#FL
________
Wala sa discussion ang isipan ko ngayon kundi ang mga sinabi ni Zev sa akin kanina. Nakasandal lang ako sa upuan ko habang pilit kong pigilan ang ngiti ko sa aking mga labi.
"Miss Galratore. May nakakatawa ba?"
Natauhan agad ako. Teka ako ba tinatawag ng teacher ko?
"P-Po?"
"I am asking you, may nakakatawa ba?"
Napailing agad ako. Hindi naman ako tumatawa.
"Kung may gusto kang sabihin about my teaching skills please lang feel free to say that to me okay?" Kunot noong aniya.
Napapahiya akong tumango sa kanya. Napagalitan tuloy ako. Kasi naman si Zev! Hindi ko mapigilan kiligin sa ginawa niya sa akin!
"Tsk ang landi."
Napabuntong hininga ako sa bulong na narinig ko. Imbes na isipin 'yun ay nagpokus nalang ako sa lesson dahil baka pagalitan nanaman ako. And I can't tolerate myself by not listening because what I feel right now.
Masyadong madaming kiliti ang nasa tyan ko ngayon. Puro Zev ang nasa utak ko ngayon imbes na discussion ang pinag iisipan ko. But I was wrong. Tumatak na talaga sa utak ko mukha ng lalakeng 'yun. Lalong lalo na ang pamamaraan ng panliligaw niya sa akin.
This is new to be honest. Nakakaexcite na sobrang saya. 'Yung feeling na may lalakeng pinaghihirapan na makuha ka niya. Gagawin niya ang lahat. Ang gaan kasi sa pakiramdam eh. Hindi pa nagtatagal ang panliligaw ni Zev sa akin pero sobrang sarap na sa feeling.
Normal na ba 'to bilang babae?
Or masyado lang talaga ako naeexcite?
Nakatingin sa akin ang mga kaklase ko habang ang iba ay napapalingon sa akin palabas. Minsan hindi ko rin maintindihan ang mga kaklase ko dahil iba ang nababasa ko sa ekspresyon na nakikita ko mula sa kanila at sa mga sinasabi nila.
Well, Nevermind.
Wala lang talaga akong naging kaclose sa loob ng room. Sa ibang strands lang meron.
Hindi pa nga ako nakakalabas ay may humila na sa akin palabas.
"Baby! I miss you!" Yakap niya agad sa akin ng mahigpit.
Nagulat ako at napaubo.
"Z-Zev!"
Hinarap niya ako habang nakangisi.
"Where do you want to go? Friday ngayon baby!" Ngisi niya sa akin.
"Ano ngayon kung friday?" Tanong ko rito.
Napanguso siya at inakbayan ako.
"Hindi ka nagugutom? Ayaw mo gumala? Punta tayo sa mga mall dito?" Aniya.
Napaisip ako. Pwede naman ako gumala. Wala naman akong gagawin sa dorm ko pero..
"Camille!"
Agad na may tumawag sa pangalan ko mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko sila Tina,Dindy at Boshie.
"Hi!" Kaway ko sa kanila.
"Camille.."
Napatingin ako kay Zev. Seryoso na ang mukha niya.
"Sige gagala tayo." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Tumaas ang gilid ng labi niya at siya na mismo pinagsiklop ang aming mga daliri.
"Ops! Saan kayo pupunta?" Tina habang nagmadaling tumungo sa amin.
"Mall. Sama kayo?" Tanong ko.
Napangisi si Dindy.
"Sige ba! Sama kami!"
Mas lalo ako napangiti.
"Hindi. Hindi kayo sasama."
Natigilan kami nang magsalita si Zev. Napalingon ako rito sabay kunot noo.
"At bakit naman?"
Tinaasan niya ako ng kilay. Ano nanaman ba problema nito?
"Ayaw kong may istorbo sa atin dalawa Baby!" Aniya.
