Chapter 27.5
Abby's POV:
Nang makarating kami sa Hotel Kalani ay magiliw kaming sinalubong ng mga crew in their Hawaiian outfits.
Iginiya ako ng isang crew na nagngangalang Amanda papuntang dining area ng hotel para sa dinner at pinahatid naman ni Cris sa bellboy ng hotel ang luggage ko. I wonder kung nasaan na ang magiging kasama kong mag-iistay dito.
Ayon sa nakalap kong sources, ang Kalani Hotel and Restaurant ay ang nangunguna sa ranking ng mga resort sa Hawaii sa latest na people's choice award survey. It isn't beachfront, but that's actually a positive at Hawaii's only luxury adults only resort, which is spread over 20 acres with 180-degree views of neighboring Lanai and Kaho'olawe.
At ngayon ko lang din nalaman na may bagong patayo pala dito na resort na siyang kadugtong nito ng restaurant. Dinadayo ito ng mga turista lalo na sa mga panahong malakas at malalaki ang alon sa dagat. Kaya hindi na lang basta isang stop over place itong lugar dahil hindi lang ang Black Sand beach ang dinadayo dito kundi pati na rin ang resort na may tema mala-Honokalani Black Sand Beach. Para ka na ring nakapuntang Honokalani beach kapag nagpunta ka sa resort. But for sure ay iba pa rin ang ganda ng totoong Honokalani Beach.
Mula dito sa dinning area ay tanaw ko sa malayo ang makukulay na mga ilaw na nakasabit sa bawat halaman at puno malapit sa tabing dagat. Ang sabi rin ni Amanda ay delikado ang paglangoy dito dahil walang outer reef na poprotekta sa beach mula sa open waters. Enjoy just wading in the water, unless you are with others or an experienced swimmer. May mga warning signs din daw tungkol sa malalakas na alon, pati na rin ng jellyfish, at ng man-of-war na hindi mo gugustuhing makasalamuha habang nasa dagat ka. May mga life preserver din daw sa mga bangin na nakapaligid sa dagat na magagamit mo kung sakaling mangangailangan ka.
Summertime will give you the calmest waters where it is most suitable for swimming or even kayaking. At sakto daw ang dating ko dahil ngayon daw ang panahon kung kailan kalmado ang tubig sa dagat kaya mag-eenjoy daw ako sa aking tatlong araw na bakasyon.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ay nilapitan ako ni Mrs. Clifford na siyang may-ari nitong Kalani Property; the hotel, restaurant, as well as the resort.
Gaya ng mga crew dito ay winelcome ako ni Mrs. Clifford, 'yon nga lang ay may kasamang yakap at beso. Oh 'diba, ito ang unang beses na nagkita kami pero may pa beso na kaming nalalaman.
Hindi lang siya friendly looking, kundi literal na friendly siya, halata naman sa kaniyang kilos at pananalita. Siguro nga ay siya ang role model lahat ng empleyado dito. No wonder ay kaibigan siya ni mama, parehas silang may pagka-bagets ang datingan.
Hindi rin nagtagal sa pakikipag-kwentuhan sa akin si Mrs. Clifford dahil may aasikasuhin pa daw siyang ibang mga guest.
Habang ninanamnam ko ang aking Macadamia Nut Crusted Colorado Lamb ay hindi ko maiwasang maging excited para sa gagawin ko bukas. Mukhang magiging masaya ang pagbabakasyon ko dito.
"May I have this sit?"
"Yes sure--"
Tila ba ay huminto ang oras nang marinig ko ang isang boses na ilang araw ko ring hindi narinig.
Accent pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito.
Binabawi ko na ang sinabi ko. Mukhang hindi na pala magiging masaya ang magiging stay ko dito.
"What the hell are you doing here?!" Gulat na sabi ko matapos tuluyang malunok ang pagkain na nasa bunganga ko. Okay na ang late reaction, ang mahalaga ay walang tumalsik na pagkain mula sa bunganga ko, nakakahiya naman sa ibang guests dito kung nagkataon.
Ininom ko ang juice na nasa lamesa dahil nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib, dahil ata sa pagkakalunok ko ng pagkain.
"Uhh, kasi wala ako doon kaya ako nandito?" Great! Ang galing mamilosopo ng amerikanong nagtatagalog.
"Seriously?"
"Come on Abby, nagjojoke lang ako. Chill ka lang okay?" Ani nito at saka umupo sa upuan na nasa tapat ko.
"And who told you to seat? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko ng maayos."
