Stay's Point of View
NAISIPAN kong pumunta sa rooftop ng hotel, at malakas na hangin ang sumalubong sa'kin. Napatigil ako sa paglalakad, sa harap ko ay tumambad si Kaiden at isang matangkad na mistisong lalaki.
Nagtago ako sa likod ng pintuan para marinig ang usapan nila.
"Babe." Napalunok ako dahil sa tinawag ng lalaki sa kan'ya. Babe? Seriously? Kusang kumunot ang noo ko. Mukha naman itong straight, at malalim ang boses. "Babe, sa tingin ko kailangan mo ng sabihin kay Faith ang tungkol sa'ting dalawa."
Hearing those lines, I felt hurt. Faith was rejected more than three times since high school. I feel sorry fo her... I know she will never expect this.
Pero tama ang hinala kong hindi s'ya gusto ni Kaiden. Hindi isang sosyal at sexy na babae na kinaiinggitan n'ya ang humigit sa kan'ya. Kundi isang lalaking matangkad na may malalaking muscles. Iyon ang nakakagulat sa lahat.
At first glance, I thought Kaiden is a straight and decent man, who did nothing but study and read books in the café. I just... didn't expect this to happen.
"Stay?" rinig kong sabi ni Faith mula sa likod ko. Napahilot ako sa sintido. Naramdaman kong naglakad sya palapit kay Kaiden.
"Oh, hi! Bakit kayo andito?"
The guy sighed. "Ah, Faith. Alis muna ako ah, excuse."
"Sige," ngiting sagot ni Faith.
I looked at Kaiden who's breathing heavily. Alam kong alam na n'ya na gusto s'ya ni Faith. Kaya pinaghandaan na n'ya ang gabing 'to para saktan lang ang babaeng iniingatan ko.
Faith is a fragile and innocent woman. She doesn't deserve this kind of rejection.
"F-faith..." Nagaalalang tumingin si Faith sa kan'ya. "He's Jordan... My b-boyfriend." Nagaalangan man, pinilit n'yang ipagtapat ang sikretong iyon.
Jordan? Psh. Hindi halata sa pangalan na may lahi s'yang bakla.
"Boyfriend?" tanong uli ni Faith. Alam kong may ideya na s'ya sa mga nangyayari pero nanatili s'yang walang alam.
"Y-yes, I know! He's your friend, na boy!" Faith laughed. Pilit namang ngumiti si Kaiden at tumungo.
But I felt that Faith's world stopped as she saw Kaiden's reaction. Unti unti itong umiiling.
"He's my boyfriend..." Napalunok si Faith.
During the years I watched her secretly how she's rejected, I definitely know how she would react. Smile, and finally cry.
"Oh, that's fine..." Pilit na ngumiti si Faith sa kaniya. I know she's hurt. I don't like her being in pain.
Tumahimik ito sandali at nagsalita ulit. "P-paano ba to..." Tumawa sya. "Ang sakit, ah," she said.
"I-i'm sorry, Faith. But I only see you as a friend."
Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata n'ya. Nang makaipon s'ya ng lakas ng loob at ng hininga ay nagsalita ito. "A-ako naman yung laging nasa tabi mo, pero bakit hindi ako?"
Umiwas ng tingin si Kaiden.
"Kaiden, look at me..." Sinunod n'ya iyon. "Bakit hindi ako?" may halong pait sa boses n'ya.
"I'm sorry..."
"Halos madapa ako para habulin ka," she said. Pinunasan n'ya ang kan'yang luha gamit ang sariling kamay. "A-akala ko ang lapit mo na sa'kin pero nananakbo ka rin pala papunta sa iba... Kaya pala ang layo mo pa rin." Mapait s'yang tumawa.
"Look, Faith... I'm sorry, I didn't mean to hurt you."
Faith looked at him. "Puro sorry na lang ba, Kaiden?" she uttered. "Bakit sa lalaki pa?" She continued to cry. Nanatiling nakatungo si Kaiden. I know he feels sorry for her, but damn, he's an asshole.
