#FL
__________
There is something scene outside again. Iyon agad ang pumasok sa isipan ko habang nasa klase ako. We are disturbed by the noise outside and I can't even focus to my class.
At tila pati ang teacher ay nabobother na din sa ingay na naghihiyawan sa labas. Hindi nga lang nangingialam ang teacher namin at iyon ang hindi ko alam kung bakit.
Muli ulit kami nakarinig ng hiyawan sa labas at mas lalo ako napapakunot noo. The hell is happening there? Hindi ba nila alam na may klase sila na naiistorbo? Hindi ko sana papansinin ngunit nakarinig na agad ako nang mga bulong sa mga kaklase ko sa likod.
"Nagchat sa akin si Penny! May away daw doon sa labas room nila."
"Ano daw?"
"Tungkol nanaman kay Charity at kay Zev."
Naibagsak ko ang ballpen ko dahil sa inis na umuusbong sa aking kalooban. Papaano umabot ang hiyawan nila dito galing sa department nila?! Alam ba nila nakakaistorbo sila? At ano naman ang pakealam namin sa love triangle nila?!
"The class is dismissed!"
Pati rin ata ang teacher namin nainis sa ingay sa labas. Ako? Nakalimutan ko na agad ang mga discussion niya ngayon dahil sa lakas ng mga hiyawan sa department nila. At nakakabwisit lang.
"Tara! Tignan natin!"
"Ang landi naman."
And I hate it. Palagi na lang ba napapaaway ang lalakeng 'yun? At ano ang dahilan? Dahil nanaman kay Charity? And I almost forgot! Ang nangyare kagabi! Ayaw kong maalala pero isa rin ba iyon sa dahilan kung bakit maingay sa labas?
Medyo kinabahan ako. Posible kaya? Dahil sa ginawa ni Zev sa akin sa debut party ng kapatid niya kaya nagkakagulo sila ngayon?
But it's not my fault! I didn't do anything before that bastard kissed me! And what if magalit sa akin si Charity? O kaya mga kaibigan niya? Is it my fault then?
Napapikit ako at napabuntong hininga. I need to avoid this. Kailangan kong iwasan ang mga ganitong senaryo! This is not me! I don't want to be involved there! Lumapit agad ako sa mga natitirang kaklase ko.
"May ibang subject pa ba tayo?"
Nagulat ang babae nang kausapin ko siya. Napailing siya.
"W-Wala! Wala. Vacant tayo hanggang lunch."
Nakagat ko ang labi ko. Uuwi na ako. Agad ako nagpasalamat sa kaklase ko at nagmamadaling lumigpit. Ayaw kong lumapit o magkita kami ni Zev! Ang lalakeng 'yun!
Wala nakapansin sa akin habang patakbo akong papunta sa labas ng school. Lahat sila busy sa away ng dalawang 'yun sa kabilang department. And it was not very acceptable for me na ganun ang rason ko kung bakit ako nagtatago mula sa kanila!
I haven't seen Zev or Charity in my way to school. At epektibo naman ang pagtatago ko mula sa kanilang dalawa. It's not my thing to hide anyway but I don't want to be the cause na mag away ang dalawang 'yun. At ayaw ko na rin sila pakisamahan or makilala din. They're just making fun of me lalo na si Zev.
Masyadong siyang mayabang para sa akin. I don't like him. He's too arrogant for me! Kung ano gusto niya, gagawin nya! without knowing the other's feeling! Or consider the other's opinion! Tulad nang ginawa niyang panghahalik sa akin noon!
That's what I observed to him.
It almost one week ko silang iniiwasan. Para walang gulo. At para tumahimik na din ang konsensya ko para kay Charity. What if may relationship pala sila na tinatago pero may ginawang kabalastugan si Zev at iyon ay panghahalik sa akin noon? Sympre makokonsensya ako. So ako na ang iiwas para sa kanilang dalawa.
Pero may napagtanto lang ako. Bakit nga ba ako nagtatago? I mean wala akong ginawang masama diba? Siguro iniiwasan ko lang sila. And I am not guilty.
Bigla ako nagulantang nang tumunog ang cellphone ko. Nagkatinginan sa akin ang mga tao sa loob ng library. Nataranta naman ako at isinara ang libro na binabasa ko at sinagot ang phone habang papalabas sa library
"Who's this?"
"Oh! Finally! I heard your voice camille.."
Nanlaki ang mata ko. Agad ko tinignan ang phone ko at nagulat na ibang number 'yun. Unknown number.
"Aydin?"
"Yes?"
Napangiti ako. Akala ko hindi na siya tatawag sa akin simula nang tumungtong ako sa pilipinas.
