Chereads / Finding Alphabet / Chapter 5 - Embarrassed

Chapter 5 - Embarrassed

Keren's Point of View

Randam ko ang pag-upo niya sa upuan na nasa gawing kanan ko. Andito kasi ako naka pwesto sa may likuran, sa may side sa bintana.

Nang magsimula ng mag-turo si sir ay sa unahan ko lang pilit na tinutuon ang pansin ko. Ngunit di ko pa rin mapigilan ang hindi mapansin ang lalaking nasa tabi ko.

Gamit ang peripheral vision ko ay kita ko ang pagiging tutok niya sa tinuturo sa unahan. Economics ang itinuturo ni sir at mukhang gusto ni Khyle ang lesson ngayon.

"Now, I want anyone in this class to write in front the details of their expenses in a day."

Bakit ba kasi ang-gwapo niya?? And why am I now staring at him. This is so not me.. but I'm enjoying it. Geez!

"Miss Geronimo??"

I was deeply looking at him and memorizing his side view look when he suddenly looked at me that made me shock.

"A-Ahh.."

"Miss Geronimo!!" dinig kong tawag ni sir kaya agad akong napatayo!

"S-Sir.." nahihiyang napatungo ako.

"Ganon ka ba nagwa-gwapuhan dito kay Mr. Villanueva para matulala ka na lang sa kaniya at hindi makinig sa klase ko, Ms. Geronimo??!" galit pa na sigaw ni Sir kaya napapahiyang yumuko naman ako. Rinig ko pa ang ilang bungis-ngis ng mga kaklase ko.

'Nakakahiya!!'

"S-Sorry po, S-Sir--"

"Uulitin ko, Ms. Geronimo. I want you to tell us now the details of your expenses in a day." gulat na napatingin naman ako kay sir.

"Sir, akala ko po ba isusulat sa whiteboard?" tanong ng kaklase kong si Janine. Nilingon ko naman sya dahil dun.

"I change my mind. Gusto kong i-recite mo ngayon sa aming lahat, Ms. Geronimo.. ang sagot mo."

"P-Pero Sir--"

"Kung hindi mo 'yan masasagot.. Drop out!" biglang pigil sa akin ni sir sa sasabihin ko.

*GULP*

"Naghihintay kami, Ms. Geronimo.." nakangisi pang dagdag ni sir.

'Tsk! Kung hindi ko lang 'to teacher ay baka nasapak ko na 'to eh.'

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa side ni sir na nasa may left side sa unahan.

"Expenses in a day po ba, sir?" tanong ko.

"Malamang! Angalan namang Monthly expenses diba? Kakasabi ko nga lang diba? In a day! Tsk! Tsk! Tsk! Humihina na yata ang utak mo, Ms. Geronimo? At bakit? Dahil sa gwapo itong kalapit mo?! Ha?? Oh c'mon!" mapang-asar pa na saad nito.

'King Ina! Kumalma ka self!! Teacher mo pa rin 'yan. Kalma. Breath in, Breath out.

Pilit akong ngumiti bago ko sagutin ang tanong niya. And thank God after that ay hindi na naging mainit an ulo niya sa akin.

'Tsk! Trip yata ako ng teacher naming 'yun?! Papansin lang ang peg!?'

Napalingon na lang ako sa naisip at nakinig na lang sa tinuturo ni sir.

*KRRRIIIIINNGGGGG*

"That will be it for today's lesson. You may take your lunch." matapos sabihin iyon ni ma'am Calderon ay agad na nagsilabasan naman ng room ang mga kaklase ko.

Lumabas na ako ng room at nagtungo sa Canteen. Pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

Agad na inilabas ko 'yun sa aking bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag.

— Kerby Calling —

Ehh?! Ba't naman tumatawag ang isang 'to?! Tsk! Agad na sinagot ko ang tawag at inilagay sa tenga ko ang phone ko.

"Oh?"

"Yah! Nasan ka?"

"Ha? Papasok pa lang ako ng canteen. Bakit?"

"Kita tayo sa loob! Sabay na tayong mag recess!!"

Napangiti naman ako sa aking narinig. Tsk!

"Sige.. Basta libre mo ha?!"

"Oo naman, sige! Kita kits na lang. Pababa na ako dyan."

"Sige!"

Ibinababa ko na ang tawag matapos 'yun. If you're asking or interested kung sino 'yung kausap ko. Well, it's Kerby Villanueva---my boy best friend.

Dumeretso na ako ng pasok sa loob ng canteen at dumeretso sa counter. Matapos kong um-order ay agad na naghanap ng table na vacant and I'm lucky to found one na malapit sa may bintana.

Umupo ako duon at inilapag ang mga pagkain na in-order ko. Kakain na sana ako ng biglang magkaingay sa loob ng canteen.

"Shocks! Ang gwapo niya talaga!"

"Oo! Sinabi mo pa!"

"Business Ad ang kinuha niya eh.."

"Awts sayang! Akala ko med din ang kukunin niya!"

"He definitely looks rich, malamang lang na business ang kunin niya."

"Hmm.. I also heard that they're ranked as the Top 2 most rich families here in the Philippines and ranked as Top 7 all over the world!"

"Wow! Ganun sila kayaman?!"

"Hell yes!"

"Just by looking at him wearing our uniform seems so good!"

"Bagay na bagay sa kaniya!"

"Ang gwapo niya talaga! Sobra!"

"Sana wala pa syang girlfriend!"

"Sana nga.."

"Haaaaaayst!"

Agad na napalingon naman ako sa entrance ng canteen at nakita ko duon si Khyle na naglalakad sa gitnang pathway ng canteen na nasa bulsa ang kamay.

'Tsk! Di man lang ba niya naririnig na siya ang pinag-uusapan at bukambibig ng mga halos lahat ng mga babae?'

Pinanood ko pa rin siya hanggang sa makapila siya sa counter. Mukhang wala talaga syang paki-alam sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya at magsimula na akong kumain ng aking in-order. Iinom na sana ako nung apple juice ko ng mapansin ko ang pares ng sapatos na nasa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin dito at halos manlaki ang matang nakita ko si Khyle na nasa harap ko!

"I think you're alone in this table. Would you mind if I join you here?" he asked.

'Straight english!!!'

"Uhm, hello?" dinig kong tawag niya at agad naman akong na-tauhan at nabalik sa reyalidad.

"A-Ahh. No. I won't." nai-sagot ko na lang.

"Thanks," sabi pa nito at saka umupo sa upuan sa harapan ko.