Chereads / Online It Is / Chapter 53 - Chapter 26.5

Chapter 53 - Chapter 26.5

Chapter 26.5:

Abby's POV:

I don't know why, but I felt something weird when the guy kissed my hand. It's like there's something's wrong at the same time something familiar.

Anyways, nang matapos kong halikan sa pisngi ang lalaki at matapos rin niyang hinalikan ang aking kamay ay saktong tumunog ang buzzer, sign na tapos na ang sampung minutong ibinigay sa akin.

"Halina po kayo ma'am, ihahatid ko na kayo sa stage." Rinig kong sabi ng isang babae. Sigurado akong siya rin yung nag-assist sa akin kanina. 

Tumango ako at dahan-dahan kaming sabay bumalik sa stage.

Nang makarating kami sa stage ay saka naman tinanggal ang blind fold na nakatakip sa aking mga mata.

Rinig ko ang masayang pagbati ng emcee sa akin nang matanggal ang blind fold. Ilang segundo rin bago makapag-adjust ang aking paningin sa liwanag.

"Congratulations Miss Dizon! I knew you can do it!"

"Thank you!" Masayang sagot ko at saka inabot sa kaniya ang mga cards na sa 2x2 inches ang size na nakuha ko mula sa mga kalalakihan.

Nang tumingin ako sa ibaba ng stage ay tanging ang mga upuan na lang na nakapabilog ang naroon. Wala na ang mga lalaki.

"So Miss Dizon, how was the experience?" Tanong ng emcee saka niya iniabot sa akin ang isang mic na hawak niya.

"It was fun! It was my first time doing this kind of game kaya na-challenge talaga ako. Yung pakiramdam na ingat na ingat ako sa paghawak kasi mga lalaki kinakapkapan ko, pero habang umiikli ang oras ay nagiging desperada na ako at hindi ko na naiisip kung ano man ang mahawakan ko para lang mabilis na mahanap ang cards. Kaya bago ko sila kapkapan ay humihingi na ako ng pasensya para sa kung ano man ang mahahawakan ko." Nagsitawanan ang mga tao sa venue as well as me myself. "Also, yung part na halos matapilok ako kasi nakasuot ako ng stiletto, grabe pinagpawisan ako sa larong 'to."

"But then congratulations Miss Dizon dahil hindi mo tinanggihan ang aming challenge sa'yo, you're a certified atapang na tao!"

"Of course, minsan lang maganap ang ganitong party kaya ayo'ko namang maging kill joy." Napahagikgik ako. Nakarinig naman ako ng paisa-isang sigaw mula sa baba ng stage.

"MALAKAS KASI TAYO KAY MA'AM KAYA HINDI NIYA TAYO MATANGGIHAN!"

"OO NGA, LAGING GAME 'YAN SI MA'AM!"

"WALANG INAATRASAN SI MA'AM!"

"MATAPANG NA TAO TALAGA SI MA'AM SINCE BIRTH!"

"BE LIKE MA'AM ABBY!"

At nagsitawanan ang lahat. Kanina pa kami tawa ng tawa ha, ang saya naman namin.

"Wow, mukhang idol ng lahat si Miss Dizon. And with that, kindly please pick a piece of paper inside this bowl Miss Dizon."

Sa loob ng fish bowl ay mga maliliit na papel na nakatupi, sa tingin ko ay mga bente piraso ang mga ito.

Bago ako bumunot ay hinalo muna ng emcee ang papel.

Clueless man sa kung ano ang nakasulat sa mga papel ay bumunot pa rin ako. Nang makabunot ako ay ibinigay ko ito sa emcee.

Habang binubuksan ang nakatuping papel ay sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Para bang isang malaking pasabog ang nakasulat dito.

"Okay Miss Dizon, the paper that you picked states that.... you have won a three-day and two-night trip to Honokalani Beach, Wai'anapanapa State Park, Maui, Hawaii for two!" 

Napanganga ako sa sinabi ng emcee dahil ang Honokalani Beach is one of the things on my bucket list!

"W-Wow this is amazing, and I thank you for this pero bakit ako pa? I mean siguro ay mas maganda kung itong price na 'to ay para sa CosmiCandy family?" Ang ibig kong sabihin sa CosmiCandy family ay ang mga empleyado. Hindi naman sa nag-iinarte ako, pero busy akong tao, wala akong time para sa ganitong bakasyon. 

