Chereads / BEAUTIFUL SCANDAL / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

SA LABAS ng isang convenience store hinihintay ni Joul ang kaibigang si Darren. Habang nakayukyok sa manibela ng inangkasang sports model na motorsiklong nakapark sa shoulder ng highway naligaw ang paningin niya sa hospital na nasa kabila.

Napaunat sa pagkakaupo ang binata nang mahagip ng tingin ang babaeng umiiyak na lumabas ng exit gate.

It is her...hindi siya pwedeng magkamali. Si Oshema ang babaeng iyon. Bumaba siya ng motorbike at tumawid sa kabila. Sinundan ang babae. Wait! What is he doing? Why is he following her? Wala siyang pakialam sa babaeng iyon. Pumihit siya pabalik pero agad ding huminto at napakamot sa batok.

"Ahhh...shitt..."

Lakad-takbo ang ginawa ni Oshema sa mahaba at maalikabok na sidewalk na nilalandas niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi alintana ang usok at magulong lansangan, ang mga taong nakatingin at nagtataka kung bakit siya lumuluha.

Galit siya sa sarili niya. Galit siya dahil hindi niya masabi ang totoo sa kanyang mga magulang. Galit siya dahil kahit siya na ang nasaktan, siya pa ang lumalabas na masama. Galit siya dahil hindi siya maintindihan ng mga mahal niya sa buhay. At galit na galit siya dahil patuloy pa rin niyang hinahangad na protektahan ang damdamin ng mga ito kahit wasak na wasak na ang puso niya.

Gusto niyang lumayo. Tangayin ang sarili sa dulo ng mundo. Saan ba iyon? Sana may makapagturo sa kanya. Tumawid siya sa kalye. Hindi pansin ang rumaragasang taxi na parating. Mabuti na lamang at may humapit sa kanya mula sa likod saka nito sinigawan at minura ang driver ng taxi.

"Fuck! I'm gonna kill you, asshole!"

Napasinghap siya. Nahimasmasan. Nilinga niya ang lalaking nasa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata at nawalan ng kulay ang mukha niya. Ang estranghero! Walang imik na binitawan siya nito at umurong. Lalong sumama ang pakiramdam niya. Gusto na niyang maglaho na lang na parang bola sa hangin.

Tinalikuran niya ang lalaki at patakbong tumawid sa highway. Tinungo niya ang hagdanang semento pababa ng sub-way. Ngunit sa kalagitnaan ng hagdan ay biglang umikot ang paningin niya at nagdilim ang kanyang paligid. Tuluyang tinakasan ng lakas ang kanyang mga tuhod at bumagsak siya.

Maagap na nasalo ni Joul ang babae. Pinangko ito ng binata at nagmamadaling dinala pabalik ng hospital.

"Sigurado kayo na okay lang siya?" Tanong niya sa doctor na sumuri kay Oshema. Hindi pa rin nagigising ang babae.

"Walang dapat ipag-alala sa kanya. Malamang napagod lang siya ng husto. Pagkagising niya magiging maayos na siya." Assurance ng doctor.

Tumango na lamang ang binata. Sinulyapan niya si Oshema na nakahiga sa hospital bed. Nababasa niya sa hapis nitong mukha ang kalungkutan at kung anumang paghihirap ang kasalukuyang pinagdadaanan nito ngayon. Alam niyang malaki ang naiaambag niya sa pinapasan nito ngunit magsisi man siya huli na. Hindi na maibabalik pa kung anuman ang nawala rito.

Nagpaalam ang doctor at lumabas. Lumapit siya sa bed. Banayad niyang hinaplos ang pisngi nito at hinawi ang mga hibla ng buhok na dumikit roon. Idinilat nito ang mga mata at mula roon ay umagos ang masaganang mga luha. Gising na pala ito at nakikiramdam lang. Binawi niya ang kamay at umurong.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"O-okay na ako." Bumangon ito. Hinubad ang suot na hospital dress. Iniwas niya ang paningin. Pagkatapos magbihis ay tinungo nito ang pinto.

Humabol siya rito. "Teka lang, kaya mo na ba? Baka mamaya mag-collapse ka na naman sa kungsaan." Pigil niya sa babae.

