Chapter 29:
Abby's POV:
What the hell Rigel?!
Akala ko ay nabobored ang isang 'to, mukhang naghahanap lang ata ng tiempo para makaeksena nanaman.
"What are you waiting for Abby? Come on, do your job."
Ahh, eksena talaga ang taong 'to.
"Tsk, h-heto na teka lang inaayos ko pa yung anggulo."
My gosh self, bakit ka nauutal? Si Rigel lang 'yan, si Rigel na may anim na pandesal-- Oh shut up Abby, nahihibang ka na. Huwag kang taksil, baka makarma ka.
Nang makahanap ako ng magandang anggulo ay agad kong sinimulan ang pagkuha ng litrato.
Sa unang shot ay naka-unbutton lahat ng butones ng polo ni Rigel na dahilan upang makita ang abs niya, nakalagay ang kanang kamay niya sa bulsa at sa batok naman ang kaliwang kamay.
Sa pangalawang shot ay seryoso ang mukha niya habag nakasandal sa batong entrance ng kuweba. Naka-crossed arms siya habang nasa malayo ang tingin. This time ay kalahati na lang ng polo niya ang ang nakasuot sa kaniya.
Sa pangatlong click ng camera ay tuluyan na niyang hinubad ang polo niya at isinukbit ito sa kaliwang balikat niya. Kagat labi siyang tumingin sa camera at saka hinawi ang medyo kulot niya buhok na nakaharang sa kaniyang mga mata.
Nakailang shot pa kami hanggang sa loob ng kuweba. Kung lalakarin ang loob ng kuweba ay aabutin ka lamang ng
lima hanggang sampung segundo, pero hindi iyon nangyari dahil may nakadaupang palad kaming nakakakilala kay Rigel. Mga fan girls ni Rigel ang mga ito, kaya humingi sila ng autograph niya. At dahil wala silang dalang papel at panulat lamang ang kanilang dala ay sa bahagi na lang ng katawan sila nagpalagay. Ang isang babae ay sa may bandang dibdib nagpalagay, ang isa naman ay sa may tiyan, at ang iba naman ay sa legs at buttocks. Just err.
Mga ilang minuto ring inentertain ang mga ito ni Rigel bago nila napagpasyahang magpapicture. Syempre, dahil ako lang naman ang tao sa kweba maliban sa kanila ay ako ang naging photographer nila.
"Hey girls, could you all please move a little bit away from him? He is already taken just so you know."
Ito sana ang gusto kong sabihin sa mga fan girls ni Rigel habang pinagsisiksikan nila ang mga sarili nila sa kaniya, pero hindi ko na tinuloy dahil baka ako pa ang mapag-initan nila. Tsaka pake ko naman kung taken siya, hindi naman ako ang asawa, pero sana naman as a fan girl ay alam nilang dumistansya sa tao kasi alam naman siguro nilang pamilyado ito.
Siguro ay understanding naman si Steph since nasa showbiz sila at hindi maiiwasan ang mga ganitong pagkakataon.
Nang matapos ang panghuling shot ay ibinalik ko na agad sa mga babae ang camera nila na siyang ginamit ko sa pagkuha ng litrato. Ang sampung segundo na paglalakad sa loob ng kuweba ay naging sampung minuto.
"I don't know her, maybe she's just his assistant." Rinig kong sabi ng babaeng nakasuot ng red na bikini at saka sila tumawang magkakaibigan.
Inirapan ko na lang sila ng palihim dahil sa narinig.
"Oh Rigel, bakit nandiyan ka pa sa loob? Don't tell me naghihintay ka ng panibagong fans mo na magpapapicture sa'yo." Sabi ko nang makalabas ako ng kuweba at makaapak sa tubig dagat na nakakonekta dito. Malamig ang tubig at medyo lumalakas na ang alon kaya itinali ko hanggang tuhod ang long skirt with slit na suot ko. Hinayaan ko na ring mabasa ang sapatos ko upang maiwasang masugat sa mga maliliit na lava rocks.
Kinuhanan ko ng litrato ang view bago muling pumasok sa loob ng kuweba dahil hindi pa rin lumalabas si Rigel at mukhang may tinitignan sa pader, hindi ata niya narinig ang sinabi ko kanina.
Bumalik ako sa loob at tinignan rin kung ano ang tininignan niya.
