Chereads / Faded Love (Tagalog) / Chapter 6 - #FL 4

Chapter 6 - #FL 4

#FL

_______

Hindi pa ako nakababa sa tricycle ay agad ko na nakita ang bulto ni Zev sa labas ng school habang naghihintay.

Kunot noo ako patungo sa direksyon niya. Hindi pa niya ako napapansin pero halata sa mukha niya ang ngisi at saya.

"What are you doing here?" Tanong ko agad pagkalapit ko sa kanya.

Natauhan siya at napatingin sa akin. Parang nagdadyreaming pa siya kung hindi ko pa siya nilapitan o tinanong.

"Good morning baby!"

Nagulat ako sa sinabi niya.

What? Baby?!

"A-Anong baby sinasabi mo?" Agad ako nataranta.

Baby? Really?! Kailan pa?

"Ngayon. Hindi ba nililigawan na kita ngayon?" Mas lumawak pa ngisi niya. "Hindi pwedeng bawiin 'yun!" Pigil niya agad sa akin.

Gulat ako nakatingin sa kanya. Anong nakain ng lalaking 'to at naging ganito na? Pakiramdam ko tuloy hindi ko mapigilan mang init sa boung mukha ko. Sineryoso niya ata ang hindi ko pag sagot sa kanya kahapon!

"B-Bahala ka d'yan!" Iwan ko sa kanya.

Wala akong matandaan na pumayag ako magpaligaw! Pero sige na nga.

I mean Camille! Ano pinag iisip mo! May fiancee ka na!

"Baby naman! Hintayin mo ako!" Mas lalo ako nahiya nang makita ko ang mga ibang estyudante na napapatigil sa lakad at tumitingin sa banda namin.

Nagpapasalamat ako na kakaunti lang ang estyudante ngayon! Hindi ko kayang tiisin ang mga pinagsasabi ng lalakeng 'to!

"Baby! Isa! Hindi ka titigil?" Sigaw pa niya muli.

Anong iniisip ng lalakeng 'to?

Alam ba niya ang sitwasyon nila ni Charity?!

"Bibilang na ako ng dalawa baby! Kapag hindi ka pa lumingon sisigaw ako!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula sa likod ko. Napatigil ako habang gulat na gulat. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ang ganda ng umaga ko sa totoo lang.

"Zev! Tumigil ka nga! Hindi ako pumapayag na ligawan mo ako!" Sabay lingon ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at lumapit sa akin.

"Liligawan kita. Hindi ka tumanggi kahapon." Paninindigan niya.

"So tatanggi na ako ngayon! Ayaw ko."

Bagot niya lang ako tinignan habang ako hindi ako mapakali. Kanina pa ako natataranta dahil ang puso ko sobrang lakas ng sigaw nito! What the hell! Shut up please.

"Wala na akong pake sa mga sasabihin mo Camille! Liligawan kita baby okay?"

Mas lalo nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Sobrang lalim ng titigan namin habang ako hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi.

"H-Hindi mo ako kilala.." Iyon na lang nasambit ko.

"Kaya nga kita liligawan dahil gusto kita makilala.." Aniya.

Nawasak agad ang dingding na matagal ko nang binubou sa puso ko. Masyado akong kabado kung maniniwala ako sa kanya o hindi. Natatakot akong sumagal.

Kaya tinalikuran ko siya at tumakbo. Hindi ko alam kung bakit hindi ako sumagot. Parang ayaw ko na gusto ko. Hindi ko maintindihan sarili ko. Hindi niya ako kilala at hindi ko siya kilala.

Tama, masyadong mabilis. Trip niya lang ako. Bored lang siya. Wala lang siya magawa.

"Camille!"

Natauhan ako sa mga sumisitsit sa akin. Napakurap ako habang napapalingon. Agad ko nakita sila Dindy,Boshie at Tina.

"Wala kayong team building?" Tanong agad nila nang lumabas ako sa room.

Bumalik ang tingin ko sa room. Bilang na lang ang estyudante sa room. Oo nga nuh?

"Hindi mo alam?!" Boshie.

Napailing ako. "Sorry nakalimutan ko."

"Oh sige magbihis ka na. Hintayin ka lang namin." Ani nila.

Tumango ako habang lutang pa rin papunta sa comfort room para magbihis ng PE. Bumalik lang ako nang makita ko agad ang mga senior high na nakapila sa cover court na nagkakantahan.

