Chereads / The Faith's Failure (Filipino) / Chapter 25 - |23| A walk

Chapter 25 - |23| A walk

Faith's Point of View

"Stay naman eh, bakit 'di mo ko sinasagot?" I sighed. "May sakit ka ba?" pag-aalala ko.

Pero walang sumasagot.

"Tulog ka ba?"

Ilang araw na akong nagtataka kung bakit hindi n'ya ako pinapansin. Hindi n'ya kinakain ang mga niluluto ko, hindi na rin s'ya lumalabas ng kwarto. Iniisip ko tuloy kung may nagawa ba akong mali nitong nakaraang araw.

"Oh, wala kang date?" tanong n'ya kinabukasan.

Himala dahil lumabas na s'ya at nagluto ng paborito n'ya. Ang pritong itlog. Napangiwi tuloy ako nang maamoy 'yon, para bang nakakaumay na.

"Ha?" tanong ko nang makaupo sa dining table.

"May ka-date ka 'di ba?" Stay asked without looking at me.

I stared at the apple in the middle of the table. "Ah, si Samuel?"

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala. First time ko mayaya sa date ng taong hindi ko pa masyado nakikilala. Parang nung isang buwan lang, nabunggo ko s'ya sa sementeryo, ngayon inaalok na n'ya akong lumabas.

Ang swerte mo naman, girl.

"Psh."

"Busy na 'ko," I answered.

"Then?"

"Wala na akong panahon sa ganoon 'no."

Bigla kong naalala ang naka date n'ya noong lumabas kami ni Coleen. Paano kung isa lang ako sa mga fling n'ya? Hindi ako laruan lang ano!

He turned off the stove while avoiding his gaze on me. It looks weird but he ate his breakfast without saying any words. At nang matapos s'yang kumain, naglakad s'ya papuntang salas. Napansin kong bahagya s'yang tumungo at inilagay ang kamay sa bibig.

Parang...

Nagpipigil ng ngiti?

Buong maghapon n'ya akong hindi pinansin. Pero parang bati na rin kami kasi nanonood na s'ya ng tv kasama ko. Kaso tuwing tinitignan ko si Stay, diretso lang ang mga mata n'ya.

Kinabukasan.

Nakaka stress rin palang maging Tourism student. Medyo nakaligtas nga ako sa Science, pero hindi sa Math. Para akong pumasok sa Accounting.

Ngayong naikwento ko na kay Kuya Fin na nag aaral ako, tuwang tuwa s'ya. Ike kwento n'ya raw kay nanay ang tungkol ron pero sa tingin ko hindi na kailangan. Magpapakita na lang ako kapag successful na ako sa trabaho.

Hindi ko rin ina-accept ang facetime ni Kuya, dahil alam ko naman ang gusto n'yang gawin - ang paglapitin kami ni nanay. Pero mas kilala ko si nanay, mahirap s'yang magpatawad.

Nang mag lunch, sumabay ako kay Lara na kumain sa labas ng DMU. Hanggat maari, iniiwasan ko talaga muna makita si Samuel. Saan ka ba naman makikita ng binatang aalukin ka ng date pagkatapos mong bigyan ng pabango?

Hello? As if I ran through the rain to buy it for him.

Isa pa, freshman rin s'ya. Malamang ay 17 years old lang ang batang 'yon. At ako? I'm 20 and I should be battling with the traffic to go on my job early.

Makulong pa akong child abuse dahil sa law student na 'yon.

As usual, Lara looks so wasted. Pati ang pagkain, wasted din. Itong batang 'to.

"Hoy, bata ka, ngayon ka lang ba naheart broken?" I asked.

Sumimangot lang s'ya at tinitigan lang ang pagkain sa harapan. "Sabi ko sa'yo, nagka boyfriend na 'ko."

I raised my brow while my arms are crossed. "What happened to your ex? Pinagpalit ka sa Filipina?"

Umiling s'ya. "I can't introduce him to my parents."

"Huh? Bakit?"

"My mom dreams to have a rich son-in-law. Ipaglalaban ko sana eh, kaso s'ya na yung sumuko," Lara said.

"Really?" Bigla akong naawa. Gaano ba s'ya kahirap at hindi maipakilala ni Lara?

She sighed. "Agh. Hayaan mo na 'yon."

"Tapos ngayon nagpapakatanga ka sa writer na yun?" I frankly asked.

She glared that made me smiled. "Alam mo kung bakit?"

"Hmm?"

"Kasi tanga ako," sagot n'ya at nilabas ang paborito n'yang inumin - ang Tang.

Alam ko na kung bakit paborito n'ya yun.

I just watched her to drink that juice. Naisip ko rin na, sabagay, gan'yan rin naman ako noong 17. Mare-reject tapos iiyak, pero tuloy lang ang buhay. Tapos magpapakalunod sa dami ng projects na hindi ko natapos dahil sa pagiyak.