"SIGE NA MA'AM, TANGGAPIN MO NA PO! PARA SA'YO TALAGA 'YAN PARA MAKAPAG-PAHINGA KA NAMAN PO SA TRABAHO." Sigaw ng isa sa mga nasa crowd, hindi ko na maidentify kung sino ang sumigaw pero sinang-ayunan na rin ito ng iba pa. 

Bumuntong hininga ako at saka ngumiti. "Thank you sa inyong lahat!" Masayang sabi ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang namatay ang ilaw sa buong venue at agad ring napalitan ng disco lights.

Nagsisimula na ang highlights ng gabi...

Maingat akong hinila ng emcee sa backstage nang makitang paakyat na ang bandang inimbita namin para sa event.

Agad nagsimula ang malakas na tugtugan at sigawan ng mga tao. Ito ang pinaka-gusto ng lahat, ang sayawan. Napangiti ako habang nakikita silang nagsasaya mula dito sa backstage. They can go wild all night dahil may maghahatid sa kanila sa kani-kanilang mga bahay to ensure their safety. Pinagbawal naming mag-drive ang kung sino man ang nakainom, ang mga hindi lang uminom ang siyang papayagang mag-drive ng kanilang sasakyam pauwi. Lahat ng nakainom ay ihahatid pauwi ng pinagkakatiwalaan naming mga driver gamit ang mga company bus.

Gustuhin ko mang uminom pa ay hindi pwede dahil I have to make sure na makakauwi silang lahat ng safe when this night ends.

~

Alas dos na ng madaling araw nang makasakay ang mga empleyado sa bus at maging handa para sa kanilang pag-uwi. Natapos ang party ng bandang alas dose pero kailangan muna naming siguraduhin na nasa mabuting kundisyon ang mga empleyado bago sila makauwi dahil karamihan sa kanila ay nakainom. May mangilan-ngilan ring nagsuka pero mabuti na lang ay hindi gano'n kalala ang tama nila.

Nang makaalis ang mga bus ay naiwan ako, ang organizers, at mangilan-ngilang empleyado na hindi uminom at may sasakyang dala pauwi para tumulong sa pagliligpit sa venue.

"Excuse me Miss Dizon, may I have a minute with you?"

"Ah yes sure! What is it?" Tanong ko sa emcee.

"I think you should pack your things ma'am."

"What? Why?" Hindi naman niya siguro ako pinapalayas ano.

"Dahil mamayang alas sais na ang flight mo Miss Dizon, so you should pack your things now." Huh? what does he mean by that?

"What do you mean?"

"Nanalo po kayo ng trip to Honokalani Beach right? Mamaya na po ang alis niyo."

"W-What? Mamaya na agad? Bakit hindi mo sinabi agad?" Napahilamos ako ng mukha. Jusko, may kaunting tama pa ako tapos lilipad agad ako?

"Eh, umalis po kasi kayo kanina sa backstage nang magsimula ang highlights kaya hindi ko na po  nasabi agad." Napakamot siya sa batok.

Bumuntong hininga ako. "It's okay. Teka, 'diba trip for two ang napanalunan ko? Sino yung isa kong kasama?" Kung wala pa ay pwede ko sigurong isama si Jackie o 'di naman kaya ay si Joyce, kung sino ang available sa kanilang dalawa.

"Sorry Miss Dizon but I can't tell you who it is. Pero kilala mo naman siya ma'am kaya walang problema." 

"Sinong kakilala ko?"

"The twelfth guy."

"Y-You mean, the guy na hinalikan ko sa pisngi?" He nodded. Dang, pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ng buong katawan ko sa aking mukha!

Hiyang-hiya na nga ako sa ginawa kong pagdakma sa card kanina tapos makakasama ko pa siya sa Hawaii? Why oh why?!

"Sino ang lalaking ito?" Namamasma ang kamay ko, sana naman ay medyo kaclose ko para naman hindi masyadong awkward.

"As I have said, hindi ko po pwedeng sabihin ma'am. At huwag mo na rin pong babalaking tanungin sa mga empleyado dahil wala po silang sasabihin sa inyo. You'll be meeting the guy when you reached the destination."