"Camille! Dito ka sa amin pumila!" Ngisi ni Tina at hinila ako sa section nila.

Agad nagsitinginan ang mga kaklase nito sa akin.

"Hi Camille!"

"Yow! Camille musta?"

"Camille! Welcome to ABM!"

Ngumiti lang ako sa mga kaklase nila. Umupo ako sa tabi nila Boshie.

"Uy! Ang gwapo ni Chester!" Yugyog agad sa akin ni Dindy.

"Saan? Sino?!" Alarma agad ni Tina.

"Si Chester! Ang taga Stem! Punyemas ang gwapo beh!" Naglalaway na saad ni Dindy!

"Saan?! Ituro mo nga sa akin si Chester—"

Agad tinakpan ni Dindy bunganga ni Tina.

"Gaga ka wag kang sumigaw! Nasa tabi lang natin ang stem!" Mahinang sabi ni Dindy.

Napanguso naman si Tina. Napailing lang ako at tumingin sa stage.

Anong meron? Bakit may team building? I mean pagkakaalam ko tuwing sabado lang ang team building? Buti na lang nadala ko ang damit ko.

"Magpapakitang gilas naman ang Stem!"

Nagsigawan naman ang nasa tabi namin na Stem.

"Oh sino kakanta sainyo?!" Tanong ng may hawak na microphone.

Agad nagsigawan ang mga stem habang may tinuturo silang lalake.

Napatingin ako rito at nakita ko ang isang lalakeng matangkad na nakatalikod sa akin habang may dalang gitara.

"Oo na! Oo na ako na!" Natatawang sigaw nito.

"Wow! Kakanta si Chester para sa atin! Sigaw mga stem!"

"WOOOOH!"

Agad nagwala ang mga kababaihan lalo na ang mga nasa tabi ko. Napalunok ako habang nakasimangot na niyuyugyog nila Dindy at Tina. Okay lang ako.

"Iyon ang sinasabi mo Dindy?! Punyeta ka! Ang gwapo pala!"

"Hoy tumahimik nga kayong dalawa. Nasasaktan niyo si Camille." Mabait na saway ni Boshie.

Hindi nila napansin ang saway ni Boshie sa sobrang hiyawan ng mga senior high. Siguro abot ito sa department ng mga college. Sana nga lang hindi sila masita.

"E-Ehem!"

Napatigtig ako sa lalakeng nakaupo ngayon sa harap habang nagsisimula na magstrum sa gitara nito. Napangisi ako habang napapatitig sa gitara. I miss playing that thing to be honest. Masyado lang ako nabusy sa ibang bagay kaya wala na akong time gumamit nun.

"Time, I've been passing time watching trains go by All of my life.."

Mas lalo nagkagulo ang mga tao nang magsimula ito kumanta. Laglag ang panga ko nang marinig ko ang napakalamig nitong boses.

"Lying on the sand watching seabirds fly.."

Mas lalo ako napatitig sa kanya. Wow. Ang lamig ng boses niya. Ang sarap lang sa tenga dahil sa ganda ng kanyang boses at kinakanta.

"Something's telling me it might be you... It's telling me it might be you.. All of my life"

Nagtama ang mata namin ng lalakeng kumakanta. Nagulat ako nang ngumiti siya at mas lalo naghiyawan ang mga babae sa banda ko.

"Leche! Nginitian niya ako! Nginitian niya ako!!" Sigaw nang mga babae sa likod ko.

Agad ako tinulak ni Boshie.

"Hoy kilala mo ba 'yan?"

Napaiwas ako ng tingin sa Chester na 'yun. Okay naman ang mukha niya.

"Hindi." Plain na sabi ko rito.

Tinaasan ako ng kilay ni Boshie.

"Akala mo ba hindi ko nakita 'yun? Ikaw nginitian niya wuy!" Aniya na tinulak tulak ako.

Napansin niya 'yun?

"Hindi. Sa likuran ko 'yun."

Ngumisi lang si Boshie. Bahala ka d'yan.

Natapos ang boung kanta habang ang iba sumasabay na ito sa pagkanta sa huli. Hindi na ako tumingin sa harapan at ang kuko ko na lang inatupag ko.

"Wow! Ang daming kababaihan nahuhumaling sa'yo Chester!"