Nang maghapon, tumakbo ako ng mabilis papuntang Parking lot. Sa totoo lang, para akong suspek na may tinataguan. Agad akong sumakay sa kotse ni Stay at doon naghabol ng hininga.

"What's wrong?" Stay asked and started to drive.

"Wala. Gutom lang," ani ko at dumungaw sa bintana.

Pagkarating sa bahay, nagluto ako ng hapunan. Si Stay naman ay dumiretso sa salas at nag laptop. Ngayon ko lang narealize na walang dinagdag ang Prof. ko na projects, kaya ginanahan akong magluto ng Adobo.

Maghahain na sana ako pagkatapos maluto ang ulam, nang tumunog ang doorbell.

"Ako na," Stay said.

Habang inaayos ang dining table, malakas na isinara ni Stay ang pintuan. Napalingon ako at sinundan s'ya ng tingin papunta sa sofa. Padabog s'yang umupo at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop.

"May naghahanap sa'yo."

Unang pumasok sa isip ko si Lara. Pero kung tama ako, matagal na n'yang pinapasok 'yon. Kinabahan ako bigla at nagtungo palabas ng bahay. Nakita ko si Samuel na naghihintay sa gate, naka hood s'ya dahil kakatapos lang umulan.

Hindi ko pa binubuksan ang gate ay tinanong ko kaagad s'ya. "Bakit ka nandito?"

Ngumiti s'ya. "Sinundan kita, turns out malapit lang pala ang bahay ko sa'yo." I frowned. "I just came here to ask you for a walk."

"Walk? Baliw ka ba? Gabi na."

"Please?"

Mukhang sincere naman s'ya kaya pumayag na ako. Tinignan ko ang wrist watch, 6:30 pa lang naman kaya babalik ako after 30 minutes.

Pero bago ko buksan ang gate, I heard Stay's footsteps. Lumingon ako at nakita s'yang hawak ang jacket ko.

"Malamig, mag jacket ka," walang emosyon n'yang sabi habang iwas ang tingin.

Pero imbis na abutin 'yon sakin ay tinulungan n'ya akong suutin 'yon. I felt awkwardness since Samuel is in front of us. "T-thank you."

We walk along the streets. Malamig ang hangin, ang mga ilaw at buwan lang ang gabay namin sa paglalakad. He looks so shy while with me, so I tried to think about a topic.

"Gaano kalapit yung bahay mo sa'min?" I asked.

"Two turns from Don Roweno Street."

I suddenly found him cute. Malayo sa nakita kong mayabang noong nakipag date s'ya sa blonde girl sa Resto. Para bang tumitiklop s'ya sa'kin.

Gosh, haba naman ng hair mo Faith.

"Ah, ganoon lang pala kalapit."

"By the way, what's your name?" Samuel asked.

I suddenly chuckled. "Yeah, you don't know my name yet."

"So, what's your name?"

"One clue." I smiled at him. "Complete trust or confidence in someone or something."

Samuel frowned. "Uh-- Trust?"

"What? How could a parent name their child Trust? Condom?"

He chuckled. "I know the answer."

"Hmm?"

"It's not religion, nor belief..." Humarap s'ya sa'kin at inilahad ang kamay. "Nice to meet you, Faith."

We smiled at each other. I pulled out my hand and shook hands with him. "Nice to meet you too, Samuel."

I was about to pull it out but he started to walk. Magkahawak kamay kami habang pabalik sa bahay namin ni Stay.

Dinama ko na lang ang hangin habang naglalakad. At isa kong kamay ay nilagay ko sa pocket, at nakapa ang isang spray. I immediately took it out.

A pepper mint spray.

I chuckled. "He's really thoughtful." Dahilan para mapatingin sa'kin si Samuel. Nanatili akong nakatingin sa spray na nilagay si Stay sa jacket ko.

"Who's he?"

"Stay. Iyong kasama ko sa bahay."

"Ah, I see. Your brother?"

I smiled. "Yeah, my brother."

But in heart.

"That's why he looks so strict."

"Yeah."

"But if you didn't say he's your brother, I'll automatically think that he likes you."

I suddenly stopped walking.

"What?"

He smiled. "Yeah, I know guys. If he's like that, there's two things, you're his sister or he likes you so much."

I continued walking as he walked through. Still thinking about what Samuel said, it made my hands colder. Maybe, Stay just sees me a little sister like Suzy - his sister.

"Thank you," ani ko nang makabalik kami sa bahay ko. "Ingat ka."

He smiled. "Yeah. Thank you. See you again."

I waved at him as he walked away. He waved back too that made me smile genuinely. Samuel is really cute, I won't think he's older than me. He's really a 17 year old guy.

As I went back to our house, I saw Stay.

He's cooking in front of Coleen.

Mukhang lasing s'ya at nakapangalumbabang nakaupo sa dining table. Suddenly, Coleen asked something. "Hey, am I beautiful?"

"Yeah, you are. Why?" Stay answered while chopping.

I dropped the pepper mint spray.