HINDI dininig ang dalangin ni Oshema. Pagbaba niya para sa tanghalian, natanaw niya agad sa hallway patungong school canteen sina Vanessa at Joul na nag-uusap. Habang tinitingnan niya ang pamangkin na masayang-masaya, tila tinutusok ng libu-libong karayom ang kanyang puso. Masasaktan ito ng husto kapag nalaman ang naging ugnayan ng boyfriend nito sa kanya.
Kumaway sa kanya si Vanessa habang papalapit siya sa mga ito. Nakatingin din sa kanya si Joul. Iyong uri ng tingin na para siyang nakahubad o baka naman pakiramdam lamang niya iyon dahil masyado siyang insecure. Ngumiti siya ng tipid para ikubli ang bigat na dinadala sa dibdib.
"Nag-lunch na kayo?" Tanong niya sa dalawa.
"Nope! Hinihintay ka namin." Si Vanessa ang sumagot. "By the way, ate, siya ang boyfriend ko. Si Yzack. Joul Yzack." Pinakilala nito ang binata.
Tumango lamang siya. " I've met him this morning. He is in my class." Sabi niya ng walang ligoy. Gusto niyang sawayin si Joul sa kakatitig nito sa kanya. Naiilang siya at nangangamba na baka may mahahalata si Vanessa sa kanila.
"Kumusta naman ang klase mo sa kanila? Hindi ka ba binigyan ng problema?" Pabirong pakli ng dalaga at sumulyap kay Joul. Alertong tumingin agad ito sa ibang direksiyon. Parang gusto na niya itong batukan.
"Hindi naman."
"Let's go," nagyaya na ang lalaki. Gutom na marahil.
"Nagpa-reserve na ng table si Joul para sa atin, ate." Wika ni Vanessa na kumapit sa braso ng lalaki habang nilalandas nila ang hallway papasok ng canteen.
Ngumiti lamang siya ng tipid at hindi kumibo. Hinayaan niyang mauna ang dalawa. Joul is certainly a good-looking guy. Pero napapansin niyang parang kinatatakutan ito. Tumatabi ang mga estudyanteng nakakasalubong nito para bigyan ito ng daan. Ang mga lalaki ay yumuyuko. Ang mga babae ay namumungay ang mga mata at naghuhugis-puso. At kanina sa klase nila kapag sinabi nitong ballpen, tumayo agad ang mga kaklase nito para abutan ito ng ballpen. Pag papel, may nag-aabot naman ng papel. He is like a boss with commanding authority. Pumasok na walang anumang dala kundi ang sarili tapos tinulugan pa ang klase.
Habang kumakain, todo- asikaso si Vanessa sa boyfriend. Pinabayaan na rin niya ang pamangkin. Kahit walang sinasabi, alam niyang naa-appreciate ng lalaki ang ginagawa ng dalaga. Nakikita niya iyon sa mga mata nito tuwing pinagmamasdan nito si Vanessa. Ngunit hindi niya maiwasang makadama ng pagkailang sa paulit-ulit na pagtatagpo ng paningin nila kahit sabihin pa na hindi iyon sinasadya. Ang naging affair sa pagitan nila ay naglikha ng kakaibang intimacy na alam niyang silang dalawa lamang ang nakakaramdam.
Pangatlong araw ng pagtuturo niya at gaya ng nagdaang dalawang araw ay nakukunsumi siya pagdating ng hapon, Joul is sleeping again in her class. Hindi pa nga siya nangangalahati sa kanyang discussion ay tinulugan na naman siya nito. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad siya papalapit sa desk nito pagbabakasaling magigising ito sa ingay na nagmumula sa takong ng sapatos niya.
Napapikit siya sa inis nang makitang himbing na himbing sa pagtulog ang lalaki habang nakasubsob sa backpack nito na ipinatong sa ibabaw ng desk. God, ang sarap talaga batukan.
"Kanina ko pa yan ginising, Miss, ayaw talaga. Nagpuyat na naman siguro sa trabaho." Nagsalita si Darren na bakas sa mukha ang pag-aalala sa maari niyang gawin sa kaibigan nito.
"Nagtatrabaho siya?" Tanong niyang hindi tiningnan si Darren. Unti-unting natunaw ang galit na nararamdaman niya at napalitan ng panghihina.
"Scholar siya, Miss, saka working student dito sa university." Sagot ni Mailey na nasa unahan ni Darren. "Madalas hinahayaan lang siya ng ibang teachers na matulog kasi alam nila na puyat siya sa trabaho. Bumabawi naman siya tuwing exams at saka sa practical performance. Matalino yan."
Naintindihan niya pero hindi siya tulad ng ibang teachers, hindi siya papayag na tutulugan nito ang klase niya. May panahon para sa pagtulog at pahinga, may panahon din para sa pag-aaral. And this time it's the latter. Marahan niyang tinapik ito sa balikat para gisingin. Nagising naman ito. Kinusot nito ang namumulang mga mata at tumingin sa kanya.
