Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Nagmamadaling tinungo ni Oshema ang gym pagkagaling niya ng faculty office. Nagtext sa kanya si Vanessa, nandoon raw ito at naghihintay sa kanya. Sabay kasi silang uuwi. Nagtaka siya kung anong mayroon sa gym at halos magsisiksikan ang mga estudyante sa may bukana ng gusali. Ang iba ay mula pa sa ibang colleges. Tinext niya si Vanessa na nasa labas na siya pero di ito nagreply. Kung tatawag siya malamang di rin nito maririnig dahil sa sobrang ingay. Agad siyang tumabi nang makitang may mga estudyanteng gustong pumasok sa loob at nagtutulakan. Pero sa paghakbang niya ay di sinasadyang natabig siya ng isa sa mga ito. Na-out of balance siya at matutumba na sana kung walang humapit sa baywang niya mula sa likod para alalayan siya.

Lumingon siya para magpasalamat pero naiwan sa lalamunan niya ang gustong sabihin nang matitigan sa mga mata ang lalaking nakahawak sa kanyang baywang.

" Are you okay, Miss?"

"Joul," mabilis siyang lumayo rito nang madama ang tila kuryenteng gumapang sa kanyang katawan mula sa kamay nito. Tumikhim siya at inayos ang sarili. "Thank you, I'm fine."

"Bakit ka nandito? Manonood ka ng game?" Usisa nito.

"Nandiyan sa loob si Vanessa. May usapan kami na sabay kaming uuwi. Doon siya matutulog ngayon sa staff house. Ikaw, bakit ka nandito? Akala ko ba may trabaho ka?"

Bahagya itong ngumiti. "Sasali muna ako sa practice game."

Doon lang niya napansin ang suot nitong jersey. May tatak iyon ng logo at pangalan ng school sa harapan. MARTIREZ UNIVERSITY PHANTOMS. Napansin nilang nagtulakan na naman ang nasa bukana. Humakbang si Joul papalapit doon.

"What the hell! Stand down,people!" Sigaw nito. Naagaw ang atensiyon ng mga estudyante na naroon at napatingin ang mga ito sa gawi ng lalaki.

"Ohhh...my....Goddddd!!!!Joul!!!!!"

Halos matulig siya sa lakas ng tilian ng mga babaeng estudyanteng hindi magkandaugaga sa pagkuha ng picture kay Joul gamit ang cellphone. Napahalukipkip siya. So, he is popular. Napansin niyang nakatitig sa kanya ang binata. Tinaasan niya ito ng kilay. Anong tinitingin-tingin mo? Gets ko na, sikat ka. Inirapan niya ito.

"Gusto mo bang pumasok? Malamang nasa bench namin si Vanessa." Nagsalita ito.

Saglit siyang nag-isip. Pwede naman niyang itext si Vanessa na mauna na siyang umuwi. Pero tila may nagtulak sa kanya na humakbang para pumasok sa loob ng gym. Sumenyas si Joul at nahawi ang mga estudyante sa may bukana. Binigyan siya ng daan habang nakabuntot sa kanya ang lalaki.

"Sino yan?"

"Girlfriend niya?"

Uminit ang pisngi niya sa mga nauulinigang bulungan.

"Hindi. Kilala ko ang girlfriend niya. Si Vanessa Torres."

Humugot siya ng hininga at taas-noong naglakad. Pagkapasok nila ay agad niyang natanaw si Vanessa na nakaupo sa bench ng Phantoms. Kausap nito ang isa ring estudyanteng babae na katabi nito. Panay ang tawanan ng dalawa. Tumingin siya sa kabilang bench. St. Andrews Blue Wolves. Iyon ang nabasa niya sa tarpaulin na naroon.

"Pwede mong puntahan si Vanessa doon sa bench namin." Sabi ni Joul mula sa likod niya.

"Hindi na. Okay na ako dito. Hahanap na lang ako mamaya ng mauupuan." Hindi siya makapaniwalang practice game lang ito. Punong-puno ng mga estudyante ang buong gym.

"Captain!" Parehas silang napatingin ni Joul sa lalaking papalapit sa kanila. Suot din nito ang jersey ng school. "Kanina ka pa hinahanap ni coach." Sabi nito at sumulyap sa kanya.

