Chapter 25.5:
Abby's POV:
"What? Are you serious babe?" Nanlulumong tanong ko kay Nich.
"Yes babe. Sad to say ay maeextend ang stay ko dito." Halata ang lungkot sa boses niya. "May bago kasing project na dumating at ako ang napili para dito, tinanggihan ko ang offer nung sinabi nila sa akin dahil gusto ko ng umuwi, but they begged me to stay and assured na libre lahat ng expenses ko during my stay. Dodoblehin din nila ang bayad sa akin, so I have no other choice but to stay. Para kapag uuwi ako ay may naipon na ako at maibigay ko lahat ng gusto mo kahit alam kong nasa'yo na ang lahat." Why are you so thoughtful Nich? Why are you always like this?
Napa-buntong hininga ako.
"Thank you babe, but it's okay."
"Yes babe, but at the same time it's not babe. Namimiss na kita ng sobra at gusto na kitang makita pero mukhang hadlang ang pagkakataon para mangyari 'yon." May kaya ang pamilya ni Nich, pero mas gusto niyang pinaghihirapan ang pansarili niyang gastusin. Nakakaguilty nga minsan kasi malaking porsyento ng kinikita niya ay napupunta ss akin. Ayaw ko man tumanggap ng mga bagay mula sa kaniya ay siya itong mapilit at gustong laging iniispoil ako.
"Well, siguro ay hindi pa talaga time para magkita tayo ulit. But don't worry dahil magkikita rin naman tayo soon tsaka lagi naman tayong tatawag sa isa't-isa 'diba. So let's just do our best for now."
"Do our best for what?"
"Do our best in everything. Pag-igihan natin para sa mga career natin. We should also do our best in taking care of ourselves." Hanggang dito na lang muna ang pwede naming gawin habang malayo kami sa isat-isa, ang alagaan ang mga sarili namin.
"I love you babe."
"Ha?"
"I said, I love you babe... So much."
"I love you too babe. Teka nga, ba't parang ang weird mo these past few days?"
"What do you mean babe?"
"I mean, I don't know. It seems odd, parang may something na hindi ko alam kung ano 'yon. Basta ang weird mo these past few days." Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to nararamdaman but it's like there's something wrong with him.
"Maybe you're just overthinking babe. Masyado kang naiistress sa trabaho and besides, madalang tayong magkausap kaya siguro ay medyo naninibago ka."
"Hmm, siguro nga tama ka. Anyways, inaantok na ako babe." Ano'ng oras na din kasi. It's almost midnight here and lunch break naman ni Nich doon sa Texas kaya tinawagan niya ako para kamustahin at ibalitang maeextend ang stay niya doon.
"Oh okay babe, good night! I love you..." Malambing na sabi ni Nich. Dang, may iba talaga eh weird.
Ipinilig ko ang aking ulo at iwinaksi sa isipan ang kung ano man ang bumabagabag dito.
"I love you too babe, have a good day!"
Pinatay ko ang tawag at inilapag ang cellphone sa side table.
Diretso ang tingin ko sa kisame.
Maybe tama si Nich, na dahil lang 'to sa stress. Or maybe, wala talagang weird kay Nich. Maybe, there's nothing wrong with him but me.
Itinapat ko ang aking palad sa aking dibdib, sa may parteng puso.
Aminado akong mas lubos ang pagmamahal na ipinaparamdam sa akin ni Nich kumpara sa ipinaparamdam ko sa kaniya.
Alam naming pareho na may lamat pa rin ng nakaraan ang puso ko nang maging kami.
Pero ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para tumbasan ang pagmamahal niya sa akin.
Sa totoo lang ay malaking parte na ng puso ko ang nakay Nich, a 90% of it. Pero sa natitirang sampung porsyento ako nahihirapan.
Bakit, bakit ko maibigay kay Nich? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?
Gustong-gusto kong ibigay ang buong puso ko sa kaniya, pero bakit hindi ko magawa?
