Chapter 27:
Abby's POV:
Mag-aalas tres na nang makarating ako sa bahay. Isang milagro kung maituturing na nakauwi akong buo at ligtas dahil medyo nahihilo at inaantok ako habang nagdadrive. Inalok pa nila akong ihatid pauwi pero tumanggi ako dahil kaya ko pa naman ang sarili, ayaw ko ng maka-abala pa sa kanila.
Gustuhin ko mang umidlip muna kahit kaunti ay hindi ko na ginawa sa pag-aalalang baka malate nanaman ako ng gising at mahuli sa flight, ayaw ko namang iyong mangyari sa Hawaii special trip ko.
Isang may kalakihang maleta rin ang naimpake kong gamit dahil nagpaplano akong mag-photoshoot doon para naman kahit papaano ay may maipost akong kakaiba sa social media accounts ko at hindi puro corporate attire na lang lagi ang suot ko.
Isa pang dahilan kung bakit dinamihan ko ang dala ko dahil ayaw ko ng masyadong gumastos doon para sa susuotin ko. Natuto na ako magtipid at gamitin sa wais na paraan ang sarili kong pera nang magsimula akong magtrabaho sa kumpanya dahil nagpapagawa ako ng bahay, at magastos iyon.
Nang sumapit ang alas kwatro ay tapos na ako sa pag-iimpake. Papasok na sana ako ng banyo upang maligo nang mag-ring ang phone ko.
"Yes ma?" Napairap ako ng wala sa oras habang humihikab.
"Good morning dear? Nakapag-empake ka na ba para sa iyong three-day special trip?" Sa tono ng pananalita ni mama ay parang mas excited pa siya kaysa sa akin.
"Well, yes. But this is all your fault ma. Magbibigay ka na lang po ng special trip ay yung agad-agaran, pagkatapos na pagkatapos ng SaturYEY, hindi mo man lang ako pinatulog. At pati yung makakasama ko sa trip ay pasuspense pa."
"Sige, bawiin ko na lang anak yung trip--"
"Shhh, joke lang po ma. Ito naman hindi na mabiro. Syempre, go na go ako mapa-saan at kailan pa 'yan. Kaya nga thankful ako kasi inisponsoran mo ang trip na 'to. Teka nga po ma, bakit ka pala napatawag?"
"I called you because I just want to make sure na pupunta ka. And also, I want you to not think about work when you get there. Remember, this is a special trip for you my daughter. Ako munang mag-isa ang bahala sa kumpanya habang wala ka. Ayaw ko namang maistress ka masyado at baka ayawan ka ng future husband mo."
"Ma naman eh!" Ayan nanaman siya sa future husband na 'yan. Hindi naman halatang inaapura ako ni mama mag-asawa noh, eh nasa mid-twenties pa lang ako.
"Kaya dapat ay lagi kang fresh dear."
"Ewan ko po sa'yo ma. Anyways, maliligo na po ako baka mahuli pa ako sa flight."
"Sige anak, mag-enjoy ka do'n ha? I love you!"
"Yes ma, of course. I love you too, take care!"
Mga trenta minuto rin akong nakababad sa bath tub bago umahon. Nakaidlip pa nga ako ng ilang minuto, mabuti na lang ay nag-set ako ng alarm to make sure na magigising ako agad.
Limang minuto bago ako sumakay ng eroplano ay tinawagan ako nila Joyce at Jackie para daw ipaalala ang kanilang mga pasalubong. Ang bilis nga naman ng balita oh. Pero kahit hindi naman sila tumawag ay bibili talaga ako ng pasalubong para sa kanila.
Pagkalipad na pagkalipad ng eroplano ay agad akong nakatulog. Mabuti na lang at mahaba ang oras ng biyahe mula Pinas hanggang Hawaii kaya mahaba rin ang oras ng magiging pagtulog ko sa biyahe.
"Ladies and gentlemen, welcome to Kahului Airport. Local time is 5:20 pm and the temperature is 28 degree celsius. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about."
