Faith's Point of View
"Halos libutin ko ang buong Maynila kahapon. Why I didn't think about our province, shit," sabi ni Stay pagkalabas ko ng CR at nagpapatuyo ng buhok.
"Akala ko pa naman pumasok ka sa café. Masasapak ko talaga ang Kaiden na 'yon." And that made me look at him.
"S-sabihin mo nga pala, magre resign na ako."
Kahit ang other side ng sarili ko ay sinasabing, baka isipin n'ya masyado kang affected.
Kinampihan ko parin ang other side ko na nagsasabing, lalo mo lang sasaktan ang sarili mo kung magkukunwari kang manhid.
It still hurts everytime I remember what he said on the rooftop.
Yung sakit ng rejection, natakpan ng sakit ng pagkamatay ni tatay.
Sirang sira na ang puso ko, at masisiraan na rin ata ako ng ulo. I don't know what will I do next. Tutunganga sa kisame, tutulog maghapon o tititig na lang sa kawalan.
Pinasadahan ko si Stay ng tingin, may tinatawagan s'ya at mukhang tungkol sa project nila sa school.
Ipinulupot ko ulit ang towel sa ulo at kinuha ang earphones. Isinaksak ko iyon sa phone at ipinikit ang mga mata.
Playing;
It will rain
By Bruno Mars
Gusto ko na lang pumikit at hindi na magisip ng kung ano ano. Sa totoo lang, tinatamad na rin akong mabuhay.
The moments in college, where I need to run in tears to submit the project, I socialize with others, I laugh out loud in their jokes, those memories bring back on me.
Sa college, mararanasan mong ang buhay ay isang karera. Sa paggising mo sa umaga hanggang sa pagpupuyat sa gabi.
Hindi na iniinda ang pagbagsak, review lang ng review. Minsan bumabawi, kadalasan nabagsak.
Kahit sobrang lakas ng tugtog ay narinig ko pa rin ang pags-strum ni Stay ng gitara, dahilan para mamulat ako at bumaling sa kanya.
Katono iyon ng pinapatugtog kong Bruno Mars song.
"Narinig mo kanta ng phone ko?" tanong ko.
Nakatingin lang s'ya sa ini-istrum niyang gitara at sumagot.
"Narinig ko sa sobrang lakas ng tugtog."
'Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it will rain
He's quite good in singing. Hindi s'ya sintunado pero hindi rin s'ya ganon kagaling sa high notes. He's very good in low notes pero maayos ang pagkakakanta n'ya ng It will rain.
"Si Kaiden..." Out of nowhere kong tanong.
He frowned.
"Okay lang ba s'ya?"
"I think he's okay. Sinuntok ko lang naman s'ya, that didn't hurt."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"
Nakita ko sa mukha n'ya ang pagsisisi na sinabi n'ya pa 'yon.
"I m-mean, masaya ba s'ya?"
Why would I ask... He's now free.
"I wouldn't answer that," he said while strumming the guitar.
Alam kong ayaw na niyang magsalita ng ikasasakit ko. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng limang patatas.
Ginayat ko ang mga iyon na parang french fries at nilagay sa kumukulong mantika.
"Ang galing naman, Princess Sarah," pangaasar sa'kin ni Stay at tumayo sa gilid ko.
"H'wag mo akong hahatian ha," pagtataray ko.
Kumuha na rin ako ng hotdog pati bacon sa fridge, at ipinirito ko ang mga iyon.
"I guess, tumatakaw talaga kapag heart broken. Daig pa ang buntis."
"What did you just say?!" I said while glaring at him.
"You're so cute, Faith. But I don't want you to get broken again," he said and smiled.
I tried to hide my smile. "N-nababaliw ka na."
Iyon na lang ang nasabi ko dahil masyado akong na-over whelmed sa sinabi n'ya.
Cute daw ako?
Nang maluto ay nilagay ko iyon sa plato at dumireto sa kwarto. Nilock ko iyon para siguraduhing hindi na n'ya ako iistorbuhin.
Lumipas ang isang araw. Linggo.
Tumambad sa'kin sa kusina ang isang masipag na lalaking subsob sa harapan ng laptop at libro. Malamang ay nakatulugan n'ya na 'yan.
"Stay." Tinapik ko ang balikat n'ya, pero mukhang malalim yata ang tulog ng lalakeng 'to.
"Stay!" Second attempt. Hinampas ko s'ya sa balikat pero wala paring response.
"Pagod ba s'ya?" tanong ko sa sarili.
Nagluto muna ako ng umagahan namin. Sinangag, itlog at bacon. Dinagdag ko na rin ang soup para pampagising.
Nang matapos ay hinanap ko ang dalawang takip ng kaldero at lumapit sa kinaroroonan n'ya.
Pinaguntog ko ang mga takip ng kaldero dahilan para maglabas 'yon ng napakalakas na tunog. Inulit ko 'yon ng maraming beses.
"Gising na po, prinsipe, kakain na po tayo!" nangaasar kong sabi sa kaniya.
"What the fuck?!" inis na sabi n'ya sa'kin.
Malaki ang eye bags n'ya at hindi ko maiwasang tawanan s'ya. Napaka motivated n'ya talaga sa pag aaral at nagpupuyat s'ya kahit weekends.
Well, gano'n din naman ako noon, minsan.
Inayos na n'ya ang laptop at books, pagkatapos ay hinainan ko na s'ya ng pagkain.
Kumuha s'ya ng mayonnaise sa ref at nilagay 'yon sa itlog.
"What kind of addiction is that? It sucks, nakakasuka," nandidiri kong sabi sa kaniya.
I can't imagine the taste of a sunny side up with a bunch of mayonnaise on top of it, 'no.
"You're living wrong if you can't find this delicious, Faith," aniya habang sarap na sarap sa pagkain.
Humigop ako ng sabaw. "You're weird. Kaya wala kang asawa," panduduro ko sa kaniya.
Alam kong nakukulitan na s'ya sa'kin, dahil daig ko pa ang magulang n'ya para kulitin s'yang magasawa. But look, that's a great thing, huh.
I mean, if your friend will get married? I'm sure I'll burst in tears!
And I'll be just saying... 'Best wishes!'
"Ikaw, anong plano mo sa buhay?" tanong ni Stay sa'kin habang pinapapak ang mayonnaise.
"Uhm-- H-hindi na 'ko mag aaral..."
"Fuck that, Faith. Wala ka bang pangarap?" Inis na tanong n'ya sa'kin.
"Pangarap kong yumaman, may course ba na para maging mayaman?" I joked.
"Yes."
I looked at him and smirked. "Enroll me there."
"You'll get entrance exam by next week," he answered. Niligpit na n'ya ang pinagkainan namin at pumunta sa lababo.
"You seems so serious, Stay."
"You said you want to travel the world." My eyes were stucked on him.
That's what I want when I was in elementary. But now... Maybe, kung ibibigay sa'kin ang opportunity, why not?
"You're good at geography."
Bahagya akong natawa, at tumango. Lagi akong nagto-top sa AP exams noon, and I'm quite good in memorizing.
"And last, you're good at socializing."
"T-teka, hindi naman gaano."
"You'll take tourism."
Gulat akong tumingin sa kaniya.
"T-tourism?!"