"Please, just leave me alone. Salamat sa tulong mo pero kaya ko ang sarili ko." Nasa boses nito ang pagsumamo.

Wala siyang nagawa kundi panoorin lamang ito na umalis hanggang sa tuluyan itong naglaho sa kanyang paningin.

NATANAW ni Joul ang kaibigang si Darren na kumaway sa kanya habang palabas siya ng hospital. Nakatayo ito sa tabi ng kanyang motorbike. Binilisan niya ang hakbang.

"Anong ginawa mo doon sa loob ng hospital? Nagpa-check-up ka ba?" Usisa nito sa kanya na naglalaro ang kapilyuhan sa tono. " Namuti na itong mga mata ko sa kahihintay sa iyo." Angal nito.

Hindi siya sumagot at sumakay sa motorbike. Agad niyang binuhay ang makina.

Umangkas sa likuran si Darren at mistulang tuko na yumakap sa kanya. " Pasalamat ka at mahal kita." Anitong pinalambot ang tinig. Kung hindi lang ito chick boy malamang iisipin niyang bakla ito.

"Nabili mo ba lahat?" Tanong niya. Bumili ito ng mga kakailanganin nila sa dorm.

"Of course! Ano nga palang resulta ng check-up? Positive ba?"

"Anong positive?"

"Buntis ka ba? Magkakaanak na ba tayo?"

"Sira. Gusto mo bang masapak?" Tinapunan niya ito ng masamang sulyap mula sa side mirror.

"Pambihira ka, pare! Hindi ka ba marunong tumawa?" Reklamo nito. "Halos mangolontoy na ako sa kaka-joke , uniform pa rin yang mukha mo."

"Tingin mo nakakatawa iyon?"

"Wala ka na talagang pag-asa."

"Matagal na." Nasulyapan niya ang kaibigan na umiiling.

NATANGGAP si Oshema sa university na pinapasukan ni Vanessa sa Martirez. Mag-uumpisa na siyang magturo sa darating na pasukan. Na-impress ang administrator at ang president ng pamantasan sa kanyang credentials. Siya ang inatasang maging adviser ng Bachelor of Science in Civil Engineering third year block section. Dalawang taon lang ang tanda niya sa kanyang mga estudyante na base sa class record na kanyang nabasa ay majority ang boys.

Masayang-masaya si Vanessa nang ibalita niya rito na natanggap siya sa university. Excited na pinuntahan siya ng pamangkin sa staff house at sinamahang mag-shopping para sa mga pangangailangan niya. Siya lang mag-isa ang titira sa staff house kasi karamihan sa mga guro ng university ay resident ng Martirez.

"Ate, pagod na ako." Angal ni Vanessa matapos silang maglinis.

"Okay, pahinga ka na." Aniyang sinulyapan ang pamangkin.

Umalis sila ng staff house at namasyal sandali saka sa labas na sila naghapunan.

NAPABUNTONG-HININGA si Oshema habang patungo sa kanyang advisory class. Unang araw niya sa pagtuturo. Kanina nang dumating siya napagkamalan pa siyang estudyante. Sinipat niya muna ang sarili nang nasa tapat na siya ng pinto. Ayaw niyang mapintasan ng mga estudyante niya at pagmumulan ng asaran sa loob. White dress na may malambot na tila ang suot niya. Simple cut and above the knee. Tinernuhan niya ng paborito niyang silver string sandals. Nagsuot din siya ng belt na gawa sa shell ng niyog. Hinawakan niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok siya sa classroom. Ang maingay na mga estudyante sa loob ay kaagad tahimik.

"Goodmorning, guys!" Nauna niyang bati at nagtungo sa teacher's desk. Walang sumagot at may narinig siyang sumipol. Kasunod ang bulungan na animoy mga bubuyog

"Siya ba ang bagong teacher? Ang ganda!

"Ang bata. Parang kaedad lang natin."