"Punta muna ako sa team ko." Paalam ng binata at kinaladkad paalis ang team mate na hindi matanggal ang titig sa kanya.

"Sino yon, bro? Ang ganda!"

"Teacher ko, gago!"

Dinig niya iyon at nakita niyang binatukan ito ni Joul bago lumiko at bumaba sa hagdan sa may dulo. So, he is the captain of the varsity team.

Naghanap siya ng magandang pwesto kungsaan madali niyang malalapitan si Vanessa pagkatapos ng laro. Habang hindi pa nagsisimula ang game ay inabala niya ang sarili sa paglalaro ng candy crush sa kanyang cellphone. Nang biglang umalingawngaw ang malakas na hiyawan at tilian na halos magpayanig sa buong gym.

"Nandito na sila!!!!"

Tinakpan niya ang tainga. Kunti na lang at mababasag na talaga ang eardrums niya. Aba't dinaig yata ni Joul sa kasikatan ang players ng PBA. Napapailing na sinunsundan niya ng tingin ang team nito na pumapasok sa hardcourt kasama ng coach. Kumaway sa crowd ang mga kasamahan nito na lalong nagpalakas sa tilian. Pumasok din ang kalabang team. Ang Blue Wolves. Lalong sumabog ang sigawan. May sariling cheering squad kasi ang St. Andrews.

"GO PHANTOMS!!!!!!"

"GO WOLVES!!!"

"CAPTAIN JOUL!!! GALINGAN MO!!!"

"PHANTOMS!!! PHANTOMS!!!PHANTOMS!!!"

"BLUE WOLVES!!! BLUE WOLVES!!! BLUE WOLVES!!!"

Nagpatuloy ang hiyawan. Natanaw niyang sinalubong ni Vanessa si Joul at saglit na nag-usap ang dalawa saka nagtawanan. Hinampas pa ng dalaga sa braso ang lalaki. May sinabi si Joul kay Vanessa at napansin niyang sinuyod ng tingin ng dalaga ang crowd. Malamang sinabi ng lalaki na magkasama silang pumasok kanina. Bumalik sa bench si Vanessa habang si Joul ay tumingala sa gawing kinaroroonan niya at deretso mismo sa kanya ang mga mata nito. Napasinghap siya at biglang tinambol ang dibdib. It seems he knew that she was there all along. Binawi nito ang paningin at naglakad patungo kay Vanessa. May ibinulong ito sa dalaga at muling lumipad ang paningin sa gawi niya. Sumunod ang mga mata ni Vanessa at kaagad itong napangiti at kumaway sa kanya. Gumanti na rin siya ng kaway.

Nagsimula ang laro. Sa mga unang minuto pa lang ay mainit na agad ang laban. Hindi maikakaila ang husay ni Joul. He lived up to his title being the team captain. Ito ang nagdadala ng laban. Ang gumagawa ng lahat ng diskarte. At bawat sigaw nito sa mga ka-team ay pinakikinggan.

"Masyadong hyper ngayon si Joul, ah!"

"Kawawa ang kalaban, baka di nila matapos ang buong game, ga-graduate silang lahat."

"Bakit kasi pipilitin pa, di nila mawawasak ang depensa niyan."

Dinig niya ang pag-uusap ng mga estudyanteng lalaki mula sa kanyang likuran. Umugong ang malakas na tilian nang maipasok ni Joul ang pang-apat nitong 3 points shot at foul ulit ang kalabang player na sumubok pigilan ito. Kaya may bonus na free throw ang lalaki. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya pero nakita niyang tumingala sa gawi niya ang binata habang pinagkakaguluhan ito ng mga nagbubunying team mates.

"Ang lupit, di na nila mapipigilan yan."

"At marami pang kasunod yan. Bagay talaga sa kanila ang pangalang phantom. Lalo na yang captain nila. Bangungot talaga siya. "

"Bakit kaya ang bangis niya ngayon? Parang may pinasisikatan."

"Girlfriend siguro niya. Ayon, oh, sa bench nila."

