Chereads / The Faith's Failure (Filipino) / Chapter 7 - |5| Reunion

Chapter 7 - |5| Reunion

Faith's Point of View

We all focused at Kaiden as he said the announcement.

"Sarado ang café bukas, may event akong pupuntahan kaya enjoy your weekend, okay?" ani Kaiden.

Pumalakpak naman si Mia. "Yes, makakapag-review ako!" Tumawa naman si Leo.

Saan kaya pupunta si Kaiden? Seems like I'd rather be with him than Stay and Luke. Bukas na ang reunion ng San Jose University, at kanina pang umaga ako pinipilit ni Stay sumama.

Out of nowhere, tumunog ang phone ko. Stay texted me, he'll be here in five minutes daw. Napabuga na lang ako ng hininga, alam kong pipilitin na naman n'ya akong sumama sa gathering na iyon.

"Faith," Kaiden said. I looked at him. "Okay ka lang?"

Tumango ako. Umupo s'ya sa tapat ko. "Bakit?" I asked.

"Parang may iniisip kang malalim." Ngumiti ako at umiwas ng tingin. Do I need to tell him what's on my mind? Hays. Baka isa pa s'ya sa pumilit sa'king pumunta ro'n.

"Faith!" Again, Stay shouted again. He's always like that when he's here.

"Aalis na 'ko." I smiled to Kaiden. While Mia at Leo waved at me.

"Ingat!" Mia said. I waved back.

Pagpasok ko sa kotse ay inulit uli ni Stay ang sinasabi n'ya kanina. "What's wrong if you're kicked out? Hindi nila buhay 'yan." Ini-start n'ya ang kotse at nagmaneho.

I sighed. "Stay, hindi mo alam kung gaano kahirap ang sitwasyon ko."

"Even if I don't understand your situation, I'm here to defend you, Faith, please. Nasa tabi mo lang ako bukas, don't be afraid." I looked at him. Binaling naman n'ya ang tingin sa daan.

"I don't want to be judged."

"I'll buy you headphones, then." I rolled my eyes. That's nonsense.

"Hindi mo ako naiintindihan, kasi successful ka na."

"Is that what success means to you?" tanong n'ya.

"As long as you're contented, you're successful," I answered. That's life, if you're contented, you're successful.

"Who said I'm successful?"

"Why? Hindi ka ba contented?"

"No one can be contented in life," sagot n'ya. Tumahimik na lang ako at tumingin sa bintana.

Dumiretso na ako sa kwarto pagkauwi at natulog. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kaya nagising ako ng 7:30 pm. I went to the kitchen and saw Stay eating.

Hotdog ang ulam n'ya. Seriously? Hindi ba talaga s'ya magsesearch kung paano magluto ng kakaibang ulam?

Umupo ako sa tapat n'ya at nagsandok ng kanin. Tahimik akong kumain habang s'ya ay patingin tingin sa'kin.

"What's wrong?" I asked.

"Look, Faith, sumama ka na, or else..." Itinaas ko ang isa kong kilay. "Maglilinis ka ng buong bahay."

"Look, Stay," Panggagaya ko sa kan'ya. "Mas gugustuhin ko pang linisin ang bahay mo kaysa makipagplastikan sa mga tao roon."

"Tutulungan kita kay Kaiden." And that made me stop. He started to smile as he noticed I'm somehow, convinced.

"You sure?" ani ko. Tumango naman s'ya.

"So, it's a deal?" Inilahad n'ya ang kan'yang kamay.

We shook hands. "Deal." I smirked.

Kinabukasan.

Suot ang isang floral dress ay nagayos ako ng buhok habang hinihintay si Stay.

Luke guided us to the venue. Isa itong hotel and resort. Marami-rami na rin ang mga tao. I looked around and sighed as I saw their dresses, they're pretty and quite stunning.  Halos masilaw ako sa kinang ng pulseras nila sa katawan.

Inakbayan ako ni Stay habang papasok sa venue. Para itong court na may mga bonggang disenyo.

"Don't be nervous." Hindi ko iyon pinansin dahil kahit anong sabihin n'ya, hindi huhupa ang kaba ko. 

Nang marami rami na ang tao ay nagsimula na ang event. Pumunta kami sa isang table, umiinom na si Stay at Luke ng wine samantalang ako ay juice lang. Napuno ng bulungansa paligid nang dumating ang isang magandang babae.

"Hey! Kaklasi natin yon diba?" Bulong ni Luke.

"Oo, si Freya," Stay answered.

Parang namumukhaan ko s'ya. Oo, tama. S'ya si Freya Velasco, ang laging pambato sa pageant noon. Sexy pa rin s'ya at maganda. Mukhang successful na s'ya sa buhay.

"Hindi pa rin s'ya pumapangit," puri ni Luke.

"Yeah," sabi ni Stay. Tumingin ako sa kanya at ngumisi. Kahit kailan hindi ko s'ya nakitang naging interesado sa babae. "Why?" Inosente nyang tanong na ikinatawa ko.

"Faith!" Lumapit sa'kin ang isang babae na maganda ang suot ngayon. Maganda s'ya at mukhang estudyante pa.

