Faith's Point of View
Simula nang magkita ulit kami ni Stay, lagi n'yang sinasabi sa iba na hindi ako isang kaibigan lang. Minsan asawa, at kadalasan nobya.
I really can't read him.
Umupo ako sa tabi n'ya. Sumandal ako sa sofa habang hawak ang soda.
"Gusto mo ba 'ko?" I asked out of nowhere.
Narinig kong muntik na s'yang masamid kaya napamulat ako.
"What?"
"Agh. Why did you asked that kind of thing?" aniya habang pinupunasan ang labi.
Inirapan ko s'ya at umayos ng upo. "Ya, I'll confront you. I'm sorry, pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo," I joked as if we're in a drama.
Bigla s'yang bumuntong hininga.
"I'm not ready for that rejection, Faith."
Tumawa ako ng malakas at hinampas sa braso. "Ang galing mo talaga makisakay sa trip ko 'no." At tumawa ulit.
But at the same time, I had a second thought.
"Psh. Matulog ka na nga," aniya at tumayo nang maubos n'ya ang soda.
Kinabukasan...
Tanghali na 'ko nagising dahil sa pagod. 3 pm na at 5 pm ang usapan namin ni Lara para sa concert ng Kpop group n'ya.
I searched some of their song last night. At nabigla ako dahil sila pala ang kumanta ng Lion.
I think I heard it somewhere last year, and I'm totally hooked. Sinend din sa'kin ni Lara pati ang pictures and names ng (G)i-dle, baka raw kasi gusto ko silang i-stan.
Pinakinggan ko lahat ng kanta nila, mula Latata hanggang sa latest song nilang Oh my God. And honestly, all of their songs is so good.
Na stuck pa nga sa ulo ko ang rap line sa Oh My God.
As usual, nagluto, kumain, naligo at nag ayos. Wala si Stay kaya sinarado ko ang bahay. He didn't even leave a note in the refrigerator.
"Hindi man lang nagpaalam, hmp," ani ko habang palabas ng bahay.
Sumakay ako ng taxi papunta sa waiting shed ng park. Wala pa si Lara kaya naisipan kong tawagan s'ya.
Lara Chen
Calling...
Pero isa lang ang narinig ko.
[This number couldn't be reach. Please try again later.]
I sighed. Minutes have passed but only a text from Lara is what I have received.
Lara Chen
Sdr. Otw.
I frowned. Sdr?
Otw, alam ko pa. Pero Sdr? Seriously, what the heck is that?
Halos limang minuto ang lumipas nang makarating si Lara.
I smiled. "Filipino time?"
Tumawa s'ya. "Alam mong Filipino ako by heart."
Bago kami umalis, nagsalita ulit ako.
"Wait, what's Sdr?"
She rolled her eyes and sighed. "Sorry, didn't responsed. Hays, ang tanda mo na Faith."
---
Arena Theater.
Binigyan kami ng Lightstick. It is purple-colored and have a castle design.
"Ang ganda 'di ba?" Excited na sabi ni Lara habang nasa loob kami ng theater.
Marami rami ng tao at dahil VIP kami, nasa harapan namin ang malaking stage habang hinihintay ang idol n'ya.
"Ganito, iwa-wave natin 'yan tuwing nagpe perform sila," aniya at ginawa 'yon sa lightstick na hawak.
Tumango tango ako at ginaya 'yon.
Kalahating oras ang lumipas nang mapuno ang theater. May nagsisigawan na at winawagayway ang posters.
Wala akong ginawa kundi titigan ang lightstick dahil napaka ganda no'ng tignan.
"Hey, bakit ako ang inaya mo rito?" tanong ko habang busy s'ya sa cellphone.
"Uhm, ayaw kasi nung crush ko eh."
I looked at her. "Crush?"
She nodded. "Yung author na sinasabi ko sa'yo. Ayaw n'ya sa ganito eh."
Ngumiti ako ng nakakaasar. "Ah. Mukhang patay na patay ka ah."
Tumawa s'ya. "Grabe ka naman!"
"Nagka boyfriend ka na ba?" tanong ko.
"Oo. Pero we broke up last year." At ngumiti s'ya ng mapait.
Magsasalita pa sana ako nang lumabas ang isang magandang babae sa screen. Isa 'yong VCR na nagpapahiwatig na simula na ang concert.
Nagsigawan ang lahat. At sa pagsisimula ng lahat, nakita kong tumabi sa'kin si Stay.
Nakasuot s'ya ng simpleng tshirt at pants habang masayang hawak ang lightstick.
"S-stay?!" ani ko at nakaluwa ang mga mata.
Lumingon rin s'ya sa'kin at nawala ang mga ngiti n'ya.
"W-what are you doing here?" tanong n'ya.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito? Kaya pala wala ka sa bahay, bakla ka ba?!" sigaw ko.
"Hey, magkakilala kayo?" tanong ni Lara.
"Kaibigan ko s'ya!"
"Girlfriend ko."