"Kung ako magkakaroon ng ganyan kagandang girlfriend siguradong magpapasikat din ako."

"Magparetoke ka muna. 'Yong Joul look alike."

Tawanan.

Napailing siya. Mga kabataan talaga. Pinanood niya si Vanessa na enjoy na enjoy sa pagchi-cheer habang panay ang sigaw sa pangalan ng boyfriend. Dahil sa mga foul beat ni Joul, tatlo sa first five players ng Blue Wolves ang naalis sa laro pagdating ng second half. Nagtapos ang laro sa score na 127-87.

Nauna siyang lumabas ng gym para makaiwas sa siksikan at stumped. Tinext na lamang niya si Vanessa na sa labas na siya maghihintay. Kasama ng dalaga si Joul nang mahanap siya nito sa may gilid ng gym kungsaan walang gaanong dumadaan.

"Ate, nag-enjoy ka ba sa laro? Ang galing ng team natin no?" Masayang pahayag ng dalaga na hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi.

"I enjoyed it." Sabi niya at bumaling kay Joul na sinusuklay ng mga daliri ang buhok na mamasa-masa dahil sa pawis. "Good job, congratulations."

He gave a dashing smile. At napahawak sa batok. Oh, that gesture of him is annoying yet adorable.

"Thank you, Miss. But that was just a practice game. " Pa-humble nitong pakli.

"I'm sure matatalo nyo pa rin sila next game." Singit ni Vanessa na kumapit sa braso ng lalaki. "Kay ate ako ngayon matutulog. Text kita ha?" Malambing nitong ungot.

Tumango si Joul at muling sinuklay ng mga daliri ang buhok habang tinitigan siya ng pailalim. Pero iniwas niya ang paningin at nagkunwaring may sinilip sa kanyang cellphone. Nakita niya sa sulok ng mga mata nang kudlitan ni Vanessa ng maliit na halik sa pisngi ang binata. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang sikmura.

Sabado ng umaga, niyaya siya ni Vanessa na mag-overnight sa isang beach resort roon kasama ang mga kaibigan nito. Pero tumanggi siya. May kailangan siyang ayusin sa mga gamit niya sa staff house at maghahanda pa siya para sa klase niya sa susunod na linggo. Ayaw niyang ma-pressure.

"Ate naman, sumama ka na. Ayaw kitang iwan rito." Pangungulit ni Vanessa.

"Hindi nga pwede. Marami pa akong gagawin. Sira ang bookshelf sa room ko. Aayusin ko pa iyon."

Pinaikot ng dalaga ang bola ng mga mata. "Bakit? Carpentero ka na rin ba ngayon?" Panunuya nito.

"May alam akong kunti." Sagot niya.

"Bahala ka nga." Parang naubos ang pasensya nito. Hinugot nito ang cellphone at nagtext na lang.

Iniwan niya ang pamangkin. Tiningnan niya sa stock room kung may martilyo at lagari. Natuwa siya nang makitang mayroon. May mga pako din na hindi nagamit at mga maliliit na piraso ng plywood. Palabas siya ng kusina bitbit ang martilyo at lagari nang maulinigan niya ang arangkada ng motorsiklo na pumapasok sa bakuran ng staff house.

"He's here!" Masayang anunsiyo ni Vanessa na tumakbo palabas para salubungin kung sino man ang dumating. Nagtatakang hinabol niya ng tingin ang pamangkin.

Halos mabitiwan niya ang dalang martilyo at plywood nang pumanhik sa sala sina Vanessa at Joul.

"Goodafternoon," bati ng lalaki."

"Goodafternoon, Joul" Tumingin siya sa pamangkin.

"Ate, pinapunta ko siya para ayusin 'yong sirang bookshelf na sinabi mo." Nakangiting wika ni Vanessa. "Ayan, wala ka ng dahilan para hindi sumama sa amin mamaya."

"Ano ka ba naman, Vanessa? Nakakahiya sa kanya." Sinipat niya ng naiinis na tingin ang dalaga. "Kaya ko namang ayusin iyon."

"Mas nakakahiya kung pauuwiin natin siya. Nag-effort na siyang pumunta rito." Pangongonsensya nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya.

