Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Nakangiting pinapanood ni Oshema sina Vanessa at ang mga kaibigan nito na nagtatawanan habang tumatambay ang mga ito sa lobby at naghihintay na magsisimula ang klase. Masigla na ulit ang kanyang pamangkin. Mabuti naman.

Sabay-sabay siyang binati ng magkakaibigan nang mapadaan siya sa tapat ng mga ito. Si Vanessa ay lumapit sa kanya at mabilis na kinudlitan ng halik ang kanyang pisngi ganoon din si Trisha. Samantalang sina Roxanne, Arlene, Trixie at Kimberly ay kumakaway sa kanya.

"Pumasok na kayo ng classroom, malapit na ang bell." Sabi niya at nilagpasan ang mga ito. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang abala sa pagsagot sa mga bumabating estudyante na kanyang nakakasalubong.

Sinapit niya ang kanyang classroom at bumungad agad sa kanya ang malakas na tawanan ng kanyang mga estudyante pagpasok niya sa loob.

"Goodmorning, Miss Salcedo." The class greets her in chorus.

"Goodmorning, class. How was your weekend?" Tinungo niya ang kanyang desk at pagdating doon ay nilapag ang dalang libro. Kung anu-ano naman ang isinasagot ng kanyang mga estudyante. Agad lumipad ang paningin niya sa lalaking nakikipagtawanan kay Darren. He looks so handsome and fresh. His unusual messy hair is neatly brushed up. Tumingin ito sa kanya habang nakatawa pa rin. Binawi niya ang mga mata at bahagyang napangiti.

"Class, pass your assignment. I'll be expecting a good topic for your up-coming thesis." Naglakad siya papunta sa gitna.

Saglit na nagkagulo ang buong klase. Naging abala sa paghalungkat sa mga gamit ang iba habang ang iba naman ay nagtanungan tungkol sa magiging topic para sa gagawing thesis. Kinolekta ng class representative ang mga papel at ipinasa sa kanya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga iyon. Tidal power, Computational hydraulics, Tunnelling and trenchless technology at Structural dynamics ang kadalasang topic na pinili ng mga estudyante niya. Huli niyang sinilip ang papel ni Joul. Nag-angat siya ng kilay ng mabasa ang nakasulat doon. BEAUTIFUL SCANDAL? Anong topic iyon? Pinukol niya ng tingin ang lalaki. Nakikipagtawanan na naman ito kay Darren. Pinagloloko lang yata siya nito sa pinasang paksa para sa thesis. Inilapag niya sa desk ang mga papel at nagbigay ng panibagong activity para sa kanyang subject.

Pagsapit ng tanghalian ay sumama siya sa dalawa niyang co-teachers na sina Miriam at Michelle. Sa school canteen sila kakain. Nakita niya roon ang grupo ni Vanessa. Naroon na din ang mga lalaki at kasama sina Joul at Darren. Tatlong mesa ang pinagdidikit ng mga ito para magkasya ang lahat.

"Ate," kinawayan siya ni Vanessa. " Join na kayo sa amin."

"Doon na tayo, Shem. Para masaya." Game na sabi ni Miriam. Isa ito sa mga guro doon na matatawag niyang millennial teacher. Malapit din ito sa mga estudyante. Two years lang ang tanda nito sa kanya.

Tumingin siya kay Michelle para hingin ang opinyon nito. Tumango naman ito. Pagkatapos nilang umorder ng pagkain sa counter ay nagtungo sila sa grupo nina Vanessa. Tumayo sina Joul, Darren at Darwin at ibinigay sa kanila ang upuan ng mga ito. At kumuha ang mga ito ng bakanteng silya mula sa kalapit na mga mesa. Nagtatawanan pa ang tatlo na para bang may nakakatuwa. Sa kanila na nabuhos ang atensiyon ng lahat ng mga kumakain doon. May mga nakita pa siyang kumakaway kay Joul na ginantihan nito ng tango. Mga fans yata nito. Basagulero man ito kung tutuusin at minsan ay walang modo pa pero di maikakailang sikat pa rin ito, given that he is a varsity player and the captain in all that. Hindi na makikita ang mga kapintasan na napapansin niya.

