Faith's Point of View
"Hindi ko na nayayakap ang maganda kong anak..."
"Patawarin mo si tatay kung hindi ko naibigay ang kalayaan mo..."
Walang tigil ang pagtulo ng luha ko. Kahit pigilin ko lahat, kusa iyong bumabagsak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Mahal na mahal kita."
"Sorry, sorry po, tatay. P-patawarin n'yo po ako, please, 'tay, h-hindi ko kaya"
"Tatay!"
Habol hininga akong bumangon sa kama.
"H-hindi pa ako napapatawad ni tatay..." Agad akong nagpalit ng damit habang iniimpit ang pagiyak.
Hindi ko kayang dalhin ang konsensyang ito habang buhay. Ang tatay ko, kailangan kong bumawi sa kan'ya.
5 am na. Pinigilan kong lumikha ng mga ingay at lumabas ng bahay.
I'm sorry, Stay. Sorry.
Agad akong nakasakay sa bus at tahimik na umiiyak sa gilid. Nagpaparamdam pa rin si tatay sa'kin, at alam kong may kailangan akong gawin para sa kan'ya.
Daig ko pa ang pumatay ng tao gamit ang kutsilyo at baril. I feel like I'm confined to a cage for the rest of my life.
Malamig na hangin ang sumalubong sa akin pagpasok ng sementeryo. Tanghali na nang makapunta ako at dumiretso sa puntod ni tatay.
Nagtirik ako ng kandila at kinausap s'ya.
"Tay, g-galit po ba kayo sa'kin?"
"Parang gusto ko na lang din mamatay, tatay... Ang hirap, pakiramdam ko hindi n'yo po ako mapapatawad."
Namumuo ang mga luha sa mata ko.
"W-wala po ba kayong kasama rito? Sasamahan kita, tatay." Ngumiti ako ng mapait at hinawakan ang lapida n'ya.
"I'm sorry, tatay," ani ko at umiyak.
Tinabihan ko ang lapida n'ya na nasa lupa at humiga. Hindi ko inalintana ang init at natulog sa tabi ng puntod ni tatay.
"Tay, kakain lang ako ng hapunan," ani ko nang magising ng ala-siyete.
Pumunta ako sa pinakamalapit na 7-eleven at kumain ng sisig.
Binuksan ko ang cellphone ko at tumambad sa'kin ang mga missed calls and texts ni Stay.
159 missed calls
367 messages
"Damn, where the fuck are you, Faith?!"
"Bakit hindi ka man lang nagpaalam?"
"Faith, wala ka sa café, so where the hell will you go?!"
"Please answer my calls!"
"I can't fucking sleep."
Ilan lang 'yan sa mga nabasa kong messages n'ya. Nang makita ang huli niyang text ay napagpasyahan kong magreply.
"I'm fine."
Pinatay ko ang phone para hindi na s'ya tumawag pa at mangulit. I think he'll be finally satisfied with my reply.
Nang matapos kumain ay binalikan ko ang puntod ni tatay. Maraming ilaw ang nakabukas na ngunit walang mga tao rito.
Are they forgotten?
If I would die, and no one visits me, I'll definitely get hurt.
Humiga ako habang tinititigan ang lapida ng tatay ko.
"Tay, I'm sorry..." ani ko bago tuluyan dalawin ng antok.
Nagising ako sa isang magandang hardin. Nagliliparan ang mga paru-paro at mga ibon na humuhini sa paligid ko. Para akong bumangon sa isang kakaibang mundo.
Habang naglalakad ay nakita ko si tatay. Nakasuot ito ng puting damit at nakangiti sa akin.
Natigilan ako at ngumiti sa kan'ya.
"T-tatay!" Niyakap ko s'ya ng mahigpit dahilan para yakapin n'ya ako pabalik.
Tinignan ko si tatay habang nangingilid ang mga luha.
"Anak, hindi ba sabi ko sayo, mahal na mahal kita?"
Tumango ako at ngumiti. Sabik na sabik akong makita s'ya dahil sa pangungulila.
"Hindi mo na ako kailangang bantayan pa anak. Hindi ko kayang magalit sa anak ko."
Niyakap n'ya ulit ako at sinabi ang mga huli niyang salita.
"Hindi mo ako pinatay, anak. Ikaw ang dahilan kaya ako nabuhay."
Tumulo ang mga luha ko at niyakap s'ya pabalik. Pakiramdam ko'y naubusan ako ng boses at hindi makapagsalita.
"Magtatagumpay ka rin, Faith, anak ko. At ngayon palang proud na proud na ang tatay mo sa'yo. Mahal kita, anak."
Lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kan'ya. Ayaw ko nang pakawalan si tatay.
"Mas mahal kita, tatay."
Kahit nakapikit ay naramdaman kong unti unting nawala ang tatay ko. Nawala ang yakap yakap ko.
Mataas na ang araw nang imulat ko ang mga mata ko. Humikab pa ako at nag-unat unat.