Habang abala sa pag-aayos ng bookshelf si Joul, ibinuhos ni Oshema ang atensiyon sa pagsasalansan ng mga aklat na hindi pa niya nailalabas sa malaking carton. Inayos na lamang niya ang mga iyon sa isang tabi para maitago na niya sa stock room ang carton at mabawasan ang mga kailangang ligpitin.

Saglit niyang sinulyapan si Vanessa na nakaupo sa easy chair at nanonood sa boyfriend nito. Basang-basa niya ang admiration at pag-ibig sa mga mata ng dalaga. Ibinaba niya ang paningin at muling ibinuhos ang atensiyon sa ginagawa. Naramdaman niyang tumayo ito. Lumapit sa kanya.

"Ate," naupo ito sa sahig.

"Bakit?"

"Ang gwapo niya no?" Halos pabulong nitong sabi at sumulyap kay Joul.

"Gwapo nga." Sang-ayon niya. " Madami kang magiging kaagaw sa kanya." Komento niya. Tiwala siyang hindi sila naririnig ng binata dahil maingay ang pukpok ng martilyo.

"Ako lang ang mahal niya." Pagmamalaki ni Vanessa.

"Sinabi niya?"

"Hindi."

"Paano mo nalaman?"

"Because he's with me right now."

Pinisil niya ang ilong ng pamangkin. Natawa ito at gumanti. Kiniliti siya. Natigil lang sila nang tumingin sa kanila si Joul. Parehas silang namula ni Vanessa. Baka mamaya iisipin ni Joul na ang lalantod nilang magtiyahin. Tumayo siya at lumabas ng kwarto para maghanda ng snacks.

Natanaw ni Oshema na mabilis na dinampian ng halik ni Vanessa sa labi si Joul bago ito umangkas sa motorbike. Nagtaka siya at nakasimangot si Vanessa na pumasok sa staff house.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo?" Usisa niya sa pamangkin.

"Susunod na lang daw siya sa atin doon sa beach." Nagmamaktol nitong sagot.

"Bakit daw?"

"Darating ngayon ang bagong computers ng IT Department. Pinakiusapan siya ng dean na tumulong sa pag-install."

"Hayaan mo na. Susunod naman pala siya."

"Lagi na lang siyang ganoon, inuuna pa niya ang trabaho kaysa sa akin." Hindi na maawat ang sumpong ni Vanessa.

Alas-sais ng gabi, umalis sila ng staff house. Thirty minutes lang ang biyahe papunta sa beach kungsaan naghihintay ang mga kaibigan ni Vanessa. Napansin agad niya na may ka-partner ang bawat isa sa mga kaibigan ng dalaga. Mabuti na lang pala at sumama siya kahit pakiramdam niya kalabisan siya sa outing na iyon. Kailangan niyang bantayan si Vanessa.

"Hey, guys! I'd like you to meet my beautiful aunt, Oshema Yzabella Salcedo." Pinakilala siya ng dalaga sa mga kaibigan. Parang formality na lang iyon dahil sigurado naman siyang kilala na siya ng karamihan sa mga ito.

"Hi, everyone." Bati niya sa lahat. Ngiting-ngiti ang mga babae habang nakatulala naman ang mga lalaki.

" Hello, Miss Salcedo. Super pretty nyo." Sabi ni Trixie at hinawakan ang kamay niya. Sumunod rito ang iba at pinalibutan siya habang ang boys ay medyo dumistansya ng kaunti.

Natawa na lang siya. Kahit noong nasa monasteryo siya. Madalas siyang nasasabihan ng mga kapwa niya madre na sobrang ganda daw niya. Siyempre, wala ginawang pangit ang Diyos. Lahat maganda. Ang tao lang ang naglalagay ng standard kung alin ang pwedeng tawaging maganda at alin ang hindi.

"I'm Arlene po, nice to meet you. Naikwento na po kayo ng cousin ko. Engineering student po siya." Sabi ng chubby at may magagandang mga matang si Arlene.

"Ako po si Roxanne, Miss. Nice to meet you po. Tama po si Trisha, sobrang ganda nyo." Sabi naman ng kulot at magandang morenang si Roxanne.