Am I being unfair to Nich?
Unfair ba na hindi ko matumbasan ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin?
Mahal ko si Nich at masaya ako sa piling niya. Pero bakit hindi ko maramdaman ang sinasabi ng iba na kapag nagmamahal ka raw ay parang nasa langit ang pakiramdam?
Sa dami ng katanungan na tumatakbo sa isipan ko ay natulugan ko na ito.
~
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa building ng kumpanya ay nakatanggap na ako agad ng samu't-saring bati mula sa mga empleyado. Halata sa ekspresyon nila ang saya.
"Good morning din sa inyo." Masayang bati ko rin sa kanila.
Naging ganado at mabilis ang trabaho ng bawat isa sa buong araw. Nang bandang alas kwatro ng hapon ay hindi magkamayaw ang bawat isa sa pagfefreshen up at paghahanda ng kanilang mga sarili para sa gaganaping event mamayang gabi.
Well, today is saturday, and today is also the company's "SaturYEY," an event that happens once in every quarter of the year wherein employees have the opportunity to have fun. And when I say fun, it means being wasted. Pero depende pa rin sa tao kung gusto niyang magpaka-wasted.
Kada last week sa buwan ng Marso, Hunyo, Setyembre, at Disyembre nagaganap ang SaturYAY. Nakasanayan na itong ganapin simula pa lang ng maitatag ang kumpanya.
Gustong-gusto ng mga empleyado ang event na ito dahil hindi lamang sila nagiging masaya sa gabing ito kundi nagkakaroon din sila ng pagkakataong makipaghalubilo sa mga katrabaho nila. Ginaganap ng kumpanya ang ganitong pagsasalu-salo dahil ang CCCorp ay hindi lamang isang gusali, kundi isang itong tahanan na kinabibilangan ng isang pamilya.
Nang makarating kami sa venue, which is the rented high end club na malapit lang sa kumpanya, ay hindi na maitago ng mga empleyado ang kasiyahan.
Nang sumapit ang alas sais ay tinawag na ako ng organizer ng event para pumunta sa stage at magbigay ng opening remarks. Ever since na maging COO ako ng kumpanya ay ako na ang nagbibigay ng opening remarks dahil laging hindi makakapunta si mama. The reason? Well, masyado na daw silang matanda para sa mga gan'tong party, pero alam ko namang gusto lang nilang magkaroon pahinga which is good naman. At saka nandito naman "daw" ako kaya wala daw silang dahilan para mag-alala.
"Good evening CosmiCandy family!" Masayang bungad ko nang makaakyat ako sa stage. Napuno naman ng sigawan ang club pero agad ding huminto nang magsalita ako ulit. "You all have been working hard para sa kumpanya, at sobrang naaapreciate ng CCCorp ang inyong pagpupursigi sa pagbibigay ng serbisyo para sa kumpanya. Siguro ay nauumay na kayo dahil ito palagi ang sinasabi ko kada nagaganap itong SaturYEY, pero kahit nakakaumay ay huwag sana kayong magsawa na maging parte ng CosmiCandy family. That's all, thank you for your hard work, and enjoy!"
Nang maibaba ko ang mikropono ay malakas na palakpakan ang namutawi sa buong venue.
Bago dumako sa main part ng party, ay kumain muna ang lahat ng dinner. Pagkatapos kumain ng lahat ay nagkaroon ng iba't-ibang games na siyang sinalihan ng lahat, may individual at group games.
Game na game ang lahat dahil ang bawat panalo ay may kalakip na papremyo. Masaya kong pinagmamasdan ang bawat isa habang nandito ako sa sulok.
Pero ang pagrerelax na ginagawa ko ay biglang naputol nang tawagin ako ng emcee ng event para sa isang laro.
"Miss Dizon, may we have your precious time please?" Tanong ng emcee sabay tapat sa akin ng spotlight.