Chereads / The Faith's Failure (Filipino) / Chapter 26 - |24| Acquainted

Chapter 26 - |24| Acquainted

| FAITH'S POV |

Sabay silang napalingon nang mahulog ko ang peppermint spray.

"Oh, Faith and'yan ka pala," Stay said.

Lumapit ako sa kanila at tinignan ang niluluto ni Stay. Si Coleen naman ay papikit na habang gulo gulo ang buhok.

May Professor bang nagiinom sa gabi? Gosh. I don't think she'll make it tomorrow. May pa-project pa nga s'ya sa'min at due date na bukas.

"Faith, ipagtimpla mo s'ya ng kape," utos ni Stay.

I'm startled and my brow arched. "What?" I said in a cold tone. That's unbelievable.

"Psh. Bilis na, busy ako rito," he said while cooking sisig.

All I can do is to release a heavy sigh and went to the other side. May sariling buhay yata ang mga kamay ko at naparami ang kuha ng kape.

Mapaitan ka d'yan. Magising ka sana.

"Hey, Coleen. Let's eat," rinig kong sabi n'ya.

I rolled my eyes. Padabog kong inilapag ang mug sa harapan nila.

"Ooh, hi Faith! Gabi ka na ah?" Coleen said in a drowsy manner.

I raised my brow again.

Eh ikaw? Gabi na bakit nandito ka pa?

"Faith, can you taste it?" Stay said.

I glared at him but he just pouted and said "please". Wala na tuloy akong nagawa kundi ilapit ang pinggan at kumain ng kaunti. Pagkatapos kong kumain ay si Coleen naman ang sumunod.

"Ooh, it tastes good!" puri ni Coleen na kinangiti ni Stay. He even pinched her cheeks.

"Pwe!" I frowned. "Hindi masarap."

"Really?" He chuckled.

Padabog kong nilagay ang kutsara sa pinggan at tinignan s'ya ng masama. "Stay."

He glanced at me, with a disappointed look. "Hmm?"

"Ilang buwan na ba akong nandito?"

Tumingin s'ya sa itaas na parang may kinakalkula. Then he answered, "Two months."

Bahagya akong ngumisi. "Yeah, right." Then I looked down.

Two months na ako rito, Stay. Bakit hindi mo ako nagawang ipagluto?

Gustong gusto kong sabihin pero ayaw bumuka ng bibig ko.

10 pm nang umalis sila ni Stay para ihatid pauwi. I stayed on the couch watching tv and drinking beer.

I mean, root beer.

Nakabusangot akong sumandal habang tinititigan ang paggalaw ng orasan. Ilang beses na akong humihikab pero parang wala pa ako sa kondisyon para matulog.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Samuel. Parang lalo lang nagulo ang utak ko, hindi ko naman kasi ma-gets. Hindi ko rin matantsa ang ugali ni Stay.

Minsan mabait, tapos magagalit, tapos madadatnan ko lulutuan n'ya si Coleen.

Napayakap ako sa sariling tuhod. Bakit gano'n? Nakakatampo na. Sa katagal-tagal ko nang naandito, ako lagi nagluluto para sa kan'ya.

Napa angat ako ng tingin.

Teka--bakit naman n'ya ako ipagluluto?

Syempre bayad ko na to dahil sa pagpapatira n'ya sa'kin.

Pagpapatira?

Ang pangit naman pakinggan!

Tama, tama. Hindi na ako magtatampo.

Inubos ko ang soda habang si Stay naman ay nanamlay na pumasok ng bahay. Papikit na s'ya pero pinilit n'yang imulat ang mga mata nang makita ako.

"Why are you still up?" aniya.

I pouted. "Nothing." Hinigpitan ko ang hawak sa lata. "Gusto mo?" Alok ko sa kan'ya sa extrang soda.

Inabot ko sa kan'ya yon na agad naman n'yang binuksan at ininom. I placed the pillow on my thighs and glanced at Stay.

"Sorry..." tanging nasabi ko sa kan'ya. I smiled a bit and sighed. "Nilait ko yung luto mo kanina."

Honestly, that was good.

He slightly chuckled. "Yeah, I know you're just kidding."

I raised my brow. "Baliw! Masama talaga lasa no'n."

He rested his head on the sofa. "Psh."

"Ya..." I called him.

"Hmm?"

"Salamat do'n sa peppermint spray." Tumawa ako. "I didn't expect that."

"Buti na lang hindi mo nagamit," he coldly said.

With a heavy sigh, I started to open a topic which I really want to tuckle up since I went back home. "Samuel didn't know about our gap."

Bumaling s'ya sa'kin. "Why are you thinking about that? Bakit? Ikakasal na ba kayo?"

I pouted. "Yeah, that's just a date."

"Date?" He frowned and turned it into a glare.

"Isn't it a date?"

"Yeah, it's not. You're just walking around."

Ganoon na ba ako katanda at hindi ko alam ang ginagawa ng mga nagde-date?

"Tanda mo nang nagikot ikot tayo sa mall noong highschool?" he asked.

I leaned. "Yeah. Kumain pa nga tayo sa Korean Restaurant."

He smiled. "It's a date."

Nanlaki ang mga mata ko. "Eh? Ibig sabihin..."

"Hmm?"

"N-nag date na tayo?!"

