Chapter 32.5:
Abby's POV:
"Wait babe, let me explain." Malakas kong iwinaksi ang kamay ni Nich nang hawakan niya ang kamay ko.
I am so sad at the same time disappointed. Mula ng gabi ng SaturYEY ay hindi ko siya matawagan, his phone was always unattended. Hanggang sa makarating ako dito sa Maui ay paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero ni isa sa mga tawag ko ay hindi nasagot.
Pero inintindi ko na lang, inisip ko na baka busy lang siya sa trabaho kaya laging nakapatay ang phone niya. Hindi ako masyadong nag-alala dahil may tiwala ako sa kaniya, but just what the hell is this sh*t?
I stopped as I push his hands away, I wiped my waterfall like tears as a face him.
"No, not now Nich. Please Nich, hindi ko kayang kumalma ngayon para pakinggan ang eksplinasyon mo. J-Just give me some time to think, ibulsa mo muna 'yang sasabihin mo please." Nanginginig na sabi ko saka tumingin sa babaeng naka-sunglasses sa likod ni Nich habang naka-crossed arms.
What the? Gabing-gabi pero nakashades? Ayos ka lang girl?
Bago pa ako matawa dahil sa naisip ay dali akong naglakad pabalik sa cab at agad isinarado ang pinto nito nang makasakay ako.
Mula sa rearview sight ko ay pansin kong nagkatinginan si Rigel at ang ang driver ng cab pero mas pinili na lang nilang huwag magsalita, which is good.
Nang umandar ang cab ay rumagasang muli ang aking mga luha, pero hindi na ako nag-abala pang punasan ang mga ito. Nakita ko rin sa rearview mirror ng cab ang mabilis na pagtakbo ni Nich habang hinahabol ang sinasakyan ko at may isinisigaw na sa tingin ko ay ang pangalan ko hanggang sa mawala na ang kaniyang pigura sa aking.
I know that I should have let him explain, because this is the first time that I saw him kissing another girl besides me. But I just can't. Masyado akong na-shock sa nakita ko.
Nang makita ko siyang may kahalikang ibang babae ay gustong-gusto ko silang sabunutan at saka pag-untugin na dalawa, but I chose not to. Hindi dahil sa naduduwag ako, kundi dahil ayaw kong gumawa ng bagay hindi ko gawain.
Hindi ko gustong kontrolin ako ng aking emosyon dahil maaari ko itong pagsisihan sa huli. Besides, hindi ko kayang saktan si Nich.
Siyempre mahal ko eh.
Nag-uumapaw na emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kung kaya't maaaring hindi ko matatanggap ang kahit ano'ng sabihin niyang eksplinasyon sa akin.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Medyo kumalma naman ako pero ando'n pa rin yung sakit.
Mauulit nanaman ba? Maiiwanan ba ulit ako?
Dang, naiisip ko pa lang kung ano ang sasabihin ni Nich ay tinutubuan na ako ng grabeng kaba sa aking dibdib.
Napatingin ako kay Rigel na agad umiwas ng tingin nang mamataan ko siyang tinitignan ako.
Lihim akong natawa, yung lalaking minahal at iniwan ako dati ay siya ring kasama ko ngayong pakiramdam ko ay maiiwanan ulit ako.
Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili kong maging okay ay hindi ko magawa dahil hindi talaga ako okay ngayon.
Pero may isa pang bagay ang bumabagabag sa akin.
Kung nasa trabaho ba talaga si Nich this whole sh*t time. Kung nasa Texas ba talaga siya nang matapos ang isang linggong pananatili ko doon kasama siya. Or is it the other way around?
~
Time check: 3:07 a.m
Ano'ng oras na, pero heto pa rin ako, parang tangang nakatulala sa malawak na karagatan.
Dito ako dumiretso nang makarating kami sa Kalani Property. Pagkahintong-pagkahinto ng cab ay agad akong bumaba at tumakbo papunta dito, hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Rigel dahil sa kagustuhan kong mapag-isa muna.
