmumula roon.

Umungol ito. Gumalaw ang takulap ng mga mata kasabay ng dahan-dahang pagmulat. Sinanay muna nito ang paningin sa liwanag. He then rolled on his back and get up.

"Anong oras na?" Tanong nito at hinagod sa mga daliri ang buhok.

Naglakad siya pabalik ng kama at naupo roon. "Almost seven. Nagugutom na ako." Angal niya.

Tumango ito. "Gusto mong lumabas o mag-order na lang tayo?"

Mas safe siguro kung mag-order na lang sila. Kung lalabas sila baka may makakita sa kanila na kakilala. "Order na lang tayo." Pahayag niya.

Tumayo ang binata at lumapit sa telepono. Tahimik na pinagmamasdan niya ito habang nakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya. His voice is low shrouded with commanding pitch of authority. She didn't know anything about this boy. His family. Where did he came from. Nothing came to her than him being her student. His background is vague like a mysterious puzzle which pieces can disarm people.

Sumulyap ito sa kanya. Hindi niya iyon napaghandaan kaya huling-huli siya nito. Her cheeks heated when he flashed a disarming smile.

"The food will be here in fifthteen minutes." Sabi nito sa kanya pagkababa ng receiver.

Tumango siya at ibinaba ang paningin. Kunyari may inaayos siya sa hem ng kanyang shirt. Lumapit ito sa kanya. He bended one of his knees on the floor in front of her and held her hands. Nabigla siya sa ginawa nito pero di siya tumutol.

She curled her frail fingers allowing his warm hand to surround them with elusive strength. Tahimik lang ito at di nagsasalita pero kontento na siya. Kontento siyang nakatitig lang sa mga mata nito at nakikita roon ng malinaw ang kanyang refleksiyon.