Chereads / The Faith's Failure (Filipino) / Chapter 16 - |14| Durian

Chapter 16 - |14| Durian

Faith's Point of View

Malalaki ang hakbang ko papunta sa classroom ng next subject. This is my third day, at hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako dahil sa lawak ng University, dagdag pa ang maraming estudyante na pakalat kalat.

Sa nilagpasan kong building ay nakita ko si Lara na humahangos pababa ng hagdan. May dala s'yang mga libro at papunta sa kinaroroonan ko. I stopped walking and greeted her.

I gave a smile. "Saan punta mo?"

Napahawak naman s'ya sa dibdib at habol hiningang nagsalita. "A-and'yan yung favorite author ko!" She showed me her three books. "This is his famous series oh!"

Binasa ko 'yon. Above Series ang nakalagay, Above the time, Above the ocean, Above the skies. She seemed so happy and excited while showing those books.

"Susunod na lang ako sa klase, kailangan ko talagang magpapirma, eh!" aniya at tumingin sa likod ko. Her eyes widened and started to scream. "His here! Oh my God, he's here! OMG wait for me!"

She ran so quickly towards the tall and young author. Pinagkukumpulan s'ya ng maraming estudyante, maliban sa'kin. Ang tanging tanong ko lang sa sarili ay bakit hindi ko alam ang series na 'yon?

Did I hated books so much? O sadyang matanda na talaga ako para makiuso sa kanila?

I sighed and began to walk away. Pagpasok ko sa room ay magsisimula pa lang ang klase. Our subject is about Philippine Culture and history, and that seems a little basic for me.

"So to start the discussion, give me facts or trivia about the Philippines, everything that you knew, that's okay," sabi ni Prof. Medina.

Kung titignan ang posture at pananamit, matalino s'yang tignan. Nasa mid-30's ang mukha n'ya. Mabait din at napakagaling magturo. Nagsasalita s'ya mula sa puso, at hindi sa utak.

Tumaas ang kamay ng isa kong kaklaseng lalaki. Sumenyas naman si Prof na tumayo.

"As far as I know, UST is the oldest University in Asia, sir." Umupo s'ya kaagad pagkasagot. Some of them mouthed "Oh" and for me it really amazed me. Paano n'ya nalaman 'yon?

"Okay, that's good, Anthony. Sino pa?" tanong nito habang naglalakad palibot sa klase.

Sa ilang taong pagaaral, hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sumagot sa recitation. Tuwing sumasagot ako, tahimik ang lahat, at parang handang i-judge ang sagot ko.

But I want it to be set aside. I'm 20 years old now, I must not hide on the box. Itinaas ko ang kamay ko habang nasa likod namin ang Prof.

"Okay, Miss Santimoza."

How come he already remembered our last names for 3 days? He's really intelligent.

Humarap ako sa kan'ya, habang ramdam ko ang mga mata nila sa'kin. Nilakasan ko ang loob ko at nagsalita.

"Doctor Abelardo Aguilar, is a Filipino Doctor that helped discover erythromycin," sagot ko. Napataas naman ng kilay ang iba at tumango-tango.

"Woah, paano mo nalaman 'yan? Did you studied medicine?" nagbibirong sabi n'ya.

Pero kahit alam kong nagbibiro lang s'ya dahil akala n'ya ay bata pa ako, tumango ako... na kinagulat n'ya. "H-how come? You're just 17."

"Sir, sa pagkakaalam ko, s'ya yung BS Biology student na nakick out sa kabilang University," rinig kong bulong ng isa.

Paano n'ya nalaman 'yon?

"Nakick out? Psh, akala n'ya siguro madali mag Tourism kaya nagaral ulit."

"Malamang napaka bobo n'ya."

Tumungo ako sa kahihiyan, habang sila ay nagsisimula na naman magbulungan. Hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako dito, I can't live in peace.

I heard footsteps of Prof. Medina walking in front of the room. Sinundan ko naman s'ya ng tingin at sinenyasan akong umupo na. Sinunod ko s'ya habang s'ya ay nagdrawing sa white board.

He drew a durian fruit, and faced us. He's good at drawing too, he just finished it for about 5 seconds.

"So, what's this?" aniya at itinuro ang nasa board.

"Durian," sabay sabay naming sagot.

"What is the best adjective for it?"

"Mabaho."

"Pangit."

"Nakakadiri."

