Keren's Point of View
Annyeong! Keren Geronimo-imnida! Kayo na ang bahala kung anong gusto nyong itawag sa akin, pero mas bet ko ang ate 'ganda' para bongga na! Gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon!
Bente-uno na nga rin pala ang Lola nyo. At ito ang masaklap, wala pa rin akong lablayp! Oo diba? Sanaol sa may mga jowa. Magb-break din kayo. Uso na may mga kabet ngayon. Charot lang!
Baka isipin nyong panget ako dahil wala akong love life—aba sinasabi ko sa inyo na hindi maganda kundi dyosa ang kausap ninyo ngayon! Isa pa, walang panget sa pamilya namin. Baka itakwil ako ng feeling gwapo ko na kapatid. Yuck!
Another thing, di ko lang naman kasi talaga priority 'yun eh. Studies before boys. Oh diba? May pa motto na ang Lola nyo! Kaya baka tumanda akong dalaga—Chos!
Kakatapos lang ng klase ko ngayong araw at ng ilan sa mga estudyante rin dito sa Delton High.
Duon agad ako dumeretso sa locker room para ilagay itong mga books ko sa locker ko. Grabe lang sa bigat eh. Nakakatamad kaya magbitbit ng ganito kabigat at kadami na gamit. Lalo akong papandak nito, eh!
"Oy, Bess!"
Agad na napalingon ako sa bandang kaliwa ko ng makarinig ako ng boses na tinatawag ako--assuming agad, porket bess ang sinabi eh. Naalala ko tuloy si Bess.. hayst!
Di ko 'yun pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hmm.. iwas kahihiyan mga siz!
Tip 101 ni Keren Ganda: Wag tayong assuming ganern! Less kahihiyan and less bawas dignidad. Hikhok!
"Woi Beeeesssss!!!!" gulat na napatalon ako ng biglang sumulpot out of nowhere si Franz!
"Shutang inames, Pransiya. Nakakagulat ka naman aba! Gusto mo ako mamatay sa atake sa puso, ha? hatdog!" sigaw ko sa kaniya habang nakahawak pa sa puso na sobrang bilis ang tibok
"Wushuuuuuuu! Ito naman! Sorry na agad, Bess. Peace tayo hihihi!" sabi nito sabay yakap pa sa akin.
'Abnormal amp!' bulong ko sa sarili
Meet Francia Valderama. You can call her Franz, since that's her nickname. Bestfriend ko. Almost same nga kami, eh. Same age, same year, same course, same favorites, classmates din kami. Siguro maliban na lang sa undergarments ay same kami sa lahat.
"Oh? Ba't andito ka pa? Akala ko ba sisilay ka dun sa transferee na gwapo 'kuno' na sinasabi mo?" naka-taas ang kilay na tanong ko sa kaniya—maka-arte lang, ba't ba? Bawal? May bayad na?
"Tch! Ayun nga ang nakakainis eh! Di ko sya naabutan sa Basketball Court." nakangusong saad nito.
"Pero ang sabi nung ilan sa mga girls na nakausap ko, pupunta daw siya sa Mall kasama 'yung two boys na kasama niya kanina. Duon sa Bangtan Mall, 'yung bagong tayong Mall dyan sa bayan." parang nabubuhayan ng loob na dagdag pa niya.
"Haaayy nako, Pransiya! Sinasayang mo lang 'yung oras mo para dyan sa lalaking 'yan. Tch!" pangangaral ko sa kaniya.
Hindi ko pa kasi nakikita 'yung transferee kaya di ko pa nasabi kung gwapo nga ba sya or hindi.
"Tsk! Ang KJ mo talaga kahit kailan, Bess! Kaya ka hindi magka jowa—ehehehe" pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi nito.
Required ba dapat na kapag nasa college ka or any year ay may boyfriend or girlfriend ka?? King Ina! Edi sana di na lang sila nag-aral at nag asawa na lang sila! Shuta ha?!
"I don't care kung wala akon boyfriend ngayon, Franz. Aral muna before boys, remember? Because boys brings—"
"—babies.." pagtutuloy niya ng sinabi ko. Napangisi naman ako nga bahagya.
"Tsk! Akala ko nakalimutan mo na 'yan eh. Sa dami ba naman mg crush mo dito sa Campus. Jusko! Ewan ko na lang sayo." mapang-asar na sambit ko dito.
"Eh kasi naman, bess. Isipin mo, 21 years old na tayo. Like haler—"
"Oh tapos? Ano ban gusto mong sabihin ha?!"
"Eh kasi ba't di mo muna ako patapusin ano?! Bastos ka rin eh!" sigaw niya sa akin at nakangusong tinignan ko naman siya.
"Tch! Oh sige, continue!"
"Tse! So ayun nga, nasa 'legal' age na tayo, actually lampas na nga eh. Hindi ba't 18 years old ang legal age? At tsaka isa pa, hindi naman na bawal magkaroon ng boyfriend diba? Lalo pa da generation natin ngayon." nakanguso pa ring sagot niya.Â
"At hindi naman ibig sabihin nuon ay dapat may boyfriend na tayo diba? Di ka mauubusan ng lalaki, bess. Kumalma ka," sagot ko sa kaniya.
"Naman eh! Lahat ng sasabihin ko, palagi kang may sagot. Di talaga ako mananalo sa'yo. Hmpf!" nakangusong sigaw niya niya pa.
"Bakit? Nakipag-kumpitensya ba ako sa'yo para may manalo at matalo sa ating dalawa? Kumali ka nga diyan, Francia." sagot ko sa kaniya pabalik.
"Hmpf! Di mo na ako love. Pinagpalit mo na ako sa malapit!" pag-iinarte pa nito!
"Jusko po Lord. Bakit nyo po ako binigyan ng kaibigan na abnormal?!" napapapikit na lang sa stress na sambit ko pa.
"Tch! Ikaw kaya ang abnormal sa ating dalawa!" sigaw niya sa akin sabay takbo.
What the heck?!
"Anong sinabi mo? Hoy! Bumalik ka dito!" sigaw ko saka hinabol siya.
"Bahala ka! Habulin mo 'ko!"
"Bumalik ka dito!"
"Nye nye nye! Hahahaha!"
"Hintayin mong abutan kita! Lintak ka! Grrr!"
"Habulin mo muna ako hahahaha!"
"Takte! Ba't bumilis ka na yatang tumakbo? Nag training ka ba?" inis na sigaw na tanong ko dito.
"Oh, ano? Suko ka na? Tsk! Weakling!" pang-aasar niya pa sa akin!
"Kapag naabutan kita, iiyak ka talaga!" sigaw ko pa.
"Matatakot na ba dapat ako?" mas mang aasar pang sambit nito at di ko na napigilan ang sarili kong inis na hinabol siya.