Chereads / The Faith's Failure (Filipino) / Chapter 29 - |27| Met

Chapter 29 - |27| Met

| FAITH'S POV |

De Somila University's Foundation Day

"Hoy!" tawag sa'kin ni Lara habang ako ay palinga linga.

Tanghali na kasi pero wala pa rin si Stay.

Ngumiti ako ng makita s'ya. "Oh, and'yan ka pala?"

"Galingan mo ha, ginawan ka na namin ng banner para mamaya!" Lara said.

I sighed. "Namin?"

As far as I know, s'ya lang ang kaibigan ko sa batch.

"Syempre kinunsinti ko sila 'no! Minsan lang sila magiging mabait sayo di mo pa ba lulubusin?"

I rolled my eyes and we started to walk on the hallway. "Bakit mo pa ginawa 'yon?"

"Alangan naman ako? Aba girl di ako magaling sa arts," aniya at pumaewang pa.

Napaka baliw talaga ng Taiwanese na 'to.

"Hoy Faith, basta ha! Good luck sayo! I prepared my throat for you!" She said and cleared her throat. Nag vocals pa si loka.

"Nababaliw ka na talaga 'no? Lalo lang akong kinakabahan, eh. Change topic na!" I said while we're roaming around the University.

Ang gandang tignan ng mga decoration at well-prepared talaga ang bawat booth. Malakas na around of applause sa mga coordinator!

"1 o'clock na Faith, magsisimula na 'yung dance contest. Ano, nood tayo?" Lara asked.

"H'wag na. Kain na lang kaya tayo?"

Bigla s'yang humagalpak ng tawa. "Ang pangit mong kabahan!" At hinila ako palabas ng University.

Habang kumakain kami sa resto na kinasanayan namin, tumitingin ako sa labas at hinihintay kung dadaan ba ang kotse ni Stay. Sabi n'ya, nonood s'ya pero parang malabo na...

Busy na s'ya ngayon at 5pm kung umuwi. Ganoong oras pa naman ang tapos ng Singing Contest mamaya. Hinatid n'ya lang ako rito habang dala ang gitara n'ya kanina.

Wala pang dalawang oras bago magsimula ang contest, nakatanggap agad ako ng dm mula sa coordinator.

Xx_shin05

Hi! Please come to the holding area around the gym. Thank you!

"Lara, kailangan na ko sa DMU," paalam ko habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Sumubo ako ng maraming chicken nuggets at dinala ang ice cream.

"Good luck! Babalik ako mamayang three ha, ingat!" She said and then we bid goodbye to each other.

Mabilis natunaw ang ice cream nang lumabas ako kaya agad ko na 'yong nilamutak habang naglalakad. Nahirapan pa ako dahil sa payong na hawak.

Bago makapasok sa holding area, inayos ko muna ang buhok at t-shirt ko. Tumambad sa'kin ang limang contestant mula sa iba't ibang department at mukhang may senior pa.

I avoided their gaze and took a sit near them.

"Okay, so now your complete. We have thirty minutes to get yourselves ready," the coordinator said in front of us.

Pumasok ang anim na bakla.

"So, they will assist you. Pagmumukhain lang nila kayong presentable mamaya sa stage, okay? Maiwan ko na kayo, gays. Good luck!" pagpapaalam ng coordinator.

Lumapit sa'kin ang isang bakla na mahaba ang buhok at makapal ang kilay. Gosh, kung nakita ko lang mukha n'ya noong lalaki pa s'ya, baka umiyak ako dahil napakalaki n'yang sayang.

"Sit here," malambing na sabi ng bakla at pinaupo kami sa harap ng salamin. May nakalatag na rin na mga make up at blower.

Pageant ba 'tong sinalihan 'ko?

Bago pa n'ya ako make up-an, tinignan n'ya muna ako sa harap ng salamin.

"Alam mo sis, medyo may mga freckles ka na," maarte n'yang sabi na nagpataas ng kilay ko. "Stress ka ba? Anong course mo?"

I was a bit offended by what he said and with a heavy sigh, I tried to calm myself. "Tourism."

"Kaya naman pala eh! Pero sis, okay lang yan. Medyo may itsura ka naman, pwede kang maging flight attendant."

Naiyukom ko ang dalawa kong kamao dahil sa narinig. I badly want to scream. Bakit ba ang dami n'ya pang sinasabi imbis na maglagay na lang ng kolorete sa mukha ko?!

"When will you stop fussing?" I said in an irritated voice.

He pursed his lips. "Okay, sorry." Then he touched my hair and took a concealer. Nilagyan n'ya ako no'n sa pisngi. "Ayan sis, maganda ka na. Wala kang eye bags 'no?"

I rolled my eyes. Nilagyan n'ya ako ng foundation sa buong mukha. He also put blush, a bit of golden pink eye shadow, lipstick and lipgloss.

As I stared on the mirror, I didn't recognize my self.

"Ayan, sis. Hindi ka na lanta, minsan kasi matuto ka magpadilig."

Lumingon ako sa kan'ya. "What the hell are you saying?" I asked with a disgusted face but he just make a peace sign while smiling.

