Chereads / Finding Alphabet / Chapter 6 - Unknown Number

Chapter 6 - Unknown Number

Keren's Point of View

Simula nang maupo sa harapan ko si Khyle ay di na natigil ang bulongan at ingay sa buong canteen.

"OMG! Why are they together?!"

"Baka nagkataon lang.."

"Oo nga, wala na rin kasing vacant table dito eh.."

"I hope so, Gigi."

"But they look cute."

"Yeah, I must say that they are.."

"Bagay sila! Hihihi!"

*HUK*

Bigla akong nabulunan sa mga naririnig ko. Kita ko naman agad ang paglingon sa akin ni Khyle. Inabot ko naman ang inumin ko ngunit naunahan ako ni Khyle na maabot 'yun.

"Here," abot niya sa akin nung juice ko. Nahihiya ko naman 'yung tinggap at ininom.

"Oh my god! Nakita mo ba 'yun, Zara?!"

"Ang alin??"

"Inabutan siya ni Khyle ng juice!"

"Khyle? Sinong Khyle, Jennifer?"

"'Yung gwapong transferee, Zara! Ano ka ba?!"

"Omo! Nakita ko 'yun!"

"Nakakainggit! Diba, Xia?"

"Sobra, Kim! Soooobra!"

"Ang sweeeeet!!!"

"The two of them look like a couple. Aaaaaack! Ship! Ship! Shiiiiip!"

Nakakainis na talaga! Naiirita na ako sa mga naririnig ko! Ano na ba kasing nangyayari?!

"Hala ghurls!"

"Kyaaaaaahh!!"

"Oh my god! Ang gwapo mo po kuya Kerby!"

"I love youuu, Kerby!"

"Marry me, Kerby!!"

"Whaaaaaaa!!!"

"Andami ng gwapo dito sa campus natin, Mich!!"

"Yeah right, Gigi!"

"Huhu! I wish I could hold their hands. How much I wish!!"

"How I wish too, siz!"

"Hanggang tingin na lang 'yata talaga tayo!"

"Huhu!"

Bigla na namang nag-ingay ang lahat kaya agad na nilingon ko muli ang entrance ng canteen at nakita si Kerby na papalapit sa pwesto ko habang nakangiti.

"OMO! Kerby is smiling!"

"Ha? Is he, Pia?"

"Oo, Cath! At dun siya nakatingin sa babaeng 'yun na kasama nung transferee!"

"Ay weh?!"

"Hindi ba't si Ate Keren 'yung babaeng tinitignan ni Kuya Kerby?"

"Keren?? 'Yun ba ang name niya, Ivana?"

"Sa pagkakantanda ko.. Oo, Ate Cath!"

Jusko po! Ano na nga bang nangyayari?? Ba't naririnig ko na ang pangalan ko mula sa ibang tao?!

Nagulat na lang talaga ako nang walang paa-paalam na umupo si Kerby sa kalapit ko sabay akbay sa akin. And again, halos lahat ng nasa canteen ay nagbubulungan na naman. And that irritates the hell of me!

Nuon pa man ay ayaw ko ng napapansin ako ng iba. Mas sanay ako sa normal na buhay ko. Yung tipong walang paki-alam ang mga students sa mga ginagawa ko. Pero.. kasalanan ko ba namang may kaibigan akong gwapo? Tapos sinabayan pa nitong si Khyle na 'talk of the campus'...??!

Nakakainis pero siguro nga'y nakatadhana na mapansin nila ako. Pero wait--ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?!

Agad na inismiran ko si Kerby. At natawa naman siya sa ginawa ko.

"Tsk! Ganiyan mo na ba ako babatiin?" nakangusong tanong pa nito!

'Pa-cute amp!'

"Nagtitilian na ang mga babae at di na sila mapigil sa kung ano-anong sinasabi. Tsk!" sambit ko sabay tanggal ng kamay niyang naka-akbay sa akin pero agad niya 'yung pinigilan!

"Ano ba!" sigaw ko sa kaniya.

"Tch! High blood ka? Hmpf! Meron ka siguro 'no?" pang-aasar niya at agad namang namula ang pisnge ko sa sinabi niya.

'Shuta!'

"Oh! Namumula ka!" sambit niya pa na sinabayan ng tawa.

"Tama ako, diba? Meron ka nga! Hahaha!" naiinis na hinampas ko naman siya sa braso.

"Shut up, will you? Argh!" inis na sigaw ko sa kaniya sabay pinaghahampas ulit. Pero siya? Tawa lang sya ng tawa.

"Haha! Sabi ko sa'yo.. antayin mo ako'y sabay tayong kumain eh!" sabi pa niya sabay ngumuso.

'Eww!! Feeling cute amp! Grrrr!'

"Oh tapos?" naka-taas ang kilay na sagot ko pa sa kaniya.

"Hmpf! Kasabay mo palang kumain itong si Khyle eh!" sigaw niya pa at gulat na napatingin naman ako kay Khyle!

Shoot! Nakalimutan ko na nasa iisa nga pala kaming table! Pero.. teka? Paano niya nalaman ang pangalan ni Khyle? Eh hindi naman nami siya classmate. Engineering ang course na kinuha niya eh.

"H-Ha?" takang tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.

"Tch!" singhal niya sa akin saka tinignan si Khyle na kakatapos lang yatang kumain.

"Long time no see, Bro! Welcome to our school!" nakangiting sambit ni Kerby kay Khyle. Naguguluhan ko naman silang tinignan.

Ngumisi lang si Khyle sa kaniya at agad na tumayo.

"Thanks for the welcome.. b-bro," sagot ni Khyle dito bago umalis.

"Eh?? What was that?!" takang tanong ko kay Kerby. Di naman siya sumagot at ngumiti lang sa akin.

"Do you want to eat something more? Hmm.. how about dessert?" tanong niya, iniiwasan ang tanong ko sa kaniya.

Pilit na ngumiti na lang ako sa kaniya. Mukhang ayaw niya naman yata sabihin sa akin eh. Psh!

"Ice cream should do," nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Then ice cream it is." nakangiti ring sabi pa niya sabay tayo at pumunta sa counter.

Habang inaantay siya ay inilabas ko ang phone mo at laking gulat ko ng may ma-receive akong message.

From: Unknown Number

Next subject starts at 1:20 pm at the gym.

See you there.

-K

Taka naman akong napatitig sa phone ko. Sino naman kaya ang magte-text sa akin ng ganito? And.. unknown number? Tsh! Sino naman ba 'to??

"Oh? May ka-text mate ka na?" gulat akong napalingon kay Kerby ng maupo siya sa harapan ko, sa mismong inupuan ni Khyle kanina.

'Bakit ko ba sya naisip bigla?'

"Psh! Wala ah!" sagot ko sa kaniya at natawa naman siya sa nai-asta ko.

"Here," sabi niya sabay about sa akin ng ice cream.

"Cookies and Cream!" sigaw ko sa tuwa. This ice cream flavor is my favorite!

"You've never change.." napapa-iling na sambit niya pa sabay kain ng burger niya.