Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

ISANG puting kuneho ang nakita ni Oshema na umiinom sa batis sa likod ng staff house. Tinangka niya itong lapitan pero mabilis itong lumayo nang makita siya. Hinabol niya ito. Natanaw niyang umikot ito sa likod ng malaking bato at nawala. Nilapitan niya ang bato at nalaman niyang lagusan iyon ng isang yungib. Ang batong iyon yata ang nagsisilbing pansara sa lagusan. Doon pala pumasok ang kuneho kaya nawala. Sumilip siya. Kakasya ang tao roon kung pumasok ng gumagapang. Kaya lang mukhang napakadilim sa loob.

Pagkatapos ng hapunan ay bumalik siya sa may batis dala ang isang bungkos ng Chinese kangkong at isang flashlight. Pumasok siya sa yungib. Namangha siya pagdating sa loob. Maluwang...kasing-luwang yata ng silid niya doon sa bahay nila . At malinis. May mga ilawang sulo sa bawat sulok na pwedeng sindihan. Sayang, hindi siya nagdala ng posporo.

May nakita siyang kennel sa isang sulok na bahagyang elevated. Pininturahan iyon ng berde. Natanaw niya ang kunehong nakita niya sa labas kaninang hapon, pero hindi ito nag-iisa. May kasama ito. Kulay puti din pero mas maliit ng kunti. May nag-alaga siguro sa mga kunehong ito. Sa ayos ng yungib halatang may taong madalas na pumupunta doon. Napangiti siya nang mapansing nagsiksikan sa isang tabi ng kennel ang dalawang kuneho. Natakot yata sa kanya. Nilagay niya sa ibaba ng kennel ang kangkong na dala. Naupo siya sa isang tabi at pinatay ang flashlight. Ibinaba niya iyon sa kanyang paanan. Suminghap siya. Mahirap huminga sa sobrang dilim. Napaigtad siya nang makarinig ng kaluskos mula sa may lagusan. May ibang tao kaya na pumasok? O, baka mabangis na hayop. Kinapa niya ang flashlight ngunit hindi niya mahagilap. Nasipa niya yata ng di sinasadya. Narinig niya ang mga yabag papalapit.

"Sino iyan?" Umalingawngaw ang boses niya sa bawat sulok ng cave.

Walang sagot. Mayamaya ay nagsindi ang mga sulo. Napatunganga siya sa lalaking nagsindi sa mga sulo.

"Joul?"

" Goodevening, Miss." Tumitig sa kanya ang lalaki at bahagyang ngumiti. Sinindihan nito ang tatlo pang sulo na nagbigay ng ibayong liwanag sa buong paligid. Saka lumapit ito sa kanya. Dinampot ang flashlight na di niya mahagilap kanina at ibinigay sa kanya.

"Salamat," tanging nasabi niya.

Tumango lang ito. Pinukol ng tingin ang dalawang kuneho na nasa loob pa rin ng kennel. Hindi pa rin ginagalaw ng mga ito ang kangkong na dala niya. Takot yata lumabas.

"Mga alaga mo sila?" Tanong niya sa binata.

" Friends." Sagot nito. " How did you find this place?" Ito naman ang nagtanong at naupo kaibayo niya.

"Lumabas ang isa sa kanila kanina. Uminom doon sa batis."

"Si Nonoy siguro. Siya lang ang may tapang na lumabas."

"May pangalan sila?"

"Um," tango ng lalaki. "Si Nonoy yang mas malaki. Yang medyu maliit ay si Mimi. Mag-partner sila."

"Nakakatuwa naman. Ang cute-cute nila." Naaaliw na pahayag niya. "Pero takot yata sila sa akin."

"Hindi ka kasi nila kilala. Pero masasanay din sila kung lagi kang pupunta rito." Tinawag nito ang mga kuneho. Nag-unahang lumapit ang mga iyon kay Joul. Si Nonoy ay naglikot agad. Gustong makipaglaro. Si Mimi ay behave lang. Naglalambing at nagpapahaplos.

"Pwede ko ba silang hawakan?"Aniyang umusod papalapit.

