Chereads / Online It Is / Chapter 59 - Chapter 29.5

Chapter 59 - Chapter 29.5

Chapter 29.5:

Abby's POV:

"Made up of tiny polished lava pebbles is what makes Honokalani Beach so unique and beautiful. The black sands are composed up of volcanic rock that was pulverized and smoothed into sand by the waves of the ocean for thousands of years. The flow of lava that entered the ocean here at Honokalani Beach, was still molten that created a rapid temperature change, which caused viscous fluid to quickly solidify and shatter, making it into sand. Higher up on Honokalani Beach, the black sand will give way to normal sand." Mahabang litanya ni Rigel habang pinaglalaruan ko ang buhangin dito sa beach habang kinukuhanan niya naman ito ng litrato.

"Yung totoo Rigel, ikaw ba ang kasama ko o si kuya Kim?" Natatawang sabi ko. Kaninang umaga pa siya nagbibigay sa akin ng trivias eh. Hindi naman sa ayaw ko, gusto ko nga actually dahil may natututunan ako kasi mga basic information lang ang alam ko tungkol sa Honokalani Beach.  It's just that nakakapanibago lang sa isang tulad niya na magkaroon ng maraming kaalaman tungkol sa lugar na 'to. 

"This place is one of the things on my bucket list, so I researched a lot about this place before going here."

"Oh talaga? Ako rin eh, nasa bucket list ko ang lugar na 'to. Puro na lang kasi white sand beach ang madalas kong napupuntahan, kaya gusto ko ay maiba naman." Pero hindi naman ako kagaya niya na may oras sa pag-research para sa mga detalyadong bagay.

"Well then I guess it's destiny talaga--"

"Destiny mo mukha mo, eksena!" Binato ko siya ng buhangin saka hinampas ang braso niya.

"Ouch! Mapanakit ka talaga." Muntik na niyang mabitawan ang camerang hawak dahil sa ginawa kong paghampas, mabuti na lang ay nahawak niya itong mabuti. 

Muntikan na! 

I sighed in relief.

Pinaningkitan niya ako ng mata kaya nag-peace sign na lang ako.

"Ayan na yung sunset oh, dali picturan mo na ako!" Excited na sabi ko pero hindi man lang siya nagsalita at gumalaw sa pwesto niya.

"Oh bakit? Akala ko ba ikaw 'tong may gustong-gusto na kuhanan ako ng litrato?" Siya nga 'tong nagpupumilit kanina noong pagkatapos naming kumain ng tanghalian  na ako na lang lagi ang picturan niya, at kahit huwag na siya.

"With that outfit? Are you serious Abby?" Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, naconscious naman daw si ako.

"Oh bakit? Ano'ng problema? Maganda naman ah." Naka-cowgirl bikini outfit ako na pinares ko sa aking hiking boots para masiguradong hindi masusugat ang aking paa dala ng maliliit na mga black lava pebbles.

"Oo maganda, at maganda rin sa paningin ng iba. Tsk" Umirap ito.

"Syempre, gano'n naman talaga. Adika ka ba Rigel? Sinuot ko 'to kasi maganda para sa akin at maganda rin sa paningin ng iba."

"Oh saan ka pupunta?" Malakas na tanong ko nang bigla siyang tumalikod at naglakad palayo. Umeeksena nanaman ang loko!

Imbis na sumagot ay itinaas lamang nito ang black card na hawak niya. Naalala ko, pinahawak ko pala 'yon sa kaniya kanina.

Napakamot muna ako sa batok at ilang ulit ipinadyak ang paa bago napagdesisyunang sundan siya. Lakad takbo ang ginawa ko dahil ang bilis niyang maglakad jusko!

Ilang beses ko siyang tinanong kung saan siya pupunta pero hindi siya sumasagot. Nakakainis, kung hindi lang siya mabilis maglakad ay kanina ko pa siya nabatukan. 

May lahi ata 'tong kangaroo. 

Teka, 'diba tumatalon ang kangaroo? Aish! Ewan, basta mabilis siyang maglakad kaya naiinis ako.  May lahi ata siyang kabayo rather.

Hanggang sa pumasok kami sa isang maliit na store. Base sa mga naka-display ay halata namang bentahan ito ng mga swimwear.

"Ano'ng gagawin mo dito? Nainggit ka sa outfit ko kaya bibili ka rin?" Tinignan lamang ako nito.

