Chereads / Online It Is / Chapter 56 - Chapter 28.0

Chapter 56 - Chapter 28.0

Chapter 28:

Abby's POV:

"And where do you think you're going?" 

Nandito pa pala itong maeksenang lalaking 'to.

"It's none of your business." Nilampasan ko siya at naglakad papuntang tapat ng elevator.

Pero ang loko, sumunod pa rin!

Tumabi ito sa akin at saka sumipol habang nakapamulsa sa suot niyang floral khaki shorts. Pinasadahan din niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, at sa bagaheng hawak ko sa aking kaliwang kamay.

"I guess that you talked to your mom awhile ago."

Paanong?

"Don't get me wrong Abby. I didn't hear your conversation, but I also guess that I am right just base on your reaction right now." He smirked.

"Eh pake mo ba." Inirapan ko siya. My gosh! Hindi ko talaga maiwasang umirap kapag kasama ko ang lalaking 'to. Yung feeling na automatic na napapairap yung mata ko nang hindi ko namamalayan.

"Well, it seems that you are still into me."

"Pardon?" Ang kapal naman ng libag niya sa mukha para sabihin 'yon sa akin.

"Yes, you still do Abby. I'm not here if it was not because of you. Sa labing dalawang lalaki sa party, each of us had 8.3333333333333 percent of chance to be chosen by you. Yet, you still chose me by chance. Maybe the saying 'If it's meant to be, it will be' is indeed true--"

"Shut up."

"Why? Hindi mo tanggap na si tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkatagpo tayo?" He smirked. Letse, bakit ba ang tagal bumukas nitong elevator?

"It was a mistake. Dapat ay hindi na ako sumama sa larong 'yon kung alam ko lang na ganito ang mangyayari."

"Come on Abby, kapag si tadhana na ang kumilos, you have no choice but to just go with the flow. Remember, it's hard to resist the wave."

*Ting*

Ayun, bumukas na rin ang elevator sa wakas. Papasok na sana ako nang magsalitang muli si Rigel.

"Once you enter the elevator with that luggage of yours, you are confirming that what I have said is true." 

Saglit akong napahinto. 

"Tinatakot mo ba ako?"

"Mukha bang tinatakot kita? Remember, you came here to have fun and relax regardless of who you are with during your stay here. But of course, your decision is still what matters the most Miss Abeyea Elle Dizon." He then left me while his hands are still on his pocket.

Alam mo Rigel, eksena ka talaga.

~

Good morning Sunshine! 

I gasped when I opened the sliding doors and the ocean breeze hit me. 

Hmm, amoy dagat. Sandali muna akong nag-stretching sa terasa bago maisipang kuhanan ng litrato ang magandang view. Agad rin akong pumasok sa loob ng suite para ayusin ang mga gamit na naiwan kong nakatiwangwang sa sofa.

Ngayon ko lamang napagmasdan ng mabuti ang kabuoan ng suite. The room's decor was sleek and refined. Oak floors, coral fossil stone, and Hawaiian Ohia wood cabinetry were neutral—a color scheme that ensured a sense of ease.

Nang matapos kong iayos ang mga gamit ko ay napag-pasyahan ko ng maghanda para sa magiging araw ko ngayon.

Yes, hindi ako umuwi ng Pinas. What Rigel had said just made me realized that he's not the reason why I am here. Mag-eenjoy ako dito, maging sino man ang kasama ko. 

Hindi naman sa nagpapa-apekto ako sa sinabi niyang apektado pa rin ako sa kaniya, it's just that... Ahh basta, ieenjoy ko na lang ang stay ko dito.

Napagdesisyunan kong mag-jog muna bago kumain nang sa gayon ay makapag-tour ako sa property. The vibe of the property is casual, intimate, and seamless. Absolutely no technical difficulties.

Habang naglilibot ay paminsan-minsan akong nakakakita ng mga couple na naglalampungan sa tabi. Ang mga suot naman ng mga babae ay revealing din, may contest ata sa panipisan at paiksihan ng kasuotan dito.

