#FL
_______
I was never treated that way in my life before. At pakiramdam ko ganun na nga ang dapat kong tiisin sa ganitong mundong pinasukan ko. I didn't made this decision just for my 'trip'. Masyadong risky itong ginagawa ko ngayon.
It was as if I am pretending like an average person with them in fact I am not one of them. I admit. It's not very easy kahit masyadong matagal na ako dito sa school na 'to. Okay pa sana ang lugar na pinasukan ko but the school is so very hard to pleased. Lalo na ang mga tao dito.
"Social climber!"
Bigla nagtawanan ang nadaanan kong grupo sa hallway. I just heard but I didn't mind them. I am seriously walking while I am minding my business with my books. May summative test kami sa contemporary arts ngayon. And I am ready for it.
Bumagal lang ang lakad ko nang makita ko sa di kalayuan ang mga grupo ni Charity. Napabuntong hininga ako at sa kabilang hagdan na lang ako dumaan.
These past few weeks are so damn tired. Medyo hindi pa ako nakaadjust pero ganun na lang nangyare sa first day of school ko. Napahiya pa ako with someone na naging friendly sa akin. I am moving forward about it anyway pero ang hindi nga lang ako makamove on ay ang lalakeng humingi ng tawad sa akin because after that he was patiently waiting for me outside.
And what was that for diba?
Hindi pa ako nakakalapit sa room ko nang may humarang na sa akin.
"Hii!!"
Tatlong babaeng humarang sa akin.
"Hello?"
Napakamot ako.
"Ikaw si Camille diba?"
Tumango ako.
"I'm Dindy!" Sabi ng unang nagsalita. Short hair girl with tanned skin. Hindi siya katangkaran pero masasabi kong mas matangkad ako sa kanya.
"Tina" Sabi ng pangalawa.
"Boshi!"
Medyo weird ang pangalan nila pero tinanggap ko pa rin ang kamay nila. They genuinely smiling me. I can sense na parang nahihiya sila na kung ano dahil napapaiwas ng tingin si Tina sa akin.
"S-Sorry kung nagulat ka namin." Ngumisi sa akin si Boshi?
"Ang ganda mo! Sinabihan ko kasi mga kaibigan ko na maaga ka pumapasok sa school kaya maaga din kami pumasok." Masiglang sabi ni Boshi.
They are friendly. Sila lang ata naglakas ng loob lumapit sa akin na ganito. Pero natatakot ako na baka kagaya sila ni Charity at Janela. Hindi na kasi ako pinapansin ng dalawang 'yun.
"Sabay na tayo magrecess mamaya ha?" Dindy.
Tumango na lang ako at nagpaalam na aalis na sila. If I am not mistaken. Nasa ABM ang course nila base on their lace ID. Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Tumingin ako sa wrist watch ko. I have 15 minutes left bago dumating ang teacher namin sa Con. Arts.
Ngunit bumagal ang paglalakad ko nang matanaw ko ang isang lalakeng naghihintay sa labas ng room. Nakasara pa ang room namin pero alam kong hindi ako nagkakamali na siya nanaman ang lalakeng hindi ako tinitigilan.
What does he want nanaman ba?
Tumayo siya ng maayos na makita akong papalapit sa kanya. His cold eyes are directly to mine. Hindi ko mapigilan mapatitig sa kanya. Barumbado ang kanyang porma. He's not even look formal either. He's nothing to look comparing with some random guys out there but the made him difference is, his aura and face. Parang kinakabahan ako na kung ano sa pamamagitan ng kanyang mga mata.
But why the hell I care? Bakit ko ba siya ikinokompara sa mga lalakeng nakikita ko? He's not worth it anyway.
"Okay lang ako.. paulit ulit na lang tayo."
I don't know how many times I said that to him. 10 times? I mean palagi na lang kasi siya naghihintay sa labas ng room o hindi kaya sa labas ng school. Is he even asking for my forgiveness or my attention?
Kulang ba siya sa pansin?
