Chereads / Finding Alphabet / Chapter 4 - Transferee

Chapter 4 - Transferee

Keren's Point of View

Maaga akong nagising hindi dahil sa tunog ng aking alarm clock kundi dahil sa lakas ng kalabog ni Kuya Kieffer sa pinto.

"Hindi ka ba talaga babangon diyan?" malakas na sigaw niya mula sa labas ng aking silid.

"Eto na nga oh?" at binuksan ko ang pinto.

"Oh? Bihis na ako. Tara na sa baba. Grabe ang boses mo kuya, pwedeng-pwede na sa palengke." pang-aasar ko dito.

Ngumisi naman siya sa akin saka ako inakbayan at sabay kaming naglakad pababa sa kusina.

"Sayang naman ang gwapong mukha ko na 'to bunso kung sa palengke rin naman ang bagsak ko." sagot niya habang nakakapit pa ang kamay nito sa baba.

"Feeling gwapo ka rin talaga ano?" sarkastikong tanong ko sa kaniya

"Dahil gwapo naman talaga ako!" proud na sagot niya naman.

"Whatever!" at nagpaunang bumaba naman ako. Ayaw kong kasabay 'yung lalaking 'yun na ubod ng hangin.

As usual morning greetings sa parents. Wala na si Kuya Kenzo dahil maaga ang duty niya sa hospital. Kumain na kami ng umagahan at nang matapos ay hinatid na ako ni Kuya Kieffer sa School.

"Kuya naman kasi. Okay lang naman talaga sa akin if nag-bus na lang ako." sabi ko sabay unbuckle ng seatbelt.

"Naihatid na kita, okay? Angalan ng bumalik tayo sa bus station at sumakay ka ng bus pabalik rito?" napa-face palm na lang ako sa sinabi niya.

"Argh! Sige, baba na ako. Thanks for the ride, Oppa!" natatawang sabi ko pa at maging siya rin ay natawa.

Naglakad na ako papasok ng campus and it felt so weird. Why Weird? Kasi ang tahimik—

"Whaaaaa!!"

"OMG! Andyan na siya!!!"

"Kyah! Ang gwapo-gwapo niya talaga!"

"He's freaking hot as hell, ghurl!"

"Juskooo, dzai! Eng sherep ni Fafa!!"

"Sinabi mo pa, bakla!"

"Jusko Lord! Take me to heaven!"

"This guy is the definition of heaven! Huhu!"

"Sanaol na lang ulit tayo pare!"

"Oo nga pare eh.. tss!"

Okay, nevermind. Our campus is still the day as it is. Yung mga babae dito akala mo nakalunok ng drum ng mikropono sa sobrang lakas ng boses.

"Uhm.. anong meron?" tanong ko sa isang mukhang freshman na babae na kalapit ko.

Nilingon niya naman ako. Buti at hindi ito mataray, dahil di gaya ng iba na nang-iirap lamang ay siya ay nakangiti pa akong binalingan.

"Ahh, ate, 'yung gwapong transferee po kasi, kararating lang niya!" nakangiti pa nitong sagot. Mukhang tinamaan din si ate ghurl kay kuyang Transferee.

Teka.. transferee? Sya kaya 'yung sinasabi ni Franz sa akin kahapon?? Hindi ko pa kasi nakikita 'yung transferee na 'yun. Sabi ay ABM din ang course niya, same as what we, Franz, are taking.

"Uhm.. do you know his name?" tanong kong muli dun sa freshman. Umiling naman sya sa akin.

"Hindi po, eh." sagot niya at muling tinignan kung saan halos lahat ng students ay nakatingin.

"OMG! There he is!"

"OMO! OMO! YIEEEEEE!!"

"Kyaaah!"

"Ang gwapo niya talaga sobraaaa!!"

"Ano ka ba, Janice! Malamang 'noh! Balita ko nga ay mayaman 'yan eh!"

"Eh? Talaga, Shane?"

"Oo! At ang sabi pa ay anak siya ng isang CEO ng isang malaking kumpanya!"