"Akala ko hindi ka na tatawag sa akin." Tampo ko rito. Agad ko narinig ang tawa niya.
"Of course not. Your husband is just busy."
Mas lalo ako napanguso. Husband ka d'yan.
"Anong ginagawa mo ngayon?"
"Hmm... got home from work?"
Napatango ako. Napasandal ako sa dingding.
"Ikaw? What are you doing right now?"
"Nasa library ako nung tumawag ka."
"Oh! Naistorba ba kita?"
"Nope."
Narinig ko ang buntong hininga niya. Pakiramdam ko pagod siya ngayon. Baka sa trabaho.
"Napatawag ka pala?" Tanong ko rito.
Ilang segundo ito hindi nakasagot. Tanging mahinang hininga niya naririnig ko mula sa kabilang linya.
"I..I just really miss your voice..." Malalim na hininga niyang sinabi.
Napakurap ako at hindi nakapagsalita. Actually close naman kami ni Aydin bago ako tumungo dito sa pinas. He's very charming and sweet to me. Pero alam kong bilang kaibigan ang turing niya sa akin kaya siya ganun.
But why does my heart telling me na ibang pandinig iyon sa tenga ko?
"I want to call you everyday.."
Napabuntong hininga ako.
"I'm tired right now. I just want to hear your voice.."
Napapikit ako. Para akong kinakabahan na ano. Gusto ko hayaan siya magsalita kung ano gusto niya sabihin sa akin.
"Zev! Ano ba?! I said look at me!"
Napamulat ako. Agad na nawala ang lahat na sinabi ni Aydin sa akin mula sa isipan ko at napalitan ng pagtataka.
"Hindi mo ba ako papansinin Zev ha?!"
Muli ko narinig ang boses ni Charity paakyat sa posisyon ko. Agad ako pumasok sa library at sinilip sila.
"Zev!! Pansinin mo ako!"
Nakita ko agad ang kanilang pisikal na anyo na kakataas pa lang. Naunang maglakad si Zev tila walang naririnig habang sinusundan siya ni Charity.
"Camille? Are you still there?"
Hindi ko napansin ang boses ni Aydin dahil mas nagulat ako nang hilahin siya ni Charity at halikan sa labi!
"I said I love you! Ikaw ang gusto ko! Hindi mo ba ako naiintindihan?!"
Bumilog ang bibig ko habang pinapanood sila. Agad ko naklaro ang ekspresyon ni Zev. Wala itong pinapakitang emosyon ngayon. He's just cold and plain right now. Walang ekspresyon.
"Ikaw naiintindihan mo ba ako?" Malamig na tanong ni Zev.
OMG. Sinasabi ko na nga ba! Sila na! May relasyon sila!
Mas lalo ako nagtago habang pinapanood sila. Gusto ko masaksihan din ang away nila kahit papaano.
"Hindi! Hindi ko maintindihan Zev!" Tila umiiyak na si Charity.
Napailing si Zev at aakmang tatalikuran siya ngunit mas lalo ako nagulat nang hilahin muli siya ni Charity at may sinabi si Zev na ikinatigil ko.
"Don't you fucking touch me again Charity! Hindi mo ba ako naiintindihan?! I said I don't fucking like you nor interested to you! So please fuck off!"
Parang sumabog na si Zev. At iyon ang ikinagulat ko talaga. Halata na sa mukha niya ang galit at irita.
"Bakit?! Siya ba ang gu—"
"Of course! Si Camille ang gusto ko! Okay na?! Narinig mo na ako?!"
Mas lalo napaiyak si Charity habang ako napatakip sa bibig. Agad ako napasandal at hindi naituloy ang panonood ko sa dalawa. Oh my. What did I just heard? Tama ba ang rinig ko?
Nakarinig ako ng mga tapak ng sapatos pababa. Tila parang si Charity ang tumakbo kanina habang ako hindi pa rin makapaniwala sa narinig at nasaksihan ko.
Zev likes me? Really?
"Camille.."
Nagulantang ako sa boses ni Aydin sa kabilang linya.
"What happened? Is there something wrong there? Lagi kang napapasinghap habang pinapakinggan kita."
Napakagat ako sa labi at tumungo sa upuan ko upang magligpit. I need to get out of here!
"A-Aydin.. wala naman nangyare." Huminga ako ng malalim.
"Nanonood ako ng movie.." I lied.
Ilang segundo ako hindi narinig ang boses niya bago sumagot.
"I see.."