"Alam ko. Alam ko." Aniya din. Ipinatong ko ang libro sa semento. There's no bench here that I could sit. But nevermind. Maghihintay na lang ako magbukas ang room.
"Pinagsabihan ko na sila Charity at Janela. Baka guluhin ka at ipahiy—"
"Excuse me? Who are you to mind my business with them? I am not even asking your help about them!" Medyo nainis na ako. Bakit ba niya ito ginagawa? Nangingialam pa siya.
Ni hindi ko nga siya kilala.
Napahawak siya sa kulay puting buhok niya. I don't know kung puti ba ang buhok or may halong abo ang kulay nito but he looks amazing by that. But I don't care.
"I'm Zev Asyiano and I already said my name so.." He stared me intently. "It's my business too."
Natawa ako sa mga sinasabi niya ngayon. Is he serious? Hindi porket nagpapakilala siya he would mind my business?
"I already said I'm fine. Wala ka nang problema sa akin. You can go now Mr. Asyiano." Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko parang matutunaw ako sa mga pamamaraan ng tingin niya sa akin.
"Wala akong sinabi na hindi ka okay.." Aniya. Hindi pa rin umaalis sa pwesto niya.
"I said you can go now!" Hinarap ko siya habang naiirita na ako lalo.
"Ano ba kailangan mo sa akin huh?!"
Ngumisi siya sa akin.
"I'm here for apologize?" Patanong na aniya.
Hindi pa rin ba siya humihingi ng tawad sa akin these few weeks? Tinitigan ko siya ng hindi makapaniwala.
"I said I'm fine." I said calmly. Ayokong sumabog dito dahil sa kanya.
Mas lalong hindi ako nagiging okay kung palagi siyang ganyan!
"What are you doing here Mr. Asyiano?"
Napalingon ako at napatayo ako ng maayos na makita ko si Sir. Napunta ang tingin sa akin ang teacher at sa lalakeng 'to.
"Hindi ba kanina pa ang pasok mo Zev? Nagcutting ka?"
Obviously sir. Hindi pa rin ba halata sa mukha ng lalakeng 'to?
"I'm sorry sir. May kinausap lang ako." Sagot nito at tumingin sa akin ng malamig itong si Zev. Bakit parang galit pa ito sa akin?
"Okay? Sana makahabol ka sa klase mo."
Tumango lang siya at umalis na. Ako naman ay sinundan ko siya ng tingin papaalis.
"Is he your boyfriend Ms.Galratore?"
Nagulat ako sa tanong ng teacher ko. Napailing ako at pumasok sa room ng bumukas ito. Mukha ba akong papatol doon?
Hindi ko na inisip ang nangyare kanina sa halip ay nagreview sa mga susunod na subjects. Sanay na ako sa mga ganun klaseng lalake sa dati kong school. Malakas mangulit pero sa susunod na mangyayare mawawala na lang bigla.
I am used to it anyway kaya nga ako pumayag sa arrange marriage namin ni Aydin eh. Wala akong poproblemahin kundi ang negosyo lang namin. That's all. And it's very easy.
Natapos ang boung araw na kasama ko sa lunch and break time ay sila Boshi, Tina at Dindy. They are seems entertaining people. Kumain sila ng lunch sa loob ng canteen habang ako napaorder na lang ako sa labas ng school from restaurant.
"May pagkain naman na nabibili dito Camille! May karenderya sa labas ng school!" Tina.
Pero dumating na ang inorder kong pagkain. Nanlaki ang mata nila na makitang masarap na pagkain 'yun. Napalunok si Boshi.
"Don't worry ibinili ko din kayo.."
Bigla nahiya ang tatlo at tumawa.
"A-Ano ka ba Camille! O-Okay lang kami.." Napakamot si Tina.
Pero kinuha agad ni Dindy at Boshi ang dalawang lasgna kaya natawa naman ako. Nabatukan ni Tina ang dalawa kaya mas lalo ako natawa.
"Hey."