"Bakit? Dadalhin mo ba siya sa motel para makaistorbo kami?" Mataray na saad ni Boshie.
"Ano sainyo kung dadalhin ko siya sa motel?"
Nagulat ako sa sinabi ni Zev. Agad namula ang boung mukha ko at hinampas siya.
"P-Pinagsasabi mo Zev?!" Bulong ko rito. Tumingin ako sa paligid at kakaunti lang ang estyudante sa paligid. Baka marinig nila sinabi ni Zev.
"Totoo ba 'yun Camille?!" Gulat na tanong ni Tina sa akin.
Tumawa ako ng plastik. Anong motel?!
"H-Hindi! Nagbibiro lang si Zev! Sa mall kami pupunta!" Tumawa ako at kinurot sa gilid si Zev.
"Baby! Ang sakit nun!"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pinagsasabi mo kasi! Baka may makarinig sa'yo!" Inis na sabi ko rito.
Malambing siya yumakap sa akin.
"Baby naman. Ayaw ko lang kasi na may kasama kang iba. Gusto kita palagi isolo." Ngumuso siya.
"Hindi naman ako mawawala sa tabi mo!"
Napasimangot siya at umiwas ng tingin.
"Ayaw ko!"
Mas lalo ako napakunot noo. Nagmumukha siyang bata ha. Isip bata.
"Oh sige. Ikaw na lang hindi sumama! Kami na lang pupunt—"
"Fine fine! Let's go!" Aniya at hinila ako.
Napangisi ako at natawa ang mga kaibigan ko sa pagbabagong isip agad ni Zev. Papayag din naman pala siya eh.
"Bukas idadate kita!" Mariin niyang bulong sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya ng pagkatamis tamis.
Hindi mo ako matitiis Zev. Tignan ko lang kung hanggang saan ang pasensya mo para sa akin. And I can tell na gusto mo talaga ako.
Nakarating kami sa Mall habang ako bigla kuminang ang mata ko sa mga boutique na nakahilera.
"Zev.."
"Hmm?"
Gusto ko ituro sa kanya ang mga damit na gusto ko pero baka hindi niya lang magustuhan ang gusto kong suotin. I like revealing clothes. Lumaki kasi ako sa lugar na normal sa kanila ang magsout ng reveal dress.
But nevermind. Baka sirain niya lang damit na 'yun at magalit sa akin. Pero hindi ko pa naman alam kung ano gusto ni Zev para sa akin. Baka gusto niya rin ng mga revealing clothes?
"Videoke tayo guys!" Suggestion agad ni Boshie pagkarating namin sa mall.
Pwede.
Napatingin agad ako kay Zev na nakasimangot.
"Zev.."
"Ano nanaman?"
Pinigilan ko ngumiti. Feeling ko ayaw niya talaga isama ang mga kaibigan ko kaya ganito na lang reaction niya.
"Videoke daw tayo.."
"Okay."
Napangiti ako at hinila siya papalapit sa mga kaibigan ko.
"Game!"
Tumingin ako kay Zev na nakasimangot pa rin. Nasa ibang direksyon ang kanyang mukha kaya hinawakan ko ang kanyang baba upang tignan niya ako.
"Zev.."
Natigilan siya at bigla sumeryoso.
"If you want. Papauwiin ko sila.." Sabi ko rito habang nag aalala.
Kailan ba ako nag aalala sa nararamdaman niya? Kailan ba ako naging ganito? Pakiramdam ko kasi natatakot ako na baka magalit siya sa akin or what. Ayaw kong napipilitan siya na pakisamahan ang mga kaibigan ko dahil lang sa akin.
"No. It's not that." Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.
"Gusto ko lang talaga na isolo ka ngayon. I mean it's friday baka wala ako bukas.."
Napakunot noo ako.
"I thought we are going to date tomorrow?" Naiinis na tono ko.
Nakagat niya ang labi niya at mas lalo napatitig sa akin.
