Chapter 33:
Abby's POV:
"What you just saw was a mistake babe. Siya ang unang humalik sa akin, I didn't respond. Nagulat na lang ako kasi bigla niyang pinaharap ang mukha ko sa kaniya at hinalikan ako bigla." He explained.
I bitterly smiled.
"Siguro ay mas mabuti kung ipapakilala mo muna siya sa akin bago tayo dumako sa usaping iyan, para naman alam ko kung ano ang meron sa inyong dalawa."
"S-She's my ex-girlfriend. And there is nothing between us now." Hindi ako sumagot, hudyat na gusto kong magpatuloy siya sa sa pagsasalita. "She's Anie, my ex from five years ago. Do you remember her? Naghiwalay kami after a year of being in a relationship. Wala na kaming kontak sa isa't-isa simula nang maghiwalay kami until this year."
Oo, naaalala ko siya. Aware ako sa existence niya sa buhay ni Nich, pero minsan lang namin siya napag-usapan kaya wala akong alam sa kaniya bukod sa pagiging ex ni Nich.
Dang, bigla ata akong kinabahan sa susunod na sasabihin niya.
"Yung relasyon namin dati sa totoo lang ay patago. Sikat siyang personalidad kaya hindi maiiwasan ang issue kapag nalaman ng publiko na may iba siyang kasintahan bukod sa showbiz boyfriend niya."
I gasped. So it means...
"Minahal ko siya ng sobra, gano'n talaga siguro kapag first girlfriend. Mahal na mahal ko siya to the point na pumayag akong maging ibang lalaki siya. Pero dumating yung time na narealized ko ang worth ko. I realized that even us boys, deserve better. Na hindi namin kailangang mag-stay sa piling ng taong hindi naaappreciate ang efforts namin. Napagtanto kong hindi ko deserve na maging isang ibang lalaki lang. So I broke up with her at itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagpapaunlad ng career ko, then I met you."
Tila tinuyuan ako ng laway dahil sa sinabi ni Nich. "Minahal ko siya ng sobra." Medyo masakit lang pakinggan. Kahit naman sabihin nating past is past ay hindi pa rin mawawala yung fact na may mas nauna siyang minahal ng sobra maliban sa'yo.
"That time at parehas tayong broken, 'yon nga lang ay mas broken ka habang ako naman ay nasa healing stage na. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na una kitang nakilala." Natawa ito. Kahit ako din ay medyo natatawa kapag naiisip ko ang naging una naming pagkikita. "Kakabalik mo na lang no'n ng Manila galing Pangasinan, at kakabalik ko lang rin ng Pilipinas galing Texas, ilang buwan matapos kaming magbreak ni Anie. Nag-order ka ng float sa Mcdo, pero hindi mo mahanap ang wallet mo sa bag mo that time kaya aburido ka dahil wala kang maibayad sa counter. Sakto ay nasa likuran mo, kaya kahit hindi tayo magkakilala ay nag-volunteer ako na ako na lang magbayad sa float mo tutal 'yon lang naman ang order mo. Sinungitan mo pa nga ako at sinabing "I'm not broke, I'm just a broken hearted girl." But at the end ay ako pa rin ang nagbayad sa float mo dahil narealized mo na naiwan mo pala sa bahay niyo ang wallet mo. At doon nagsimula ang lahat."
"Akala ko ba ay ieexplain mo ang nakita ko? Bakit ibang bagay naman ang sinasabi mo?" Ang sarap balikan ng unang pagkikita namin at the same time at masakit dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Nasasaktan ako dahil sa posibleng kalalabasan ng nga sinasabi niya.
Pero dinedma niya ang sinabi ko at ipinagpatuloy ang sinasabi.
"Sa lahat ata ng babaeng nakilala ko ay ikaw na ang pinakamahirap paamuhin. Gano'n talaga siguro kasi broken ka that time kaya medyo ilag ka sa mga lalaking nag-aapproach sa'yo. At sa lahat din ata ng babaeng nakilala ko ay ikaw ang pinakamabuti. Gaya nga ng sinasabi ko ay ikaw ang pinakamagandang babae sa aking paningin, hindi ka lang maganda sa panlabas na anyo, kundi pati sa kaloob-looban ay wala akong masabi. Pinaghirapan kitang makamit babe, kaya hindi ako papayag na dahil lang sa pagkakamaling nagawa ko ay mawawala ka sa akin. Gagawin ko ang lahat, mapatawad at huwag ka lang mawala sa akin."