"Good afternoon Miss, could you please get her a more descent swimsuit? The more conservative one please?" Ani nito sa sales lady saka ito umupo sa isang sofa na nasa loob ng shop.

"What?! Are you kidding me Rigel? Sino ka sa tingin mo para magdesisyon sa kung ano ang isusuot ko?  Boyfriend ba kita?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Medyo nagulat ata si ateng sales lady sa paglakas ng boses ko.

Dumekwatro si Rigel saka ako matiim na tinignan.

"Yes, hindi ako ang boyfriend mo, sa ngayon, pero ako ang kasama mo kaya responsibilidad kita." Ano raw? Hindi siya ang boyfriend ko sa ngayon? What does he mean by that? "Kanina ka pa pinagpipiyestahan ng tingin ng mga lalaki doon sa beach pero wala ka man lang pakialam." Madiin na sabi niya. 

"Eh ano naman? Normal lang 'yon sa beach Rigel. Ano'ng gusto mo, magsuot ako ng pang-winter na damit?" Pinapainit nanaman ni Rigel ang ulo ko my gosh! Napapatingin na rin sa amin ang ibang customers, siguro ay iniisip nila kung ano'ng ibig sabihin ng alien language na sinasabi namin.

"Look Abby, lalaki ako at babae ka. Ang sabi mo nga ay hindi ako ang boyfriend mo, at hindi ko nga alam kung ano ba tayo ngayon, kung magkaibigan ba tayo o ano. But think about your boyfriend, ano sa tingin mo ang iisipin niya kapag nalaman niyang ganiyan ang suot ng girlfriend niya habang may kasama itong ibang lalaki?"

Nakakainis! Masyado nanamang eksena ang lalaking 'to. But he got a point, hindi ko naisip ang iisipin ni Nich. Dang, ang shunga ko. Bakit hindi ko man lang naisip  ang mararamdaman niya, lalo na't may nakaraan kami ni Rigel. 

Nakakainis, am I letting my guard down? Masyado ba akong nagiging komportable sa presence ni Rigel?

Umayos ka self, mag-eenjoy ka dito, but it doesn't mean ay hahayaan mong maging komportable ka ulit na kasama si Rigel. Just be casual but not too casual.

"Oh heto na po Mr. Conservative." Inirapan ko siya habang pinapakita ang bago kong outfit which is nadagdagan lang ng puting cardigan na hanggang tuhod ang haba. Of course, hindi ko pinapalitan ang swimsuit ko. Pinaghandaan ko ang photoshoot na 'to at ayo'kong masira lang dahil sa pagiging konserbatibo niya.

"Much better." Aniya atsaka ibinigay ang black card sa sales lady. 

Nang makalabas kami ng shop ay nagtaka ako dahil may dala-dala siyang isang paper bag.

"Ano'ng laman niyang paper bag?"

"It's a couple cardigan, so I have one also." Oh I see. Oo nga pala, lahat ng iaavail namin gamit ang black card ay pang-couple. 

"Oh shoot! Malapit na lumubog ang araw!" Dali-dali ko siyang hinila pabalik ng beach. I can't miss the sunset, ito'ng araw lang ang inilaan ko para sa photoshoot ko dahil bukas ay more on recreational activities kami.

Mabuti na lang ay hindi na ako pinahirapan ni Rigel sa paghila sa kaniya kaya nakarating kami agad sa beach.

Kahit hinihingal ay nag-pose agad ako sa tabing dagat at si Rigel na ang nag-adjust sa anggulo. I did a lot of poses, from playful to seductive one. Sunod-sunod ang pag-click na ginagawa ni Rigel kaya bago lumubog ang araw ay nakarami na siya ng shot. 

Huminto siya nang tanggalin ko ang cardigan sa katawan ko. "Sige na please, isang shot lang. Last na. 'to." I pleaded habang magkadikit ang dalawa kong palad.

Akala ko ay hindi siya papayag pero nang kalaunan ay kinuhanan niya pa rin ako ng litrato, hindi lang isa kundi sa tingin ko ay abot mga limang shots ito.

Agad ko namang ibinalik ang cardigan sa aking katawan at tinungo ang puwesto ni Rigel.

"Thank you!" Malambing na sabi ko, muntik ko pa nga siya halikan sa pisngi dahil sa saya, mabuti na lang ay napigilan ko. Naalala ko, not too casual pala dapat.