Chereads / Finding Alphabet / Chapter 2 - Undefined Memories

Chapter 2 - Undefined Memories

Keren's Point of View

Para kaming bata na naglalaro ng out-an ni Franz. Nakakahiya man dahil pinagtitinginan kami ng ibang estudyante ay wala kaming pakialam.

"Ayaw ko na! Whaaaaa!!" sigaw ni Franz ng mahabol ko sya. Agad ko syang kinurot sa tagiliran dahil meron syang kiliti duon.

"Ang bad mo talaga sa akin, Keren!" mangiyak-ngiyak na sambit nito habang kumakain ng ice cream na nasa cone.

Andito kami ngayon sa labas ng Campus at may nakita kaming nagtitinda ng ice cream kaya't naisipan naming bumili.

Umupo muna kami saglit sa may waiting shed dito malapit lang sa Delton High at duon namin inubos ang kinakain na ice cream.

"Bess.." tawag sa akin ni Franz kaya agad naman akong lumingon sa kaniya.

"Hmm? Bakit??" tanong ko sa kaniya habang kinakain ang cone na syang natitira sa ice cream na kinakain.

"Ang sarap sigurong kumain ng ganitong ice cream kasama ang taong mahal mo, noh?" nakangiti pang sambit nito habang nakatingin sa ice cream na hawak.

— FLASHBACK —

"Oh ayan! Wag ka na umiyak, ha? Binilhan na kita ng ice cream.."

"Wow! Ambait mo talaga, Kay-Kay!"

"Syempre! Basta para sa'yo, Ren-Ren.."

— END OF FLASHBACK —

*HUK*

"Oh? Anyare sa'yo?!" tanong ni Franz habang tinatapik ako sa likod.

A-ano ba 'yung naalala kong iyon? Bakit.. bakit may kasama akong batang lalaki? Sino 'yon? At bakit ko ba naiisip ang ganuong bagay?

"Bakit kasi antakaw mo kumain ng ice cream. Di naman kita aagawan 'no!"

Inialis ko sa isipan ang di maintindihan na naalala at nakangiting tumingin kay Franz.

"W-wala 'yun." nai-sagot ko na lang.

"Tara na, umuwe na tayo—"

Patayo na sana ako nang bigla akong nahilo. Buti na lang at nasalo agad ako ni Franz.

"Oh my god! Bess! Huy! Ayos ka lang??"

Agad na inalalayan ako ni Franz na makatayo at kahit papaano ay nawala rin naman agad ang hilo na naramdaman ko.

"A-ayos lang.. Ayos lang ako.." sagot ko sa kaniya at tumango na lang sya.

Sabay naming tinahak ang daan papuntang Bus Station at naghintay ng Bus duon.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" muling tanong ni Franz at tinanguan ko ulit sya at pilit na ngumiti.

"Ano ka ba, Franz? Ayos lang ako. Don't worry to much." nakangiting sambit ko nito sa kaniya.

"Oh, ayan na pala 'yung bus na sasakyan ko. Mauna na ako sa'yo, ha? B-Bye!" nakangiti pa ring paalam ko sa kaniya habang kumakaway.

Tumigil sa harapan ko ang bus at agad naman akong pumasok na sa loob.

Lumingon ako sa bintana ng bus at nakita ko pa rin si Franz dun. Nakangiti ko syang kinawayan sabay thumbs up, sign na okay lang ako. Ngumiti lang sya pabalik at umandar na nga ang bus na sinasakyan ko pauwe sa amin.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto ko. Nagmadaliang bihis lang ako dahil kailangan ko pang tapusin ang ilan sa mga paper works na meron ako ngayon.

"Keren, baby.." agad na napatingin ako sa gawing pinto ng aking kwarto at nakitang nakadungaw duon si Mommy.

"Oh? Bakit po, Mommy?" tanong ko sa kaniya.

Pumasok sya sa loob ng kwarto ko at lumapit sa akin.

Andito kasi ako ngayon naka-upo sa study table ko. I'm finshing all my assignments and 'yung thesis paper ko na ipapasa by Thursday.

"It's already 6 pm, let's eat dinner?" nakangiting sabi pa ni Mommy.

Tumango naman ako sa kaniya at sinabing mauna na sya sa baba at susunod na lang ako.

Niligpit ko muna ang ilan sa mga gamit ko. Ayaw ko kasi sa lahat 'yung makalat. Di naman sa maarte ako, pero nakasanayan ko kasing maging maayos at malinis sa gamit ko.

Matapos 'yon ay bumaba na ako papuntang dinning area. Nakita ko duon, prenteng naka-upo ang dalawa kong kuya at sila Mommy and Daddy.

"Let's eat!" masayang sambit ni Mommy at kumain na nga kami ng hapunan.

As always, di naman kasi maiiwasan ang kwentuhan kapag nagd-dinner kami.

"Kenzo, how's your studies?" Daddy asked Kuya Ken.

He just just gave daddy a smile like he used to do and answered, "I'm doing great, Daddy. Being a doctor can be somehow tough but I love doing my job."

"Thats good to hear." nakangiti at tumatango pang sagot ni Daddy.

"How about you, Kieffer? How's the business doings?" Daddy asked Kuya Kieffer this time.

"It's doing fine, Daddy. I'm actually having fun and happy doing my job. You know that I've dream to be a businessman since I was a kid." nakangising sagot pa Kuya.

At syempre naghanda na ako. Angalan naman si Mommy ang sunod na tanungin ni Daddy diba? Malamang pa sa malamang ay ako ang next.

"How about you, Keren, hija? How's school?" Daddy asked.

Sabi ko sa inyo eh!

'Eh kasi wala naman silang sinabing hindi ikaw ang susunod na tatanungin diba? Tsk!'

Shatap self! Nagko-concentrate ako! You're distraction me!

'*ehem* it's distracting. Distracting 'yun at hindi distraction!'

Judgerist ka self! Ano ba?! Ba't ba inaaway mo ako? Huhu!

'Tch! Sige na.. continue ka na!'

"I'm doing great in school, i guess. Di ko naman po pinapabayaan ang grade ko, Daddy." I answer with a bright smile plastered on my face.

"Oh, that's good.. very good.." tatango-tango pang sambit ni Daddy. Napapatango na lang rin ako sa ginagawa niya.

"Uhm.. Keren, baby?" tawag sa akin ni Mommy. Agad ko naman siyang nilingon.

"Yes, mommy?" I asked.

"Let's talk.. after our dinner. Arasseo?"

Nagtataka man sa kung ano man ang aming pag-uusapan ay tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni Mommy??