#FL
______
"Here's your order Ma'am and Sir."
Mas lalo ako nagutom nang makita ko ang pagkain na inilapag sa harap ko.
"Thanks!"
Ngumiti sa akin ang babae at umalis. Sinimulan ko na kumain.
"Delirious right?" Tanong ko kay Zev sabay tingin sa kanya.
Bumalik ang pamumutla niya. Parang nawala ang ngiti niya kanina at napalitan ng pilit na ngisi.
"Y-Yeah. M-Masarap." Aniya sabay subo ng grilled meat.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang pamumutla niya. Baka masama lang talaga pakiramdam niya pero dapat niya sa akin sabihin 'yun.
"Oo nga pala. Hindi ba magagalit si Charity sa ginagawa mo ngayon?" Tanong ko.
Napatigil siya mula sa pagkain.
"What would she mad for?" Plain na aniya. Napatango na lang ako.
"Pero hindi ba may gusto siya sa'yo?"
Agad ko naman naalala ang nasaksihan ko sa library. She kissed him!
"So?"
Muli siya kumain. Napasimangot na lang ako. Baka nagkukunwari lang siya na walang pakealam eh.
"Eh ikaw? Sino ang katawagan mo noong nasa library ka?"
Ako naman ang napatigil.
"K-Kaibigan ko." Umiwas ako ng tingin.
Mariin niya ako tinitigan. Paano niya nalaman na may katawagan ako sa mga oras na 'yun?
"Kumain ka na nga lang!" Saway ko sa kanya. Naiilang na ako eh. Kanina pa siya mariin na nakatitig sa akin.
"Bakit? Bawal ba ako magtanong?" Seryoso na ang mukha niya.
"Hindi naman... kasi bakit pati 'yun natanong mo?"
"Nagtataka lang ako.." Yumuko siya at kumain.
Napalunok ako. Bakit parang bigla tumahimik bigla? I mean may alam ba siya about sa akin? Should I tell him na may fiancee na ako at bawal ako magpaligaw?
Pero pero... I like him too.. gusto ko rin maranasan pano ba ligawan ng isang lalake. I-I have never been experienced like this. I wanted to feel it. Ano ba sa pakiramdam na ligawan ako ng taong may gusto talaga sa akin?
"2,385 pesos.." Basa ni Zev.
Napansin kong umawang ang bibig niya at napahawak siya sa leeg niya.
"Okay ka lang?"
Nakuha ko agad ang atensyon niya.
"O-Oo, okay lang a-ako.." Pilit na ngumiti siya.
Napalunok muli siya habang titig na titig siya sa resibo. Bakit ano ba problema? Kanina pa siya namunutla bigla.
"Zev—"
Nilabas niya ang wallet niya at nilapag doon ang three thousand pesos sa lamesa. Agad na kinuha ng waiter iyon.
"Okay ka lang talaga?" Tanong ko ulit.
Humarap siya sa akin at bumuntong hininga.
"Concern nanaman ang baby ko." Aniya tila bumalik siya sa dati.
"Nag aalala lang ako.. bigla ka na lang namumutla.." Natawa na lang siya at muli hinawakan kamay ko.
"I love you too baby.." Ngisi niya.
Bigla lumakas ang tambol ng puso ko nang sabihin niya 'yun. Nanghina ako habang nakangisi siyang titig na titig sa akin.
"I love you baby ko." Sabay halik niya sa kamay ko.
Napamaang ako habang pinagmamasdan siya. B-Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko! Bigla bigla na lang siya magsasalita ng ganyan!
Agad ko binawi kamay ko nang paparating ang waiter.
"Here's your change sir."
Natatawang kinuha 'yun ni Zev at tumayo. Agad niya kinuha ang bag ko at mga gamit ko.
"Saan mo pa gusto pumunta?" Tanong muli ni Zev sa akin.
Agad niya sinakop ang kamay ko palabas ng El Resto.
"Come again!" Ani ng nakangiti na guard. Ngumisi si Zev sa kanya.
Anong meron?
Tumingin na lang ako sa wrist watch ko at agad ko nakita na mag aala una na.
"Zev may pasok ako eh." Sabi ko rito.
"Sabay na tayo." Aniya at sumakay sa jeep.
Habang nasa jeep kami ay mas lalo ako hinapit ni Zev sa bewang papalapit sa kanya. Masyadong masikip na sa loob ng jeep. At medyo naiinitan na rin ako.
"That assholes. Sarap tirisin ang mata."
Bigla ako nakiliti sa bulong ni Zev sa tenga ko.
"Huh? Sino?"
"Wala."
Kunot noo lang ako napatingin sa kanya. Masama ang tingin niya sa harapan kaya tumingin na rin ako kung sino ang tinitignan niya.
Nakita ko ang lalakeng nasa harapan lang namin na umiwas ng tingin mula sa akin at parang namula.
"Shit. Stop looking at him!" Bulong ni Zev at mas lalo ako hinapit papalapit sa kanya.
"Huh? Hindi ko naman siya tinitignan."
"Still."
Napanguso na lang ako. Minsan ang moody din ng lalakeng 'to. Hindi ko maintindihan ano umiikot sa isipan nito.
Bumaba ako nang tumigil ang jeep sa tapat ng school namin. Napakunot noo ako nang mahuli kong sinipa ni Zev ang paa ng lalakeng katapat namin bago siya bumaba.
Umalis na ang jeep at inakbayan agad niya ako papasok sa school.
"Hoy nakita kita kanina." Sabi ko rito at hinarap siya.
Tumaas ang kilay niya.
"Na ano?"
"Sinipa mo ang lalake kanina! Kala mo hindi ko 'yun napansin ha?" Napameywang ako at hinampas siya.