Natahimik ang lahat nang suyurin niya ng tingin ang buong klase. Isa na lang ang bakanteng upuan. Nagbilang siya. Anim lang ang babae

"I said good morning, should I get any response from my students?" Sabi niya sa kaswal na tono at nag-angat ng isang kilay habang iniisa-isa ang kanyang mga estudyante na nakatulala sa kanya. Ang boys ay namumula ang mga pisngi.

"Goodmorning..." Greetings mula sa may pinto ang bumasag sa katahimikan.

Bahagya siyang pumihit para tingnan ang bagong dating. But she froze dead. Ang dila niya tila umurong pabalik sa kanyang lalamunan. It is him! The stranger. But how on earth?

He was motionless too, standing with his hand still on the doorknob. Though he did not look so much astounded as she was. Oh, God... This is not happening. Estudyante ba niya ang lalaking ito? Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan.

"Speechless!" May sumigaw mula sa klase na nagpabalik sa kanya sa sarili niya.

"Are you with this class?" Tanong niya sa lalaki.

Tumango ito. " Sorry, I'm late." Hingi nito ng despensa.

"It's alright. You may take your seat." Pinilipit niya ang mga kamay na pinagpapawisan. Binawi niya ang paningin at muling ibinaling sa buong klase. "Okay, class, my name is Oshema Yzabella Salcedo and I will be your homeroom teacher." Nagpakilala siya habang sinusundan ng tingin ang lalaking nagtungo sa bakanteng upuan at naupo matapos makipagbungguan ng kamao sa iilang mga kaklase.

"Kung kasing-ganda mo lahat ng magiging teachers namin, siguradong gaganahan kaming pumasok araw-araw kahit isali mo pa ang Linggo." Nagsalita ang isang estudyanteng lalaki buhat sa likod na sinundan ng tawanan ng mga kaklase nito. "Ako nga pala si Darren Lopez, welcome to Martirez University, Ms. Salcedo." Pilyo nitong pakilala. Katabi nito ang lalaking kadarating lang at binunggo sa siko. "Magpakilala ka, late ka na naman."

He frowned. At tumingin ito sa kanya. "I'm Joul Gascon." Kaswal nitong pakilala at tinapunan ng masamang sulyap si Darren na may ibinulong rito at halatang hindi nito nagustuhan.

"Is there anything wrong, Miss Salcedo? Namumutla po kayo?" May nagtanong na estudyante mula sa unahan.

Matapos magpakilala ang lahat ng estudyante niya, nagbigay siya ng two pages reading materials sa bawat isa at nagtungo sa kanyang table. Hapong naupo siya roon. Ang sama-sama ng pakiramdam niya. Para siyang lalagnatin.

Sinulyapan niya si Joul. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Bakit hanggang dito? Paano siya makakalimot kung minu-minuto ay nakikita niya ang lalaking ito? Walang bahagi ng katawan niya ang hindi nito nahawakan. Sa nangyayari ngayon ay lalong bumaba ang respeto niya sa kanyang sarili. Pwede pa kaya siyang umatras? Hindi na siguro. Tatakas na naman siya. Palagi na lang ganito. Tatakasan niya. Pero kakayanin ba niya ang ganito? Can she ignored him? Pretend as if he never existed? Hindi.

Masyado siyang aware sa presence ng lalaki. She felt him. His movements. Kailan siya masasanay sa iisiping nasa classroom niya ito at isa sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Matutunan kaya niyang tingnan ito ng tuwid sa mga mata ng may awtoridad?

Kinuha niya ang class record at inabala doon ang sarili habang nagbabasa pa ng tahimik ang mga estudyante niya. Nahagip ng tingin niya ang isang pangalan. YZACK JOUL. Napakunot-noo siya. Yzack Joul Gascon? Is it him? Nag-angat siya ng paningin at nakasalubong ang malagkit na titig ng lalaki. Biglang nagrambol ang tibok ng puso niya at nanlambot ang kanyang mga tuhod.

Napalunok siya. He has the same name as Vanessa's boyfriend. He can't possibly be him. Oh, God... Hindi pwede! Hindi! Nasapo niya ang noo. Mahihilo yata siya.

Sana nagkamali lang siya. Sana hindi ito ang boyfriend ng pamangkin niya. Baka kapangalan lang. Oh, God, what kind of punishment is this?