Nagising ako nang marinig ang boses ng flight attendant. Dahil nasa tabi lang ng bintana ang upuan ko ay malaya kong nakikita ang papalubog na araw. Pasimple akong nag-stretch ng katawan bunsod ng mahabang oras na pagkakatulog.
"On behalf of Hawaii Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening."
Nang makarating ako sa arrival area ay agad kong nabasa ang pangalan ko sa isang malaking card board na dala ng isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Matangkad ito kung kaya naman ay kitang-kita ko na ito kahit nasa malayo pa lang.
"Aloha 'auinalā Miss Abby, and welcome to Hawaii! I'm Cris, and I'll be your guide for today or should I say tonight." Masayang bati ng lalaki nang makalapit ako sa kaniya.
"Hello Cris, it's nice meeting you. And cut the formality, just Abby will do." Masiglang pagbati ko pabalik. Syempre, 11 hours ba naman akong nakatulog, malamang ay may energy talaga ako ngayon.
Hindi na ako nagtataka kung paano niya ako nakilala, siguro ay pinakita na ni mama ang picture ko sa kaniya.
At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang isang maliit na litrato na may mukha ko na nakadikit sa mismong likuran ng card board.
Isunuot muna sa akin ni Cris ang isang Lei bago niya ako tulungan sa pagbitbit ng aking maleta.
"Thank you." Sabi ko habang bitbit niya ang gamit ko. Ngumiti naman siya bilang sagot.
Nang mailagay na niya sa compartment ng dala niyang sasakyan ang maleta ko ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto.
"Abby, baka nagugutom ka? Gusto mo bang kumain muna dito bago dumiretso sa hotel, o doon ka na lang kakain?" Tanong nito nang makasakay siya sa driver's seat. Hindi na ako magtatakang pinoy siya dahil halata naman sa tindig niya.
Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili bago siya ngitian.
"Siguro ay doon na lang ako kakain para hindi na tayo masyadong magabihan sa daan." Halos dalawang oras kasi ang biyahe mula dito sa airport hanggang Wainapanapa State Park.
Actually, madadaanan mo lamang ang Wainapanapa State Park if you'll do a Hana Drive on Maui. Kumbaga sikat ito bilang isang stop over sa mga nagtatravel, that's bacause this is the location of Maui's famous black sand beach. Well, there are few black sand beach here in Hawaii, but Honokalani Beach is the most famous among them.
"Sige, kung gano'n ay didiretso na tayo." Binuhay na niya ang makinana at agad ring pinaandar ang sasakyan.
Habang nasa biyahe ay nagkukwentuhan kami ni Cris. Mabuti na lang ay friendly siya at magaling magdala ng usapan kaya hindi napanis ang laway ko habang nasa biyahe.
Limang taon na pala siyang nagtatrabaho dito sa Maui at siya din pala ang kasalukuyang General Manager ng hotel na siyang tutuluyan ko during my stay here.
Kaya pala siya ang sumundo sa akin ay dahil magkakilala pala sila ni mama. Kaibigan pala ni mama ang may ari ng hotel and restaurant. Minsan daw bumisita si mama sa Hotel nila at saktong siya rin ang naatasan para sumundo kay mama sa airport. Bago pa lang daw siya sa trabaho that time kaya laking pasasalamat niya kay mama nang icompliment siya nito sa harapan ng kaniyang amo.
"Madam Dizon is indeed a good person, sa sandaling pag-stay niya sa hotel ay naging malapit agad ang loob naming mga crew sa kaniya. Hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na kung makaasta ay parang kung sino. Alam mo bang namigay siya ng sangkaterbang tsokolate sa lahat ng crew noong bumisita siya dito. At ang sabi niya ay balang araw papupuntahin niya dito ang anak niya para maranasan nito ang naranasan niyang magandang serbisyo mula sa mga crew."
Pakiramdam ko ay natutunaw ang puso ko dahil sa sinabi ni Cris tungkol kay mama. Well, alam ko namang may ginintuang puso ang nanay ko, kahit minsan ay medyo tinitopak, pero iba pa rin ang impact kapag pinupuri ng iba ang mama mo sa harapan mo mismo. Nakaka-proud at the same time nakakataba ng puso.