Agad na naging alerto ang dalawang kuneho. Tumayo ang malalaking mga tainga. Una niyang hinawakan si Nonoy. Huminto ito sa paglilikot ngunit hindi nagpumiglas bagkus ay tila nakiramdam. Gayundin si Mimi nang haplusin niya.

"Bakit sila nandito?" Tanong niya.

"Pets are not allowed in the dormitory."

"Yeah, may rules nga pala. Matagal mo na ba silang inaalagaan dito?"

"Three months ago."

Naaaliw na pinanonood niya ang dalawang kunehong malilikot na naghahabulan matapos magsawa sa kakakain sa Chinese kangkong. Ang akala niya matutulog na ang mga ito nang pumasok ulit sa kennel, iyon pala'y nagkukulitan lang.

"Hindi pa ba sila matutulog?"

"Hindi sila matutulog hangga't nandito tayo." Sabi ni Joul na ibinaling ang paningin sa mga kuneho matapos niya itong mahuli na nakatitig na naman sa kanya.

Huminga siya ng maluwag at sumandal sa malamig na bato sa kanyang likuran. Ngunit napapitlag siya nang tumalon sa kandungan niya si Nonoy at pumasok sa loob ng kanyang blouse. Nagbukasan ang automatic buttons ng damit niya dahil sa pagpupumilit ng kuneho na makalabas. Nahantad ang malulusog niyang dibdib na tanging lace bra lamang ang takip.

Si Joul na lumapit sana para sumaklolo ay hindi nakakilos. Nakaawang ang mga labing nakatunganga sa kanya ang binata. Nakatitig sa kanyang dibdib.

"Bad Nonoy!" Namumula ang pisnging kastigo niya sa kuneho na mabilis na tumalon palayo. Tumalikod siya at isinara ang automatic buttons ng kanyang blouse.

"Sorry," mahinang sabi ng lalaking napapakamot sa batok.

"For what?" Pakli niya.

"Masyado talagang malikot si Nonoy."

"Ang sabihin mo, pilyo. May pinagmanahan siguro iyan." Pasaring niya.

Nawalan ng kibo si Joul. Tinamaan yata. Tumayo ito. May kinuhang paper bag sa ibaba ng unang sulo at dinala nito iyon sa kennel. Mga sariwang kangkong ang laman ng paper bag na maayos nitong nilagay sa gilid ng kennel. Mabilis na lumapit roon ang dalawang kuneho at nilantakan agad ang kangkong.

"NANDITO sa bahay si Rune kasama ang mga magulang niya. Gusto kang makausap. Umuwi ka ngayon din." Maawtoridad na utos ni Vergel mula sa kabilang linya ng telepono.

"No, Papa! Hindi pwede. May klase pa ako." Matatag na tanggi ni Oshema. Umaga ng Lunes nang tumawag ang kanyang ama.

"Iwanan mo 'yang trabaho mo at umuwi ka rito, inuutusan kita, Oshema!"

"Ayaw ko! Sinabi ko na sa inyo, hindi na ako makikisama pa kay Rune."

"Oshema...!" Nagbabanta ang galit sa makapangyarihang boses ni Vergel.

"I'm sorry, Papa..." Napilitan siyang ibaba ang telepono. Nagbell na para sa una niyang subject. Siguradong magagalit ng husto ang Papa niya pero ayaw niyang magpasindak. Sawa na siyang matakot. Dahil sa karuwagan niya, nasira ang kanyang kinabukasan. Kung pwede lamang niyang sabihin ang totoo para naman mabawasan ang bigat sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya malapit na malapit na siyang sumabog. Pinahid niya ang mga luhang nanlandas sa pisngi.

Anong kailangan sa kanya ni Rune? Pagkatapos ng lahat ng ginawa nito, may lakas ng loob pa itong kausapin siya? Ang kapal ng mukha!

"Miss, are you crying?" Naudlot siya sa paghakbang nang hawakan ni Joul ang braso niya. Wala sa sariling napatingin siya sa lalaki. Lalong sumama ang pakiramdam niya at gusto na lamang niya humagulgol.