"Wala, gusto ko lang. Bakit, may kasulatan bang hindi ako pwedeng umupo dito sa upuan? 'Diba wala naman, gaya ng pagkain mo ngayon, wala namang nagsasabi na hindi ka pwedeng kumain so am I."
"Of course, dito ako nag-iistay kaya kakain ako ng gusto ko." My gosh! He's really getting into my nerves.
"So am I."
"So am I mo mukha mo!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil agad na akong tumayo at naglakad palayo kay Rigel. Don't tell me ay kasama niya si Steph at nandito rin sila para mag-date. What an ungrateful coincidence it is.
"Hey wait for me aking girlfriend!"
Napahinto ako nang isigaw niya ito.
Napatingin ako sa paligid at lahat ng mata ay sa amin ang tingin, pero agad din naman silang bumalik sa kaniya-kaniya nilang business.
Mula sa malayo ay inirapan ko si Rigel at saka ulit naglakad palayo. Masyado nanamang eksena itong taong 'to.
Eksena... Yeah right, ilang taon ko rin atang hindi nabanggit ang salitang 'yan na ang tinutukoy ay si Rigel. Nababanggit ko rin naman minsan ang salitang eksena sa ibang pagkakataon, but saying it in related to him feels different.
"Hey Abby wait!"
Iwinaksi ko ang kamay ni Rigel nang hawakan niya ang isang balikat ko. Ang bilis naman niyang makahabol.
"Pwede ba Rigel, nandito ako ngayon para magbakasyon. Hindi ko alam kung anong business ang mayroon ka dito, so if you don't mind, will you please stop pestering me?"
"How could I stop if you're the reason why I am here?"
"What?" Oh God, please... Don't tell me...
"Yes, Abby. Believe it or not, I am that 12th guy in the party." At saka nito ipinakita ang isang keychain na katulad ng ibinigay sa akin ni Cris, yun nga lang ay magkaiba kami ng numero.
"No, this isn't happening. Hindi pwede... Paanong--"
"Just accept it Abby, tutal ikaw naman ang pumili sa akin." Ngumisi ito.
"I can't believe it!" Mariin kong sabi at saka dumiretso sa aking suite. It's a good thing dahil dalawang kwarto ang kinuha para sa aming dalawa.
Pabagsak kong isinara ang ang pinto. Idadial ko na sana ang numero ni mama nang maalala kong hindi pala nakaactivate ang roaming ng sim ko. Kaya naki-connect na lang ako sa wifi ng hotel.
"Hello dear! Kamusta ang Hawaii so far?" Sagot ni mama mula sa kabilang linya, sa viber ko siya tinawagan.
"Why didn't you tell me na nasa party si Rigel kagabi?"
"I told you about it anak, when I visited your office the other day. Sinabi ko na I'll be sending an invitation to him and you said yes. So what's the matter now?" Dang, sa sobrang busy ko siguro sa paperworks ay hindi ko na naintindihan ang lahat ng sinabi ni mama sa akin noong nakaraang araw at puro na lang oo ang sinagot ko sa kaniya.
"He's here ma. Rigel is the 12th guy in the game." Mariin kong sabi.
"I know dear. So what? Ikaw ang pumili sa kaniya. Out of 12 guys, you chose him. You are the reason why he is there--"
"I know ma, I know. Pero ma, hindi ko naman alam na siya ang mapipili ko. Naka-blindfold po ako 'diba, so it's not my fault." Hindi ko na maiwasang magtaray, nakakainis naman kasi.
"Neither am I, wala akong kinalaman sa kung sino ang napili mo. So pa'no ba 'yan anak, may gagawin pa ako. Ingat kayo diyan, I love you!"
"Hello ma? Hello? Hello?" Dang binabaan ako ng tawag.
Ginulo ko ang buhok ko out of frustration. Ilang beses akong nagpaikot-ikot ng lakad sa kwarto bago naisipang bitbitin ang bagahe ko na hindi pa nabubuksan.
Yes, that's it. Uuwi na ako pabalik ng Pinas.
Sources: Honokalani Beach
Dito ko po kinuha at kukuhanin ang mga infos na mababasa niyo dito sa chapter na 'to at sa mga susunod pang chapter about Honokalani beach in Maui.
Credits to the rightful owner of the articles.
You can read the full articles on these links below.
https://www.hawaiidiscount.com/beaches/maui/honokalani-beach.htm
https://www.google.com/amp/s/www.cntraveler.com/galleries/2015-02-24/top-10-most-beautiful-island-beaches-hawaii-australia/amp
https://www.mauifantastictours.com/black-sand-beach-and-lava-tubes/
https://www.flashpackingamerica.com/hawaii-travel/waianapanapa-black-sand-beach-lava-tube-maui/