Ilang oras na ba ako dito sa pwesto ko? Mahigit tatlong oras lang naman, knowing na mamayang alas sais na ang flight namin pabalik ng Pinas.
Siguro ay masayang-masaya ang nga lamok dahil tatlong oras mahigit na silang may free access sa dugo ko. Malas na lang ng mga napapalo ko dahil sayang ang nakuha nilang dugo sa akin.
Maraming beses ko ng napalo at nasampal ang aking sarili dahil sa kagat ng nga lamok. Masakit nga eh kada dadapo ang palad ko sa balat ko, pero mas masakit pa rin yung ginawa sa akin ni Nich.
T*ng*n@, never in my life na naisip kong darating ang panahon na magagawa ito ni Nich sa akin. Ang sakit lang kasi mahal ko siya, ginagawa ko naman ang makakaya ko para mag-work ang relasyon namin. I know, matagal na panahon akong nag-alinlangan sa pagmamahal ko sa kaniya, pero as the time passes by ay natutunan ko naman siyang mahalin ng kusa. As I have said, 90% out of 100% ang pagmamahal ko sa kaniya, pero mas nagsusumikap naman ako para punan ang natitirang sampung porsyentong natitira.
Malaki na ang nainvest ko sa relasyon namin, ngayon pa ba mababankrupt kung kailan malapit na akong maging handa na iinvest ang natitirang sampung porsyento sa kaniya?
"B-Babe..." Hindi ko na kailangang lumingon sa aking likuran para malaman kung sino ito dahil kilalang-kilala ko naman kung kaninong boses ang narinig ko.
Hindi ako nagsalita. Wala akong lakas para umusal ng kahit isang salita. Nanatili lamang ang tingin ko sa karagatan.
Oh nasa'n na yung kahalikan niya kanina?
Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko!
"N-Nich! Ano bang ginagawa mo, tumayo ka nga. Baka masugat ka sa mga bato." Kaya nga nagsusuot ang mga tao dito ng sandal at sapatos para hindi masugat, pero siya niluhuran lang niya!
Pero imbis na tumayo ay nanatili lang siyang nakaluhod habang nakayuko.
Kahit madilim dito sa kinaroroonan namin ay hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
"I'm so sorry babe." Mahinang usal nito. "Please, let me explain. It's all a misunderstanding." Ramdam ko ang lungkot at pagsisisi sa boses niya habang sinasabi ang mga katagang ito.
"Ayo'ko." Matabang na sagot ko. Bumagsak ang balikat nito pero hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Nakaluhod pa rin siya habang nakayuko. Dang, ito na ba yung pakiramdam kapag nakikita mong nasasaktan yung taong mahal mo? Parang may parte sa'yo na nasasaktan rin, 'yon bang pakiramdam na parang mas nasasaktan ka kasi nakikita mo siyang nasasaktan.
But I shouldn't be weak. Nasasaktan siya ngayon pero nasaktan niya rin ako. May karapatan naman siguro akong umakto ng gan'to 'diba?
"Ayo'kong pakinggan ang eksplinasyon mo unless tumayo ka diyan ay umupo dito sa upuan." Yes, nasaktan ako pero hindi ibig sabihin ay magiging sarado na rin ang isip ko, handa pa rin naman akong magpatawad.
Dali-dali itong tumayo at umupo sa tabi ko, but of course, I kept the distance between us.
"M-May sugat ka." May kaunting dugong lumalabas mula sa magkabilaang tuhod niya pero parang wala man lang siya pakialam dito.
"Alam ko, pero hindi naman masakit. Mas masakit yung nakikita kitang nasasaktan dahil sa akin." Sinserong sabi niya. Hindi ko siya nilingon at diretso pa rin ang tingin ko sa karagatan. Aminado naman pala siyang nasaktan niya ako. But I can't just let my guard down, mahal ko Nich, but it doesn't mean na itotolerate ko ang nagawa niya. I'm not stupid. Mahal ko siya pero nasaktan niya ako, deserve ko naman sigurong makatanggap ng katanggap-tanggap at makatarungang eksplinasyon mula sa kaniya 'diba?
"Let me hear your explanation then."