"Miss Salcedo may gusto raw sa iyo ang anak ng mayor dito sa Martirez. Usap-usapan po iyon. Manliligaw raw sa inyo." Sabi ni Trixie sa nanunuksong tono habang sina Arlene at Roxanne ay tumili sa kilig.

"Gwapo iyon, ate. Mukhang Aga Muhlach." Pakli ni Vanessa na nakisali na rin sa kilig.

Tawanan sina Miriam at Michelle. Napapangiti na lang siya.

"Di naman ganon ka-gwapo iyon. Mayabang pa." Singit ni Darren na naghanap ng kakampi sa mga lalaking kasama at di naman ito nabigo.

"Playboy din." Mabilis na follow-up ni Vince. Naging tampulan tuloy ng tukso ang dalawa.

Palibhasa anak ng mayor, talagang sikat si Gerald Madrigal. Engineering din ang course ng lalaki pero wala itong subject sa kanya.Di rin niya ito madalas na nakikita dahil nasa ibang building ito. Napaigtad siya sa sakit nang may tumapak sa paa niya mula sa ilalim ng mesa. Agad niyang sinilip iyon at napatiim nang makilala ang nagmamay-ari ng naka-itim na sneakers na paang umapak sa kanya. Ang lalaking nasa kanyang gilid na kanina pa tahimik at di nakisali sa usapan at kantyawan. Si Joul. Gusto niya itong umbagin. Ang sakit ng paa niya. Ano bang pumasok sa utak nito? Pinanlakian niya ito ng mata pero sa halip na makonsensya ay masamang titig ang isinukli nito sa kanya. What's his problem?

"Ate, what's wrong?" Tanong ni Vanessa na nagpabalik sa kanya sa huwesyo. Mabilis niyang binawi ang mga mata mula kay Joul at bumaling sa pamangkin.

"Nothing," ngumiti siya ng malaki.

Tumango ang dalaga at tumingin kay Joul. Ngumiti ng matamis pero umiwas ng tingin ang lalaki. Sumimangot si Vanessa. Pagkatapos kumain ay nagyaya na agad siya kina Miriam at Michelle para bumalik na ng faculty room. Habang sina Vanessa at ang mga kaibigan nito ay nagkayayaan na pumunta ng school ground para doon tumambay. Marami kasing benches doon sa ilalim ng mga malalaking puno. Malamig at masarap tambayan. Malapit na sila ng mga kasama niya sa faculty office nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinilip iyon. May text message siya mula sa isang unknown number. Binuksan niya iyon.

09*** : Hihintayin kita sa speech lab... Joul

Napahinto siya sa paglalakad. Galing kay Joul? Paano nagkaroon ng number niya ang lalaki? At bakit siya nito hihintayin sa speech lab? Anong kailangan nito? Hindi niya napansin na nangungunot na pala ang kanyang noo habang nakatunghay sa kanyang cellphone.

"Shem, may problema?" Tanong ni Miriam na huminto din. Pati si Michelle. Napatingin siya sa dalawa na parehong nagtataka.

"Wala naman. Mauna na kayo sa office. May kailangan lang akong puntahan." Pagkasabi ay tumalikod na siya. Hindi niya alam kung bakit sinusunod niya si Joul. Di niya makita ang punto. Pero may pakiramdam siya na kapag di siya nagpunta sa speech lab ay may gagawin itong di niya magugustuhan. Luminga-linga muna siya sa magkabilang panig ng pasilyo na parang magnanakaw bago siya pumasok sa pinto ng silid. Nakatayo malapit sa may bintana si Joul at nakasilip sa labas mula sa kurtinang bahagya nitong hinawi.

"Where did you get my number?" Pambungad niyang tanong at humalukipkip.

Tumingin sa kanya ang lalaki. "Kay Vanessa. Ninakaw ko sa phone niya." Sagot nito at humakbang papalapit.

"Anong kailangan___"

"Are you interested with the mayor's son?" Agaw nito na ikinatulala niya ng ilang saglit. Pero sa tingin niya ay mas natulala siya sa galit na nakikita sa mga mata nito. " Answer me! Are you interested with him?" Nilangkapan na nito ng tigas ang tono.

"My God, Joul! What the hell is your problem? Hindi ko kilala ang lalaking iyon. Paano ako magkaka-interes sa kanya?" Naguguluhang bulalas niya.

