Chereads / Online It Is / Chapter 52 - Chapter 26.0

Chapter 52 - Chapter 26.0

Chapter 26:

Abby's POV:

"H-Ha? Ako?" Turo ko sa sarili at saka umayos ng upo.

"Yes Miss Dizon, ikaw nga po at wala ng iba." Sagot ng emcee mula sa stage.

Tatanggi sana ako pero nang makita ko ang saya sa mukha ng mga empleyado ay umoo na lang ako.

Pilit akong ngumiti bago tumayo at pumuntang stage. Nagpalakpakan ang nga tao nang makarating ako dito.

Iniharang ko ang aking kamay sa may bandang uluhan ko dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa spotlight 

"So ma'am, are you ready?" Masiglang tanong ng emcee at nag-aalangan naman akong tumango.

Hindi ko alam na may ganitong pakulo pala ang organizers ngayon, hindi ako handa sa kung ano man ito.

Dang, nararamdaman ko na ang epekto ng ininom kong alak kanina. Medyo marami-rami na rin kasi ang nainom ko, pero nasa katinuan pa naman ako at kaya ko pang kontrolin ang sarili kong hindi matumba. 

"W-Wait, hey!" Nagulat ako nang bigla na lang may naglagay ng piring sa aking mga mata. Matapos itali ang piring ay may humawak sa aking magkabilaang balikat, siguro ay upang alalayan ako.

Dahil wala akong nakikita ay mas naging alerto ang ibang senses ko, lalo na ang pandama at pandinig.

"The mechanics of the game Miss dizon is just simple. Mayroong labing dalawang kalalakihan ang nasa ibaba ng stage, at isa-isa silang nakaupo sa silyang nakapabilog habang nakatali ang mga kamay sa kanilang likuran. Ang gagawin mo lamang po Miss Dizon ay hanapin ang lahat ng card na nakatago sa bahagi ng katawan ng mga kalalakihan in 10 minutes habang nakasuot ng blind fold. Don't worry Miss Dizon dahil hindi kami naglagay sa loob ng underwear nila." Napahagikgik ang emcee pati na ang mga tao sa paligid, napairap ako sa likod ng blind fold.  "Pagkatapos mong makolekta ang lahat ng card ay may magga-guide sa'yo pabalik ng stage at bubunot ka ulit sa isang fish bowl ng isang piraso ng papel to claim your price."

Tsk, ang dali naman. 

"Okay, hindi naman pala gano'n kahirap eh." Bulong ko sa emcee habang nakangisi. Kaya kong tapusin ang laro in just 5 minutes.

"But---" Napatigil ako nang magsalita ulit ang emcee. "Mayroong twist ang game Miss Dizon, at ang twist na 'yon ay ikaw ang bahala kung sino ang una mong kakapkapan. At kung sino man ang huling makapkapan ay kailangan mo siyang bigyan ng isang halik sa kaniyang pisngi at hahalik rin siya pabalik sa iyong kamay kapag nahanap mo na ang card bago ka bumalik sa stage dala ang cards." Rinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid. Dang, napasubo ata ako.

"W-What?!" Gulat na tanong ko nang pabulong.

"Don't worry Miss Dizon, dahil puro empleyado ng kumpanya niyo ang mga lalaki. Kilala niyo naman po silang lahat." Bulong ng emcee. 

*Sigh*

I felt relieved. Alam kong mga mababait ang mga lalaki sa kumpanya namin kaya walang magiging problema. 

Jusko, sana hindi magalit si Nich kapag nalaman niya 'to. Pagkatapos na pagkatapos ng laro ay sasabihin ka na agad sa kaniya ang nangyari para hindi siya magselos. Pero alam ko namang maiintindihan niya kaya hindi ako kinakabahan. Laro lang ito, no more, no less.

