Chereads / The Faith's Failure (Filipino) / Chapter 9 - |7| Confess

Chapter 9 - |7| Confess

Faith's Point of View

Lumagok ako ng dalawang beses mula sa bote. Sana panaginip na lang ang lahat. Para bang gusto kong magpakalunod sa alak, at kantahin ang beer ng itchyworms, habang nagkukunwaring baliw.

"Faith," pagtawag n'ya sa'kin.

I sighed. "Alam mo Stay..." I looked at him. "Pang apat na beses ko nang ma-reject," ngumiti ako ng mapait at kusang tumulo ang mga luha ko.

The spirit of the beer, I guess.

"That's fine," he replied. Lalo akong humagulgol sa sakit.

"Saan ba ako nagkulang?" Umiling naman s'ya.

"Walang kulang sayo, Faith. He's just not for you, okay?" Ipinatong n'ya ang beer sa table at pinunasan ang mga luha ko. Hindi maubos ang mga iyon.

"Am I not attractive?"

Inilayo n'ya ang kamay n'ya sa'kin. "You're charming enough to catch boys, so don't be bothered."

"P-pangit ba ko, k-kapalit palit ba ko?" panggagaya ko sa line ni Liza Soberano sa The Ex and Whys.

He glared at me. "Stop that. You're not Liza, and you will never be Liza!" Natawa kaming pareho sa sinabi n'ya. Aaminin kong ang corny kami ngayon. But he never failed me to make me smile even in sad times, he's just so special.

"H'wag mo nang tanungin ang sarili mo kung bakit hindi ka nagustuhan ng baklang 'yon okay?"

"Hindi s'ya bakla." Uminom ulit ako ng beer at tinitigan ito. "Baka bisexual lang s'ya."

"Then why would he choose that boy over you?"

"Si Jordan siguro ang una niyang nakilala, besides, magka school mate sila," tumungo ako at pinigilan uling tumulo ang mga luha sa pisngi ko. "H-hindi ko napansin na may something sa kanila noong binigyan ko s'ya n'ya pagkain, g-gusto ko pa man ding sabay kaming kumain..." Pinahid ko ang luha ko at uminom pa ng beer.

Namanhid yata ang mga dila ko, tinatanggap ko pa rin ang lasa ng beer kahit ayaw ko sa mapait. "Hindi na kita makilala, Faith." I looked at him and gave a smile.

"Ako si Faith Santimoza, mahilig ako sa patatas." Ngumiti si Stay sa narinig n'ya. Tumawa naman ako ng bahagya. Sarah ka girl?

"Ikaw pa pala 'yan," aniya at tumawa. Ginulo gulo n'ya ang buhok ko.

Nakakatawa lang isipin na ganoon ko ipakilala ang sarili sa harap ng tao. Sa singing contest, quiz bee, sa ibang tao at kahit sa bawat first day ng school year. Oo, ako si Faith Santimoza at mahilig ako sa patatas. Masarap ang patatas, sila ang nagbibigay kulay sa buhay ko noon pa man.

Si Stay ang unang tumawa noong ipakilala ko ang sarili sa ganoong paraan sa araw ng quiz bee na'min. Para sa'kin tama ang paraan ng pagkakakilala ko noong bata ako. Madali nila akong matatandaan dahil, "Iyon si Faith, mahilig s'ya sa patatas". Hindi ba?

"Hey." Nabalik ako sa wisyo dahil kay Stay. "Are you okay?" I nodded. Tumingin ako sa orasan, 10 pm na. "Matulog ka na," dagdag n'ya.

Umiling ako. Hindi ko kaya. Kada segundo sinasaksak ang puso ko tuwing naaalala 'yon. I looked at him. "Sa tingin mo may magkakagusto pa sa'kin?"

Tumawa s'ya ng bahagya. "Everyone has its own fate."

"Sana nga."

Biglang nag-ring ang cellphone ko, agad ko naman iyong kinuha sa kwarto.

Si nanay.

Naglakad ako papunta sa salas at lumapit kay Stay. "Anak! Kumusta? Magpapadala ako bukas ng extra na pera."

Halos magwala ang cells ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang gusto ko na lang mahimatay bigla. Inilayo ko ang cellphone sa tenga at bumulong kay Stay.

"Anong sasabihin ko?"

"Sabihin mo ang totoo."

"Anak?" Agad ko naman inilapit ang cellphone.

"P-po?"

"Malapit na ang graduation n'yo, 'di ba? Balitaan mo kami kung kailan ah, bumili na ako ng susuutin namin ng tatay mo." Halata ang saya at excitement ni nanay sa boses n'ya. Bigla akong nakaramdam ng panlalambot.

Nay, waitress ako.

Mas masakit pa na ma-disappoint ang magulang kaysa bigyan ng motibo pero hindi ikaw ang gusto.

Bumuntong hininga ako at nilakasan ang loob. "Nay, uuwi po ako bukas."

---

Kinabukasan.