Napaharap ako sa stage. Pakiramdam ko parang gusto ko na lang matulog. Magkakantahan pa ata sila imbes na magteam building. Ewan ko.

"Baby!"

Huh?

"Baby!"

Parang pamilyar 'yun ha?

"Baby! Sa likod mo!"

Nanlaki ang mata ko. Teka si Zev ba ang tumatawag sa akin mula sa likod?! Bago ako lumingon ay tumingin muna ako sa paligid kung may nakarinig ba sa gagong 'yun.

"Cr lang ako ha?"

Kumunot noo sila Tina.

"Samahan na kita." Tumayo na rin si Dindy.

"Hala! Hindi na! Okay lang!" Pigil ko sa kanya.

"Balik ka lang ha?"

Tumango ako sa kanila at agad na umalis sa nagtitipon tipon na mga senior high sa cover court. Pinagkakaguluhan nila ang singer na lalakeng sino nga 'yun?

Nevermind.

"Baby!"

Lumingon lingon ako at nagulat ako na makita si Zev na nasa fied. May kasama itong tatlong lalake habang nakangisi sa akin. Buti naman wala nakarinig sa kanya dahil busy ang mga tao sa kantahan.

"Baby! Halika!"

Hinila agad ako ni Zev palalapit sa kanya.

"A-Anong ginagawa mo dito?!" Binawi ko agad ang kamay ko sa kanya sa sobrang gulat.

"Baby naman! Nililigawan nga kita diba?" Aniya.

"Pumayag ba ako?" Tanong ko naman rito.

Agad naman nagtawanan ang mga lalakeng kasama nito.

"Brad! Basted ka na agad!"

"Mahina ka pala Zev eh!"

Napakunot noo si Zev sa akin.

"Mag usap tayo!"

Hinila muli niya ako papalayo sa tatlo niyang kasama.

"Ano ba! Hindi ako papayag okay?"

Hindi niya ako pinansin hanggang sa tumigil kami sa hallway na walang katao tao. Ang mga tao ata napunta sa cover court.

"Baby! Diba nag usap tayo kanina? Wala akong pakealam sa sasabihin mo ngayon tungkol sa panliligaw ko sayo diba?" Sabay harap niya sa akin.

Mas lalo ako napakunot noo.

"Kaya nga ako hindi pumapayag! Ayaw ko nga diba?"

Napanguso siya.

"Pano kung gusto ko ligawan kita? Gusto kita at liligawan kita!" Parang walang pipigil sa sinabi niya.

Ano ba naisipan ng lalakeng 'to at napakakulit niya?!

"Hindi kita gusto!" Sabi ko rito. Pilit ko itago ang kinakabahan na mga kamay mula sa kanya.

Ginulo naman niya ang kulay abo niyang buhok habang nasisilaw naman ako sa hikaw niya sa tenga.

"Pwes magugustuhan mo rin ako Camille!" Madiin na aniya.

"Bahala ka dyan!" Tinalikuran ko siya. Hindi ko kakayanin ang tibok ng puso ko ngayon! Parang sasabog na sa tuwing kinakausap ko siya!

"Baby! Hindi pa tayo tapos mag usap!"

Ewan ko sa'yo.

"Isa!"

Napairap na lang ako.

"Baby! Kapag nakadalawa ako! Pagsisihan mo ngayon!" Sigaw niya mula sa likod ko habang patungo ako sa cover court.

Gawin mo ang gusto mong gawin Zev!

"Dalawa!"

Tumakbo na ako patungo sa ABM section at bumalik sa upuan.

"Ba't ang tagal mo?" Kunot noong salubong sa akin ni Tina.

"Walang tubig eh." Rason ko.

Napatango sila tila napaniwala sila sa akin. Pasimple ako napahawak sa puso ko habang hinihingal.

"Cr daw.." Bulong ni Boshie.

Huh?

Napatingin ako sa harap at ang lalake pa rin ang kumakanta. Ilang minuto rin ako bago kumalma sa pinag usapan namin ni Zev. Parang lason itong makakapit sa akin eh.

"Hala!"

Naputol ang kantahan nang mawala ang sound sa kinakanta ng lalakeng singer.

"Anyare?" Bulong ni Tina.

Napakibit balikat ako.