Oh shut up Abby, 'wag kang shunga. Malamang, for adults only ang lugar na 'to at sobrang lapit lang sa beach, of course, normal lang ang ganiyang mga klase ng kasuotan.

Napaghahalataang madalang ka na lang makapunta sa mga gan'tong klase ng lugar dahil sa trabaho.

Nang matapos akong mag-jog at makapag-pahinga ay naligo muna ako bago magpalit sa aking main outfit for today. 

I decided to wear a sexy black backless halter top and a white high-waisted floral skirt with side slit for this morning, revealing but not too revealing outfit. Hindi ko na inabalang i-dryer ang basa kong buhok at hinayaan na lang itong nakalugay. 

"Aloha kakahiaka Miss Abby!" Ito ang naririnig ko sa kada crew na madadaanan ko on my way to dinning area. Binabati ko rin sila pabalik na may kasamang malapad na ngiti.

"Aloha Abby!" Bati ni Cris nang makadaupang palad ko siya sa lobby ng hotel.

"Oh ikaw pala Cris, aloha!"

"Ang ganda natin ngayon ah." Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. At dahil gandang-ganda naman ako sa sarili ko ngayon ay dahan-dahan akong umikot at nag-ala contestant sa pageant, iwinagayway ko ang aking kamay at may kasama pang flying kiss. Yuck. Ewan ko ba, kahit kakakilala ko pa lang kay Cris ay komportable na akong pakisalamuhan siya. Maybe it's because of his vibes and friendly aura that makes you not to feel uncomfortable when you talk to him. Siguro din ay dahil pinoy rin siya gaya ko.

"Hindi naman masyado, pero salamat." At tumawa kaming pareho. "Mukhang maraming guest ngayon ah." Marami na kasi akong nakikitang tao ngayon sa paligid kumpara kanina.

"Oo nga eh, kaya medyo magiging busy ako ngayong araw. Siya nga pala, nasaan na si boss Rigel? Hindi ba kayo sabay kakain?" Palinga-linga pa ito sa aking likuran at sa paligid. At wow, grabe, boss Rigel talaga ang tawag niya. 

"I don't know, pero baka nandiyan lang siya sa paligid at naglilibot-libot." As if I care kung nasaan siya. Mabuti nga 'yon at hindi ko pa siya nakakadaupang palad sa umagang ito, at sana ay hindi ko na talaga siya makita sa buong araw.

Napakamot ng ulo si Cris. "So pa'no ba 'yan? Sa'yo ko na muna ibibigay itong card." May inabot ito sa aking parang atm card na kulay itim.

"Para sa'n 'to?"

"Exclusive Kalani Card ang tawag diyan. You'll be using that during your entire stay  here. Kasama 'yan sa binayaran ni Madam sa trip niyo dito. By using that, you'll be able to access all the amenities here without paying a single penny. In short, libre lahat. You can also shop with that, as long as you're inside the Kalani Properties."

"Oh I see." Hindi na nakakapagtaka para sa isang luxury hotel na katulad nito. "Pero teka, bakit iisa lang? 'Diba hindi mo pa nabibigyan si Rigel nito?"

"Oh about that, isa lang talaga 'yan. That is an exclusive card for couple. Bale lahat ng ng i-aavail o i-aaccess mong amenities ay good for two."

"What? Hindi ba pwedeng tig-isa na lang kami?" Hindi naman siguro sila naghihirap sa cards noh.

"Nope, isa lang talaga dahil for couples 'yan. Sige, maya na lang Abby at may ieentertain pa akong ibang guests. Kung may kailangan ka ay 'wag mag-atubiling iapproach ang crews. A hui hou Abby!" Kumaway ito at madaling naglakad papalayo. Ako naman itong naiwang nakatayo habang nakatitig sa kumikintab na card na hawak ko.