Linggo ngayon. Dala ang rating slip sa bag, ay maaga kaming umalis para bumalik sa probinsya. Doon kami nanirahan at lumaki ni Stay ng halos 14 years. Four years na rin akong hindi nakakabalik roon.

I miss my parents. Pero may halong kaba pa rin sa dibdib ko, gusto kong malaman nila ang katotohanan sa personal at hindi sa phone. Tatanggapin ko ang lahat ng sampal o bugbog mula kay nanay. S'ya ang nagpipilit sa'king maging doctor noon pa man.

Kahit ayaw ko ng science, tiniis kong mag saulo ng laws at formulas. Pumapasok ako ng ube ang ilalim ng mata, dinaig ko pa ang nakipag rambulan sa labas.

One day, I found myself staring at the mirror. I need rest. This is not what I am before. I'm tired, and I didn't found joy while studying biology.

Pero nakakaasar lang hindi ba? Kung kailang graduating na ako tsaka pa ako bumagsak. Bumagsak ako dahil bagsak na rin ang katawan ko. Hindi ako naging masaya.

Minsan matatanong mo rin sa buhay kung tama pa ba ang tinatahak mong landas.

"Faith," tawag sa'kin ni Stay. Lumingon ako sa kaniya na seryoso magmaneho. "Don't be nervous."

Umiling ako. "Hindi. Hindi nila ako maiintindihan."

Maraming beses na akong bumagsak, ma-reject sa pagkanta, paglaban sa quiz bee, pati na rin sa mga maling lalaki, bumabagsak ako. Pero ito na ang pinaka nakaka-kaba at nakakatakot na mangyayari sa buhay ko.

Lumipas ang ilang oras ay nakatulog ako. Napagod na ang utak ko kakaisip ng maraming bagay. Parang kahapon lang, inamin sa'kin ni Kaiden na hindi n'ya ako gusto, at ngayon ako naman ang aamin kay nanay na kicked out ako.

"Three kilometers na lang at andoon na tayo, be prepared," sabi sa'kin ni Stay nang mahalatang gising na ako.

Bumalik ulit ang kaba sa dibdib ko. "Bigyan mo nga ako ng isang rason para hindi ako kabahan."

"Andito ako." Tumingin s'ya sakin at ngumiti.

"Iba pa."

"Isa lang reason 'diba? I got you, Faith. H'wag ka ng magalala." Pero hindi ako nakampante sa mga sinabi n'ya. Tumingin na lang ako sa bintana habang binabalanse ang paghinga.

"We're here."

"Paanong naalala mo pa rin ang bahay namin?"

"Well, that's my skill." Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko na magawang ngumiti dahil sa kaba. Nanginginig kong ibinalik ang seat belt at lumabas.

Maraming bata ang naglalaro sa kalsada, kahit tirik na tirik ang araw. Sabagay, maghahapon na naman.

"Si Faith ba 'yon? Yung nagaaral sa mamahaling University?" bulong ng isang matandang babae. Ngumiti ako ng pilit sa kanila at kumaway.

"Hello po," ani ko.

Sinundan naman ako ni Stay at kumatok sa bahay namin. "Nay?"

"Andiyan na, saglit lang, anak." Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng footsteps. Lalo akong hindi nakahinga ng maayos. Damang dama ko ang puso ko na parang sasabog sa kaba.

"Oh, kasama mo pala si Stay. Ang laki na ng pinagbago mo ah! Anong course mo?" Pumasok na kami sa loob at umupo. Hinalikan ko naman si tatay sa pisngi habang nanonood s'ya ng tv.

"Nasa flight school po ako ngayon, mag pi-piloto po ako tita," ngiting sagot ni Stay kay nanay.

"Big time ka naman pala Stay! Buti nagkita ulit kayo ni Faith sa Maynila, ano?" natutuwang sabi ni nanay.

"Kumusta na, anak? Ayos ka lang ba sa Maynila?" tanong sa'kin ni tatay.

"Ayos lang po."

Umupo ako sa sofa. "Bakit ka ba napauwi dito, anak?" tanong ni nanay at dumiretso sa kusina.

Hinintay ko s'yang makabalik sa salas. Inilapag n'ya ang pagkain sa lamesa.

"Oh, hijo, kain na kayo," sabi ni tatay.

Kaharap ko ngayon ang mga magulang ko. Wala nang atrasan, Faith. Tama lang na sabihin mo ang totoo.

Inilabas ko ang rating slip sa bag at inabot 'yon kay nanay. "Ano 'to?" Binuksan n'ya iyon at binasa ang grades ko. "Anong ibigsabihin nito?"

"Nay..." Tumungo ako at ikinuyom ang kamao. "Na-kicked out po ako."

"Tito." Nilapitan ni Stay si tatay. Hawak ni tatay ang dibdib n'ya, na kinanginig ko.

Isang sampal naman ang binigay sa'kin ni nanay. Sobrang lakas niyon at halos mamula ang pisngi ko.

"Wala kang kwenta." Lumabas ang ugat n'ya sa leeg at halatang nagpipigil ng galit.

"Tito!" sigaw ni Stay at inaalalayan ang nakahandusay kong ama.