"Psh."

Iyon ang huli n'yang sinabi at dumiretso sa kwarto. Iniwan n'ya ang lata sa sofa kaya nagligpit muna ako bago maghilamos. Nilinis ko na rin ang CR.

Bakit ba hindi n'ya tinatapon yung mga walang laman na shampoo? Napaka iresponsable naman.

Kinabukasan.

After naming ipasa ang project kay Coleen ay hindi na ako kumibo sa kan'ya. Mukhang fresh pa rin s'ya kahit malala ang inom n'ya kagabi. Napailing na lang ako at bumalik sa upuan.

Pagkagising ko kanina, may natira pang sisig. Sabi ni Coleen nasarapan s'ya sa luto ni Stay?

Kaya naman nilagay ko ang sisig sa tupperware at binaon. Nang mag lunch, shinare ko 'yon kay Lara.

"Hoy, ang sarap naman nito. Luto mo 'ate' Faith?"

I frowned. "H'wag mo nga akong tawaging ate!"

Napabusangot ako nang tawagin akong 'ate' ng isa naming classmate. Ganoon na ba ako katanda? May 18 years old naman pero hindi nila tinatawag na 'ate'.

Mag iisang buwan na ako sa DMU pero si Lara lang talaga ang nakasundo ko.

"Pero luto mo nga?" she said while drinking her Tang juice.

Hindi ba s'ya nagkaka UTI kakainom n'yan?

"Hindi. Yung friend ko."

"Friend?"

Kumunot ang noo n'ya. "Sinong 'friend'?"

I sighed. "Eh 'di iyong kasama ko sa bahay."

Tumango tango s'ya at ngumisi. "Ahhhh. Kala ko boyfriend mo."

"Baliw ka talaga."

Nang matapos ang buong araw ng pagt-trabaho este pagaaral, matamlay akong naglakad sa parking lot. Kita ko na si Stay na nakatanaw sa'kin sa hindi kalayuan.

I heard him chuckled. "Parang noong una kitang sinundo, fresh ka pa." That made me glared at him but he just laughed. "What happened?"

"Nakaka haggard na 'to. Hindi ko na ata kaya!"

"Psh." Hinawakan n'ya ako sa braso at pinagbuksan ako ng pinto.

Pero bago pa ako sumakay, nakita ko si Kaiden at Jordan na magkasama. Kaiden looked so happy, lalo na rin s'yang gumwapo at gano'n pa rin, matangkad.

S'ya pa rin yung dati kong nagustuhan.

Iyong iniyakan ko.

"Hey," tawag sa'kin ni Stay na bumalik sa'kin sa wisyo.

I looked at him and smiled. Sumakay ako sa kotse habang tinignan pa rin sila Kaiden at Jordan na magkasama mula sa malayo. I sighed as we passed them.

Lumipas ang mga ilang linggo, lalo na akong naging busy ngayong August na. Lalo pa akong na-haggard nang marinig ko ang balitang malapit na ang Foundation day.

At bilang freshman sa DMU, kailangan maging active raw kami sa event.

Sa sobrang busy, minsan na lang ako pumayag na maglakad lakad kasama ni Samuel.

At bukas, Friday. I agreed that we will have a dinner.

Sa totoo lang, I really found Samuel sweet. Kinikilig ako tuwing hinahawakan n'ya ang kamay ko. I felt like a teen like Lara too. Mararamdaman ko pa pala iyon?

Ang haba talaga ng hair ko!

But sometimes, all I can do is to be feel sorry when we're talking about his ex girlfriend. Binibigyan ko rin s'ya ng payo para kahit papaano hindi s'ya malungkot

One day, he said, "You're really matured, ah? That's nice."

Not knowing I'm three years older than him.

Minsan iniisip ko, Paano kung hindi lang ako ang dini-date n'ya?

Pero parang wala, eh.

He keep on messaging me a thousand times when I'm late to reply. Kahit puro "hey" lang naman ang mga 'yon.

But, who cares? Atleast he typed that a thousand times.

"Hey, sali ka sa singing contest para sa foundation?" yaya sa'kin ng isa sa mga coordinator ng event.

"Uhm--pag isipan ko pa ha."

She smiled at me. "Okay! Pero may one week ka lang ha! Puntahan mo na lang ako sa faculty." Then she bid goodbye.

Nagdadalawang isip tuloy ako sumali. Kaya sa paguwi ko, agad akong pumangalumbaba sa kusina. Si Stay naman na katabi ko ay abala sa pagla-laptop.

Two weeks na lang kasi bago s'ya mag exam. Busy na rin dahil kakatapos lang raw ng preparation n'ya tungkol sa airplane chuchu.

"Hey, malapit na event ng DMU ah," Stay said while focusing on his laptop.

"Oo, bakit?"

"Panigurado may singing contest. Sumali ka."

I smiled. "In-invite nga ako ng isang coordinator."

He raised his brows. "Really? Then go."

I pouted. Matagal tagal na rin noong huli akong humarap sa maraming tao. 6 years na noong huli akong sumali sa singing contest, kaya nagdadalawang isip rin ako.

"Hey, Faith, go."

Bumaling ako sa kan'ya. "Bigyan mo nga ako ng rason para sumali."

Our eyes met and leaned. "I'll be watching."