"I'm not," malamig niyang sabi at pilit tinanggal ang braso niya sa pagkakahawak nito pero ayaw siya nitong pakawalan. "Let go,Gascon!" Singhal niya at hinampas sa dalang libro ang binata pero nasangga nito iyon sa kabilang kamay.

Nakita niya ang pag-igting ng panga nito. "You're not crying, then what is this?" Pinahid nito sa daliri ang luhang nanlandas sa kanyang pisngi.

"This is none of your business." Nakipagsukatan siya rito. Buti na lang at nasa loob na ng classroom lahat ng estudyante. Walang nakakapansin sa kanila.

"Is that so?" Naningkit ang mga mata nito. "I'll make it my fucking business then, starting today, I will exclusively make you my fucking business, Miss Oshema Yzabella Salcedo." Pagkasabi ay hinatak siya nito papasok sa pintong nasa tapat lamang nila.

"What do you think you're doing, Gazcon?" Sigaw niyang nagpumiglas. Hindi siya nakahuma nang isara nito ang pinto, ni-lock at saka siya isinandal roon. Tigagal siyang napatitig sa lalaki na nag-aapoy ang mga mata at hindi niya malaman kung sa galit o ibang emosyon iyon.

Huminga ito ng malalim at saglit na pumikit. "Sinong nagpaiyak sa iyo?" Malamig nitong tanong.

"I told you__"

"Hindi kita pakakawalan rito." Banta nito nagpatigil sa kanya.

" Ano bang problema mo?" Tama. Maaring concern lang ito sa kanya dahil tiyahin siya ng girlfriend nito. Iyon lang yon, wala ng iba pa. Ayaw niyang mag-isip ng ikatutuliro ng kanyang utak lalo pa at nagsisimula na namang magrambol ang tibok ng kanyang puso dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Nag-ipon siya ng lakas at itinulak ito pero hindi man lang ito natinag. Para itong haliging bakal na itinulos sa harap niya.

"Is it your husband?" Halos manuot sa buto niya ang lamig ng boses nito.

"Stay out of it, Joul. Me and Rune are none of your concern." She weakly eased her hands on her sides.

"I've been meaning to ask this since the very first day that you came here. Bakit Salcedo ang dala mong apelyido at hindi Olivares?" Lalo pa nitong inilapit ang sarili sa kanya at nanghihina siya sa mabangong amoy na nanggagaling sa katawan at hininga nito. His scent is like a dose of sleeping drug. Unti-unting tinutupok ang kamalayan niya sa wasto at mali.

"Why did you even care?" Muling bumukal ang masaganang luha sa kanyang mata. "Tinatanong mo kung sinong nagpapaiyak sa akin? Ikaw." Nakita niya ang anino ng pinaghalong galit at sakit na dumaan sa mga mata nito.

Binitawan siya nito at umiwas ng tingin. "I'm sorry."

"You should. You ruined my morning class." Sabi niya at nagmamadaling lumabas ng pinto.

Buong araw na hindi nagpapakita sa kanya si Joul. Narinig niyang hindi rin ito pumasok sa iba nitong subject. Sumipot lang ito sa gym para sa basketball practice pero di rin nagtagal at umalis kaagad. Nang sumunod na araw ay absent pa rin ito at nalaman niya kay Darren na hindi na rin ito sumipot sa practice.

"Miss, tingin ko bumalik na naman siya sa dating gawi." Sabi ni Darren habang pilit siyang nag-iisip kung anong nangyari kay Joul.

"Anong dating gawi?" Kumunot ang noo niya at napatitig sa lalaki. Silang dalawa na lamang ang naiwan sa loob ng classroom pagkatapos ng homeroom meeting nila para sa nalalapit na university sportsfest.

"His life before you came." May natutunugan siyang lungkot sa boses ni Darren. " Madalas siya masangkot sa gulo at basag-ulo. Kung napapansin mo takot sa kanya ang mga estudyante rito. Takot na makabangga siya. Scholar nga siya at working student pero markado siya sa pagiging basagulero."

Hindi siya nagsalita. That boy, from the very first time she laid eyes on him she knew there's something in him, something more than meets the eye, something beyond what the surface of him is showing. But she never thought it would be to the extent of delinquency.