Nang maigiya ako ng kung sino man pababa ng stage ay limang beses muna niya akong pinaikot. Mabagal lang ang pagkakaikot pero nakaramdam pa rin ako ng kaunting hilo, dala na siguro 'to ng alak.

"Ready ka na po ba ma'am?" Tanong ng isang babae na sa palagay ko ay ang nag-guide sa akin.

"Yes."

"Well then, good luck po!" Masayang sabi niya bago ako bitawan. Rinig ko ang papalayong paghagikgik niya senyales na mag-uumpisa na ang laro.

"The game begins in 3..." Nag-umpisa ng magbilang ang emcee at inihahanda ko na rin ang sarili ko.

"2..." Huminga ako ng malalim.

"1... GO!"

Nang marinig ko ang signal ay agad akong naglakad sa aking kaliwa, at nang may maramdamang tao sa aking harapan ay agad ko itong kinapkapan.

Dang, this is so awkward.

Bawal ko din palang kausapin ang kinakapkapan ko sabi ng emcee, kaya hindi ko siya pwedeng tanungin kung nasaan ang card. At kung siguro mang pwede kaming mag-usap ay siguradong hindi din lang nila ako sasagutin.

Noong una ay medyo nahirapan akong hanapin ang card dahil naiilang ako, pero habang paparating ako sa dulo ay bumibilis na rin ang kilos ko.

Nahanap ko ang unang card sa bulsa ng polo ng kinapkapan ko, at ang pangalawa naman ay nasa loob ng sapatos, hanggang sa makarating ako sa dulo. 

Ito na, last na. Dahil nadalian ako ng paghahanap sa mga naunang card ay nag-eexpect akong madaling lang din ang panghuli. 

Hindi ko na alintana ang sigawan at tilian ng mga tao sa paligid dahil nakafocus ako sa laro.

But I was wrong. 

Sabi nga nila, save the best for the last. 

Isang minuto na ata ang lumilipas ay hindi ko pa rin mahanap ang card na nasa katawan ng kung sino mang lalaki ito, hindi gaya ng mga nauna na 20-30 seconds lang ay nahahanap ko na agad ang card.

Buong katawan na ata ng lalaki ay nakapkapan ko, mula ulo hanggang paa. Kulang na lang ay hubadan ko siya pero hindi ko talaga mahanap!

"Last two minutes Miss Dizon!" Rinig kong sabi ng emcee. What? Bakit ang bilis naman.

Medyo nakakaramdam na ako ng panic at pinagpapawisan na rin ako.

This can't be, hindi 'to pwede. Kahit laro lang ito ay hindi ako pwedeng matalo. Minsan lang ako makapaglaro sa gan'tong event kaya dapat kong galingan ng bongga!

"Hey, nasa'n yung card?" Bulong ko sa lalaki, pero bigo akong makatanggap ng sagot. Malamang, ano pa bang ineexpect ko. Lihim akong napairap.

"F*ck!" Nagulat ako nang aksidente kong mahawakan ang parteng gitna ng slacks ng lalaki. "S-Sorry, I didn't mean to." Nauutal kong sabi kahit alam kong wala akong matatanggap ba sagot. Atleast nag-sorry ako 'diba.

"Last 30 seconds!"

Mas lumakas ang hiyawan sa loob ng venue nang sambitin ito ng emcee. 

This is it, desperada na ako. Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko at mahinang nagdasal.

Amang mahabagin, nawa ay patawarin mo ako sa kabakyutang gagawin ko sa sandaling ito.

"Last 20 seconds!"

"Sorry talaga bro, pero kailangan ko 'tong gawin, 'wag mo sana akong kasuhan ng harassment pagkatapos nito." Bulong ko.

"Last 10 seconds!"

Mabilis ngunit pigil hininga kong binuksan ang zipper ng lalaking nasa harapan ko at agad dinakma ang kailangang dakmain.

Agad sumilay sa aking labi ang ngiti nang mahawakan ang kanina ko pa gustong makamtan.