"Baby naman. Para sayo 'yun." Aniya at kinukuha ang kamay ko.
"Wag ka na magalit. Iba kasi siya makatingin sa'yo." Dagdag niya.
"Ayaw ko lang na may kinakaaway ka Zev." Sabi ko rito. Tumango siya at ngumisi.
"Opo baby."
Kahit pilit kong hindi ngumiti. Talo pa rin ako. Dahil sa simula pa lang alam ko hinding hindi ako mananalo pagdating sa kanya. Sobrang saya ng puso ko habang pabalik na hinahawakan ang kamay niya.
This is exciting. Alam kong pakiramdam ko may mali sa ginagawa ko pero hindi ko iyon pinapansin. I just like the way he calls me. Baby. I like to hear that from him. Hindi kailan man naging mali ang magkagusto sa taong alam mong gusto ka rin niya.
Kung gusto ka niya. Bakit hindi mo siya kayang gustuhin pabalik? Right?
Ganyan ang nakikita ko sa sarili ko. He likes me. He really likes me to the point na magugustuhan ko rin siya. And why would I stop my feelings from him diba? Ang puso ko na mismo nagsabi na masaya ako dahil sa mga kaya niyang gawin para sa akin.
"Blooming si ate mo."
Natawa ako sa sinabi ni Tina.
"In love eh." Napapailing na saad naman ni Boshie.
"Gusto ko rin tuloy magkajowa." Naiinggit na sabi ni Dindy.
Napailing ako sa tatlo habang patungo kami sa canteen. Naalala ko ang word na jowa. Feeling ko si Zev talaga naalala ko doon eh.
"Gutom lang 'yan." Natatawang sabi ko rito.
"Sus gutom daw." Tina.
Umupo kami sa bakanteng lamesa.
"Kahit naman mamatay ako sa gutom. Walang lalapit sa akin na lalaki." Simangot ni Dindy.
"Hindi ka naman kasi jowable." Saad ni Boshie.
Napakunot noo ako sa sinabi ni Boshie pero natawa na lang ako. Siguro tama talaga sila. Blooming ata ako ngayon dahil palagi akong tumatawa o nakangiti.
"Ang kapal baka ikaw."
Trigger na si Dindy kaya natawa nalang kaming tatlo.
"Magkakajowa din kayo tiwala lang." Sabi ko sa kanila.
Umirap lang si Dindy. Ngumisi na lang ako.
"Akala ko ba pupuntahan ka ni Zev di—" Tina.
"Speaking of the devil.." Boshie.
"Baby!!"
Nagulat ako nang may sumigaw mula sa labas ng canteen. Lumingon ako at nakita ko agad ang ngisi niya habang patungo sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Puro pagkain ang dala niya!
"'Yun! May pagkain agad!" Bulalas ni Boshie.
Agad kumuha nang isang upuan si Zev sa ibang lamesa na hindi nagpapaalam at umupo sa tabi ko. Agad niya nilapag ang mga pagkain sa lamesa namin.
"Wow! Salamat Zev—"
Naputol ang sasabihin ni Boshie ng iniwas agad 'yun ni Zev.
"Hindi sayo 'to. Tsk." Supladong aniya at tumingin sa akin.
"Para sa'yo baby!"
Napangiti ako at kinurot sa tagiliran si Zev. Wala talagang pinipiling lugar ang pagkasweet ng lalakeng 'to!
"Busog ako Zev!" Bulong ko habang natatawa.
Tumaas ang kilay niya. Nakapatong ang braso niya sa likod ng inuupuan ko.
"Hindi ako naniniwala. Ilang oras ang lumipas baby. Kaya ayaw kong nagugutom ka." Aniya.
Mas lalo ko pinigilan ang ngiti ko. Kinikilig ako! Pero pinigilan ko sarili ko at napanguso na lang.
"Zev.."
"O baka naman nagdidiet ka? Hindi ako papayag."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Natawa ako at umiling.
"Hindi ha!"
Mariin nanaman siya nakatitig sa akin. Nawala ang atensyon ko sa kanya nang bigla may nagsalita.
"Hello? Andito pa po friends ni Camille. Baka gusto niyo magsolong dalawa? Nakakaistorbo ba kami?" Tina habang kumakaway.
"Hindi!" Tumawa ako. "Kainin natin 'to." Sabi ko sakanila sabay tingin kay Zev.
"Kakainin ko na po." Paalam ko pa sa kanya.
Nilapit niya mukha niya sa akin habang seryoso na mukha niya.
"O-Oh baki—" Naputol ang sasabihin ko nang hinalikan niya ako sa labi panandalian.
Bigla ako nakarinig ng tili mula sa paligid ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Oh shit! Oh shit! I need water!" OA na tili ni Tina.
"Get a room." Rinig kong saad ni Boshie.
Nakatitig pa rin ako kay Zev na nakangisi ngayon. Ramdam ko ang pamumula ng boung mukha ko sa ginawa niya!
"Z-Zev.."
Bumulong siya sa tenga ko.
"Isa pa?"
Mas lalo lumakas ang takbo ng puso ko. Hinawakan niya kamay ko at pinagsiklop.
"H-Hindi mo dapat 'yun ginagawa sa p-public.."
"Hmm? Bakit naman? Baby naman kita ha."
Nakagat ko ang labi ko at hinampas siya sa braso.
"Zev! Ang daming nakakita nun! Baka maguidance tayo!"
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Wala akong pakealam sakanila Camille. Gusto kong gawin 'yun sa kahit kailan ko gusto o saan man na lugar gusto ko. Kung gusto kita halikan ngayon. Hahalikan kita."
Nanghina ako. He's too clingy but I love it.
________
Updated.