Agad ko pinatay ang tawag at napahawak sa puso ko. Ang lakas ng kabog nito. Hindi ko pala namamalayan na nasa kabilang linya pa si Aydin! Masyado akong nadala sa drama ng dalawang 'yun! At alam kong hindi tanga si Aydin dahil kilala ako nun kapag nagsisinungaling!
I hope na hindi na magtanong si Aydin sa susunod na namin tawagan.
"Where are you going?"
Napasinghap ako nang may humarang na paa sa unahan ko.
"Nagmamadali ka ata?"
Napatingin ako kay Zev. Nasa labas kami ng library at tila naghihintay siya sa akin ngayon!
"B-Bakit? May emergency ako pupuntahan!" Napaiwas ako ng tingin habang kumukunot noo ako.
"Really? Palagi ba may emergency sa inyo sa tuwing nakikita mo ako?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita kong napakariin ng titig niya sa akin.
"Ano? May emergency nanaman Camille?"
Mas lalo ako kinabahan sa tanong niya. Hindi ko siya matitigan ng matagal at hindi ko alam kung bakit! Nanghihina ang mga tuhod ko sa mga malalamig niyang titig sa akin ngayon.
"U-Umalis ka.."
Napalunok ako. Kung hindi siya aalis. Sa likuran ako dadaan.
"Stop avoiding me!"
Napatalon ako nang sumigaw siya. Parang wala siyang pakealam sa library na katapat niya ngayon.
"H-Hindi kita iniiwasan!" Sigaw ko rin at tinalikuran siya pero hinila niya ako patungo sa bakanteng kwarto.
"I said stop avoiding me Camille! Hindi mo ba iyon aaminin ha?!" Aniya habang hila hila ako.
Halos magkandarapa ako sa mga malalaking hakbang niya.
"Bitawan mo nga ako!"
"Hindi!"
"Oo! Iniiwasan kita dahil ayaw ko masangkot sainyo ni Charity!"
Tumigil kami nang makapasok kami. Nagulantang ako nang sipain niya ang pintuan pasara sa sobrang lakas.
"Iyon lang?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Pikon na ata siya.
"Oo! Magagalit 'yun sa akin dahil sa ginawa mo! Hinalikan mo ako!"
Napahawak siya sa ulo niya. Ang kanyang malalamig na tingin ay napalitan ng pag aalala at irita. Sabog na ang kanyang kulay abo niyang buhok. Pero kahit ganun ay nananatili pa rin maganda ang kanyang mukha.
"Walang kami ni Charity." Makalmang aniya. "Hindi ko siya gusto."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ano ngayon?
"Look at me Camille!"
Tumingin ako sa kanya.
"Ano?!"
"Walang kami ni Charity!"
"So?!"
Napanganga siya sa sagot ko. Bakit niya ba sa akin sinasabi 'yan? Girlfriend ba niya ako?
Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang frustrated na nararamdaman niya.
"Ikaw ang gusto ko Camille! Don't you get that?"
Mas lalo lumakas ang tibok ng puso ko. Nanginginig na ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin o gagawin ko. Umamin siya! Pero pero!
"Magagalit sa akin si Charity.." Nasabi ko na lang.
T-Teka what? Bakit parang tinatanggap ko ang sinabi niya base sa sagot ko?
Lumapit siya sa akin at hinawakan sa kamay.
"Hindi magagawa ni Charity 'yun Camille.."
Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mata namin. Nawala na ang pag aalala sa mukha niya. Parang naging panatag na ang mukha niya. Parang kumalma na ata siya.
"O-Okay!" Binawi ko agad ang kamay ko.
"Aalis na ako!" Sabi ko rito at tumungo sa pintuan.
"Liligawan kita!" Sigaw niya sa akin. Napalingon ako sa gulat.
Teka diba girlfriend na niya ak—
Natigilan ako sa naisip ko. Nanlaki ang mata nang may narealized ako. What the hell Camille?! Ano pinag iisip mo?! Shit.
Nakangisi na siya ngayon sa akin habang magulo ang buhok niya. Kumikinang pa ang kanyang hikaw sa tenga niya dahilan para mas lalo mapaagaw ang atensyon ko sa kabouan ng kanyang mukha.
Hindi ko aaminin sa sarili ko na gwapo siya! And I will never tell him that! Never.
Hindi ko na sinagot 'yun at tumakbo paalis sa room na 'yun pero bago pa ako makalayo ay nakarinig ako ng malakas na sigaw niya tila nanalo sa kung ano kung bakit napahiyaw siya sa sobrang lakas para marinig ko mula rito.
Pero habang nasa trycicle ako napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at natigilan ako na makita ang sarili kong napapangiti. And yes, I can't help it but to smile. And I don't know why.
______
Updated.