"You're in my class, Gascon, not in your bedroom." Masungit niyang sabi at tumalikod.
"Sungit," pabulong na sagot nito.
Agad nagpanting ang tainga niya. Tinulugan na nga siya sumasagot pa. "What did you say?" Tinapunan niya ito ng nakamamatay na sulyap.
"Wala. Sabi ko maganda ka." Anitong bahagyang ngumiti. Nagtawanan ang mga kaklase nito. Ano kayang nakakatawa? Totoo namang maganda siya. Matagal na.
Inirapan niya ito. She flipped her hair and resumed with her class discussion. Nang umikot siya habang nagsasalita ay nahuli niya itong humikab. Agad nitong tinakpan ang bibig at nag-peace sign sa kanya kasabay ng kindat. She hates to admit it but he's becoming more and more irresistible everyday. Papaanong naging ganito kagwapo ang lalaking ito? Hindi yata patas. Parang sinalo nito lahat ng kagwapuhang isinabog ng Diyos dito sa lupa. Nakakainis. Sinimangutan niya ito at bumaling sa ibang mga estudyante niya.
PINAGLALARUAN ni Oshema ang ballpen sa ibabaw ng kanyang desk habang panay ang tingin sa pintuan ng classroom. Naiinip na siya. Bakit wala pa si Joul? Kanina pa nagdismiss ang huling klase. Bago lumabas kanina ay sinabi niya sa lalaki na puntahan siya pagkatapos ng huling subject nito. Talagang kukutusan niya ito bukas kung hindi siya nito sisiputin. Tumayo siya para lumabas nang eksaktong nagbukas ang pinto at pumasok ang humahangos na binata.
"Sorry, natagalan kami sa activity namin. Kanina ka pa ba naghihintay?" Apologetic nitong paliwanag habang naghahabol ng hininga.
Nag-angat siya ng kilay at humalukipkip. "Akala ko tinakasan mo na ako."
Napahawak ito sa batok at nagsalubong ang mga kilay. "Why would I do that?"
"Sit down," iminuwestra niya ang pinakamalapit na upuan sa front row at naupo na rin siya sa silya sa likod ng kanyang desk. "Alam mo na siguro kung bakit gusto kitang makausap." Panimula niya.
Tumango ito at nakita niya ang bahagyang pagtaas ng sulok ng mga labi. "Kasi tinulugan ko ang klase mo." Sinalubong nito ang matiim niyang titig. Hindi siya nagpatinag at baka iisipin pa nitong apektado siya. Kahit pa parang nanunuot iyon hanggang sa kaluluwa niya.
"Not just in my subject." Pormal niyang pahayag. "Lagi ka bang nagpupuyat sa trabaho?"
"Sa ngayon lang kasi kakabukas lang ng semester, maraming facility dito sa school na kailangan i-set up." Itinukod nito sa ibabaw ng desk ang mga siko at pinagsalikop ang mga kamay saka nito ipinatong ang baba roon. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya pero tingin niya ay nakangiti ang magagandang mga mata nito.
Napatikhim siya. "Anong oras ka ba nakakatulog?"
"Pinakamaaga na yung ala-dos ng madaling araw."
Napailing siya at huminga ng malalim. Kaya naman pala. "Kailangan mo rin magpahinga. Baka magkasakit ka niyan kung aabusuhin mo ang katawan mo." Huli na nang ma-realize niya ang sinabi. Napaiwas na lang siya ng tingin habang pinamulahan ng mukha. Even if it's not clearly intentional but her concern for him is very transparent.
"Nakakapagpahinga naman ako. Di nga lang sapat kaya inaantok ako sa klase." Sagot nito na pinipigil ang pagngiti. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Baka kung anong iisipin nito dahil sa sinabi niya. Pero normal lang din naman na mag-alala siya rito. Adviser siya nito.
May kunti pa silang pinag-usapan tungkol sa klase niya kanina habang tulog ito. Tinanong niya ito at nasasagot naman nito ng maayos. Nagdududa na tuloy siya kung talaga bang tulog ito o nagtutulog-tulugan lang.
"I think we're done here. You can go now." Sabi niya at tumayo. Dinampot niya ang libro at class record. Napatingin siya kay Joul na tumayo na rin pero hindi umalis. Nag-angat siya ng kilay. "Umalis ka na, baka ma-late ka pa sa trabaho mo."
Tumango ito at tinitigan pa muna siya saka naglakad patungong pintuan. Pero bago lumabas ay lumingon ito. "I slept in your class not because I want to but because I have to. I can't concentrate listening to you, you're so damn beautiful that I always lost my focus that's why I choose to sleep. Ingat ka pauwi, Oshema." Nag-iwan ito ng kindat bago pumakabilang pinto.
Siya naman ay nagmistulang kandelang itinu