Bahagya itong kumalma. Pero hindi pa rin lubusang nawala ang apoy sa mga mata. "Pero gusto mo siyang makilala."

"Hindi!" Sigaw niya. "Ano bang problema mo? Pinapunta mo ako rito para lang sa walang kwentang bagay na iyan?"

Pumungay ang mga mata nito at lumambot ang mukha. " Gusto ko lang namang malaman."

"O, ayan! Alam mo na. Pwede na ba akong umalis?" Nabubugnot niyang turan. Ewan niya, pero inuubos ng binata ang kanyang pasensya na sa loob ng mahabang panahon ay hinasa niya doon sa monasteryo.

"I'm sorry," he looked away, feeling lost. "I just can't stand the thought of you being interested with any guy. My guts is tearing me apart." Muli siya nitong tinitigan. His eyes are expressing some sorts of emotions that she can't explain. Ang tibok ng puso niya ay nawawala na naman sa ritmo. Suminghap siya at napahawak sa kanyang tiyan na tila hinahalukay ng maraming paru-paro. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam. May mainit sa kanyang puso pero masakit.

"Lalabas na ako." Pumihit na siya pero hinawakan siya ni Joul sa pulso.

"Sandali lang." May pagsusumamo sa boses nito.

Bumagsak ang mga mata niya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. This isn't right. This just isn't right. Pero bakit hindi niya iyon maisigaw rito.

Hopelessly, she looked up to him. "May sasabihin ka pa ba?"

"I'm gonna stop now." Mahina nitong sabi.

Na di niya naintindihan. "Stop what?"

"Me and Vanessa, i'm gonna stop it now."

Napamulagat siya nang ma-realize kung anong ibig nitong sabihin. "Wag mong gawin, Joul. You can't break up with her. Masasaktan ng sobra si Vanessa. Mahal na mahal ka niya." Napahawak na rin siya sa kamay nito habang nakikiusap. She can't imagine how Vanessa will gonna take it. No, she won't let it happen. She will never allow him to hurt her niece that way.

"I need to stop, Oshema. Vanessa and I are not really an item."

Nakamaang na bumitaw siya rito at umurong. Nararamdaman niya ang unti-unting pagbangon ng galit sa kanyang sistema. How could he do this to Vanessa? Walang ibang ginawa ang pamangkin niya kundi mag-alala at mahalin ang lalaking ito tapos ganito ang isusukli? Mahigpit niyang ikinuyom ang nanginginig na mga kamao.

"You don't deserve my niece. Someone so twisted like you don't deserve her, you stupid jerk!" Hiningal siya sa sobarang panggigigil.

"I know, she's too good for me." May nakita siyang lungkot sa mga mata nito na pinunit ng anino ng isang mapait na ngiti. Humakbang ito at nilagpasan siya. Nagtuloy sa pintuan. Hindi pa rin siya makahuma at pinakinggan lang ang pagbukas at muling pagsara ng pinto.

SAGLIT na nahinto si Joul nang madatnan sa loob ng locker room si Vanessa. Nakaupo ito sa bench. Agad tumayo ang dalaga at sumalubong sa kanya. Yumakap.

"Pumasok na ako. Bukas kasi ang pinto. Pupunta ka na ba sa trabaho?" Anitong kinudlitan siya ng halik sa gilid ng mga labi.

Tumango lang siya. Kagagaling niya lang sa practice. Nandoon pa sa court ang mga ka-team niya at itinuloy ang pag-eensayo. Nauna lang siyang umalis kasi mali-late na siya sa trabaho niya.

"Gabi na, Vanessa. May kailangan ka?" Tanong niya. Binuksan niya ang locker at kinuha doon ang bag niya.

"May gusto lang sana akong malaman."

Sinulyapan niya ito. "About what?"

"May nakapagsabi sa akin na kasama mo raw si Jinkee nong mga araw na absent ka. Totoo ba iyon? Si Jinkee ba ang bagong babae mo kaya bigla kang nanlamig sa akin?" Akusasyon nito.

"Sinong Jinkee?" Hindi niya kilala ang babaeng iniuugnay nito sa kanya.

"Stop playing innocent. May nakakita sa inyo!" Sigaw nito at nagsimulang umiyak.

Huminga siya ng malalim at napailing. " Tama na, Vanessa. Itigil na natin ito." Pahayag niya at isinara ang kanyang locker matapos kumuha ng mabibihisang shirt.