Sabay naming sagot.
"And for your information, I'm not gay."
I frowned. "Kailan ka pa nahilig sa Kpop ha?"
"Eh, ikaw? Kailan ka pa nahilig sa concert?" seryosong tanong ni Stay.
"Niyaya lang ako ni Lara!" sagot ko at hinawakan sa braso si Lara.
"H-hi! Hehe," she said timidly.
Nang matapos ang VCR, may lumutang na anim na babae mula sa ibaba ng stage. Nakatalikod sila kasabay ang pagtugtog ng una nilang kanta.
Pamilyar sa'kin ang kanta. Ang Oh My God.
Syempre nagtilian ang buong Arena Theater, pati sila Lara at Stay. Nakisigaw na rin ako at lalo pang lumakas 'yon nang kantahin ang rap part.
Napakaganda nung nag ra-rap, ang classy at malakas ang confidence.
Nabigla naman ako nang sabayan 'yon ni Stay, napaka galing rin pala n'ya mag rap at kahit Korean ay saulado n'ya.
Hindi ko maiwasan tignan s'ya habang masayang masaya na panoorin ang (G)i-dle.
Halos malaglag ang panga ko sa pagka angelic ng mukha ng kumakanta ng bridge. Lumakas rin ang hiyawan nang kantahin nila ang chorus.
Ang sunod nilang pinerform ay Latata. Again, I think my throat would be dry after this.
Their stage presence is incredible, and the fact na malapit lang ako sa kanila ay nakapagpapabilis ng heartbeat ko.
Hanggang sa dumating sa point na nagpapakilala sila.
"Hello, we are (G)i-dle!" At nagsigawan ang lahat.
Jeon Soyeon. Ang astig at main rapper.
Cho Miyeon. Maganda na, main vocalist pa.
Minnie Nicha Yontararak. Thai at main vocal rin.
Seo Sujin. Sexy at malakas ang charisma.
Song Yu Qi. Chinese at cute.
Yeh Shuhua. Visual at Taiwanese.
"Whoo! Kalahi ko 'yan!" sigaw ni Lara nang magpakilala si Shuhua.
Natawa naman kami ni Stay dahil sa inasal n'ya.
"Kuya Stay, sinong bias mo?" Baling ni Lara.
"Honestly, I don't know. Nakaka adik lang talaga ang kanta nila."
"Hindi ko naman naririnig na pinapatugtog mo 'yan sa bahay," sabi ko na hindi maririnig ni Lara.
He smiled at me. "As if I have speakers." Then he focused on the stage while waving his lightstick.
Ang sunod nilang pinerform ay ang Hann at Uh-oh. Si Lara ay sumasayaw pa habang si Stay ay sumasabay sa kanta.
I found them cute. Lalo na si Stay. I didn't know he's idolizing a group. I only know that he love Bruno Mars so much.
Hanggang sa may sinabi ang host ng concert.
"Okay, who's good at singing here? One lucky fan will have a chance to sing with (G)i-dle!"
Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ng fans.
Bumaling sa'kin si Stay. "Hey, ikaw, gusto mo?"
"Hindi na. Ikaw na lang."
"Ako! Ako gusto ko!" ani Lara habang tumatalon at tinataas ang kamay.
"Huy, para kang baliw," tatawa tawang sabi ko.
"Syempre para sa pinakamamahal kong Shuhua!" sigaw n'ya at patuloy na tumatalon.
Pero ilang sandali, habang palapit samin ang host, binuhat ako ni Stay at nilagay sa stage.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" singhal ko sa kanya.
"Okay! May marahas na umakyat ng stage. Hello miss! Tayo ka," ani host at inalalayan ako.
"Oh my God!" Tumili si Lara. "Faith, ikamusta mo ko sa kanila!"
"What's your name?" Host asked.
I looked at the crowd. "F-faith."
May nalungkot, may tumitili, at may umiiyak. I glanced at Stay.
"Bakit ako?!" I said to him inaudibly.
He chuckled. "I've done that before."
"Okay, Faith. What's the song you want to sing with them?"
At dahil isa lang naman ang saulado ko...
"Lion."
"Wow, that's quite hard!"
Lumapit ako sa anim na miyembro ng (G)i-dle. They are all smiling at me, while Shuhua is waving.
I smiled timidly back at them.
Kusang napunta ang mga mata ko sa nakadungaw na lalaki sa backstage area. He's wearing a black tshirt while looking at me.
And before I could sing with them, my eyes were in shock as I saw him.
Again.
A/N:
Thank you! TFF just reached A THOUSAND READS! I DUNNO WHO ARE YOU GUYS BUT THANKYOU SO MUCH! PLEASE VOTE, LIKE, SHARE AND COMMENT HERE TO KNOW HOW ARE YOU, GUYS.
THANKYOU! SO MUCH APPRECIATION! HOPE YOU'LL LOOK FORWARD TO MY UPDATES!!! THANKYOUUUUUU!
Keepsafe, reader.