Stay's Point of View
Suot ang isang white suit ay hinihintay ko si Faith na lumabas ng bahay. Nakasandal ako sa pintuan ng kotse habang tinatanaw ang swimming pool sa likod.
I sighed.
Umandar na naman ang katorpehan ko at walang nagawa ng gabing 'yon. You poor shit.
Faith went out, wearing the red dress with a pony tailed hair. The wind seems like in a slow motion that blows her hair seductively, while holding a silver scintillating sling bag.
I automatically avoided her gaze. Binuksan ko ang pintuan ng front seat kung saan s'ya uupo. As I closed the door, I went on the driver's seat and started to drive.
Sa Saint Anthony napiling magpakasal ng kaibigan n'ya, masyadong malayo 'yon dito kaya maaga kaming umalis.
While driving, I secretly glanced at her. She's busy on her cellphone. Hanggang sa may mapansin ako sa mukha n'ya.
"Why didn't you put make up?" I asked.
I saw from my peripheral vision that she looked at me. "Secret."
She only put lipstick and I guess, powder too. But Faith's too stunning as if she's the bride.
Pagkababa namin sa simbahan, marami rami ng tao at si Lei na lang ang hinihintay. Agad kong pinuntahan ang groom habang si Faith ay nasa classmate n'ya noon.
"Bro, Congratulations," ani ko at tinapik s'ya sa balikat.
"Oh, ikaw pala bro. Buti in-invite ka ni Lei," ngiting sabi n'ya.
Ngumiti naman ako pabalik. "Yeah sure, I didn't know you're going to be married."
"Pfft, wala ka pa ring pinagbago."
Si Marcus Martinez ang school mate ko noon, madalas ko s'yang makasama sa quiz bee at journalism. He have a good life now and a soon to be a Doctor.
"Bro! Walang hiya, dito rin pala ang punta mo!" Inakbayan ako ni Luke habang nakapamulsa.
I glared at him. "Psh, mang chi chicks ka lang ngayon."
Tumawa silang dalawa ni Marcus kaya nagsalita ulit ako.
"By the way bro, best wishes."
"Best wishes din sa inyo ni Coleen," ngising sagot ni Marcus na kinasalubong ng kilay ko. "I heard you've been accompanying her since last week."
Si Coleen ang isa sa mga naging ex n'ya noon, and he is the reason why we became friends since now.
"Bakit kasi hindi mo pa pakasalan si Coleen, huh bro?" Luke asked.
And that made me frowned more. "We're just friends."
"Bro, kinakaibigan mo lang 'yon? Mayaman, model, teacher, at soon to be flight stewardess pa!" aniya habang binibilang sa kamay ang sinabi n'ya.
I smiled. "She's not my type bro, kung gusto mo ikaw na lang ang magpakasal sa kan'ya."
"Bro, Coleen is a good catch," sabat ni Marcus.
"Then why did you left her?" At iniwan ko sila ni Luke.
Lalapit na sana ako kay Faith nang makitang marami s'yang kausap na babae. They seemed to be friends back in highschool, kaya hindi na ako lumapit pa.
I glaced at her smiling genuinely before going back. As the wedding started, Faith is far from my place. Katabi ko si Luke sa upuan habang pinapanood namin ang mga batang naglalakad sa aisle.
"Stay!" sigaw na pabulong ni Faith. Nasa likuran ko s'ya at naglakad papunta sa tabi ko. She mouthed 'usod' to Luke that made me smile.
I frowned. "What brings you here?" I acted as if I don't want her around.
"Ih, gusto kita katabi."
"You miss me that much," I said while watching the guests walking in the aisle.
"Ulol, trabaho na kasi ang pinaguusapan nila."
I pursed my lips preventing myself to laugh. "Then?"
Naramdaman kong sumandal s'ya sa upuan. "Ano namang sasabihin ko? Na tourism student ako? Hays."
Maya maya ay ang pagbukas ng malaking pintuan. Niluwa no'n ang isang hindi katangkaran na babae, magarbo ang suot n'yang wedding dress.
"Oh my God, Stay palit tayo ng upuan!" bulong ni Faith.