"This cave like structure was created almost a century ago when lava flow towards the ocean underground. The top of the lava solidified, whilst the flow continued beneath the solid top. When the lava stopped flowing, the space underneath the solid top became tunnels, hence the lava tubes. There are lots of these across Maui and around the black sand beach. But this lava tube is the most famous and the most popular one too." Ani Rigel habang pinagmamasdan ang texture ng kuweba, or should I say lava tube. Alam ko namang lava tube ito, mas gusto ko nga kang tawagin itong kuweba. Hindi ko lubos akalain na may alam sa mga gan'tong bagay ang isang 'to. Well, hindi naman kasi halata.
Ilang minuto rin naming pinagmasdan ang paghampas ng alon sa bukana ng kuweba.
"Hindi ka ba nilalamig? Kanina ka pa naka-top less." Sabi ko habang sa dagat pa rin ang tingin. Dang, this is just so refreshing.
"So concern ka na pala sa akin ngayon." Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Edi 'wag kang magdamit!" Tinaasan ko siya ng kilay. Pati iyan ginagawa pa niyang big deal. Syempre, isa lang naman akong hamak na concern citizen kaya normal lang na sabihan ko siya.
"Oh heto na, magdadamit na. Huwag ka na pong magsusungit, nakakapangit 'yan-- OUCH!" Ayon, binatukan ko. Nakakainis kasi, umeeksena nanaman siya.
"Bahala ka nga diyan!" Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa kanang balikat dahilan upang muntik na akong matumba, mabuti na lang ay mabilis niyang nahawakan ang magkabila kong braso at hindi natuloy ang disgrasya.
"Be careful Abby." Nag-aalalang sabi ni Rigel kaya binatukan ko ulit siya. Malakas ulit siyang dumaing dahil doon.
"Kung hindi mo sana ako hinawakan sa balikat edi hindi ako mamumuntikan ng madisgrasya. Lakas mong maka be careful eh ikaw na nga 'tong dahilan eh!" Medyo napalakas na ang boses ko, mabuti na lang sa kaming dalawa lang ang kasalukuyang nasa kuweba ngayon kaya hindi kami nakaka-agaw eksena. 'Yon nga lang ay nag-echo ang boses ko sa loob na siyang lumikha ng weird sounds.
Mga tatlong segundo kaming nagkatinginan ni Rigel hanggang sa hindi na namin napigilan ay sabay kaming humagalpak ng tawa.
Hindi ko alam kung bakit ako tumatawa at kung bakit din siya tumatawa. Basta ang alam ko lang ay natatawa ako at kailangan ko itong mailabas.
"HAHAHAHA ARAY KO RIGEL-- TEKA LANG-- ANG SAKIT NA NG TIYAN KO HAHAHAHAHA-- BAKIT KA KASI-- HAHAHAH TUMATAWA-- HAHAHA!" Pati lalamunan at panga ko ay sumasakit na rin. Ano ba 'yan, para na kaming baliw.
"HAHAHA YOU'RE LAUGHING-- HAHAHA SO IT ALSO MAKES ME LAUGH HAHAHA!" Letse!
Mabuti na lang ay may dumating na tao kaya kusang tumigil ang malakas naming pagtawa. Dali-dali kaming naglakad palabas sa kuweba habang nagpipigil ng tawa.
Nang makalabas kami ay napatawa ulit kami ng malakas. Hindi ko alam pero hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa ko, at gano'n rin si Rigel. Ilang ulit ko pa nga siyang nahampas sa braso dahil natatawa talaga ako.
At dahil lahat ng bagay ay may katapusan, natapos din ang pagtawa namin sa wakas. Nakakapagod pala tumawa ng tumawa ng walang dahilan.
"Grabe, ang tagal kong hindi nakatawa ng gan'to!" Nakangiting sabi ko.
"Same here."
Kung sana lang ay laging ganito, laging masaya at walang iniisip na problema... Pero alam ko namang walang gano'n. Ang mga gan'tong pagkakataon ay minsan lang mangyari, kaya susulitin ko na lang until it lasts.
Tanghali na nang napagdesisyunan naming bumalik sa hotel para kumain ng tanghalian. Naging masaya naman ang oras ng pagkain namin, para nga kaming bestfriends eh. We talked about a lot of things, and we also laughed about some random things.
Siguro nga ay tama si Rigel, nandito ako para mag-enjoy. Kahit sino man ang kasama ko ay hindi pa rin dapat magbago ang dahilan kung bakit ako nandito, ang magrelax at mag-enjoy dahil panigurado pagbalik namin sa Pinas ay back to stressful life ulit kami.
Nang matapos kumain ay napagdesisyunan naming bumalik sa kanya-kanyang kwarto para magpahinga dahil kakailanganin namin ng lakas para sa gagawin naming photoshoot ulit mamayang hapon.