"You're breaking-up with me?" Hindi makapaniwalang bulalas ng dalaga. Horror registered in her eyes.

"Tsk, hindi natin kailangang maghiwalay, wala naman tayong relasyon. Mga kaibigan mo ang nagpakalat na boyfriend mo ako. Ayaw kong mapahiya ka kaya nanahimik ako at di iyon itinanggi. Pero ngayon kailangan na natin tumigil."

"No...please...ayaw ko! Mahal kita... mahal na mahal kita, Joul." Mahigpit na yumakap sa kanya ang dalaga. Nanginginig.

"Vanessa, sinubukan kong mahalin ka, believe me. Pero pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa iyo. I'm sorry." He might be too cruel. Pero mas maigi na ang ganito kaysa umasa si Vanessa tapos lalo lamang masasaktan.

"Try it harder, Joul, please, you need to try it harder." Pagmamakaawa nito na halos lumuhod na sa harap niya.

"Vanessa, stop it!" Mabilis niya itong nahatak para itayo. " Listen, you're beautiful and talented. Ang daming gustong manligaw sa iyo. They're all good guys. Better than me."

"I don't want them! Ikaw ang gusto ko!"

Tinitigan niya ang mga mata nitong hilam sa luha. The pain in there almost choked him but he can't lie anymore. " There's someone, Vanessa." Lumunok siya at bumuga ng hangin. "There's a girl i'm in love with." Deklarasyon niya at pumikit. Hindi pala siya handa sa kung ano man ang makikita mula sa mga mata ng dalaga.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Hindi siya nag-protista. He deserved it anyway or even more. Vanessa cried silently in front of him making him feel like he's the most ruthless and worthless boy on earth.

Kinabukasan ay kumalat agad ang balita ng paghihiwalay nina Joul at Vanessa. Pinuntahan ni Oshema ang pamangkin sa klase nito pero hindi raw ito pumasok sabi ni Trisha. Si Joul ay hindi rin sumipot sa klase pero may nakakita rito na lumabas mula sa opisina ng school administrator. Nagpasalamat na rin siya at hindi muna nagpakita sa kanya ang binata. Baka kung ano pa ang masabi niya rito. As much as she wanted to act professionally but knowing that Vanessa is in pain right now irritates her to the bone. Sa lunchtime ay mag-isa siyang kumain sa canteen. Absent kasi si Miriam at si Michelle naman ay sinundo ng asawa para kumain sa labas. Habang kumakain ay di niya maiwasang makinig sa usapan ng mga estudyanteng nasa kalapit na mesa. Ang topic kasi, Joul- Vanessa broke up.

"Bakit kaya sila nagbreak? Sayang, bagay na bagay pa naman sila."

"Narinig ko may ibang nililigawan daw si Joul."

"Yong si Jinkee ba?"

"Maganda din iyon."

"Mas maganda pa rin si Vanessa. Malaki lang ang dibdib ni Jinkee."

"Madalas daw iyon pumupunta sa practice para manood."

Huminga siya ng malalim at napailing. Iyon pala ang dahilan. May ibang pinopormahan ang gagong Joul na iyon. Nakaramdam siya ng paghihimagsik kahit alam niyang hindi makatarungan. Malaya si Joul na pumili ng babaeng mamahalin. Pero sana hindi nito nasaktan ng malubha ang kanyang pamangkin. Sa mga ganitong bagay tanging panahon lang ang kakampi ng mga talunan at iniwan. Panahon ang magtuturo sa puso para lumimot.

Pinuntahan niya sa girl's dorm si Vanessa pagkatapos ng klase pero wala ito at ang sabi ng dorm mate ay nagpunta raw ng school. Nagmamadali siyang bumalik ng eskwelahan. Sana nagkamali siya ng kutob. Wag sanang maisip ni Vanessa na sugurin ang bagong nililigawan ni Joul. Nakahinga siya ng maluwag nang pagpasok ng gate ay namataan niya ang pamangkin kasama ang mga kaibigan nito. Seryosong nag-uusap-usap ang mga ito at bago pa siya nakalapit ay magkakasamang umalis. Agad niyang natanto na ang nilalandas nitong daan ay patungo sa auditorium. Mabilis siyang sumunod.