"You are free tomorrow?"
"Of course!" Giit ko.
Mas lalo niya pinigilan ang ngiti niya at hinapit ako papalapit sa kanya.
"Okay. Cancel ko na lang gagawin ko bukas. Idadate talaga kita bukas!" Aniya at hinalikan ako sa ulo.
"Hello guys?! Ano hindi kayo susunod?!" Sigaw ni Tina sa amin.
Tumawa ako at niyakap sa bewang si Zev habang nagsimula na maglakad patungo sa kanila.
"Papunta na!" Sagot ko. Ngumisi lang sa amin si Tina at sumabay kila Dindy.
"Your friends are so irritating." Bumalik ang pagkasimangot ni Zev.
Napailing ako habang malaki ang ngiti ko. I was worried about his feelings. Pero bakit nga ba ako nag aalala? Is it because I really like him too? O baka in love na rin ako sa kanya? Ano?
Pero kahit wala akong mahanap na rason kung bakit ganun ang mga iniisip at sinisigaw ng puso ko. Patuloy ko pa rin ito sinusunod. Nawala ang standards ko sa mga lalake. Nawala ang lahat ng 'yun because I met Zev.
He's not perfect.
He's not that handsome.
Hindi ko masabi kung ilang persiyento ang kanyang kagwapuhan. I admit before na maganda ang kanyang mukha. He's bad boy looking before until now. Nadadala kasi ang kanyang abo niyang buhok at hikaw sa kanyang kabilang tenga.
Kaya masasabi ko na I lost my standards with boys. Nawala. And I am afraid na kapag dumating ang oras na wala na akong makita at si Zev lang ang tanging lalake na magiging kompleto ang buhay ko.
I might be fall hard until I got hurt.
"All that you got, skin to skin, oh my God.. Don't ya stop, boy!!!"
Bigla ako napangiwi sa kanta ni Tina.
"Somethin' 'bout you makes me feel like a dangerous woman!"
Nakaupo kami ni Zev sa couch habang nakasandal siya at nakaakbay sa akin. Nakasandal rin ako sa braso niya. Pero mas malakas pa ata ang tibok ng puso ko kesa sa sigaw ni Tina.
"Nothing to prove and I'm bulletproof and know what I'm doing!!!"
Natawa ako nang pumiyok sa huli si Tina. Ewan ko para siyang ewan. Tuloy pa rin siya kumakanta eh. Parang walang pakealam sa amin kahit masakit na sa tenga ang boses niya.
Pero hindi ko rin maiwasan matawa, hindi lang ako kundi sila Dindy at Boshie. I like her for being true to herself. She's so pure to the point na hindi na niya kailangan pa magbago para tanggapin siya ng mga tao. I can see that to her. That's her attitude that I've observed.
"Baby.."
Natigilan ako sa panonood kay Tina nang marinig ko ang mahinang bulong ni Zev sa aking leeg. Napalunok ako at nakiliti.
"A-Ano?"
"Can you sing for me?"
What?
Agad ako napaharap sa kanya upang mawala ang pagkasandal niya sa akin.
"Please?" Ngumuso siya.
Ayan nanaman siya. I mean he's using his charm to me! Parang ayaw ko tanggihan pero.
"Hindi ako marunong kumanta."
Hindi ako katulad ni Tina na malakas ang confidence niya kahit basag ang boses niya kaya pa rin niya kumanta.
"I don't care. I just want to hear you singing.." Paos niyang sabi.
Napatingin ako kay Boshie na siya na ngayon ang kumakanta.
"Drop everything now.. meet me in the pouring rain kiss me on the sidewalk! Take away the pain! Cause I see, sparks fly, whenever you smile!!" She sang normally but I can't do it like them.
Naiiyak akong tinignan si Zev.
"Zev naman.."
Napabuntong hininga siya.
"Fine.."
Sumandal siya at pumikit. Parang kinurot ang puso ko. Hindi naman talaga ako kumakanta. I can't sing. I really can't.. wala akong confidence.