I suddenly realized, na naandito na naman ako sa puntong pinapanood s'ya mula sa malayo kung paano masaktan. Kahit kailan, napakaduwag mo, Stay.
"Para akong bulag... Nagbulag-bulagan ako sa'yo." Pinunasan n'ya ulit ang mga luha n'ya. "Nagbigay ka pa ng motibo, pero hindi pa rin pala ako..."
Tumungo si Kaiden. "I-i'm sorry... I need to go," Kaiden said.
Ya'n lang ang masasabi mo? Tarantado.
Hinayaan umalis ni Faith si Kaiden, at nang makalayo ay bigla s'yang nagsalita. "Stay..."
"Faith, I said we're--"
"Stay, alam kong nandyan ka." I bite my lower lip. Malakas talaga ang pakiramdam n'ya pagdating sa tao.
Pumasok ako pabalik sa hotel. Nagkakasiyahan pa silang lahat, habang ako naman ay hinihingal na pumunta sa counter at humingi ng tubig. Dinala ko ito at binalikan si Faith.
Nakasalubong ko naman si Kaiden na pabalik na sa loob. Matalim ko s'yang tinignan hanggang sa malagpasan n'ya na ako.
Marami pang pagkakataon para magkita tayo, at sisiguraduhin kong mayayari ka sa'kin.
Pagdating sa rooftop, umiiyak pa rin si Faith. Yakap n'ya ang sarili dahil sa lakas ng hangin na humahampas sa'min. Inabot ko sa kanya ang baso, na agad naman nyang ininom.
"Hoy--" Binuga n'ya lang naman ang tubig na binigay ko. Psh, pagkatapos kong tumakbo para lang makahinga s'ya ng maayos?
"Ano ba!" she shouted.
"Bakit?" tanong ko. Pinunasan n'ya ang luha n'ya pati na rin ang labi.
"Bakit mo ko binigyan ng alak?!" Singhal n'ya at binigyan ako ng matalim na tingin.
Kinuha ko ang baso at ininom iyon. Lintek, alak nga. Paanong binigyan nila ako ng ganito kaysa sa hinihingi ko? Sana juice na lang ang ni-request ko kung ganon.
"Sorry na!" She rolled her eyes. Kinunot ko naman ang noo ko.
At least, nawala na ang luha sa mata n'ya. Nagka-topak nga lang.
"Umuwi na tayo," sabi n'ya at nanguna sa paglalakad. Sinundan ko naman s'ya at nagpaalam muna sa mga kasamahan ko.
Habang pauwi kami, nakatitig lang s'ya sa bintana habang paga ang mata. Hindi s'ya ang Faith na kilala ko. I'm used to talk with her everytime I drive. I used to see her laughing or smirking, and that's what I miss.
Nang makauwi kami sa bahay ay dumiretso kami sa kanya kanyang kwarto. Nagbihis ako at pumunta sa salas. I waited Faith for almost five minutes.
Is she crying? Should I go to her room now?
Umayos ako ng upo nang makita s'yang nakasimangot at lumagapak ang pinto ng kwarto n'ya. Dumiretso s'ya sa kusina, ako naman ay nagkunwaring naka focus sa tv.
"Ang dami mo palang alak," she said. Inilagay n'ya ang limang malalaking bote sa harap na kinaluwa naman ng mata ko.
"H-hey! H'wag kang uminom!" sagot ko at pilit na inilayo ang alak sa kan'ya.
Parang kanina lang, halos isuka n'ya ang dala ko kanina. Iba rin talaga ang tama ng babaeng ito.
"Pagbigyan mo na ko, please?" She gave a pout. Umiwas ako ng tingin. Psh, she already know my weakness.
Umupo s'ya sa sofa at tumabi sa'kin. She opened two beers. Ibinigay n'ya sa'kin ang isa.
"Cheers?"
Pinaglapit namin ang hawak naming bote at nagsimulang uminom.
She needs me. I know she miss how she cried on my shoulder and tell all her rants about life.
Even though I was just a friend to her, I was still here.