"Ang dami mong sinasabi Nich pero hindi ka naman nag-eexplain. I think I should go back to the hotel." Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin ng may nakikiusap na mga mata.
"Babe please, hear me out this time. Sasabihin ko na ang totoo, hindi kaya ng konsensiya ko na magsinungaling sa'yo." Bigla akong napatingin ulit sa kaniya.
"W-What do you mean?"
"Noong araw na umuwi ka ng Pinas, 'yon din ang araw na nagpakita ulit si Anie sa akin." Nasa baba lang ang tingin niya, habang ako ay nakatayo pa rin.
"And?"
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Pero hindi lang siya ang nagpakita sa akin. May kasama siya, isang batang lalaki."
Biglang kumalabog ulit ang dibdib ko, this time ay sobrang lakas to the point na pakiramdam ko anytime ay lalabas ang puso ko. Exaggerated man, pero 'yon ang totoo.
"D-Don't tell me Nich..." Oh please, please Nich don't tell me. Huwag mong sasabihin ang naiisip ko, please.
"A-Anak namin ang kasama niya."
My world fell apart.
Pabagsak akong naupo sa upuan.
Pakiramdam ko ay naging blangko ang pag-iisip ko sa mga sandaling ito.
Nag-iinit ang gilid ng aking mga mata pero wala pang pumapatak na likido mula dito. Huminga ako ng malalim para pagilan ang pagtulo ng mga ito.
"I-Is it real? Baka pinagtitripan mo nanaman ako Nich, hindi 'yan magandang biro." My voice cracked, umaasang nagbibiro lang talaga siya.
Pero umiling siya.
Dang.
"Pina-DNA test ko ang bata, and it's positive. Anak ko nga talaga siya."
Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay bigla ulit bumagsak sa aking pisngi.
Napahagulgol ako. Nich tried to hug me but I refused. Itinaas at iniharang ko ang kamay ko sa pagitan namin, sign na panatilihin ang distansya namin sa isa't - isa.
Yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay doble, I mean triple sa sakit na naramdaman ko kanina nang makita ko siyang may kahalikang iba.
Inilagay ko ang aking mga palad sa aking mukha at doon ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko akalaing masasaktan ako ng ganito ng dahil kay Nich.
Pwede bang magmura? Kasi t*ng*n@ talaga, ang malas ko naman sa pag-ibig!
Mabait naman akong tao sabi ng iba, pero bakit ganito?
Sandaling kasiyahan lang naman yung naranasan ko, pero bakit ganito kasakit ang kapalit?
Ilang ulit kong narinig ang pagsosorry ni Nich sa akin habang umiiyak ako pero hindi niya ako hinawakan gaya ng sinabi ko sa kaniya.
Ilang minuto rin akong nasa gano'ng posisyon hanggang sa tumigil na rin ako sa pag-iyak.
Ang sakit kasi sa lalamunan at mata ang pag-iyak. Idagdag pa ang sipon na tumutulo mula sa ilong ko, kaya wala akong choice kundi gawing pamunas ang damit ko. Kadiri!
Natigil na ang pag-iyak ko pero sinisinok pa rin ako. Kung alam ko lang na masasaktan at iiyak ako ng bongga ngayon ay nagdala sana ako ng tubig at tissue. Napaka-wrong timing naman kasi eh.
Kaya kahit sinisinok ay hinarap ko pa rin si Nich. Pero siyempre bago 'yon ay sinigurado kong walang luha at sipon na nakakalat sa mukha ko. Nasaktan ako, pero hindi 'yon magiging dahilan para pumangit ako.
Dapat pretty pa rin kahit broken. Smile lang kahit nasasaktan.
"Bakit daw ngayon lang siya nagpakita?" Tanong ko, referring to Anie. Bakit hindi noong panahong hindi pa kami ni Nich?