Iyon ang sagot ng karamihan. Ako naman ay nanatiling tahimik dahil naguguluhan ako kung anong gusto n'yang iparating.

Ngumisi si Prof. "Tama kayo, pero may kulang."

Natahimik ang lahat, habang ako ay mariin na tinitignan s'ya sa mata. Naguguluhan ako, anong kulang ang sinasabi n'ya?

"We know so little about one another, yet can often quickly form our own opinion," aniya na nagpabingi sa'kin dahil sa katahimikan.

Naglakad s'ya sa gilid habang tinitignan kami. "You never answered the adjective beneficial. You said, mabaho, pangit, nakakadiri, but do you know it's rich in fiber, B vitamins and Vitamin C?"

Unti-unti ko nang nage-gets ang pinaparating n'ya.

He glanced at me. "Ano naman kung bumagsak? The important thing is you started again." Ngumiti s'ya at tumingin sa estudyanteng nasa likod ko. "We should look to the positive side, even if you failed, that doesn't mean you're worthless."

Ika nga nila, Truth be told, what you say about others says alot about you.

"Okay, let's move on. So, give me facts and trivia about Philippines, anyone?"

"Ako sir!" Bumungad samin ang nakadungaw na si Lara sa pintuan. "Sorry, sir. Dumating yung idol ko, eh!" aniya at masayang pinakita ang mga librong hawak n'ya.

Tumawa naman si Prof. "Naunahan ko pa kayong magpapirma sa kan'ya ah."

Lumuwa naman ang mata ni Lara. "Sir?! Fan din po kayo ng series na 'to?! Wow!"

Our Professor smiled. "Umupo ka na, at sumagot."

Dali dali namang dumiretso si Lara sa upuan n'ya. "Sir, I know the silhouette on the PBA Logo!"

"Wow, you're Taiwanese but you know about PBA, that's good," ani Prof.

"I'm Filipino by heart kaya!" She said cheerfully. Mukhang hindi pa sya naka-get over sa idol n'ya.

"Weh? Sabihin mo nga nagpapakabagabag 3 times," sabi ng katabi n'ya na si Seli.

Hindi namin napigilang matawa habang si Lara naman ay nagpout. "Never mind. Let me just curse."

"Shh! Marinig ka ni Sir!"

"I've already heard it. But please, not here," natatawang sagot ni Prof. "So, whose silhouette is on the PBA Logo?"

Bumaling naman si Lara kay Prof Medina. "Si Robert Jaworski po!"

"Psh, I already know that," bulong ng katabi kong babae.

"That's good, Lara. I'm sure you'll know more about Philippines. Okay, let's go to the discussion."

Habang tumatagal, lalo akong nage-enjoy sa pagaaral. Magaan ang pakiramdam ko hindi tulad noong Biology student pa ako. Siguro dahil mataray ang Prof ko noon, at ibang iba ngayon. Habang papunta sa parking lot, agad kong kinuha ang cellphone ko nang magring ito.

[Faith, kumusta ka?] nag aalalang sabi n'ya.

"Bakit kayo napatawag?" tanong ko.

[Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ni nanay... Wag kang magalala, tutulungan kita makapag aral ulit, promise yan, bunso.]

"Hindi na kailangan, kuya," mapait kong sabi.

[Ito na lang ang matutulong ko sa'yo---]

"Nag aaral na po ako ngayon. Tinutulungan ako ni Stay," sagot ko.

[S-seryoso? Napakalaking utang na loob 'yon, bunso.]

Ngumiti ako. "Mag aaral na po akong mabuti, kuya. H'wag kang magalala."

[May tiwala ako sa'yo, Faith. Mag iingat ka d'yan.]

"Opo, mag iingat kayo d'yan... ni nanay," ani ko.

[Oo naman. Don't worry, magiging okay rin kayo ni nanay.]

Tumingin ako sa langit. "Sana nga, kuya."

Habang busy sa pakikipagusap kay kuya ay bumungad sa'kin si Prof. Coleen, nanggaling s'ya mula sa likod ko at as usual, maganda pa rin.

"Hi, busy ka ba?" ngiting tanong n'ya.

"Ah, kuya, sige na muna, bye!" pag papaalam ko at in-end na ang linya nang hindi s'ya iniintay na sumagot. I glanced at her and smiled. "Hindi naman po masyado, bakit po?"

"Can we go out?"