We were disturbed by the girl. It's Charity and Janela.
"I'm inviting you."
Inilahad niya ang isang invitation sa lamesa.
"It's my sister's 18th birthday." Simpleng aniya at umalis na.
"Wow ininvite ka ni Charity!" Sabay tulak sa akin ni Dindy.
Napakunot noo ako. Is it big deal to invite by someone?
Boung araw ako napatitig sa invitation na ibinigay sa akin ni Charity. It's not first na mag attend ng mga debut pero first time ko mainvite sa mga hindi ko talaga kilala. I mean it's okay sa amin sa ibang bansa dahil kilala sila ng pamilya ko but I even don't know them or their family.
Dismissal at agad ko inayos ang gamit ko. Umalis na ako sa room at pauwi na. Bago pa ako makalayo sa building namin ay may natanaw na agad ako na nagkukumpulan na mga tao sa kabilang department.
"Wooh!"
Naghiyawan ito tila may nagaganap na kasiyahan. Gusto ko sana lumapit doon pero nagulat ako nang hinila ako ni Tina papalapit doon.
"May nag aaway doon! Tara manood tayo!" Ngumisi siya at nakihalo sa mga college boys.
What?
Huli na para makaantras ako dahil nakita ko si Zev na nakikipagsuntukon sa kapwa kolehiyo niya habang may daplis na dugo sa kanyang labi.
"Zev! Stop!"
Lumapit agad ang grupo nila Charity at Janela. Nakita kong pilit na inaawat ang dalawa mula sa away.
"Ano ba?! Stop it!"
"Gago ka! Andito si Charity! Ano?! Nilalandi mo girlfriend ko!"
Napatingin ako kay Charity na inaawat ang dalawa.
"T-Tama na!"
"What? What the fuck are you talking about?!" Napapunas sa labi si Zev.
"You're stealing my girl Zev! She's mine!" Aakmang susuntukin niya pa muli ito nang inawat siya ni Charity.
"I said stop it! Kapag hindi ka pa titigil makikipagbreak ako sa'yo!"
Natigilan ang lalake at napatingin kay Charity.
"C-Charity.. I-I'm going to—"
"Let's break up!"
Bigla naghiyawan ang mga taong nanonood. Lumapit si Charity kay Zev habang pinupunasan ang labing dumudugo.
"Y-You're kidding—"
"Hindi ako nagbibiro! Ang gusto ko talaga ay si Zev!"
Mas lalo naghiyawan ang mga taong nasa paligid ko. Sumabay na rin si Tina sa hiyawan. Napailing ako. What a drama. I am not supposedly here.
"What are you doing Charity?" Kunot noong tanong ni Zev.
Humarap sa kanya si Charity at hinawakan siya sa mukha.
"Ang totoo n'yan kung bakit ako umiiwas sa'yo dahil ayaw kong mahulog sa'yo. Ikaw talaga gusto ko.." Malungkot na aniya.
"What the fuck?" Hindi makapaniwalang nasambit ni Zev.
"Tina aalis na ako. I can't relate here." Naiilang na paalam ko kay Tina.
"Wait—"
"Shut the fuck up Charity? I am not interested with you. I will never be interested—"
Lumingon muli ako sa kanila pero agad naputol ang sasabihin ni Zev nang makita ako. Lumaki pa ang mata niya sa gulat. Hindi niya ata alam na nanonood ako sa kanila kanina pa. Well, whatever.
"Excuse me.."
Agad ako nakadaan at lumabas na sa campus na 'yun. Pumara agad ako ng jeep at bago pa umalis ang jeep ay nakita kong patakbo siyang lumabas sa gate at hinihingal siyang patakbo sa direksyon ko at nagtama ang mata namin bago pa lumayo ito sa school.
And when I was arrived to my dorm. Hindi matanggal sa isipan ko ang kanyang mukha kanina. Why did he run? May kailangan nanaman ba siya sa akin? But somehow I felt annoyance by the scene earlier.
________
Updated.