"Miss, I'm Kimberly Santiago po. It's our pleasure that you could join us tonight." Nilinga niya ang nagsasalitang meztisa. She is one of the campus figure. Nakita niya sa school ang iilan sa mga poster nito. Nanalo ito sa nagdaang search ng summer queen.

Nahinto ang huntahan nila nang may dumating pang isang pares sakay ng kulay itim na Chevrolet. It was Darren and his girlfriend Trisha, Vanessa's bestfriend. Agad kumaway sa kanila ang dalawa habang papalapit.

"Hi, ate." Humalik sa pisngi niya si Trisha saka nakipagbeso sa mga kaibigan.

"Si Joul?" Tanong ni Darren sa kanya pagkatapos nitong tanguan ang boys na nakikinood na rin.

"Susunod daw." Tipid niyang sagot.

Sabay-sabay silang lahat na nagtungo sa cottage kungsaan nakahanda na ang masaganang pagkain. At habang kumakain sila ay nagsisimula na rin ang tuksuhan at kantiyawan. Ang ingay-ingay tuloy nila. Doon ay nakilala niya ang boys na nahihiyang magpakilala sa kanya kanina. Si Vince na boyfriend ni Roxanne. Si Darwin na boyfriend ni Trixie. Si Anthony na boyfriend ni Kimberly. At ang boyfriend ni Arlene na half-korean, si Jun. Sina Vince at Darwin ay parehong third year college. Si Anthony ay second year. At si Jun ay classmate ni Vanessa sa Journalism.

"Darating pa ba siya?" Tanong niya kay Vanessa. Sinamahan niya ang pamangkin na nagpalit ng swim suit sa loob ng banyo. Bakas sa magandang mukha nito ang pag-aalala kay Yzack.

"Darating siya. Lagot siya sa akin kung hindi siya pupunta."

"Hindi man lang ba tumawag? Baka may nangyari doon."

"Nagtetext siya kanina. Baka daw mali-late pa siya ng kunti."

Binalikan nila ang mga kaibigan ni Vanessa. Naghihiwa-hiwalay na ang mga ito. May nagbababad sa dagat, mayroong nasa dalampasigan at nagkukwentuhan na nakahilata sa mga nakalatag na big towels sa buhangin malapit sa bonefire na ginawa ng boys.

Napansin niyang nilabas ni Vanessa ang cellphone nito. Magtetext na sana ito nang may pumanhik sa cottage mula sa kabilang pinto. Si Joul.

"Thanks God, you're here! Sobrang nag-aalala na ako." Sinalubong nito ang binata at niyakap.

"Matagal nakarating ang mga computers. Nagkaaberya daw sa daan ang sasakyan." Paliwanag ng lalaki.

"Okay, kumain ka na ba?"

"Tapos na. Isinama ako ni dean sa labas." Sinulyapan siya ni Joul. "Bakit nandito lang kayo?" Tanong nito. Muling binalingan si Vanessa.

"We're waiting for you." Inakay ito ni Vanessa sa bamboo bench.

"Si Darren?" Naupo ang binata. Isinandal ang ulo sa sandalan ng bench at pumikit. He seems so tired though. Ngunit sinikap pa rin nitong makarating. That alone convince her that he loves Vanessa too. Dahil sa iisiping iyon ay nakaramdam na naman siya ng lamig sa kanyang sikmura na sinamahan pa ng biglang pagsigid ng kirot sa kanyang sentido.

"Nandoon na yata sa dagat kasama si Trisha." Sagot ng dalaga. "Gusto mong magbabad? Para ma-relax ang mga muscles mo."

"Mamaya. Dito na lang muna tayo."

Hindi na rin nagpumilit si Vanessa. Yumakap ito sa boyfriend at humilig sa dibdib. Huminga siya ng malalim at inabot ang beach bag na dala. Kinuha sa loob ang binaon niyang aklat na binili niya sa National bookstore. Hindi pa niya nababasa iyon. Buti na lang at naisip niyang dalhin. Naupo siya sa kabilang dulo ng bamboo bench. Nag-angat siya ng paningin at nahuli niya si Joul na nakatitig na naman sa kanya na para siyang walang suot na d