"Ako 'to, si Lei!" Ah, sya pala. Hindi ko agad namukhaan.

"Oh, Hi Lei!" Ngumiti s'ya sakin at tinignan ang kasama ko sa table.

"Sinong boyfriend mo sa dalawa? Si Luke?"

"Ako," sabat ni Stay. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

"Aba, stay strong! Parang dati magkaibigan lang kayo--"

"No!" I laughed. "He's only my friend."

"Okay, sabi mo eh." Ngiting sabi ni Lei. She's my classmate before, medyo nagmatured s'ya kaya hindi ko na namukhaan. "By the way, congrats! Malapit na tayo gum-raduate!"

Napatigil ako sa sinabi n'ya at namuo ang kaba sa dibdib. Natahimik naman ang dalawa kong kasama. "C-congrats din sayo." I tried to smile.

"Sige Faith, hinihintay ko si Cole ih." Ngumiti s'ya sakin. Si Cole ang escort namin noong highschool.

"Boyfriend mo?" tanong ko. Kinikilig naman s'yang tumango at kumaway sakin bago umalis. Ngumiti na lang ako pabalik at lumingon kila Luke. Pero wala sila.

Saan naman kaya sila nagpunta?

Pumunta ako sa bawat cottage malapit sa swimming pool. Maraming tao ang nandodoon at nagkakainan. Nilibot ko ang aking mata para mahanap silang dalawa.

Iniwan ba naman ako? Hays. Kahit kailan talaga. Akala siguro nila kasama ko na si Lei dito. Ang mga teachers namin noon ay nagpasimula ng laro sa cottage na nalalagpasan ko.

Nagsisiksikan na ang tao pero hindi ko iyon inalintana. Hanggang sa may makadali sa'kin papunta sa pool. Hindi ko nagawang sumigaw at napapikit na lang. Dama ko ang lamig ng tubig na pinagbagsakan ko. Muli kong naalala nang malunod ako noong 1st year highschool.

"Tulong!"

"Si Faith, nalulunod!"

"Anak!"

At ngayon, wala man lang akong marinig. Para akong nabibingi habang unti unting hindi makahinga sa tubig. Ilang sandali pa ay lumutang ako.

"Faith! Are you okay?"

Si Kaiden. Hawak n'ya ang pisngi ko habang buhat ako paahon ng pool.

Is this a dream? If it is, I don't wanna wake up for a lifetime.

"Faith? Sumagot ka..." He caressed my face.

"I-i'm fine..." Maraming tao ang nakapaligid sa'kin kasama na si Stay.

You, bitch. This isn't a dream.

Walang emosyong lumapit sa'min si Stay habang hawak ang towel. "Kaiden, akin na s'ya."

No, Kaiden, h'wag.

Pero ibinigay n'ya ako kay Stay. Inilagay nito sa'kin ang towel at binuhat ako papasok sa hotel. Pumunta kami sa isang room at ipinasok ako sa cr.

"Magpunas ka, maghahanap ako ng damit mo." Isinara n'ya ang pinto ng cr at iniwan ako.

Nagpupunas ako ng katawan nang biglang kumatok si Stay. Tinakpan ko naman ang sarili ko ng towel. Inabot nya ang isang dress at isinarado na ang pinto.

Habang nagpapalit ay bigla s'yang nagsalita. "Kung alam ko lang mangyayari yon sa'yo, hindi na sana kita iniwan." Alam n'yang may trauma ako sa mga swimming pool.

"Buti alam mo," sagot ko.

"I'm sorry." Hindi na ako sumagot, nangyari na naman iyon kaya wala ng dapat sisihin.

Nang maalala ko na nandito si Kaiden ay binilisan ko ang pagaayos at lumabas ng hotel. Hinanap ko s'ya sa cottage malapit sa swimming pool.

Nahagip naman s'ya ng mata ko na nakikipagusap sa mga kasamahan n'ya. "Kaiden!" tawag ko sa kan'ya. Lumingon ito sa'kin na nakangiti at nilapitan ako.

"Okay ka na ba? Nakita ko kung paano ka napunta ron, hindi ba masakit yung pagkakadali sayo?" Nagaalala n'yang tanong. Umiling na lang ako at umiwas ng tingin.

"S-so... School mate pala kita noon," nahihiya kong sabi. Grabe, destined ba kami? Hindi ko inaasahang dito rin sya pupunta. Balak ko pa namang sumama sa kan'ya kahapon.

Ngumiti s'ya. "Oo, class C ako noon." Tumango ako. Gano'n pala, Class A kami ni Stay noong highschool kaya pala hindi ko s'ya nakikita noon.

"Faith," tawag ni Luke sa'kin. "Kakain tayo."

Nagpaalam na ako kay Kaiden at sinabing magkita na lang kami mamaya. Sumunod ako kay Luke papunta sa room namin nila Stay.

Lumipas ang gabi at nagkakasiyahan ang lahat. Marami ang nagaalok sa'kin na uminom pero todo tanggi lang ako. Hinahanap ko si Stay hanggang sa mapadpad ako sa rooftop ng hotel.