Nagpalit naman kami ng upuan. Dahilan para mas mapansin s'ya ni Lei. Kumaway kaway s'ya at kitang kita kung gaano kasaya si Faith.
Lei smiled back at her, kumaway pa bago n'ya malagpasan si Faith. Lei is dazzling and teary-eyed while walking on the aisle.
Umayos na ng upo si Faith habang nakatingin sa harapan.
"Kung ako lang sana ang pinili ni Kaiden... siguro ikakasal na rin ako ngayong taon," mahinang sabi n'ya.
Diretso lang ang tingin ko sa ikakasal.
I can't look in her eyes, those where probably sad.
And when she's in pain, it's driving me crazy.
"Kasal na halos lahat ng kaklase ko Stay, ang iba ay engage na. At lahat sila, successful. Ako, ni isa sa mga na achieve nila, wala."
Her voice is obviously disappointed and hopeless.
Narinig kong bahagya s'yang natawa. "Pag ako kinasal, ikaw ang kakanta ha."
"Stay, pagtanda natin tapos kasal ko na, ikaw kakanta ha. Tapos gusto ko, A Thousand Years yung kakantahin mo, sweet 'yon eh!"
I smiled without looking at her. "Yeah, sure."
"Pero hindi na yata ako ikakasal..."
Bahagya kong ikinuyom ang aking kamay dahil sa panghihina.
I've always wanted to make her feel loved.
"Wala namang nanligaw sa'kin, hindi ba ako maganda Stay?" mahinang sabi n'ya.
"Of course you're beautiful."
"Lagi mo naman yang sinasagot kasi kaibigan mo 'ko."
There are those times. Those times were I wish she knows how I feel without having to tell her.
Hindi gaano katagal nagsalita ang pari, at ngayon ay oras na nila para mag exchange ng vows.
Hindi ko na inaksaya ang oras sa pakikinig ng sasabihin ni Marcus. I don't even know if he's serious with Lei. Honestly, he never gets serious about women.
At nang matapos na magsalita ni Marcus, narinig kong sumisinghot si Faith. I frowned as I looked at her, her face is full with tears. Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa at binigay iyon sa kan'ya.
"Now I know why didn't you put make up," natatawang sabi ko.
Inabot n'ya ang panyo at siningahan 'yon ng sobrang lakas. Rinig na rinig sa buong simbahan kung paano lumabas ang sipon n'ya kaya ang lahat ay napalingon samin.
Hinawakan ko naman s'ya sa likod para patahanin.
"Nakakahiya ka, Faith. Napakaiyakin mo," asar ko sa kan'ya.
"Eh kasi naman ih, ang sweet ni Marcus! Grabe, mahal na mahal n'ya talaga si Lei. Tagos sa puso ko lahat ng sinabi n'ya," aniya habang patuloy pa rin sa pagiyak.
Sino bang babae ang hindi mata-touch? Marcus is known to be a writer before. A writer with flowery words kaya siguro napasagot si Lei.
"C'mon, tumahan ka na. This isn't a movie."
Back in elementary, we've been watching a lot of dramatic movie. Turns out she got addicted and she's crying everytime. Minsan nga ay papasok pa s'yang paga ang mata.
---
Dumiretso kami sa Laisina Resort and Hotel kung saan gaganapin ang reception. Maraming pagkain kaya pinabilisan sa'kin ni Faith ang takbo ng kotse, gutom na gutom na raw kasi s'ya.
Nagsasayawan ang lahat, habang ang newly weds ay nakikipag usap sa lahat ng dumarating.
Tapos na kaming kumain ni Faith, nang may lumapit sa kan'yang lalaki. Mukhang isa rin sa mga bisita.
"Hi, uhm... Can we dance?" Mukha pa s'yang 18 years old at marami raming gel ang nailagay sa buhok.
Psh. Mukha kang butiki.
Nang maramdaman n'ya ang nakakamatay kong tingin ay napatigil s'ya.
"Uh, I'll just go--"
"What? I was about to say sure..." Pahina nang pahinang sabi ni Faith at mukhang dismayado.
"Sabihin mo na lang sa'kin kapag break na kayo, I'll get your number," ani ng binata at kumindat pa.
"What?!"
I smirked. "Bro, don't wish for divorce here in our country. She's my wife."