Malungkot akong pinapanood ang mga kaibigan ko. They are laughing as hell. Parang pinagtatawanan nila ang isa't isa habang ako parang nasasaktan na nakaupo at dismayado sa tabi ko si Zev.
Nagulat ako nang gumalaw sa tabi ko si Zev.
"Bibili lang ako ng tubig." Aniya at hinalikan ako sa noo.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumabas ito. Nakagat ko ang labi ko at napayuko na lamang. Galit ba siya? Do I have to sing for him?
Hindi ko alam parang hindi ko na rin maintindihan sarili ko.
"Nag away kayo ni Zev?" Napatingala ako at nakita si Dindy habang hawak niya na ang mic.
"Hindi ko alam.." Sagot ko.
"Ano?!" Tanong niya tila hindi niya narinig boses ko dahil sa tugtog.
Tumango ako at pinakita na malungkot ako. Napailing ang tatlo.
"Sundan mo siya! Baka may kumapit sa kanya!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tina.
"Oo tama si Tina! Kapag nag aaway daw ang magjowa! Madalas daw naghahanap ng babae ang lalake para mawala galit niya!"
Parang tambol na dumagundong ang puso ko sa sinabi ni Dindy. Bigla ako kinabahan sa pahayag ni Dindy. Posible ba 'yun? Pero kahit ganun parang pwede mangyare 'yun sa amin dalawa!
Tumayo agad ako at nagpaalam na susundan ko si Zev. Agad ko nadaanan ang kabilang room at tinignan sa labas kung andoon si Zev.
Napakunot noo ako nang wala ako makita na pamilyar na bulto ni Zev sa labas.
"Mula nang aking masilayan...Tinataglay mong kagandahan...Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal.."
Agad na may dumaan na malamig na boses sa tenga ko mula sa likod ko. Nawala ang kaba ko at parang may sariling mga utak ang paa ko upang gumalaw iyon patungo sa kabilang kwarto.
"Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan... Pag-ibig ko sana ay pagbigyan."
Nagulat ako na makita ko mula rito sa posisyon ko ang lalakeng kumanta sa cover court! Sino nga ba siya? Nakalimutan ko. Pero alam kong taga- stem siya.
"Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa...Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba."
Bigla ako nangilabot sa ganda ng boses niya. Nakaupo siya habang damang dama niya ang kanta at nakapikit.
"Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na..."
Napalunok ako. Nagtaasan ang mga balahibo ko. May mga kasama siyang dalawang lalake na hindi pamilyar sa akin pero nakanga nga ako habang pinapakinggan mula rito ang boses niya.
"Shems!!! Ang ganda ng boses niya!"
"Oo nga! Nakakakilabot!"
"Si Chester diba 'yan?"
Napakurap ako. Doon ko narealized na hindi lang pala ako nag iisa na sumisilip sa room nila. Madami pala kami.
"Sana'y hayaan mong ibigin kita...Maghihintay pa rin at aasa"
Bigla siya nagmulat at nagtama ang aming mga mata. Nahulog ang panga ko nang ngumiti siya sa akin.
"Sinasabi ko na nga ba! May gusto siya sa akin!" Pahayag ng babae sa likod ko.
Agad na may humila sa akin upang magising ako sa realidad.
"Camille!"
Nagulat ako nang may malakas na kumakaladkad sa akin paalis mula roon.
"Z-Zev.."
Tumigil siya at galit na humarap sa akin. Bumalik ang matindi kong kaba sa puso ko na makita ang kanyang nagpupuyos na galit sa kanyang mga mata.
_____
Author's Note:
Congratulations! To our own beautiful Catriona Gray! Nakakaproud lang! You really deserve the title! At the very first time I saw you, I have the strange feeling that you have the ways to get the crown! Your aura is so very strong! So no wonder! We are so proud filipino :)
Updated.