"Ay patay!" Narealize kong mga puntod ang katabi ko at hindi mga unan.
Tumayo ako at tinignan ang paligid. Mula sa malayo, nakita ko si kuya at nanay na naglalakad palapit rito.
"H-hindi nila ako pwedeng makita rito."
Agad akong kumaripas ng takbo at pumunta sa kabilang entrance ng sementeryo.
Habang paliko ay muntik ko nang mabangga ang isang lalaking nagtitirik ng kandila. Kasing edad ko lang s'ya pero mas matangkad ito sa'kin ng kaunti.
"S-sorry!" ani ko at tumakbo ulit.
Lumuwag ang hininga ko nang makalabas ako ng sementeryo. Siguro magtataka sila kung bakit may tunaw na kandila sa puntod ni tatay.
Lagi na lang akong tumatakbo palayo.
Pumunta ako sa waiting shed at umupo. Inalala ko ang panaginip ko kanina.
"Hindi mo ako pinatay, anak. Ikaw ang dahilan kaya ako nabuhay."
"Magtatagumpay ka rin, Faith, anak ko. At ngayon palang proud na proud na ang tatay mo sa'yo. Mahal kita, anak."
"H-hindi... Hindi galit sa'kin si tatay!" sabi ko sa sarili at napatalon sa tuwa.
Mangiyak ngiyak ako sa saya, ang panaginip na 'yon ang mas nagpahinga sa akin ng maluwag.
Tumingin ako sa langit. "Salamat, tatay."
Bago pa ako maabutan nila kuya ay sumakay na ako ng bus pabalik sa Maynila. Hindi ko ininda ang gutom at masayang bumyahe pabalik kay Stay.
Hindi ako mapakali habang nasa taxi. My ears aren't ready right now. Alam kong papagalitan na naman n'ya ako.
Nagdadalawang isip akong humarap sa gate. Mula dito ay nakikita ko na si Stay na nagpapabalik balik ng lakad at nakatutok sa cellphone.
He really miss me, huh.
He's ready to kill me. Halos isang araw rin akong wala. Malamang ay nareport na n'ya ako sa mga police.
Hindi ko pa binubuksan ang gate ay nahagip na ako ng mga mata n'ya. Nangangatog man ang mga tuhod ko ay ngumiti ako at kumaway.
Hinila n'ya ako papasok sa bahay at agad akong niyakap ng mahigpit.
"What the fuck... Damn, Faith, w-where have you been?" Halata sa boses niya na pinipilit niyang kumalma.
Niyakap ko s'ya pabalik at pumikit.
Hinawakan n'ya ang buhok ko at lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa'kin.
"Madumi ang damit mo. Mukha kang gutom. Saan ka ba talaga pumunta, Faith?"
Pakiramdam ko'y gusto na niyang sumabog sa pagaalala.
"Kay tatay," maikling sagot ko.
"Bakit? Hindi ka nagpaalam sa'kin, sana hinatid man lang kita." Sa pagyakap n'ya ay parang ayaw na n'ya akong pakawalan.
"Nakonsensya ako, Stay. N-napanaginipan ko s'ya kahapon kaya tumakas ako."
Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin sa kan'ya.
"Natulog ako sa tabi ng puntod ni tatay."
Kita ko ang pagaalala sa mga mata n'ya.
"Damn... I can't believe this."
Hinawakan n'ya ako sa mukha na para bang hahalikan n'ya ako. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
I cleared my throat. What will he do? Nakakailang.
The atmosphere is weird. So he started to talk.
"M-may muta ka." Umiwas din s'ya ng tingin at lumayo sa'kin.
"Alam mo... Napanaginipan ko si tatay kanina," pag iiba ko ng topic at pumunta sa kusina.
Pritong itlog at hotdog na naman ang nakita ko sa lamesa.
"Hey, would you please learn how to cook? Nakaka turn off sa lalaki 'yan."
"I don't care. As long as you're here, I'm not bothered," sagot n'ya at umupo sa harapan ko.
Maid lang talaga ang turing n'ya sa'kin. Nakakainis talaga.
"Ano yung napanaginipan mo?"
I sighed. "Hindi galit sa'kin si tatay. Sabi n'ya hindi ko na s'ya kailangang bantayan."
Sasagot pa lamang si Stay sa ikinuwento ko ay biglang tumunog ang phone n'ya at sinagot ito.
"Hello? Oh, I don't need that, sir. I already found my wife," sagot ni Stay sa kabilang linya. "Yes, thank you."
"Wife?" Pinatay n'ya ang tawag at bumaling sa'kin.
"If not wife, then what should I say to them?"
"Nawawala ang kaibigan mo. Bobo mo naman."
Nagsimula akong kumain.
"H'wag mo na ngang pakielaman ang trip ko."
"Dati, girlfriend. Ngayon, wife naman. Atat ka na ba magkaroon ng nobya?" nangaasar na tanong ko.
"Not really. But I found one."