"Grabe noh! Kaya pala ang gwapo niya tapos sobrang puti pa!"

"Alagang alaga siguro eh."

"Mayamang nga naman kasi."

Andami namang malalaman nitong mga kalapit kong mga babae! Sobra sa chismis eh. Buti pa ako, spazzer lang ng BTS pero other than that, wala na!

Di ko na lang 'yun pinansin at nagdere-deretso ng lakad papunta sa classroom namin. Halos walang tao duon, malamang sa malamang ay lahat nagsilabasan nung malaman nilang andito na 'yung transferee.

Pagka-pasok ko ay biglang nag vibrate ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Agad ko 'yung inilabas at tinignan kung sino ang nag-text.

From: Bessy Franz

Bess! Huhuhuhuhu! Di muna ako nakakapasok ngayon!! Pakisabi na lang sa mga Prof natin na absent muna ako dahil sa nilalagnat ako. Okay? Love youuu~

'A-absent siya? Tsk!'

Mag re-reply sana ako sa kaniya kaso naalala ko na kaka expired lang nga pala ng load ko kagabi. Agad na ibinulsa ko na lang ang cellphone ko dahil nag ring na rin naman na ang bell, sign na magsisimula na ang klase.

Agad na nagsipasok sa loob ng classroom namin ang mga kaklase ko at makalipas ang ilang minuto ng makumpleto kami ay pumasok na sa loob ang adviser namin.

"Good Morning, class!" bati ni Sir Keith ng makapasok siya sa loob ng classroom.

"Good morning, sir!" sabay-sabay na bati naman namin sa kaniya.

"So, class. You will be having a new classmate." sambit ni sir at agad namang umingay ang bulungan sa classroom.

"SILENCE!!!" sigaw n sir at tumahimik naman and lahat. Wala rin naman akong maka-usap dahil wala naman si Franz kaya tahimik lang ako.

Nilingon ni sir ang nasa labas n pintuan. Kaya't lahat kami ay napalingon din duon.

"Come in," sabi pa ni sir at pumasok naman sa room namin ang isang lalaki. Shit! Isang jaw plus panty dropping handsome guy 'yung pumasok sa room namin!

Muling nag-ingay ang mga kaklase mo at ang halos lahat ng babae sa room namin ay nag-tilian.

Aaminin ko. Gwapo 'yung guy. Matangkad sya, maputi, ange ayos niya tignan at ang lakas ng dating niya. Most especially sa mga kababaihan.

"I SAID.. SILENCE, STUDENTS!! HINDI NYO BA KAYANG UMINTINDI NG SIMPLE ENGLISH HA?!" sigaw muli ni sir at natahimik naman muli lahat.

"Introduce yourself," utos ni sir sa lalaki at agad naman itong humarap sa amin at ngumiti.

'Shit! Bakit ang gwapo?'

'Shuta selp! Nandito ka para mag-aral di para lumandi! Kumali ka!!'

"Hi—"

"Oh god!"

"Ang gwapo na nga ng mukha, ang gwapo pa ng boses!!"

"Shuta ghurl ang gwapo niya!"

"Omo! He's sooooo handsome!"

"You said it right!"

Sa sobrang ingay ng tilian ng nga babae—at mga bakla na rin para may gender equality tayo. Nahihiyang napakamot naman siya sa batok at saka muling nagsalita.

"I'm Khyle Villanueva." pagpapakilala niya pa.

Ngunit.. Villanueva? Tama ba ang pagkakarinig ko? B-Bakit.. parang narinig ko na sa kung saan ang apelyido na 'yan?

"You sit on the vacant chair next to Ms. Geronimo." agad naman akong napabalik sa reyalidad ng marinig kong banggitin ni sir ang surname ko. Ngunit mas ikinagulat ko ang paglapit sa akin nung Khyle!

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*

'Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?? Shit selp!!'

Nang makalapit siya sa akin ay agad syang ngumiti. Jusko po! Bakit ba may ganitong klase ng nilalang sa mundo?!

"Hi. You're Ms. Geronimo, right?" tanong niya. Tumango naman ako sabay nag-iwas ng tingin.