"Ikaw girl, matuto kang mag ahit, masyado kang sagana sa buhok kamukha mo si Shreck," I said, raising my brow.

Tumayo ako at bago lumabas ng Holding Area, narinig ko na naman ang boses ng palakang bakla. "Girl! Hindi pa kita nab-blower-an, wag ka mag walk out."

"Pake ko? Kaya kong mag ipit," mataray kong sagot at isa isa ko silang tinignan. All of them were startled in front of me.

Padabog kong sinara ang pinto at naghintay sa labas. Announcement of winners na kaya nagpunta ako sa harapan ng gym, nasa likod lang naman 'yon ng holding at backstage area.

As I expected, hindi nga sumali si Samuel sa dance contest. Most of them are groups that probably danced hip-hop, while some of them is a duo. Nakakahiya nga kapag mag isa kang sumayaw.

"Hey!" rinig kong tawag sa'kin ng Coordinator na nasa gilid ng stage. Agad akong lumapit sa kan'ya. "You look so pretty, good luck!"

I smiled sweetly. "Yeah, salamat!"

"Proceed ka na sa backstage area, contestant no. 4 ka," she said.

"Okay, thanks." I said and went to the said place. Lahat ng contestant ay wala pa at mukhang abala pa sa pagb-blower. Karamihan kasi ng sumali ay babae at dalawa lang ang lalaki.

After few minutes, nagsipasukan na rin ang lima. I just rolled my eyes, ang tatlong babaeng contestant ay nakalugay habang straight na straight ang buhok.

Habang ako? Ito. Dry na dry at maraming split ends. Nagsisisi na talaga akong tinamad akong gumamit ng conditioner or with keratin products. Mainit kasi sa pakiramdam so I prefer shampoo till now.

"So, do you prepared two songs? One English and OPM, right?"

We all nodded.

"Okay, sino sa inyo ang gagamit ng instrument?"

Tatlo kaming tumaas. Ang isa ay iyong babaeng mahaba ang buhok at ang isa pa ay iyong lalaking senior. Masyadong brushed up ang buhok n'ya, daig pa si Jose Rizal.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang singing contest. Nakadungaw lang ako sa kurtina kung saan kita ang buong stage. Maraming tao at nagkakagulo na sila habang winawagayway ang banners.

I suddenly felt nervous because of the crowd. I cleared my throat for being confused, pakiramdam ko ay wala sa kondisyon ang boses ko.

Nagsimulang kumanta ang senior.

"Kinakabahan ka?" ani ng babaeng may mahabang buhok.

"Don't be nervous, walang mangyayari sa'yo n'yan," nakangising sabi ng babaeng short hair.

Tipid lang akong ngumiti sa kanila. Para akong maiihi o matatae lalo na nang dumagdag pa ang mga 'to sa pressure na nararamdaman ko.

Hanggang sa ako na ang sasalang.

"GO FAITH SANTIMOZA!" malakas na sigaw ni Lara.

"FAITH FOR THE WIN!"

I felt overwhelmed when I heard my classmates cheering on me. Kahit yung mga hindi ako pinapansin, at kahit yung tinawag akong ate last week.

Ngumiti ako sa kanila at inayos ang mic stand. Inikot ko ang tingin sa buong crowd, pero nadisappoint ako nang hindi makita si Stay.

I started strumming my guitar that made them scream more. English song muna ang kakantahin bago ang OPM. I chose Taylor's song, ang mga kanta lang naman n'ya ang saulado ko ang lyrics.

Drew looks at me,

I fake a smile so he won't see,

What I want, what I need,

And everything that we should be,

I'll bet she's beautiful,

That girl he talks about,

And she's got everything that I've had to live without.

I glanced at the whole crowd while strumming the guitar. Wala pa rin si Stay... Hanggang sa malapit na akong matapos sa una kong kanta.

I sang with all of my heart. Dinama ko ang bawat liriko kahit hindi ako maka relate.

He's the reason for the teardrops on my guitar,

The only thing that keeps me wishing on a wishing star,

He's the song in the car I keep singing, don't know why I do.

As I'm strumming the guitar for the OPM song, my eyes found Stay. He's far from me but I definitely saw his sweet smile, that made me teary-eyed.

"You're doing a good job, Faith, Good job..." He mouthed inaudibly.

So I said, "Thank you," inaudibly too.

My heart flattered as he did what he promised to. I know from the very first start he's really proud of what I'm doing.

I started singing the next song.

(KLWKN - MUSIC HERO)

Tanaw pa rin kita, sinta~

The crowd screamed so loud. Halos masira ang mga banner nang simulan ko ang unang linya ng kanta. I can hear their voices.

"FAITH FOR THE WIN"

As the banner stated. Lara and others can't stop shouting from the top of her lungs.

Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala,

Sa tuwing nakakasama ka,

Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata,

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay,

Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay.

I glanced at Stay as I sang the last part of my performance. Nakapako ang mga mata namin sa isa't isa hanggang sa bumalik sa'kin ang lahat ng kakaibang nangyari noong nakaraang linggo.

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan,

Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan,

Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan,

Nating dalawa,

Nating dalawa...