"Hoy Zev! College department—"

Nagtaka ang mga tao nang marinig ang pangalan ni Zev sa speaker. Tama din ba ang tinig ko? Zev? Naputol kasi ang nagsasalita sa mic dahil parang inagawan ito mula sa humahawak.

"Mic test! Mic test!"

Parang bumalik ata ang kaba sa sistema ko. Hindi ko alam!

"Sino 'yan?!" Tanong ng mga estyudante.

"Hey! Zev Asyiano here!"

Napasinghap ako. Ngunit hindi lang ako pati ang mga ibang senior high.

"Oh shems. Si Zev!"

Agad ako napahawak sa damit ko sa sobrang higpit. Anong gagawin ng lalakeng 'yun?!

"Pasensya na sa istorbo senior high."

Umalingawngaw ang boses niya sa boung cover court mula sa napakalaking speaker sa taas.

"May sasabihin lang kase ako sainyo." Aniya habang ako natataranta na.

Wala naman siya gagawin o sasabihin hindi ba? Wala naman diba?

"Nililigawan ko po si Camille Galratore! At sinasabi ko sainyo na wala magtatangkang gagalaw sa kanya o lalapit sa kanya dahil marami akong mata na nakapaligid para sa kanya."

Natahimik ang boung cover court sa sinabi ni Zev habang ako laglag ang panga ko na pinapakinggan ang malamig na boses ni Zev sa speaker.

"Akin lang po ang baby ko at ako lang dapat lalapit sa kanya! Tagalog na 'yan! Sige mag enjoy na kayo." Agad naputol ang connection sa speaker pagkatapos niya yun sabihin at bumalik ang kanta.

Nagsitinginan ang mga senior high sa akin habang ang iba gulat na gulat.

"Hindi pala sa CR ang punta mo kanina. Kundi sa college department.." Ngisi agad ni Dindy.

"Tsk tsk Camille. Suportado ka namin." Tina.

"Sabi na nga ba.." Boshie habang napapailing.

Ako. Hindi ko magawan tignan ang mga tao na nasa paligid! Para akong kinakain ng kahihiyan sa mga sinabi at pinanggagagawa ni Zev!

What the hell!!!

Anong ginawa mo Zev!!!

Napansin ko napatayo ang lalakeng kumakanta pero hindi ko iyon pinansin at tumakbo palayo sa cover court na 'yun.

Hindi ko kakayanin ang kahihiyan na idinulot sa akin ng lalakeng 'yun! Pambihira! Pano niya 'yun nagawa? Wala ba siyang hiya? Lalo na sa amin na mga senior high? Ha?!

Agad ko natanaw ang mga mukha ni Charity at Janela na walang emosyon. Feeling ko narinig nila ang mga pinagsasabi ni Zev.

Pero nagulat ako na may humila sa akin.

"Ano? Hindi ka lilingon? Gusto mo bibilang ulit ako at gawin ko ulit 'yun?" Bungad sa akin ng lalakeng 'to.

Mas lalo lumakas ang tibok ng puso ko nang mapansin ko sobrang lapit ng mukha namin. Agad ko siya tinulak at hinila siya papalayo sa building namin.

Binitawan ko lang siya nang makarating kami sa walang matao na lugar.

"Matino ka pa ba?! Alam mo bang nakakahiya ang ginawa at pinagsasabi mo kanina?! Lalo na sa akin! Pinahiya mo ako!" Bulyaw ko agad sa kanya nang kami na lang ang dalawa.

"Sobra ako magtino pagdating sayo Camille. Kaya ko nga nagawa 'yun diba?" Nakangisi niyang aniya.

Napabuga ako. Hindi ko alam ano ba dapat kong gawin sa lalakeng 'to! Hindi ba niya nakikita sarili niya?!

"Nakakahiya 'yun Zev!"

"Walang nakakahiya pagdating sayo." Mas lalo ako nanghina sa sinabi niya.

"Gagawin ko naman ang lahat. Lahat na gusto mong ipagawa sa akin Camille. Gagawin ko. Sobra pa doon. Kaya walang nakakahiya para sa akin kung para sa'yo ginagawa ko. I am willing to do that." Nawala ang mapanglaro niyang ngiti at seryoso niyang pinahayag iyon sa akin.

Pinilit kong hindi pakinggan ang sinabi niya pero tila pati isipan ko nakisang ayon na rin sa puso kong daig pa ang drum kung makatambol sa sobrang lakas at bilis.

___________

Updated.